Somewhere Down The Road (Publ...

By asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... More

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 19

133K 3.1K 261
By asherinakenza

SDTR: Kabanata 19

Nakipag sukatan siya ng tingin saakin pero pinagtaasan ko lang siya ng kilay..

"My God. Ikaw na nga itong kabit, ikaw pa ang may lakas ng loob na maging matapang?!" Medyo tumataas na ang boses niya at nakikita kong naiinis na rin siya saakin.

"Bakit? Gusto mo manahimik ako? Well I'm sorry, Briana? Hindi ako katulad ng iniisip mo." Pagtataray ko atsaka tinalikuran ko na siya dala dala ang laruan na pinapabili ni Seb saakin, naramdaman kong sumunod siya saakin hanggang sa cashier, dala niya rin ang laruan na napili niya.

Cash ang ibinayad ko, "Here, card ng asawa ko." Inabot niya doon sa cashier ang card na may pangalan ni Ethan, bumaling siya saakin na may nakakalokong ngiti.

"Mahirap talaga kapag umaasa ka lang." Bulong ko at naglakad na ako paalis nang maiabot saakin ng kahera ang plastik na may lamang laruan. Sa totoo lang nanginginig ang kalamnan ko, ni hindi ko alam kung saan ko nahihila ang lakas ng loob para makipag sagutan kay Briana. Hindi ko alam kung bakit nakakaya kong sikmurain ang mga panunuyang sinasabi niya saakin.

Nakalabas na ako't lahat ng mall pero hindi niya pa rin ako tinantanan, bubuksan ko na sana ang taxi na huminto sa harapan ko pero hinila niya ang kamay ko at tinitigan niya ako ng sobrang talim.

Hinila ko ng marahas ang kamay ko, "Tandaan mo, hangga't kasal kami sa batas hinding hindi mo siya maaagaw saakin!" Pagmamatigas niya, matapang si Briana kitang kita ko iyon sa mga mata niyang nag aalab ang galit saakin.

Hindi ako nagbitiw ng tingin sakanya, at bago ako sumakay ng taxi sinabi ko sakanya ang mga salitang nagpagulat sakanya.

"You are just wasting your time Briana my dear. Because you and your beliefs doesn't matter as long as I am here." Mariin na pahayag ko sakanya.

Halos humugot ako ng napakalalim na paghinga para lang masabi kong humihinga pa ako. Hinawakan ko ang kaliwang bahagi ng dibdib ko, buong buhay ko ngayon lang ako nakipag agawan ng hindi ko pag aari. Masakit palang talaga. Pero kinakaya ko dahil mahal na mahal ko siya.

____

Napatigil sa pag inom ng tubig si Ethan nang mapansin niyang pumasok ako sa unit niya, nakabihis na siya at mukhang handa nang pumasok sa school.

Lumapit siya saakin at kaagad akong binigyan ng sandaling halik sa labi. "Tagal mo baby, maya maya papasok na ako. Kumain ka na ba?" Litanya niya at kinuha niya ang dala kong plastik saka hinila niya ako papunta sa sala.

"Busog ako." Sagot ko sakanya, pinilit kong siglahan ang boses ko. Ayokong malaman niya na nagkikita kami ni Briana ng hindi sinasadiya at nagkakaroon ng pagtatalo. Hangga't maaari kailangan kong iwasan na madagdagan ang pinoproblema niya.

"Pumasok ka na, malelate ka na." Suway ko sakanya, tumingin siya sa wrist watch niya at napangiwi siya. "Alright, isa lang naman ang klase ko. Kumain ka kapag nagutom ka, nagluto ako baby. Sinigang." Sabi niya saka kinindatan ako.

"Masarap ba yang sinigang mo?" Pang aasar ko sakanya, "Kumain ka, baka mas lalo mo akong mahalin kapag natikman mo." Natatawang sabi niya, kinurot ko siya sa tagiliran niya na naging dahilan ng paghalakhak niya.

"Sige na pumasok ka na." Ulit ko sakanya, tumango siya at niyakap ako saka hinalikan ang labi ko. "Spoiled na sayo si Seb, binilan mo pa talaga ng laruan. Pasok na ako." Aniya atsaka hinalikan ang noo ko bago pa siya tuluyan umalis.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa sofa at humugot ako ng humagot ng malalim na paghinga. "Kaya mo pa ba Claire?" Bulong ko sa sarili ko, buong buhay ko ngayon lang ako walang nakakausap sa problema ko. Madalas kong sabihan si Jenica, pero heto kami ngayon hindi nagkakaintindihan. Si Ara naman alam kong may pinoproblema rin siya kaya naman ayoko nang dagdagan pa iyon.

Biglang nag ring ang phone ko, pangalan ni Vanessa ang nag appear doon. Pinag isipan ko muna kung sasagutin ko ba o hindi. Pero sa huli pinili kong sagutin iyon.

"Vanessa..."

"Claire, kailangan ko ng kausap. Nababaliw na ako dito sa bahay, wala kasi akong class eh. Ikaw ba?" Napangiti ako ng marahan, kaagad akong sumagot sakanya. Napag usapan namin na magkita nalang sa isang milk tea shop at doon magkwentuhan. Malapit lang naman iyon dito sa tower ng condo ni Ethan kaya hindi na ako nahirapan pa.

"Ayun nga, wala akong kasama sa bahay. Si Jersi naman may klase, alam mo na irregular ako." Kwento niya atsaka sumipsip doon sa Winter melon milk tea niya.

Panay lang ang tango ko sakanya at kain ng cheese cake na nasa harapan ko, "Ikaw? May klase si Ethan ano?" Nangingiting sabi niya, tumango lang ulit ako bilang sagot.

Natahimik kami ng ilang minuto hanggang sa magsalita na ulit siya, "May problema ka ba?" Usisa niya saakin.

"Ha?" Wala sa sariling sagot ko, ngumuso siya at napapalakpak siya na para bang nahulaan niya. "Mag open ka." Aniya.

"A-ano?" Patay malisyang sagot ko sakanya.

"Sus. Kunyare ka pa, ang kilala kong Claire hindi basta basta pumapayag na lumabas. Kaya nga laking gulat ko nung napapayag kitang lumabas ngayon eh, dali na mag share ka na. Makikinig ako." Pamimilit niya saakin, tinitigan ko siya sa mata. Magiliw ang mga mata niya at nakakatingin ng diretso saakin, nakangiti pa rin siya saakin at naghihintay ng sasabihin ko.

"Vanessa.." Simula ko, ikinuwento ko sakanya ang lahat. Bawat salita na sasabihin ko pinapakinggan niya, lahat ng mararamdaman ko parang pinapakiramdaman niya rin. Panay na rin ang punas ko sa luha ko at pilit kong pinipigilan ang paghikbi, mabuti na lamang at nasa tagong lugar kaming pumuwesto.

Huminga ng malalim si Vanessa, "Kaya ba nung wedding booth wala kang gana?" Tanong niya, tumango ako bilang sagot. Naihilamos niya ang palad niya sa mukha niya at tinitigan akong mabuti.

"Kung alam ko lang edi sana hindi na kita ipinagtulakan sakanya." Sisi niya sa sarili. Umiling iling ako, "No, Vanessa. Masakit nga, pero alam mo yung saya nitong puso ko kapag kasama ko siya? Sobra sobra." Bulong ko.

"Pero mali." Aniya, tumango ako bilang sagot. "Hindi ko pinangarap 'to Vanessa. Pero naramdaman ko nalang."

"Hindi mo pinangarap pero pinili mo. Claire, ang daming choices sa mundong 'to." Suway niya saakin, ramdam ko ang pag aalala sa boses niya.

"Ang ganda ganda mong babae. Actually yang ganda mong yan hindi yan basta pang kabit lang." Gigil na ang boses niya.

"Vanessa, hindi ko kayang magkaroon ng iba pang choice. Siya lang ang gusto ko." Pagpupumilit ko.

"Damn it, bakit kailangan mong magpaka tanga para sa isang lalaki? Nauubusan ka na ba? I don't think so, sa pagkakaalam ko maraming naghahabol sayo diyan. Hindi lang si Ethan." Pabulong na hiyaw niya saakin, panay lang ang iyak ko. Hinawakan niya ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa at tinitigan niyang mabuti ang mga mata ko.

"Oo mahal na mahal mo siya, pero may tamang oras para diyan sa pagmamahal na tinatawag mo. At magiging mali yang pagmamahal na yan kapag pinili mong makisabit sa pag aari ng iba. Kaya Claire, utang na loob hangga't kaya mo pang sungkitin yang pagiging sabit mo sa iba gawin mo na." Pangaral niya saakin, tumayo siya at umupo siya sa katabing upuan ko para yakapin ako ng mahigpit.

"Hindi ko alam na ganyan ang sitwasyon niyo." Pag aalo niya saakin, panay ang haplos niya sa likod ko. "Cry. Iiyak mo hanggang sa mawala lahat ng sakit, at kapag sa tingin mong wala na atsaka ka magdesisyon para sa sarili mo."

Panay lang ang pagkirot ng puso ko ngayon at walang ginawa ang mata ko kundi ang magpakawala ng napakaraming luha. Hindi ko alam kung ilang tissue na ba ang naubos ko simula nang mas lalo ko pang makilala si Ethan, nahihirapan ako pero mas nahihirapan ako kapag wala siya sa tabi ko.

Nabuhay naman ako ng wala siya hindi ba? Bakit hindi ko magawang mabuhay ng normal ulit kapag mawawala na siya saakin?

"Hindi kita pipilitin dahil wala naman ako sa posisyon mo pero sabihan at husgahan ka. Basta Claire, kahit ano pa yang desisyon mo nandito pa rin ako, kami ni Jersi. Iintindihin ka namin." Paninigurado niya ngayong naihatid na niya ako sa tapat ng tower ng condo ni Ethan, ngumiti ako at tumango. Niyakap ko siya.

"Thank you Vanessa,"

"Wala yon, sabi ko naman sayo gusto ka naming maging kaibigan ni Jersi." Aniya, ngumiti ako at bumaba na ako ng kotse niya.

Magdesisyon?

Utak o puso?

Pero sa huli puso pa rin ang sinusunod ko. Kailan ko ba susundin ang sinasabi ng utak ko?

"Kumusta ang lakad niyo ni Vanessa?" Usisa ni Ethan, nauna pa siya saakin na dumating. Ganung katagal kami nag usap ni Vanessa?

"Okay namang, may mga pinag kwentuhan lang kami." Sagot ko sakanya, kinukuskos na niya ngayon ang basang buhok niya. Mukhang katatapos niya lang mag shower, nakapajama na siya ngayon at naka-top-less.

"Di ka kumain baby," Suway niya saakin, hinila niya ako papunta sa kusina at ininit niya yung ulam. Pagkatapos naghain na siya para saaming dalawa.

"Friday night ko susunduin si Seb, sa school na niya ako didiretso, pang anong oras ka non?" Usisa niya habang kumakain kami.

"12 to 3 lang." Matipid na sagot ko, "Alright."

"Nga pala baby, baka next sem mag start na ng hearing para sa kaso. Magpapadala ng letter ang attorney ko kela Briana." Balita niya, napahinto ako sa pagkain at bumaling ako sakanya. Titig na titig siya ngayon sa mga mata ko.

"Hindi mo man sabihin pero nararamdaman kong nahihirapan ka na." Dagdag niya, "I'm sorry kung natatagalan,"

"Ethan, ilang beses ko na bang sinabi na ayokong maririnig na humihingi ka ng tawad saakin." Suway ko sakanya, tumayo na ako mula sa hapag kahit hindi ko pa tapos yung kinakain ko. Tumungo ako sa sala at narinig kong sinundan niya ako.

"Napapagod ka na ba?" Biglang tanong niya, tumingin ako sakanya. Nanginginig ang mga mata ko. Mariin kong ipinikit ang mata ko at kusang tumulo ang luha doon.

At nang muli kong imulat ang mata ko mabilis na nagtagpo ang mata naming dalawa.

"Napapagod na ako, pero hindi sa pagmamahal ko sayo. Napapagod na ako kasi alam kong pagod ka na rin sa kagagawa ng paraan. Pakiramdam ko naging pabigat lang ako sayo mula nang ipilit ko yung saating dalawa." Litanya ko sakanya.

"Claire.."

"Pero alam mo ba kung paano naaalis yung pagod na nararamdaman ko? Naaalis yon kapag kasama kita, kapag alam kong nandiyan ka lang sa tabi ko."

"Ethan, kahit pa sabihin nating mahal natin ang isa't isa. May takot pa rin sa puso ko na baka bandang huli mauwi lang sa wala lahat ng ipinaglalaban natin ngayon. Ayokong mangyari yon, kasi...kasi mababaliw ako! Mababaliw ako kung bandang huli hindi ka mapapasaakin!" Halos isigaw ko na sakanya iyon, para bang unti unti ko nang nailalabas lahat ng hinanakit ko. Lahat ng sakit na nararamdaman ng puso ko, bawat pag kirot nito, takot, pangamba.

Lumapit siya saakin at pilit niya akong niyakap ng sobrang higpit. Pinaghahampas ko ang dibdib niya. "Bullsht, I don't wanna lose you! Ayoko...ayoko." Halos ibulong ko nalang iyon sa dibdib niya.

Yung mga salitang isinampal saakin ni Briana hanggang ngayon tumatagos pa rin sa kalamnan ko iyon. Hindi ko siya pag aari, nakikisabit lang ako! Bakit kinakailangan ko pang maging tanga sa pag ibig para lang maramdaman ko yung saya? Bakit kailangan ko pang makiagaw para lang masabi kong nagmamahal ako ng totoo? Napaka daya ng tadhana, bakit kasi ako pa yung pinana sa maling pagkakataon? Marami namang iba diyan! At dahil sa maling pag ibig at maling pagkakataon na yan lunod na lunod na ako at alam kong kailanman hindi ko na maiaahon ang sarili ko sa pagkakalunod sa pagkakamaling 'to.

"Ethan...nagmahal lang naman tayo. Pero bakit kailangan maramdaman natin yung ganito?!" Humihikbing sigaw ko sakanya, hindi ko alam kung sinong sisisihin ko sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Sarili ko? Sarili ko, kasi ako naman yung pumili nito. Ako yung pumili na masaktan ng ganito.

"Shhh, calm down baby.." Pag aalo niya saakin habang hinahaplos ang likod ko at binibigyan ako ng mahigpit na mahigpit na yakap. Yung mga yakap niyang nagsasabi na ligtas ako sa kahit anong kapahamakan ang isa sa nagpapabaliw saakin sakanya.

Pinilit niyang ikulong ng dalawang palad niya ang magkabilang pisngi ko at hinuli ng mga mata niya ang mata ko.

"Listen to me baby..." Pakiusap niya saakin, "Hey." Bulong niya at pilit niyang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"Alam kong nasasaktan ka na ng paulit ulit, but baby, nasabi ko na ba sayo? Nasabi ko na ba sayo na kahit anong mangyari hinding hindi kita susukuan?" Panay ang hikbi ko habang siya paulit ulit na pinupunasan ang luha ko.

"Hindi ba't ikaw pa nga ang nagsabi saakin? Na hindi uso ang sumuko sayo? Pwes, ganun rin saakin. Hindi uso ang sumuko saakin pagdating sayo." Narinig ko ang pagpiyok sa boses niya, pinipigilan niyang bumagsak ang luha niya. Siguro dahil ayaw niyang ipakita saakin na nahihirapan na rin siya? Dahil ngayon palang nagpapakita na ako ng kahinaan sakanya.

"Come on baby, kaya naman natin 'to diba? Pasensya ka na kung ang tagal tagal na."

"Unti unti muna baby, unti unti hanggang sa hindi natin namamalayan na natatapos na pala ang lahat ng 'to." Paliwanag niya, tuluyan ng bumagsak yung luha sa kaliwang bahagi ng mga mata niya na nagpalakas ng kalabog ng puso ko.

"At kapag natapos na ang lahat ng ito, sisiguraduhin kong tayong dalawa pa rin ang magkasama hanggang sa huli."

*****

A/N: Helloooo! Hehe, thank you sa mga nagbabasa at naghihintay ng updates. :) Malapit na po akong bumalik ulit sa work ko, kaya panigurado po matatagalan nanaman akong mag update. Basta, sobrang salamat po talaga!

Love lots.

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

12.8M 179K 53
[Completed] One True Love Series #2 P1 Jacky has been in love with Maico since forever. Ang kaso, ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito kahit na...
109K 2.7K 23
After two years of hiding, what is X's next act? Will she find the truth? Seek vengeance and make the people who made her life miserable pay for what...
9.2K 130 19
May mga bagay na nakasanayan mo nang andiyan, kaya hindi mo na gaanong nakikita ang halaga. Familiarity breeds contempt, sabi pa nga. Pero paano kung...
1.9M 2.4K 2
How can I continue loving someone who's taste could never go beyond his limit? He never wanted romance He's not into commitment. He's chained heart...