Shadows Of A Silverharth [COM...

By hiddenthirteen

1.6M 63.8K 8.4K

Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the u... More

HIDDENTHIRTEEN's NOTE
/1/ Martes' Rage
/2/ The Taste of Martes' Wrath
/3/ Weapon Summoner's Cry
/5/ Signus Academy
/6/ Versus Fire And Finnix
/7/ Signus Ring
/8/ Crystal
/9/ The Sleeping King
/10/ 5th Link: Singko
/11/ Meet The Bluebloods
/12/ Joining A Guild
/13/ Viper Guild
/14/ Impossible!
/15/ The Final Test
/16/ Ester's Signus
/17/ Land of Blossom
/18/ Ester's Signus: Uno
/19/ Ester's Signus: Dos & Tres
/20/ Quatro & Singko
/21/ Sais & Siete
/22/ Links United
/23/ The Great Pretender
/24/ His Warm Side
/25/ Lucas Eathren's Gaze
/26/ Truths and Denials
/27/ Lucas' Past
/28/ At Blueblood's HQ
/29/ Signus Improvision
/30/ Fighting Rizka
/31/ Jealous Men
/32/ Bad Night
/33/ Everyone Cares
/34/ Mr. Magnus' Side
/35/ Crazily Evil
/36/ Bluebloods In Danger
/37/ Saved
/38/ Ester's Action
/39/ Lucas' Angel
/40/ Mission Changed
/41/ Southwestern Academy
/42/ Unofficial Confession
/43/ Reen's Nightmare
/44/ The Past
/45/ Love Over Demon
/46/ The Future
/47/ Kidnapped
/48/ Ester Vs. Masked Mistress
/49/ RUN!
/50/ The Shadow's Identity
/51/ I Know
/52/ Love and Broken
/53/ Four Months Later
/54/ Warn Them
/55/ The Game
/56/ Monsters
/57/ Reveal
/58/ Killing Spree
Chapter 59: Papa
Chapter 60: The Summoner's Wrath
Chapter 61: Death and Tears
Chapter 62: Who's who?
Chapter 63: Truths and History
Chapter 64: Rathro Is Evil?
Chapter 65: Heaven in Evil's Hand
Chapter 66: Truths
Chapter 67: The Chase
Chapter 69: I Am Ester Silverharth
Chapter 68: Otso, Eighth Link
Chapter 70: Battle Preparations
Chapter 71: The Coronation Day
Chapter 72: War in Archania Palace
Chapter 73: The End?
Chapter 74: Death of Life
Chapter 75: Life Versus Death
Chapter 76: The Legend
The Final Chapter
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

/4/ Journey to Academy

36.5K 1.4K 194
By hiddenthirteen

Chapter 4:
JOURNEY TO ACADEMY

[10 YEARS LATER]

Ester's POV

"Ate ayos ka lang?" nag-aalalang sigaw ni Marko na nasa kabilang banda ng nakasarang pinto ng aking kuwarto. Ito ang dahilan kung ba't pwersahan kong pinigil ang pagdaloy ng masklap na nakaraang naranasan ko.

Sa bawat pagkakataong naaalala ko kung paano pinatay ang pamilya ko ay hindi ko mapigilang ilabas ang killing intent ko. I badly want to kill those who killed them. Kaya siguro naalarma si Marko dahil malamang naramdaman nito kahit sa malayo ang kagustuhan kong pumatay.

Si Marko. Ang signus niya ay Advanced Healing at may karagdagang kakayahan siyang maramdaman ang nararamdaman ng iba. Apo siya ni Tatang Isko kung saan niya namana ang kakayahan niyang manggamot. Silang dalawa ang kumupkop sa akin sa loob ng sampung taon simula nang matagpuan nila ako. Naliligo raw ako sa sarili kong dugo, nakahilata sa damuhan noong araw na ako'y kanilang makita, ang araw matapos ng brutal na pagpatay sa tunay kong pamilya.

Walang natira sa kanila, kahit na ang kambal ko ay hindi ko na rin nakita magmula noon.

It has been ten years, ten years without them. Ibig sabihin, sampung taon ko ng dinadala ang poot sa aking puso. Sampung taon na simula nang puspusan kong pagte-training dala ang hangaring maghiganti.

Ngayon, siguro'y handa na ako. Handa na ako para harapin SILA. Handa na akong dungisan ang sarili kong kamay.

"Ate, tapos ka na ba mag-empake?"sigaw muli ni Marko.

Hindi ako sumagot dahil tinatamad ako. Bagkus, sinadya kong marahas na isara ang zipper ng bag ko upang marinig ni Marko at malamang O'o ang sagot ko sa tanong niya. Clues.

Sinukbit ko ang aking bag sa balikat at tumayo na mula sa kama. Nilibot ko ang aking paningin sa buong kuwarto. Baka ito na ang huling beses na maamoy ko ang lugar na ito, ang amoy ng mga librong halos pumuno sa dingding sa palibot ng kuwarto ko. Mga librong naipon dahil sa pananaliksik na ginawa ko tungkol sa mga posibleng maging kalaban ko sa hinaharap.

Bumuga ako ng hangin at buo ang kumpiyansang lumabas na.

"Tara na Ate!" Nakangiting saad ni Marko na siyang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto. Nakatindig siya ng maayos dahilan upang itaas ko ang lebel ng aking paningin upang makita ang kaniyang mukha. He has a blond undercut curly hair above his slim face kung saan nakapaloob ang singkit niyang mga matang lulan ang abuhing bilog kung saan ko nakikita ang aking repleksyon. Bumagay ito sa matangos niyang ilong at maliit niyang labi.

"Uhm," ang tanging tunog na nilabas ng lalamunan ko at nauna nang lumabas ng bahay. Bumaba ako sa hagdang gawa sa kahoy.

"Tatang aalis na po kami," pagpapaalam ng nasa likod kong si Marko kay Tatang. "Ate's feeling says she's going to miss you!" Dagdag pa niya na nagpangiti kay Tatang.

"Sige na, mga apo. Malayo pa ang lalakbayin n'yo. Mag-iingat kayo sa daan, ha," habilin ni Tatang. Nagmano kaming dalawa. "Paalam, Tang," mahina kong sambit paglapat ng likod ng palad ni Tatang sa noo ko.

Nagsimula na kaming maglakad palayo. Tinahak namin ang masukal na daan tungong Signus Academy.

Makalipas ang pitong oras ng paglalakbay ay natatanaw na namin ang akademya ngunit bago makadating doon ay kailangan muna naming dumaan sa isang masukal na parte ng gubat.

Madilim dahil natatabunan ng matatayog na puno ang liwanag na dala ng araw. Tanging anino ng nagtataasang mga puno ang nakikita ko. At tanging mga huni ng insekto at ang pagkadurog ng mga dahong naapakan namin ang naririnig.

"Ksksksksssks,"nabaling ang tingin namin ni Marko sa kaluskos na aming narinig. Nakaramdam ako ng malakas na killing intent at sa isang iglap, "Grrrrrrrrrrrr!" yumanig nang kaunti ang lupa nang may lumundag na mabangis na tigreng nababalot ng bakal ang matutulis nitong mga kuko.

'Hmm! I smell a huge fight,' sabi ko sa sarili ko.

"Ate, hindi 'yan normal na beast lang! Tinatawag 'yang Metal-Clawed Tiger, isa sa pinakakinakakatakutang A-class demonic beast. Hindi ko kakayaning talunin 'yan nang mag-isa! Kakailanganin ko ang tulong mo," pabulong na saad ni Marko na ngayo'y naka-fighting position na.

"Akala ko ba kabilang ka sa Ace Section ng Signus Academy. Sa pagkakaalam ko, malalakas lahat ng nasa Ace Section. Let me see kung totoo nga ang nabasa ko sa libro," sabi ko sabay talikod sa kaniya.

"Pero Grand Healer lang ako Ate! How am I supposed to fight that ferocious beast?" he shouted at pinaningkitan niya ako ng mata. Dahil dito naalerto ang Metal-Clawed Tiger at sinugod siya.

"Don't worry, I'm on your back if things get bad," sabi ko at kumindat. Sumandal ako sa isang puno at pinanood ang labanan.

"Grrrrr!" Naglalaway na sumugod kay Marko ang Metal-Clawed Tiger na mabilis niya namang nailagan. Kinalmot siya ng tigre gamit ang mga kuko nito sa kanang kamay. He did a back-dive to dodge it at kasabay ng pag-land niya sa lupa ay lumiwanag ang kaliwa niyang kamay. Isang sewing ball ang nagpakita sa palad niya.

Sa pagkakaalam ko, 'yan ang weapon ni Marko. Kaya siya nitong bigyan ng unlimited source of needles na pwede niyang gamitin sa panggagamot at pakikipaglaban. He plucked three needles at pinuntirya niya ang mata ng Metal-Clawed Tiger.

"Arrww!" malakas na hiyaw nito na halos narinig sa buong kagubatan.

"Good job, bro!" sigaw ko. Dahil sa ipinakita ni Marko, napatunayan niyang magaling nga magturo ang mga propesor sa akademya.

"Siyempre Ate, ako pa!" mahambog na sabi ni Marko. Ngunit bigla siyang naalerto nang lalong lumakas ang ungol ng tigre.

"Grrrr!"

"Grrrr!"

"Grrrr!"

Biglang nagliwanag nang kulay pula ang tigre at unti-unting nagbago ang pisikal na anyo.

"Hala, Ate! The beast going berserk!" tarantang sigaw ng kapatid ko.

Nagulat din ako sa biglang pagbabago ng anyo ng tigre. If a beast got berserk, its attributes would also increase making it harder to deal with. Its class would also rank-up one stage.

Nang mawala na ang liwanag, tuluyang tumambad ang pagbabago nito. Buong katawan na ng tigre ang nababalot ng bakal at ang mga kuko nito ay humaba ng tatlong beses. It became an Evolved Metal-Clawed Tiger at isa na rin itong S-class beast.

"Marko! Throw needles into its pressure points and try to paralyze it!" utos ko na agad naman niyang ginawa.

"Sniper Needles!" sigaw niya at nagpakawala ng mga karayom habang tumatakbo palibot sa Evolved Metal-Clawed Tiger. He tried to paralyze it but his needles could not penetrate its metal skin. "Ate, hindi na siya matablan ng mga needles ko!" taranta niyang sigaw.

'It seems its defense has also increased,' I thought. "Leave this to me," I said as I stretch my neck and arms.

"Sinko, Sais, Mask-up!" ramdam kong may dalawang uri ng lubid na pumulupot sa mga ugat ko. Dumaloy ang pamilyar at malakas na enerhiya sa katawan ko. Mainit ngunit masarap sa pakiramdam.

Tila naalerto ang tigre sa pagbabago ng aura ko kaya ako ang sunod na pinuntirya nito. Mabilis na sumugod sa akin ang Evolved Metal-Clawed Tiger at kinalmot ako. Tumalon ako paatras upang umiwas ngunit hindi pa ako nakakabawi ng balanse ay paparating na kaagad ang pagsakmal nito. Inikot ko ang aking katawan pakaliwa habang iniipon ang buong lakas sa aking kanang kamay. Nang makakuha ng magandang tyempo, sinuntok ko ang tigre dahilan para ito ay mahilo.

Hindi na ako nagsayang ng oras. I ran and slided-down under the tiger's belly and punched it with a concentrated force in my fist. Tumilapon ito at tumama sa makapal na sanga ng puno bago muling bumagsak sa lupa.

Bumalik sa dating anyo ang Metal-Clawed Tiger at nawalan ito ng malay. Niyakap ko ang leeg ng nilalang at buong lakas ko itong inikot. Malakas na tunog ng pagkabali ng mga buto nito ang aking narinig. "Done!" sambit ko habang pinapagpag ang kamay ko.

"Ang galing mo, Ate!" Puri ni Marko na humahanga pa rin sa pakikipaglaban ko.

"5% palang iyon ng kung ano ang kaya kong gawin Marko, saka ka na humanga kapag nakita mo akong ginagamit ang 50% ng signus ko," sabi ko at tinapik siya sa balikat. Sa kaniya lang ako komportable ng ganito kaya nakukuha kong magbiro.

As Singko and Sais was still in my body, hindi ko naiwasang mabasa ang nasa isip ni Marko at maramdaman ang emosyong bumabalot sa kaniya.

'5 percent pero natalo niya ang S-rank beast ng gano'n-gano'n lang? Ano kaya ang kayang gawin ni Ate,' I heard in his mind as he was having goosebumps at the same time he was confused.




***

Singko and Sais, sino o ano kaya sila?

At ano kaya ang signus ni Ester?

Malalaman natin 'yan sa mga susunod na kabanata.

Don't forget to comment your reactions and vote before leaving!

Continue Reading

You'll Also Like

475K 15.2K 62
Bata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipong ang sarap pag initan ng ulo kahit wala...
380K 14.2K 62
✔COMPLETED | She's The Cursed Goddess (Demigod Trilogy Book 1 of 3) She was created by mistake and has been dealing with bad luck ever since she was...
23.3K 111 52
Bugtong here bugtong there.
3.5M 113K 69
In the Land of Divine Continent, there's a renowned myth about the mysterious demigod who bears crystal blue eyes. It was foretold by the oracle that...