Somewhere Down The Road (Publ...

By asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... More

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 20

144K 3.7K 791
By asherinakenza

SDTR: Kabanata 20

Pinili kong magpahatid nalang kay Ethan sa bahay namin nila Mama, wala pa rin tigil ang mga luha ko. Ayaw niya sana akong payagan umalis sa unit niya pero hiniling ko sakanya na gusto ko munang mag isa. Hindi ko alam pero nasasaktan talaga ako sa mga ibinatong salita saakin ni Briana, ganito na ba ako kahina? Ang hirap.

Tinawagan ko si Jenica, ewan ko pero kasi siya ang gusto kong kausapin ngayon. Kahit pa alam kong kinamumuhian niya ako. Kaagad ko siyang pinagbuksan ng pinto nang marinig kong nag door bell na siya, sandali kaming nagtitigan. Nandoon pa rin ang tampo sa mga mata niya, ang hinanakit at disappoinment niya saakin. "Jenica..." Umiiyak na bulong ko. Pero imbis na sagutin niya ako binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap.

"Hindi ko na kasi alam kung hanggang saan pa ang kaya kong tiisin, pero Jenica habang tumatagal kasi mas lalo ko lang nararamdaman yung sobrang pagkirot ng puso ko. Lalo na nung magkaharap kami ng asawa niya." Halos ibulong ko nalang sakanya iyon habang nagkukwento ako, nakahiga na kami ngayon sa kama ko at magkaharap kami ngayon.

"Hindi ba sinabihan na kita noon? Sabi ko itigil mo na. Pero anong ginawa mo? Pinatagal mo pa." Mahinahon na suway niya saakin, tumango tango ako at sunod sunod kong pinunasan ang luha ko.

"Mahal ko siya, mahal ko na rin yung anak niya." Humihikbing bulong ko, inayos ni Jenica ang buhok ko at pinunasan ang luha ko. "Anong magagawa natin kung yang puso mo ang kusang tumitibok para sakanya? Pero Claire, maawa ka naman sa sarili mo. Iwanan mo na siya." Pakiusap niya saakin, mas lalong nag unahang tumulo ang luha ko dahil sa isiping iyon. Sumasakit na rin ang ulo at mata ko sa kakaiyak magmula pa kanina at hindi ko alam kung paano ko pipigilan iyon.

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil, pinagmasda ni Jenica ang mga mata kong hilam na hilam sa luha. "Claire, gamitin mo yang utak mo para protektahan ang puso mo." Payo niya saakin, huminga siya ng malali at tumihaya saka tumingin sa kisame. "Sobrang sakit hindi ba? Maawa ka naman diyan sa puso mo, masyado mong binubugbog. May hangganan din iyan."

"Oo, sobrang sakit." Bulong ko, "Alam mo ba kung bakit sobrang sakit niyang nararamdaman mo? Ang tanga mo kasi, tanga ka kasi pumatol ka pa rin sakanya kahit na alam mong mali." Naiyak na rin si Jenica sa pagsasabi saakin, pero niyakap niya ako pagkatapos non. Hinaplos niya ng hinaplos ang likod ko at nag iyakan lang kaming dalawa.

"Tama na kasi Claire, o sige. Hahayaan kitang mahalin mo siya, pero kung pwede iwasan mo na siya? Pwede mo naman siyang mahalin kahit magkalayo kayo hindi ba? At kapag dumating yung tamang panahon na sinasabi mo saakin kanina sa kwento mo, ako pa mismo ang gagawa ng paraan para magkatuluyan kayong dalawa. Pero sa ngayon, pwede bang sarili mo nalang muna ang intindihin mo? Mahalin mo naman yang puso mo." Bulong niya sa tainga ko, "I'm sorry Jenica..ang tanga tanga ko." Humahagulgol na ako ngayon at panay na ang pag aalo niya saakin.

"Shhh, at isa pa. H'wag mong ipagkait sa bata na magkaroon siya ng masayang pamilya. Maaaring sa ngayon hindi magkaayos sila Ethan, pero who know's diba? Baka dahil sa bata magkaayos sila ng asawa niya. Claire maraming baka sakali sa mundong 'to na hindi mo aakalain na mangyayari, kaya umatras ka na hangga't may natitira pa sa sarili mo. H'wag mo nang hintayin na latak nalang ang matira sayo dahil bandang huli mararamdaman mong mag isa ka nalang." Ramdam ko ang awa sa boses ni Jenica, siguro kasi hindi niya lubos akalain na mangyayari saakin ang bagay na ito. Maging ako kasi, hindi ko naman naisip na mangyayari saakin ito. Na magmamahal ako ng pag aari ng iba, na msasaktan ako ng sobra dahil lang sa salitang pagmamahal.

Oras na ba talaga para bitawan ko siya?

____

Nagising ako nang marinig kong nagmura si Jenica, "Walangyang Cando talaga, ano bang gusto niya sa buhay niya?" Nakasilip na ngayon sa bintana ng kwarto ko si Jenica at mukhang may nakikita siyang hindi niya gusto.

Tumayo ako para silipin iyon at napaawang ang bibig ko nang makita ko sa tapat ng bahay namin si Marcus na may hawak ng gitara, si Troy na nakaupo sa isang drum set at si Ethan na may hawak ding gitara.

"Claire, don't you dare!" Banta saakin ni Jenica, huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang braso niya, "Ako na ang bahala Jenica, pagbigyan mo na ako." Pakiusap ko sakanya, ramdam ko ang pamamaga ng mata ko ngayong umaga at maging yung masakit kong ulo nararamdaman ko ngayon.

"Promise Jenica, huli na 'to." Paninigurado ko sakanya, tumango tango siya saakin. Binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap bago ako tuluyang lumabas ng bahay.

Titig na titig saakin si Ethan ngayon, kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano siya ka-guilty. Kung gaano siya humihingi ng tawad dahil sa mga sakit na nararamdaman ko ngayon. Bumaling ako kay Marcus, nginisian niya ako at umiling. "Pasensya ka na uso kasi korni samin." Natatawang sabi ni Marcus, nginitian ko lang siya. Napatingin naman ako kay Troy na ngayon ko lang ulit nakita, pinapaikot niya sa mga daliri niya ang drumstick na hawak niya at hinahampas hampas iyon sa drum, bumaling siya saakin at nginitian niya ako sabay tango.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sakanya, isang matipid na ngiti ang ibinigay ko sakanya pero hindi naging sagabal iyon para hindi nila ituloy ang binabalak nilang pagtugtog. Kaagad nagtayuan ang balahibo ko nang marinig kong pilit pinapasigla ni Ethan ang boses niya sa pagkanta, punong puno rin ng hinanakit iyon at kahit na alam kong masaya ang hinahatid ng kanta, iba yung nararamdaman naming dalawa.

~~Wherever I go

Whatever I do
Stay by my side
'Cause baby it's always better with you~~

Napangiti ako dahil sa mga ngisi ni Marcus at Troy, si Troy na may head phones habang tumutugtog ng drum ganadong ganado, para bang yun ang hilig niya. Masaya na rin akong malaman na maayos na si Marcus at Ethan, sa hinaba haba ng pagbabangayan nilang dalawa nakakatuwang isipin na nagkasundo sila dahil kay Ara, dahil sa best friend ko na ngayon ay malapit na yatang pakasalan ni Marcus.

~~You make a bad day better than good

You make me feel better than I should
You understand when I'm misunderstood
Like no one else ever could
And girl you show me things I never see
If you were never there to see them with me
And when I get a little too crazy
You are my sanity
And everything will be okay~~

Tinitigan ko siya, isang mapait na ngiti ang ibinigay ko sakanya. Ipinikit niya ang mata niya at sa isang iglap lang bumagsak ang luha niya na sa tingin ko kanina pa niya pinipigilan. Nasasaktan akong makitang ganyan siya kahina, nasasaktan akong makita na pinipilit niyang maging malakas para saakin, kahit na ang totoo ay hinang hina na siya at wala na siyang mapagkuhanan ng lakas. Muli niyang iminulat ang mata niya at pinagtagpo ang mata naming dalawa.

~~Girl it doesn't matter where we go

Cuz you always make it feel like it's home
When I'm with youuu
Ooooh Ooooh Ooooh

Wherever I go
Whatever I do
Stay by my side
Cuz baby it's always better with you
Girl When I'm alone
You're where I belong~~

At nang matapos siyang kumanta mabilis niyang pinunasan ang luha niya. Iyakin. Napapangiti ako pero kasabay non ang panghihinayang ko ngayon. Isang Ethan Luke Cando ang nagpapakita saakin ng pagkaiyakin niya. Sa buong buhay ko ngayon ko lang siya nakitang mahina. Dahil nung unang beses ko siyang nakita masasabi kong napakatapang niya, responsable sa lahat ng bagay, kung iisipin mabuti, para saakin perpekto na siya. Masaya akong makilala siyang lalo, yung mga sides niyang hindi ko inasahan na mayroon siya mas lalo kong minahal.

Seloso.

Wagas magmahal.

Kayang ipakita na nasasaktan na siya.

Umiiyak kapag hindi na niya kaya.

Mapagmahal na ama.

Matalino.

Responsable sa buhay.

God..ano pa bang hahanapin ko sakanya? Pero nakakalungkot isipin na hanggang dito nalang muna kaming dalawa. Bibitawan ko na siya, pero hindi ibig sabihin non sumusuko na ako sa pagmamahal ko sakanya. Dahil ang pagmamahal ko sakanya, unlimited yon, walang expiration.

Nagpaalam na saakin sila Marcus at Troy, binitbit na din nila yung mga instruments nila at iniwan si Ethan sa harapan ko. Lumapit siya saakin at inabutan niya ako ng isang dosenang puting rosas.

"Hey..." Namamaos ang boses niya, nginitian ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko siya sa loob ng bahay, sa terrace nalang kami para hindi na ako marinig pa ni Jenica.

Inilapag ko sa center table ng terrace ang bulaklak na binigay niya saakin, napapitlag ako nang bigyan niya ako ng isang mahigpit na mahigpit na yakap. Yung yakap na para bang ayaw niya akong pakawalan pa, yung yakap na para bang may pinapatigil siyang h'wag kong sabihin.

"Ethan.." Bulong ko.

"I..I know, I'm sorry. Alam ko, alam ko, nararamdaman ko kung anong iniisip mo ngayon." Pumiyok na ang boses niya at kagaya ng dati, kumirot ang puso ko dahil alam kong umiiyak nanaman siya saakin ngayon. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Bullsht. Bakit ang hirap hirap niyang bitawan? Bakit ang hirap niyang pakawalan? Yung bawat paghikbi ko tumatagos sa puso ko. Isang katunayan na nagmahal ako ng totoo.

Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.

"Baby..don't do this, I'm begging you. Gagawin ko lahat." Umiiyak na pagmamakaawa niya.

Marahan ko siyang inilayo saakin, kinulong niya ng palad niya ang magkabilang pisngi ko at pilit niyang pinaulanan ng maliliit na halik ang labi ko habang pareho kaming naghahabol ng hininga dahil sa pag iyak. Halos ikuyom ko na ang kamao ko sa tshirt na suot suot niya, nahihirapan akong huminga ngayong alam kong magpapaalam na muna ako sakanya.

Pansamantala lang naman Claire, makakaya mo naman diba?

"I'm sorry Ethan, p-pero bibitawan na kita. P-pero sana kapag dumating yung panahon na malaya ka na, sana magkaroon ng pagkakataon yung saating dalawa." Pilit niyang hinuhuli ang mga mata ko pero natatabunan iyon ng mga luha ko, umiling iling siya at niyakap niya ako. Ramdam ko sa bawat paghikbi niya ang sakit, sa bawat yakap niyang nagsasabing h'wag kong gawin 'to.

"Pero sa tingin ko hindi na mangyayari yon, a-anong malay natin diba? Hihilingin ni Seb na magkaroon ng isang buong pamilya, hindi ko ipagkakait sakanya yon Ethan."

Panay lang ang pag iyak niya saakin at para bang hindi siya makahanap ng tamang salita para pigilan ako, "Claire please.."

"Si-siguro, kailangan nalang natin tanggapin na may mga bagay talaga na hindi para saatin. At yun ay ang magsama tayong dalawa." Hindi ko alam kung paano ko nagagawang sabihin sakanya ang mga salitang yan, gayong parang pinipiga ng paulit ulit ang puso ko.

Humiwalay siya saakin at tinitigan niya ako sa mata. "A-akala ko ba walang susuko? Pero bakit iiwanan mo na ako? Claire..." Nanginginig ang boses niya, pinunasan ko ang luha sa pisngi niya at umiling iling ako. "Hindi naman ako sumusuko sa pagmamahal ko sayo Ethan, sumusuko lang ako sa katotohanang hindi ka magiging saakin." Paliwanag ko sakanya, naihilamos niya ang palad niya sa mukha niya. Pulang pula na siya sa kaiiyak.

"Ang labo. Putangina ang labo, bakit pakiramdam ko may humihila lagi paatras kapag nagiging masaya na ako?" Desperadong sabi niya, "Tell me baby, ito ba talaga ang gusto mo?" Ramdam ko ang hinanakit sa boses niya at wala akong ibang maisagot kundi pag iyak lang!

"Answer me!" Hiyaw niya, umiling iling ako dahil sa takot ng pag sigaw niya. "No..pero ito yung tama diba? Ito yung tama Ethan!" Sagot ko sakanya. Kumunot ang noo niya.

"Sinasabi mo bang mali yung pagmamahal na nararamdaman natin?" Kunot noong tanong niya, umiling iling ako. Lumapit siya saakin at pilit niyang pinupunasan ang mga luha ko, ayaw tumigil ng sunod sunod na pagpiga na nararamdaman ko sa puso ko! Para bang hindi siya titigil sa pagpiga hangga't hindi ako sumusuko sa lintik na sakit na ito.

"Masaya ako Ethan, masayang masaya ako kasi mahal mo ako." Pinagdikit niya ang noo naming dalawa.

"Masaya ka, masaya ko. Putangina ano bang mali don." Ito, ito ang Ethan na nakilala ko, mainitin ang ulo at matapang.

"Mali nga yung panahon, mali ka, mali tayo." Napatakip ako sa bibig ko dahil sa hindi ko sinasadiya ang mga lumabas sa bibig ko. "No, Ethan..I'm sorry." Pumiyok ang boses ko, lumayo siya saakin at nakita ko ang masakit na pag ngisi niya pero kasabay non ang pag iyak niya.

"Hell, mali nga. Mali ako, mali tayo." Punong puno ng hinanakit yung boses niya at ayaw tumigil ng pagpiga ng puso ko ngayong nakikita ko nanaman ang dating ekspresyon niya. Ang malamig na pakikitungo niya. "Tangina, ang sakit. Masakit palang marinig mula sa babaeng mahal na mahal ko na mali kaming dalawa." Tumatawa pero umiiyak na pahayag niya, yung pait ng pananalita niya damang dama ng puso ko!

Hinila niya ako ng marahas at muli niyang pinagdikit ang noo naming dalawa! Mahigpit ang kapit niya sa magkabilang braso ko.

"Ipangako mo saakin na hinding hindi ka na magmamahal ng lalaking katulad ko." Pakiusap niya saakin, kinuyom ko ang kamao ko sa dibdib niya at umiling ako.

"Pero ikaw lang yung lalaking mamahalin at mamahalin ko ng ganito." Umiiyak na sagot ko sakanya.

"Bullsht, just promise me." Galit na pakiusap niya.

"I can't promise you Ethan, dahil alam kong ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa huli. Hanggang sa magkita ulit tayo, hanggang tama na ang lahat. Ethan, sayo lang ako masaya." Ngumisi siya pero sa pag ngisi niyang yon alam kong punong puno ng sakit iyon at hinanakit saakin.

"No baby, kaya mong maging masaya." Dahilan niya, "Hindi Ethan, sayo lang ako masaya." Humihikbing bulong ko sakanya. Pilit ko siyang niyayakap pero itinataboy niya ako. Ramdam kong galit siya dahil sa nasabi ko, maski naman ako, magagalit ako kapag narinig ko mula sakanya na mali ang pagsasama naming dalawa. Pero anong gagawin ko kung kusang sinigaw ng bibig ko yun mula sa puso ko dahil yon ang katotohanan. Pero gusto kong bawiin, gusto kong bawiin dahil wala naman talagang mali saaming dalawa, nagmahal lang naman kaming pareho.

Umiling iling siya at halos durugin ang puso ko nang sabihin niyang...

"Fck. Tama na baby,"

"Dahil kung naging masaya ka sa taong mali na kagaya ko, paano pa kaya kapag nakilala mo na yung tamang tao para sayo? Magiging masayang masaya ka non panigurado."

****

A/N: Ang weird, pero umiyak ako nung tinyppe ko 'to. Hindi ko alam kung bakit hahaha. O baka ako lang siguro yung naiyak. hahaha. Masyado lang akong korni. :D

Salamat sa pagbabasa guys!

Love lots.

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

7.1K 682 37
(I don't like him book 2) 'Hihintayin kita hanggang sa dumating na ang tamang oras para sa ating dalawa.' Date started : June 3, 2021 Date finished :...
1K 232 9
Mackenzie's dream is to study at a prestigious university in London and be with her month-long boyfriend. She thought her life would be perfect and b...
1.5M 23K 45
Paano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban mo pa ba siya kahit alam mong mali na? O...
10.3M 140K 81
Kung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa p...