Dear Diary

By iammissblue

6.3K 60 10

( tagalog story ) ang dating ng kwento nito ay parang pagkwekwento lang kasi first person ang gamit ko so... More

Dear Diary
Chapter 1: Mr. Ray-ban
Chapter 2: Fireworks
Chapter 3: Kiss
Chapter 4: Family
Chapter 5: "I Like you"
Chapter 6: Ano nga ba?
Chapter 7: Masquerade
Chapter 8: Numbness
Chapter 9: nakakahilo... nakakalito...
Chapter 10: Birthday Wish
Chapter 11: "Ama"
Chapter 12: about to lose
Chapter 13: "Ina"
Chapter 14: Torn between two lovers
Chapter 15: Jake
Chapter 16: Twilight
Chapter 17: Pagpapatawad
Chapter 18: Somebody that I used to know
Chapter 19: Someone like you
Chapter 20: Maling akala
Chapter 21: Unexpected
Chapter 22: Baby Austin
Chapter 23: Sunset
Chapter 24: Ex-girlfriend
Chapter 25: That should be me
Chapter 26: it's my Insecurities...
Chapter 28: I love you... will you...? [Part 2]
Chapter 29: Mr. Hernandez
Chapter 30: Surprise!

Chapter 27: I love you... will you...?

173 2 0
By iammissblue

Chapter 27: I love you... will you...?

3 days na lang before the wedding. Now, ang paghahandaan ko naman ngayon ay yung bridal shower...

Ang bridal shower party ni Ate Victoria ay ginanap sa hotel. Simple lang ang motif, white, black and pink. Long tables ang napili niyang gamitin para sa event kasi gusto niya, lahat magkakaharap at nagkakausap talaga. Ayaw niya magkaroon ng others.

Bawat table, it consists of 8 black chairs, 3 sa each sides and 1 in each end. Tapos ang center piece na pareho naming naisip na bagay ay yung glass layered center peice tapos may pink and peach flowers para fresh ang dating, Para romantic din tignan dahil plain creamy white ang table cloth. Pati nga kutsara at tinidor ay nakikimotif din dahil ang may touch of black ang mga ito.

Then for the souvenirs, isang box na may lamang cupcake na nakasulat ang name ng bride and groom plus isa pang mini box kung saan may lamang pink lipstick. Cool noh? Ako kaya? Pag kinasal ako, san at ano gagawin ko sa bridal shower ko? Hmm...

“Chloe,” sabay akap sa’kin ni ate. “Thanks for helping my mom to prepare all this.”

“Wala yun...”

“No, really, akala ko hindi na masusulusyunan yung location...”

“Nagkataon lang naman kasi na nagkagig ako dito dati, naging acquiatance ko yung manager.”

Napangiti siya at niyakap ulit ako, “Thank you talaga...”

Then habang paalis na ko sa akap ni ate, biglang umikot ng mabilis ang mundo ko ng masilayan ko si Wilma. As usual, lahat napapatigil at titig sa kanya pag dumarating siya, nagpapakaimportante kasi... gusto pa atang talbugan si ate V.

And as usual, maganda na naman siya. Nakapony tail lang siya pero ang sophisticated tignan. Ganun ba talaga pag model?

“Ma’am!” bati ni ate Victoria sabay beso kay Wilma at sa dalawa pa nitong kasama.

Charlie’s angel?

“Ma’am Wilma, meet my future sister-in-law... Chloe Mercado.”

Nilipat ni Wilma ang tingin niya sa’kin. “We meet again.”

Ngumiti lang ako, pakitang respeto para sa girlfriend ni Kuya, pero kung wala siya baka deadmahin ko ‘tong babae na to.

“Where is Chris?”

Arte namang magsalita nito. “All girls party kasi so...”

“Ah.” Then bigla niya kong tinalikuran.

“May hindi ba ko alam?” tanong ni ate

“Well, ex...” bulong ko

“Oh my... I’m so sorry I didn’t—”

“It’s okay. Don’t mind me. It’s your party.”

~

Habang nagpapatuloy ang party sa may garden, pumasok muna ako sa hotel para magpunta sa restroom.

Dear Diary,

I don’t know with me and restrooms... kasi tuwing papasok ako may nagchichismisan na mga babae then mostly tungkol pa sa’kin. Ano ba meron?

Pagsara ko ng cubicle may pumasok na mga babae. Nagtatawanan at pinupuri yung party na, well, kasama ako sa mga nagarrange. Then biglang...

“Ang ganda ni Wilma noh...”

“Oo nga eh. Kamusta na kaya sila nung boyfriend niyang business man, yung gwapo.”

“I’ve heard na may girlfriend na daw yung guy...”

“Oh? Really? Eh nakita ko lang silang dalawa last week ah.”

“Really? On a date?”

“Parang kasi ang sweet eh... nagtatawanan silang dalawa at nakapalupot pa yung girl kay guy madalas.”

Then maya-maya humina na ang kwentuhan, mukhang palabas na sila ng restroom.

Pagbukas ko ng cubicle, bumungad sa’kin ang itsura ko... mukha akong malugi, natalo sa lotto o sa pustahan. Mukha akong kawawa na naman.

Simula nung pinayagan kong makipagkita si Christian kay Wilma, hindi niya pa sa’kin nakwento kung ano nangyari o napagusapan nila. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Christian, pero gusto ko lang malaman. Akala ko pa nga, automatic na magkwekwento sa’kin si Christian eh pero nung nagkita kami ulit, never niya nabanggit ang pagkikita nila. Kahit nga ngayon wala pa din.

Nasisiraan na ko ng ulo kakaisip ng mga pwedeng ginawa nila o nasabi sa isa’t-isa, pati tuloy pagtingin ko sa sarili eh naapektuhan na. wah! Hindi to healthy!

Pagbalik ko sa party, umupo ako sa table kung saan ako nakaupo kanina pa at tinext ko si Christian.

Chloe: Hi, busy ka?

May reply naman kagad...

Christian: Medyo, why?

Chloe: wala lang.

Christian: May problema ba?

Napabuntong hininga ako. Meron nga ba? Dapat ko bang sabihin sa kanya nafifeel ko this past few days?

Christian: tell me.

Chloe: Nandito si Wilma.

Christian: Inaaway ka ba?

Chloe: Hindi. Hindi naman. Wala naman siyang ginagawa, nageenjoy lang siya sa party.

Christian: Chloe, tell me the truth. What’s the matter?

Itytype ko na sana ang tungkol sa insecurities ko at curiousity ko sa pagkikita nila nang biglang nilapitan ako ni Wilma at pinakiusapan niya kong sumama sa kanya sa more private place, para makapgusap daw kami. Sumama naman ako, kasi alam ko namang hindi naman siguro gulo ang habol niya or what. Nandito ang mama ko bilang back-up ko, in case.

“Ano gusto mong pagusapan?” tanong ko

“Pera lang habol no diba?” bigla niyang sabi.

What the?

“You’re way to young para kay Christian. I know for sure may kailangan ka lang sa kanya.”

“Excuse me?”

“College student ka pa lang nun, business man kagad tinarget mo.”

“Tinarget? Adik ka ba? Tingin mo nilandi ko si Christian para lang sa pera niya?”

“Wow. Mabilis ka pala makapick-up.”

Napailing ako habang napapangiti, “Grabeh, ganyan ka ba kadesperado para kay Christian?”

“For your info, nauna ako sa kanya...”

“Wow, karera? Ano ka kabayo?” umusok ata ilong niya sa sinabi ko. “Ano paki ko kung nauna ka sa kanya? Hindi naman ikaw ang girlfriend... ako.” Tumalikod ako para umalis, pero hinila niya ko bigla, na muntik nang magpatumba sa’kin.

“Magkano ba kasi ha? Letche yang pagmamahal mo! Alam ko, pera lang habol mo sa kanya...”

Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya, “Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa’yo niyan? Nilandi mo ang daddy ni Christian para sa pera... tapos ako pa pagbibintangan mong gold digger?” natameme siya, bull’s eye! “Wag mo ako sisihin kung bakit wala sa’yo si Christian ngayon kasi it’s your fault not mine.”

“Minsan ka nang iniwan ni Christian, Chloe... pwedeng maulit yun.”

Iniwan ko na ang tuluyan si Wilma. Bumalik ako sa mesa kung san ko naiwan purse ko then sabay nagpaalam ako kay ate Victoria. Nagdahilan na lang ako na masama ang pakiramdam ko kaya kailangan ko nang umalis. Hindi ko na kaya pang makipagplastikan sa tao na, okay ako kahit hindi naman. Lalo pa’t nandun si Wilma.

Halo-halo ang emosyon ko ngayon. Gumaan ang loob ko dahil sa sigawan namin. Dun ko lang narelaize na, Masarap pala ang feeling ng nakikipagsagutan ng ganun, parang yung sa mga pelikula, pero masakit din dahil sa banta niya. Tama siya, iniwan na ko dati ni Christian dati at pwedeng maulit yun.

Shit! Nababaliw na ko. Bakit ba kasi ako ganito magisip? Napakapessimistic ko naman.

Chloe, ano ka ba? Ilang beses na nga sinabi ni Christian na ikaw mahal niya at wala ng iba tapos ganyan?

~

Pagdating ko lobby ng building ng condo ko, nakareceive ako ng text kay Christian na nandun siya sa taas, sa labas ng condo ko at nagaantay. Napatigil ako sa tapat ng elevator at biglang kinabahan. Hindi ko alam kung anong mukha ihaharap ko kay Christian. Nasira pa naman din mood ko.

 Sa pagsakay ko ng elevator, solo ako at hindi ko alam kung anong sumapi sa’kin, pinindot ko lahat ng button ng each floor hanggang eleventh floor kung saan ako nakatira. Siguro, it took me a minute and half bago tuluyang makaakyat.

Malayo pa lang, nakita ko na si Christian, nakasandal sa may pader at may kausap sa phone. Tumatawa siya, which is odd kasi madalas katrabaho lang niya kausap niya sa phone.

Pagtigil ko sa harap niya bigla niyang pinatay ang phone niya, “What happened?” biglang naging seryoso ang tono ng boses niya, malayo sa kanina.

Napakagat na lang ako sa labi ko. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko eh.

“Chloe?” sinubukan niyang himasin ang pisngi ko pero napaatras ako. Pareho kaming nagulat sa ginawa ko. “Chloe...” 

“Gusto mong kape?” tanung ko sabay bukas ng pinto.

Sumunod naman si Christian sa loob, pero alam ko, nakakunot ang noo niya, naguguluhan.

“Magiinit lang ako ng tubig ha...”

“Chloe, anong problema?”

“Hindi ko makita yung takure.”

Napabuntong hininga siya, “Hindi yun ang tinutukoy ko...”

Napatigil ako sa paghahalungkat sa kusina at napasandal na lang sa may lababo.

“Si Wilma na naman ba?”

Ayun, naiyak na ko. Hindi ko na kaya. Bumuhos na lang ang luha ko, sa sobrang hirap at bigat ng nararamdaman ko. Simula naging kami, hindi na ko nawalan ng problema sa buhay, lalo na sa relasyon namin.

Niyakap niya ko para patahanin pero ayaw tumigil ng luha ko sa pagpatak. “Sorry... sorry talaga...hindi... hindi ko naman ginusto ‘to... sorry.” sabi ko sa bawat hikbi ko.

“Wala ka dapat ihingi ng sorry...”

Umiling ako habang akap pa din niya ko, “Hindi... ako kasi may problema. Ako ‘tong tanga na pinagseselos ang sarili ko... naaapektuhan ang trust ko sa’yo, ang trust ko sa relation natin. Naaasar din ako sa insecurities ko.”

Napabitaw siya sa pagyakap sa’kin at tinignan ako direkta sa mga mata ko, “Naiinsecure ka?”

Tumango ako sabay iyak pa ng bongga.

Hinalikan ako ni Christian sa noo, “No, no... please don’t.”

“Natatakot ako na baka iwan mo ko... sabi kasi ni—”

“Tama na... wag mong isipin ang sinabi ni Wilma o kung ng sino man.”

“Sabi niya... I’m to young for you at—”

“Sabi ng tama na eh. Please.”

Tumigil ako sa pagiyak. “Ano ba dapat kong gawin para maniwala ka na, ikaw lang talaga. Na mahal, na mahal kita...”

“Sorry...” bulong ko sabay akap ulit sa kanya. “Sorry kung sira ulo girlfriend mo...”

“Matagal ko nang alam yun noh...” biro niya, “Ipangako mo na sa’kin simula ngayon na hindi mo na iintindihin si Wilma, okay? At kung may gusto kang malaman tungkol sa pagkikita namin o anything about sa ginagawa ko, tinatawagan ko, imimeet ko... sige lang. Tanungin mo ko.”

“Lahat?”

“Lahat.”

“Baka naman masakal ka?”

“Okay nang masakat kesa naman makita kitang ganyan... nasasaktan naman ako.” Sabay punas niya ng natitirang luha sa pisngi ko. “I love you...”

“I love you too.”

Then maya-maya bumuntong hininga si Christian, na parang may gusto pa siyang sabihin o idugtong sa I love you niya.

“Ano yun?” tanung ko

Nangiti siya saglit, “It’s been 2 years... well, almost. Kasi nagkahiwalay tayo...pero simula ng makita kita, minahal na kita... and since then hindi na tumigil pa. Ikaw ang babaeng nagpapasaya sa’kin at minsan nagbibigay ng sakit ng ulo...” sabay kurot niya sa pisngi ko. “A life without you is like not living at all.”

“Ahm... okay... what’s the catch?” biro ko

“Chloe...”

“Hmm?”

“Marry me...” 

Continue Reading

You'll Also Like

279K 17.3K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
2.7K 129 7
Mahal kita since Grade 1 Sa panulat ni Hari Sakura Panimula: Ang aklat na ito ay nagtatalakay sa kwento ng isang estudyante na nagngangalang Philipe...
159K 9.5K 21
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...