Dear Diary

By iammissblue

6.3K 60 10

( tagalog story ) ang dating ng kwento nito ay parang pagkwekwento lang kasi first person ang gamit ko so... More

Dear Diary
Chapter 1: Mr. Ray-ban
Chapter 2: Fireworks
Chapter 3: Kiss
Chapter 4: Family
Chapter 5: "I Like you"
Chapter 6: Ano nga ba?
Chapter 7: Masquerade
Chapter 8: Numbness
Chapter 9: nakakahilo... nakakalito...
Chapter 10: Birthday Wish
Chapter 11: "Ama"
Chapter 12: about to lose
Chapter 13: "Ina"
Chapter 14: Torn between two lovers
Chapter 15: Jake
Chapter 16: Twilight
Chapter 17: Pagpapatawad
Chapter 18: Somebody that I used to know
Chapter 19: Someone like you
Chapter 20: Maling akala
Chapter 21: Unexpected
Chapter 22: Baby Austin
Chapter 23: Sunset
Chapter 24: Ex-girlfriend
Chapter 25: That should be me
Chapter 27: I love you... will you...?
Chapter 28: I love you... will you...? [Part 2]
Chapter 29: Mr. Hernandez
Chapter 30: Surprise!

Chapter 26: it's my Insecurities...

135 1 0
By iammissblue

Chapter 26: it’s my Insecurities...

Dear Diary,

Hi, sad morning for me today. ;( Si Kuya ko... aalis na... hindi naman siya magiibang bansa pero, kasi, maglilive-in na sila ni Victoria. I know naman na she’s an amazing, wonderful, sweet and nice girl pero syempre, wala na yung Kuya ko na uuwian ko tuwing after ng isang buong araw ko. Wala na yung Kuya ko na pwede ko lapitan pag may problema ko.

Pwede ko siya tawagan, itext or i-email pero syempre, nakakahiya naman istorbohin ko ang relationship nila ni ate V. Yeah, ate V, close na kami eh...

~

“Chloe, ano ba dalian mo at malalate tayo sa appointment natin!” sigaw ni mama habang nagsisipilyo ako sa may banyo.

Grabe, ang aga-aga ngarag na si mama. Kasi naman si Kuya, imbes maghire ng wedding planner eh si mama pa ang sinabihang gumawa ng lahat, ayan tuloy pati ako damay!

“Ayan na! Atat lang? Ang aga pa ma...”

“Monday ngayon, traffic!”

Pagbaba na kami sa parking lot ng biglang tumawag si Christian para sabihin na nasa baba na siya at nagaantay sa’min. Grabeh, atat talaga ‘tong dalawa na ‘to. Kala mo sila yung ikakasal eh.

Si Christian ang nagvolunteer na ipagmaneho kami ni mama. Nagfile muna siya ng leave para lang masamahan kami. Ang sweet noh? Kaso ayoko naman mangarag din siya pag madami siyang need habulin sa trabaho niya.

“Para san pa ang assistant? Tsaka 2 days lang naman eh.”

“Thanks Christian, buti ka pa tumutulong, di gaya ng iba diyan.” Parinig ni Mama

“Wow lang ma, kalma lang okay?”

~

Nagdrive kami papunta ng beach, kung saan gaganapin ang wedding and reception all in all. Naisip ni Kuya at Victoria na beach wedding ang gusto nila, dahil daw pareho daw nila gusto ang dagat at yung ang naging first date nila, ang paglalakad lang sa tabing dagat with matching HHWW (Holding hands while walking) pa.

Nakwento pa nga ni Kuya na yung first date nila ay takas pa. Sinundo niya si Victoria bigla-bigla sa office nito at nagdrive papunta sa malapit na beach para magmuni-muni lang, dahil alam ni Kuya na pagod na pagod si ate sa trabaho niya. Ang sweet talaga ni Kuya.

“Wow. Ang ganda naman dito...” sabi ko pagkapasok namin sa event hall ng resort. Maaliwalas siya sa mata dahil glass house siya. Kitang-kita mo ang nature sa paligid mo, ang dagat sa may kaliwa mo at ang magandang view ng resort sa may kanan. Ang romantic pa ng aura.

“Maganda po talaga dito, lalo pa po ngayong maganda ang panahon.” Paliwanag ng nagtotour sa’min. “kaya po ihold ng venue na ‘to ang 100 to 150 katao. At kung marami pa po kayong bisita, pwede pong iopen ang back door to extent ang mga upuan hanggang labas, tapos pwede pong lagyan ng screen para sa video ng makita nila ang wedding.”

“No, hindi na need, kasya naman lahat dito. Intimate wedding siya.” Sabi ni Mama

“Okay.” sabay lista niya ng sagot ni mama, “And for the reception po ma’am, sir, dito po tayo...”

Sumunod kaming tatlo sa kanya palabas ng glass house and then pumunta na kami sa mismong tabing dagat. White sand siya at wala masyadong tao, dahil for reservations ang resort na ‘to. Ayaw daw nila kasi ang crowded masyado dahil nasisira daw ang mood ng beach at kung ano ang pinunta ng tao sakanila, peace, nature and enjoyment.

“As you can see ma’am, may wood floors po tayo dito. And then may stairs po tayo both side kung saan pwede umakyat at bumaba para papunta sa beach. Ang balak po namin, after the wedding, dito po kakain ang lahat then at this platform,” turo niya sa maliit na stage sa may gilid. “diyan po tutugtog ang banda...habang kumakain ang lahat.”

“Saan gaganapin ang sayawan?” tanong ni Christian

“Ay oo, gusto ng mga ikakasal magparty.” Dagdag ni Mama, sabay himas sa braso ni Christian. Gesturing na buti pinaalala niya.

“Sa mismopong tabing dagat. As you can see, the stage po for the music is at the side where kita rin siya kahit asa baba ang lahat. Magtatayo po kami ng mga post for lights and all the works to  make it fun po.”

“Good, I like the idea.” Bulong ni Mama habang sinusulat din niya sa note ang bawat sinasabi ng planner ng event na nagtotour sa’min.

After namin makipagusap sa planner eh, dumaan muna kami sa restaurant kung saan sila ang magluluto ng food para sa wedding. Yey! Tikiman time.

“Excited?” tanong ni Christian

“Naman!” natawa siya.

Then pagpasok namin sa restaurant, binati kami nung chef at guess what, napagkamalan kami ni Christian na kami yung ikakasal which was embarrassing. Well, para sa’kin oo, ewan ko kay Christian. Kasi nung napagkamalan kami, bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito. Oh my god, me? ikakasal? No! not yet.

~

Nabusog ako masyado sa kakatikim namin ng pagkain, kaya pagkahatid sa’kin ni Christian sa condo, na solo ko na, eh napatakbo ako sa banyo para, you know. Narinig ko pa ngang natawa si Christian ng isara ko na ang pinto sa banyo.

“Takaw mo kasi!” sigaw niya

“Shut up!”

Of course, success naman ako afterwards, paglabas ko sa banyo, nakita ko si Christian na nakatayo malapit sa may bintana at may kausap sa cell niya. Mukhang serious ang topic kaya hindi ko siya inistorbo, pumunta na lang ako sa kusina para kumuha ng maiinom.

At habang umiinon ako ng tubig, biglang lumapit sa’kin si Christian, “That was Wilma...”

What? Nagkamali ako ng lunok ng tubig ng marinig ko ang pesteng pangalan na yun, kaya nabilaukan ako. Naubo ako ng bongga. Lumapit naman kaagad sa’kin si Christian para himasin ang likod ko.

“Okay ka lang?”

“No.”

Natawa siya, “Well, I know kung bakit...”

“Ano kailangan niya sa’yo?” tanong ko habang pinupunasan ko ang bibig ko.

“She wants us to talk.”

“About what?”

“She never mentioned.”

“Makikipagkita ka?”

“Gusto mo ba?”

Kumunot ang noo ko, “Gusto mo ba?”

“Ikaw...”

“Ba’t ako?”

“Ayaw mo o okay lang sa’yo?”

“Christian, kung gusto mo... go... ikaw bahala.” Sabay balik ko ng pitsel ng tubig sa ref

Niyakap niya ko mula sa likod ko, “Kung ayaw mo, hindi... sinabi ko naman kasi pagiisipan ko pa.”

Umalis ako sa pagkakaakap niya, “Alam mo namang ayaw ko di ba?” tinignan ko siya sa mata, “Christian, kung gusto mo siya makausap okay lang. Oo, nagseselos ako... pero gusto mo wala ako magagawa.”

“Nagaaway na naman ba tayo?”

“Bakit? Nagaaway nga ba tayo?” napabuntong hininga na lang ako sa frustration, “Okay lang, meet her. I trust you naman.” Dagdag ko, mas kalmado na ang boses kesa kanina.

~

The next day, bumungad sa umaga ko ang text ni Christian na on his way na daw siya para makipagkita kay Wilma.

“Asan si Christian?”

“May biglaang lakad...”

“Importante?” tanong ni Mama na inaayos ang arrangement ng sala ko

“Parang...” bulong ko, parang naman talaga eh...

Kami lang ni Mama ngayon ang lumakad pabalik dun sa venue ng kasal para pagusapan naman ang magiging theme at motif ng kasal. Pero ang totoo, si mama lang naman ang makikipagusap, andun lang ako para kumuha ng pictures, gusto kasi makita nila Kuya at Victoria ang napili naming venue eh kaso busy sila kaya ako ang inaasahan nila kumuha muna.

Nagikot-ikot ako around the venue na talagang tatamaan ng kasal. Yung runway, yung glass house, yung view, yung reception, yung beach, yung dagat, yung sky and yung mismong altar na nakaarrange na. Kinunan ko din si mama at yung planner na parehong nakakunot ang noo, which I find funny.

“Wag kang magulo Chloe.” Pinalayas ako ni mama

Lumabas ako ulit from the glass house at pumunta sa may hagdan, kung saan yung pababa papunta sa beach. Kumuha pa ko ng ibang shots ng biglang may nadaanang pamilyar ng mukha ang camera ko pagtutok ko sa may bandang taas, kung asan ang stage.

Umakyat ako ulit para tignan maigi, “Kean?” malumanay kong tinanong. Tumalikod yung lalaking may hawak ng gitara, siya nga! “Ikaw nga!”

Napangiti siya, “Chloe, what are you doing here?”

Lumapit ako sa kanya, “Ahm... I came here with my mom, para sa wedding.”

“Oh, so, yung wedding mo pala ang kakantahan namin?”

“Wait. What? No, it’s not my wedding and ahm... really? Kayo ang banda?”

Tumango siya, “Part time with my barkada.” Sabay turo niya sa mga lalaking nagtatawanan sa may likuran niya.

“Hi guys...” bati ko

“Oh, so siya yung girl...” asar nung lalaki na nakaupo sa may drums

Napakamot sa ulo si Kean sabay hingi ng tawad sa mga loko-loko daw niyang kaibigan. “So sino ikakasal?”

“Ah, Kuya ko...”

“Nice. This is a good place.”

“Yeah, it is. Sarap nga magbakasyon dito eh.”

“Why won’t you try? Pinaganda lalo ni Mama yung lugar eh.”

“Mama mo?” ngumiti siya, then dun ko lang narealize na... oh em! He owns the place.

“Yeah...” sagot niya ng makita niya reaksyon ng mukha ko.

Then biglang sumipot si mama, relax at mukhang naayos na ang gusot sa mga problema sa kasal. Pinakilala ko si Kean kay Mama, “Galingan niyo ah... gusto ko maging perfect ang kasal ng anak ko...”

Wow. Anak. Tanggap na talaga ni Mama si Kuya.

“Opo naman po, ano po ba mga gustong kanta ng mga ikakasal na gusto nila kantahin namin?”

~

Pagpark ko ng sasakyan ko sa parking lot, napapikit at sandal muna ko bago tuluyang lumabas. Grabe naman kasi nakakapagod magdrive.

Pagakyat ko, binuksan ko kagad ang laptop ko para magsoundtrip muna. Feel ko makinig ng acoustic ngayon kaya puro Boyce Avenue covers ang pinakinggan ko hanggang dumilin na. Ang emo ng dating pero narerelax ako, Ayoko kasing isipin kung ano ang ginagawa nilang dalawa... kung... ah basta, ayoko sirain ang mood ko. I turst him!

I trust him... but I don’t trust her...

Nakakaasar naman kasi, ang ganda-ganda ni Wilma, sino bang hindi maiinsecure dun?

Ako naman ‘tong si sira ulo na binuksan ang google at tinype ang pangalang, Wilma Zarvante. Nalaglag lang ata panga ko ng makita ko ang mga pictures niya... niya at ni Christian.

Mga pictures nila together sa mga event, si Christian nakahawak sa bewang ni Wilma... and then mga pictures nila habang nagdadate na kuha ng mga paparazzi. Yes, sikat sila... bongga di ba? Kasi naman model and businesswoman si Wilma, kaya talagang susundan siya ng ibang paparazzi.

Ang mga comment sa picture nila:

Hot couple!!!

They look good together!

Kailan ang wedding?

Maganda and Gwapo, perfect. ;)

Awch? I have to redeem myself so tinype ko ang name ko at ni Christian.

Lumabas ang picture ko and Christian but not together. parang pinagtabi lang ang picture ko at picture niya. At ang mga comment:

Siya ba yung bagong girlfriend niya? No comment.

She looks... okay, simple and cute but not enough para sa isang gwapo and hotness na gaya ni Christian.

I am a fan of Christian, eversince na nakilala ko siya dahil dinate niya si Wilma, my idol model pero dude, yeah she’s younger... but maybe to young for you.

Pinatay ko ang laptop. Nakakaasar, sinira ko ang moods ko. Bwisit!

~

Saturday morning, pumunta ako sa mall para bumili ng bagong damit para madagdagan lang wardrobes ko. Which is odd, kasi hindi talaga ako mahilig magshopping. Nahihirapan nga ko mamili eh, hindi ko naman kasi alam ano bagay sa’kin eh... sana nandito si Beth.

Then nung nakapili ako ng damit, kulay yellow, flowy and sexy and datingan. Tapos pumunta ako sa fitting room to try it ng bigla akong natauhan.

Teka... ba’t ako nagkakaganito? Ba’t namomoblema ako ng ganito?

Napaharap ako sa salamin sa fitting room, hawak ang damit na pinili ko. Naawa ako bigla sa sarili ko, masyado akong trying hard. Hindi ko naman kaya i-pull of ang dress na gaya nito. Sanay ako sa simple lang, hindi yung mga reviling na ganito.

Masyado na ba ko nagpapaepkto sa ex ni Christian?

Then narealize ko na kung bakit ayaw ko kay Wilma... hindi naman ako nagseselos dahil minahal siya ni Christian eh... nagseselos ako dahil, mas maganda siya sa’kin... mas bagay sila ni Christian. Oo nga kahawig ko siya pero napakalayo naman niya kumpara sa’kin.

Ang sakit pala ng feeling nang kinakain ka ng sarili mong insecurities...

Continue Reading

You'll Also Like

332 50 4
BOYSLOVE/ BL ....... Nakatatakot na mga paniniwala ang bumabalot sa Isla ng Kataw. Mga paniniwala ng katakot-takot na pangyayari sa mga mababangis n...
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
455K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...