Heart By Heart (The Architect...

By zamerra

652K 10K 410

[The Architects Series #2: Lauren Del Valle] Traumatized by her past love, Lauren Del Valle still manages t... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27- Amore In Fiamme
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 (Part 1)
Chapter 40 (Part 2)
Epilogue

Chapter 10

14K 217 11
By zamerra

L A U R E N 

Tinahak na muli namin ang daan pabalik sa bahay ni Caius dito sa probinsya. Hindi ko pa rin talaga alam kung nasaan kami ni Caius. Basta ang alam ko, nasa probinsya kami. Kahit kailan talaga, mahilig si Caius sa surpresa. Tinignan ko ang bintana at mabilis palang lumipas ang araw at gabing-gabi na.

Tumingin ako sa dinadaanan namin at parang pamilyar sa akin ang buong lugar. Hindi ko lang masabi kung kailan, pero alam ko, napuntahan ko na ang lugar na 'to dati. Napakunot ang noo ko. I know I've been in this place before, gustuhin ko 'mang tandaan pero sadyang ayaw ng isip ko pakipagtulungan sa akin.

I heaved a sigh. "Caius, pwede bang hinaan mo ng kaunti 'yong aircon?"

Ginawa naman niya 'yon at ibinigay sa akin ang jacket niya habang nakatuon ang paningin sa daan. "Wear it, it smells like me, don't worry."

I chuckled. "'Kaw talaga!" Inagaw ko mula sa kanya ang leather jacket.

Pero, bago ko muna ito isinuot ay tinignan ko muna ito. Ito 'yong jacket na ibinigay niya sa akin noong unang pagkikita namin. A smile, was traced on my lips. Nakakatuwang isipin, na ginawa talaga ni Caius ang bagay na 'yon para makalapit sa akin.

"Akala ko ba, nilalamig ka?"

I hugged his jacket. "This is the jacket you gave to me, the first time I saw you."

Humagikhik siya. "Still remember?"

"Siyempre naman," wika ko habang sinusuot ang jacket muli at naamoy ko na naman ang pabango niya na palagi kong hinahanap-hanap. "Hindi ko makakalimutan 'yon. Akala ko nga, 'yon na ang araw na sobrang embarrassing para sa akin."

"Hindi na siya naging embarrassing dahil nakilala mo ako?"

Tumawa ako. "Hmm... Siguro!" Tuluyan kong na-suot ang jacket niya at saka niyakap ng mahigpit ang sarili ko. Ang bango-bango talaga ni Caius.

I let my eyes to see the beautiful road that we were hitting. May mga ilaw na sa paligid nito at napapangiti talaga ako sa tuwing makakakita ako ng mga kumikinang na bagay.

Until... I felt myself, remembering something that I lost.

●♥●  

"Mom! Did you know that Ate already has a crush on one of her classmates?!" Binatukan ko si Xander sa sobrang inis. "Aray! Ate naman!"

"Tumahimik ka nga! Mom! What Xander was saying was not true!" I said, defending myself.

"I want to meet that guy, Lauren," Sabi naman ni Mama.

Nanlaki naman ang mga mata ko. "I said, wala nga e!" Giit ko pa.

Nakita ko namang ngumiti si Mommy at humarap kay Daddy. "Tignan mo nga naman, Philip, may crush na pala ang only princess natin e."

I just rolled my eyes. Nakakainis! Narinig ko naman na humahagikhik si Xander sa tabi ko at nilingon ko naman si Kuya na nag-babasa lang ng kanyang libro. Ano ba 'yan! Kahit si Kuya ay hindi ako magawang kampihan at sobrang busy lang niya sa librong binabasa niya!

"Malapit na po ba tayo, Mom?" I asked her.

Tumingin ako sa buong paligid at saka ko napagtanto na ang lakas na pala ng ulan sa labas kaya mabagal lang ang takbo ng sasakyan namin. Napag-isipan kasi ng buong pamilya namin na mag-bakasyon muna, it is because it's our semestral break at our school.

"Nearly there, Princess."

Bumuntong hininga ako at muling itinuon ang paningin ko sa kalsada na dinadaanan namin. Nagulantang ako ng biglang may isang sasakyan na pilit na inuunahan ang sasakyan namin sa takbo nito.

Nainis ako at saka ibinaba ang car shield at nagtapon ng ballpen na hinugot ko sa bag at saka ibinaba ang bintana ng kotse at pilyong itinapon sa loob ng gulong ng kotse.

"Hala, Ate! Anong ginawa mo?!" Takang tanong ni Xander.

Humagikhik nalang ako at napa-iling-iling. Ayoko lang kasi na may pilit na umuuna sa takbo ng sasakyan namin e!

"SHIT! RUTH, KIDS! Heads down!" Nagulat kami sa biglang sigaw ni Daddy.

●♥●  

Nasapo ko ang noo ko. "Aww..."

Tumigil si Caius at itinabi ang sasakyan sa gilid. "Are you okay?"

Umiling ako at pilit na ngumiti. "I think m-my memories are now going back, since that day happened," I said and grab a bottle of water from my bag.

"Memories?" I saw him looking confused.

Marahan akong tumango. "Hindi masyadong na-detalye sa akin ang buong kuwento ng mga magulang ko, e."

Tumigil muna siya at tinitigan lang ako. "So I see... your memories are now going back," He then, smirked.

Kahit medyo masakit pa ang ulo ko ay hindi ko maiwasang ma-intriga sa kakasabi niya lang. "H-huh?"

Hirap na rin akong tumingin sa kanya at sobrang nahihilo na talaga ako, idagdag mo pa ang sakit ng ulo ko dahil isa sa mga memorya ko ay bumalik na. Naputol nga lang at hindi tinuloy. Aksidente? Hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim.

Na-aksidente ba ako kaya ako nagkaroon ng memory loss na sinasabi ng mga doktor?

Umiling nalang si Caius. "It's nothing, Babe. Let's go? You might want to have a rest, first?"

Tumango nalang ako at marahan na hinaplos ang sentido ko. "S-sige..."

Para humupa ang pagkahilo ko ay agad kong hinugot mula sa bag ko ang isang mp3 player at madaling isinuot ang earphones ko na kulay pink at pinindot ko kaagad ang 'play button'...

I need another story

Something to get off my chest

My life gets kinda boring

Need something that I can confess

Panandalian akong tumingin sa mp3 player ko at agad na inilipat ang mga tingin ko sa bintana ng sasakyan. I was mesmerized by the view of the road lights -- it was all colorful.

'Til all my sleeves are stained red

From all the truth that I've said

Come by it honestly I swear

Thought you saw me wink, no

I've been on the brink, so

Maraming pa ring mga kwento ang sikreto ang nanatiling nakabaon sa utak ko at hindi ko magawang tandaan. Isa na rin doon ay ang kung paano ako nagkaroon ng tinatawag na Memory Loss. Ang sinabi ng mga magulang ko ay sobra daw naapektuhan ang ulo ko nang dahil sa aksidente?

Tell me what you want to hear

Something that will light those ears

Sick of all the insincere

So I'm gonna give all my secrets away

The doctors said it was not literally Amnesia. But this kind of memory loss that I have is a long-term. It will took decades for me to remember everything that happened that day. At, gustong-gusto ko nang malaman ang tungkol doon.

This time don't need another perfect lie

Don't care if critics ever jump in line

I'm gonna give all my secrets away


I AM holding a glass of water and sitting here on the kitchen counter, swaying my feet up and down. Pilit ko pa ring ibinabalik sa isipan ko ang nagbalik na alaala ko kanina. For me, it's still a puzzle -- a big puzzle to be solved.

I sighed. "Ang hirap naman ng kondisyon ko," bulong ko sa sarili ko at uminom ng tubig.

Hindi ko na muna masyadong pinansin si Caius, kaya kahit pag-punta namin dito ay hindi ko siya iniimik. Mabuti nga at sinasakyan niya ang pagpapalit ng mood ko, e. Ganon na rin siya, pero mas gusto ko na sinusuyo niya ako.

"Ang tagal naman maligo ni Caius," wika ko muli sa sarili ko at tumayo na at inilagay ang baso sa lababo.

I sighed again and washed the glass. "Denisse, babe?" Halos mapatalon ako ng marinig ko si Caius mula sa likuran ko. Hindi ko siya nilingon at itinuloy lang ang paghuhugas ng baso mula sa sabon nito. "Hey..."

He whispered and finally washed my hands. "B-bakit?" I finally uttered a word.

"You're not okay, my queen." Ipinunas ko ang kamay ko sa basahan at itinungkod ang palad ko sa dulo ng lababo.

I let out a deep sigh, a very deep one. "You see, I have this kind of condition..." I cleared my throat as he hugged me from behind.

"What kind of condition?" He asked as I felt his chin landed on my shoulder.

"Memory loss, that's what it called." I said, stammering.

"Memory loss?"

I held his hand and felt the warm of it. "A long term kind of memory loss."

"I see... is that why you were over thinking while on the drive?"

Tumango ako at humarap sa kanya. "Pasensya na kung hindi na kita pinansin. Masyadong malalim lang talaga ang mga iniisip ko. Gusto ko lang kasi na--"

He cupped my face. "It's okay, Denisse. I understand you. You want to regain your lost memories before."

I smiled and he smiled too -- gumagaan talaga ang loob ko. He understands me, and I'm glad about it. "Thank you, Caius... thank you."

Inilapat niya ang labi niya sa akin at mabilis na ikinilos ang labi niya mula sa akin. I felt his teeth touched my earlobe and went down to the side of my neck and unto my jaw line. "C-Caius..." I whispered his name.

Napatigil siya at tinignan ako sa mata. "I respect you; I still know my limitations, babe. I'll be waiting for the right time." I was touched by what he said. I love that side of him.


HE TOUCHED my hand tight as we walked unto the bright lights of the festival that this province is celebrating. Dumadaan na kami sa entrada at agad kaming sinalubong ng mga naka-linyang mga babae ang nasa tradisyonal na mga costume.

Agad nila kaming sinuotan ng mga kuwintas na gawa sa isang kulay kayumanggi na lubid at pinalilibutan ng mga balahibo at bato na nakaguhit na parang espada sa gitna nito. "Let's enjoy the festival, my queen."

Hinila niya ako muli at tumigil kami isang gilid at natanaw ko ang mga nag-sasayawang mga kababaihan suot ang kanilang tradisyonal na kasuotan. "Traditional dance?" I ask him.

Pinisil-pisil niya ang kanang kamay ko. "Do you want us to join with them?"

Mabilis akong umiling. "Ayoko!"

He chuckled. "Just kidding, let's just watch them finished the dance."

At saka pumunta sa likod ko at niyakap ako sa likod at ipinatong ang ulo sa balikat ko. Isama mo na rin ang pag-pulupot ng maskuladong braso niya sa bewang ko. "'Wag ka naman masyadong yumakap sa akin, Caius."

"I can do this all the time."

Nagkibit-balikat na lamang ako at hinayaan nalang siya. Inilipat ko na rin kaagad ang tingin ko sa mga sumasayaw. Ilang minuto na rin ang lumipas at ramdam kong hinahalik-halikan na ni Caius ang kanang balikat ko at parang may bumubulong.

Hindi ko maiwasang mapangiwi. "Caius!"

Tumawa lang siya at hinapit ako ng mas malapit sa kanya. "Giving you love bites, my queen."

Sinilip ko ang braso ko at hindi ko maiwasang batukan siya. "Caius naman, e! Bakit mo ako binigyan ng ganito?!"

"Nakikita mo ba ang lalaki doon?" Sabay nguso sa mga lalaki na nakatingin pala sa akin. "Is it wrong to mark you mine? No one can steal you from me, Lauren Denisse," seryosong saad niya. "I'm just showing to them that they have no place in your life."

Napairap ako sinabi ni Caius. Kahit kailan talaga... ang lalaking 'to!

Nagpalakpakan na rin ang mga tao hudyat na tapos na pala ang sayaw. Hinila ako muli ni Caius at hindi ko maiwasang magreklamo. "Uy! 'Wag mo naman ako masyadong hilain, Caius!"

Tumigil siya salit at sinabayan na ang bilis ko sa paglalakad. "Gusto kong makita mo 'yong fireworks display."

"Meron?!" I asked, excitedly.

"Gusto kong makuha natin ang first row sa upuan para mas lalong makita ang display."

Bumitaw ako sa kanya at saka tumakbo papunta doon sa mga natatanaw ko nang upuan. "Tara! Dali!"

Tumakbo ako at saka nakipag-unahan sa mga tao na nakakasalubong ko. Gusto kong makita ang fireworks! Paborito kong manood ng mga ganoong show!

"LAUREN!" I heard him shouted pero, buti nalang at umupo na ako sa isa mga upuan sa harapan at saktong sa gitna pa. 

Tinignan ko ang kalangitan at hindi ko namamalayan na tumabi na pala sa akin si Caius. "Don't do that again!" Rinig kong bulyaw niya, pero hindi ko nalang siya pinansin.

Rinig ko na rin ang sigaw ng mga tao na halatang sinasabayan ang countdown. Tumayo na rin kami at nakisabay na rin ako sa sigawan nila.

Ilang sandali pa ay lumabas na rin ang kaabang-abang na fireworks display at hiyawan ng mga tao na nasa paligid namin. My favorite ones were appearing before my eyes and I smiled widely. "Caius..."

"Hmm?"

Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. "Thank you for this day."

He made me turned and faced him. "Always for you, my beautiful queen..." I closed my eyes as I felt his lips embracing mine.

●♥●

Song Used: Secrets by One Republic (Cover By Tiffany Alvord)



Continue Reading

You'll Also Like

155K 4.1K 29
Book One Trixie Alexandra Tan is the daughter of a Filipino Chinese businessman and was considered a spoiled rich brat. Bored with her rich and famou...
10.5K 318 35
FAR IN TIME (Completed) Romance/Teen & General Fiction Language : Tagalog-English "You are the sun that light up my life, but can be the heat that w...
239K 4.8K 49
Sapphira is a sophisticated and carefree woman but, commitment is her greatest weakness. She rather choose to be single for the rest of her life than...
798K 9.8K 47
[The Architects Series: Xander Del Valle (part two)] "Showing it to them that I am a changed man, a responsible father and a possessive husband..."...