Sharap (Baka Girls #1)-Comple...

By gorgeouskitty

34.8K 1K 1.2K

Completed. Jasmin Samuel - isa sa mga member ng Baka Girls. Proud siyang sabihin na sa edad niyang lagpas be... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Special Chapter 1

24

624 21 42
By gorgeouskitty

Lets assume na TAGALOG ang main language ng mga tiga CDO. 


-

"Bakit ganyan ang suot mo?" Bungad na tanong ni Al sa akin. Tinignan ko pababa ang suot kong skirt na itim, long sleeve na pinatungan ng black cardigan at converse na puti.  

"Pakelam mo ba?!" Masungit kong ingos sa kanya. Ang cute kaya ng outfit ko at namimiss ko na tong suotin dahil lagi akong nakauniform. 

"Jeez!" Narinig kong mahinang angal nito habang inilagagay ang mga bagahe namin sa Compartment ng Taxi na tinawag niya para sakyan naming papuntang Airport.  

"Ano bang problema sa suot ni Jasmin? Ang ganda nga e. Bagay na bagay sa kanya lalo na sa ugali niya." Sabay ngisi ni Tita Mildred sa akin. Namula ako sa kahihiyan dahil sa damit ko. "Parehas pasaway." Tumawa ito bago ako naman ay napangiwi." O sya, mag-iingat kayo. Ikamusta mo ako sa Mommy mo Jasmin. Al wag masyadong maulit don huh?"  

"Mommy naman!" Pumadyak ito. "Hindi na ako bata kaya wag niyo ako bilinan ng ganyan." Sabay nguso. Pinigil ko ang tawang gusting lumabas sa bibig ko.  

"Oo na di ka na bata. Sige na, umalis na kayo at baka matraffic pa kayo." Tumango ako sa kanya. "Ingat kayo dito, Tita." Ngumiti ito sa akin.  Pinagbuksan ako ni Al ng pinto kaya nauna akong pumasok sa loob umunod naman siya. 

Magmula nang sumakay kami sa Taxi ni Al ay hindi nito inaalis ang kayang braso sa balikat ko. Nangbumaba kami ay sa bewang ko naman siya humawak hanggang sa pagsakay naming sa eroplano ay nakaakbay ito sa akin. Napaka possessive pala ng lalaking to dahil lahat ng makasalubong naming lalaki na napapatingin sa amin ay iniirapan niya o kaya naman hinahamon ng suntukan kung hindi ko lang aawatin kanina pa kami nasa presinto at hindi kami makakarating dito sa CDO. Lumapag ang eroplano sa  Laguindingan Airport. 

Dumeretso kami sa Seda Centrio kung saan magchecheck-in si Al. Pagkapasok naming sa loob ay inilapag ni Al ang kanyang malate habang ako ay pumunta sa glass window kung saan  maganda ang view ng nakuha niyang room. "Hindi ba pwedeng dito ka na rin matulog?"Ungot nito na parang bata.  Niyapos niya ako sa Likod bago inilagay ang dalawang braso papulupot sa bewang ko. 

"Alam mong hindi pwede diba? Sige na, ihatid mo na ako. Pasado Alas kwatro na ng umaga sigurado gising na sila Mommy. Hinahanap na pati niya ako." 

"Tara." Lumabas kami ng hotel at nagpakuha ng taxi sa gwardya para magpahatid Recto kung saan nandon ang bahay namin. "Dito ka na kasi magpa-umaga." Pangungulit na naman niya. 

"15 minutes lang naman ang layo ko, ano ka ba? Dun ka na sa amin mag umagahan."Sumakay na kami papuntang  Baranggay 24. Bumaba kami sa isang kulay Berdeng gate na puro santan na halaman ang unahan.  Habang kinukuha ni Al ang aking maleta ay nag door bell na ako ng ilang ulit pero alam kong gising na ang mga tao don dahil bukas na ang mga ilaw. 

Bumungad sa akin si Mommy na nakabistidang bulaklakan na pula. "Mommy!" bati ko sa kanya. 

Yumakap akong mahigpit dahil feeling ko maiiyak ako dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya. "Oh my Baby Girl." Hinagod ng palad niya ang likod ko. Naramdaman ko ang init ng yakap ng isang ina na parang taon kong hindi naramdaman. 

"Al." Aniya. 

 Humiwalay ako sa pagkakayap niya at hinarap si Al na nakatayo kalapit ng pink na maleta ko. "Kamusta po?" bati niya kay Mommy. Tumango si Mommy kay Al bago tinignan  ako ng nakakaintigang mata ni Mommy. Ngumiti lang ako sa kanya bago sinagot yon. 

"Pinasama kasi sa akin ni Tita Mildred si Al para daw may magbuhat ng maleta ko." Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kasinungaling sinabi ko. Sinulyapan ko si Al na masama ang titig sa akin kaya agad akong umiwas.  

"Si Pops gising na? Bakit mo nga pala ako pinauwi dito?" Tanong ko sa kanya. Mukha naming walang emergency  na nangyari sa kanya dahil nakakangiti pa ito sa akin pero may iba sa kanyang mga titig na hindi ko maintindihan. 

"Inaantay ka na ng Lolo mo. Magpakita ka na. Nandon sila sa Hardin kasama ang Daddy mo." Nang marinig ko ang salitang Lolo ay bumilis angtahip ng dibdib ko. Hindi ko napaghandaan ang pagkikita naming dalawa. Hinawakan ako ni Mommy sa braso ko at nginitian lamang. Ito ba ang sinasbaing Emergency ni Mommy kaya agad niya akong pinauuwi. "Al, dito ka na magpa-umaga at mag-umagahan."  

"Okay po." Aniya ni Al. 

Pumasok na kami sa loob habang nakaalalay si Mommy sa braso ko. Nang mabungaran naming ang Sala ay hinarap ko si Al na nasa likuran naming. "Maiwan muna kita dito huh." Tumango siya sa akin. Nilingon ko naman si Mommy na nanunuood sa amin. "Mommy, ikaw muna bahala kay Al." Tumalikod ako sa kanila at naglakad papuntang Hardin na kinakabahan pa rin. 

Nakalimutan ko na wala pala kaming bahay dito sa Cagayan tanging  dito lang kami sa bahay ni Lolo nakikituloy pag nagbabakasyon kami noong bata pa ako. Tanda ko pa rin ang matigas na boses ng Lolo ang kanyang kilay na lagging nakataas at ang kanyang mukha na hindi mo makikitaan ng ano mang emosyon. In shor, napakasungit nito at kinatatakutan naming lahat.  

Sana pala tinanaggap ko ang suhestiyon ni AL na don na magpa umaga at mamaya na pumunta dito para makahinga muna ako ng mabuti at makapagready sa Lolo. Natanawan ko na ang dalawang lalaking magkamukhang-magkamukha na seryosong nag-uusap. Ang isa sa kanila ay itim pa ang buhok at ang isa naman ay maputi na. 

Huminga ako ng malalim. "Pops. Lolo." Tawag ko sa kanila. Lumingon sa akin ang dalawa ang may itim na buhok ay nginitian ako bago ang isa ay tinignan ako mag mula ulo hanggang paa na nakasimangot. Humakbang ako palapit sa kanila. Tumayo ang may itim na buhok na si Pops para ilahad ang dalawang kamay niya sa akin upang yakapin ko ng mahigpit. "I missed you, Pops." Hinalikan nito ang buhok ko bago humiwalay na sa akin. Tumungo ako para kuhanin ang kamay ng Lolo upang magmano. 

"Ano ba naman yang suot mo? Ang ikli-ikli." Aniya.  

"Pa." saway ng Pops sa Lolo. Gusto kong sumimangot at sumagot sa kanya pero itinikom ko nalang ang bibig ko. Ang lolo lang ang nakakapagpatikom sa akin ng bibig at siya lang ang bukod tanging kinatatakutan ko sa lahat. "Nag-umagahan ka na ba? Bakit ngayon ka lang nakarating imbes na kagabi?" Iniba ni Pops ang paksa para hindi na ako pag-initan ng Lolo. Agang-aga baka mahigh blood naman sa akin.  

"Nagkaproblema pa sa Airport sa Manila." Nakamasid sa amin ang Lolo kaya naiilang akong magsalita. Hinawakan ko ang nakatayong si Pops sa tenga bago binulungan siya. "Kasama ko si Al, Nandito siya." Bago humiwalay ako. Kinunutan niya ako ng no bago mahinang tumango sa akin. 

"Bueno, magpahinga ka muna. Pagkagising mo ay mag-uusap tayong dalawa." Sumingit ang matigas na boses ng Lolo na parang may pagbabanta sa sinasabi niya. Ito na yung dahilan kung bakit ako pinapauwi ng Mommy't Pops?  

"Okay po." Tumalikod na ako sa kanya para pumasok sa loob kung saan nag-aantay sa akin si Al. Nakita ko si Al na nakaupo sa Sofang kulay berde din. Paborito talaga ng Lolo ang kulay berde. Nang mapalingon siya sa akin ay tumayo ito at ngumiti. "Nasan si Mommy?"  

"Nasa kusina nagluluto ng umagahan." Hinawakan niya ang dalawang balikat ko. "Aalis na muna ako para makapag pahinga ka na tapos tawagan mo nalang ako para makabalik ako dito agad." Lumabas ang Mommy sa pinto ng kusina na may dala-dalang tasa.  

"Al, dito ka na mag-umagahan at antayin mo nang magliwanag para ayos kang makarating sa Hotel na tinutuluyan mo." 

"hindi na po, Tita. Wala pa pong tulog si Jasmin kaya mas okay na pong umalis ako at wag na niyang intindihin pati inaantok na rin po ako." Aniya 

Sumimangot ako. "Are you sure na ayos lang sayong mag-isa sa Hotel?" sinulyapan ko si mama na matamang nakamasid sa aming dalawa. Mamaya ko nalang ipapaliwanag sa kanya ang lahat at buti nalang hindi nagtatangkang pumasok ang dalawa ni Pops dito kundi mag I-interrogate na yon. 

"Ah-huh. Dito ka na muna okay?" 

"Okay." Ngumiti ako sa kanya kahit na ayaw kong umalis siya. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko bago hinalikan niya ang noo ko. Gustong-gusto ko nang sumama sa kanya dahil sa takot na nararamdaman ko pero ayokong ipahalata 'yon dahil ayokong ipakita sa kanya na ang isang matapang na Jasmin ay may kinatatakutan din pala. 

  

Tumalikod na ito para umalis sinundan ko siya para ihatid sa labas at samahang mag-antay ng Taxi na dadaan. Parehas lang kaming nakatayo at tahimik na nagmamasid sa paligid dinig na dinig ko ang pagtilaok ng mga manok ng kapit-bahay at ang langit na mula sa kulay itim ngayon ay nagkukulay asul na.  

May naramdaman akong kamay na humawak sa akin. Nilingon ko siya, seryoso itong nakatitig sa akin. "Jasmin, kahit anong mangyari sa akin ka lang at walang ibang makaka-agaw sayo." May pagbabatna sa mga boses na 'yon na ikinabilis ng tahip ng puso ko. Tumango ako sa kanya at ngumiti ng malaki. 

"Mag-usap tayo mamaya huh?" Ngumiti siya sa akin at hinagkan ang mga labi ko. 

Hindi na ako nag-umagan bagkus dumeretso na ako sa kwarto ko dahil sa sobrang pagod na nararamdaman ko ng umalis si Al. Pagkasama ko siya hindi ako nakakaramdam ng kung anong pagod. Nagpalit lang ako ng short at t-shirt na puti bago dumeretso sa pagtulog. 

Kinahapunan ay napabalikwas siya ng bangon. Agad kong hinanap ang cellphone ko para tignan kung may message bang galing ka Al at meron nga. "Awake? I miss you, Baby."ngumiti ako sa text niya kahit kalian  napaka sweet talaga ng kupal.  Nireplyan ko siya ng 

Yup. Wanna see me? 

Tumayo ako sa kama at dumeretso sa banyo para maligo. Pagkatapos ay tinuyo ko ng blower ang kulot kong buhok at nibraid 'yon. Nakamaong na short lang ako at sleeveless bago lumabas na sa kwarto at bumaba.  

May nakita akong nakatayong lalaki na naka jersey na nakatalikod habang may kinakausap sa Cellphone. Naramdaman niya ata ang presensya ko kaya lumingin ito sa akin bago nakangising ibinaba nito ang cellphone at binati ako. 

"Jasmin!" 

"Oh Jack." Bati ko sa kanya at matipid kong nginitian bago mabilis nang bumaba ng hagdan. 

"Wala pa ring pinagbago sa height mo ah." Tumaas ang kilay ko bago inirapan siya. Nginisian niya lang ako. "At napakataray mo pa rin. Kamusta ka na maganda kong Pinsan? Ang tagal din nating di nagkita? It's been what? 4 or 5 years?" 

"5 years." Maikling sagot ko. Matagal din akong di nagbakasyon dito dahil ayoko talaga at gumagawa ako ng mga Alibi wag lang sumama kala Daddy pauwi dito. Naiilang ako sa kanila kahit sabihing kapamilya ko sila. Hindi kami close ni Jack dahil mas malala pa ang ugali niya kesa kay Al. 

"Really? Buti naman naalala mo pang may pinsan ka dito at mga kamag-anak." Sarkastikong ang isang kulot ding babae na napakakinis ng balat. Umupo ito sa Sofa na nakaekis ang mga braso at tinignan ako ng masama. Pwede talaga siyang maging model dahil sa height nitong napakataas katulad ng kapatid niyang si Jack. Ako lang atang bukod tanging kinapos sa Height. 

"Busy sa school then nagreview pa ako para sa License ko and sa work ko ngayon." Sagot ko kay Jelly na naka ismid sa akin hindi ako nagpahuli kaya tinaasan ko din siya ng kilay gaya nga ng sabi ko sa Lolo ko lang ako natatakot dahil daig pa nito ang Tigre kung magalit. 

"Bakit kasi Education ang kinuha mo? Kung pwede namang Engineering or Architecture na kagaya ng pamalya natin." Inirapan ko lang siya nang may biglang pumasok  na lalaki. 

"Pare! Buti naman dumaan ka dito tara sa loob kukuhanin ko yung bola tapos dumeretso na tayo sa Court." Sambit ni Jack.  

"Kuya manunuod ako sa inyo. Sama ka Jasmin?" Lumapit sa amin ang isang matangkad na lalaki na nakajersey.  Okay isa akong outcast ngayon dahil sa lalaking intruder. Nakatayo lang ako habang pinapanuod ang pagbeso ni Jelly sa lalaki pagkatapos non ay tumingin sa akin si Jelly kasama yung lalaki kaya tinaasan ko sila ng kilay. "Naalala mo pa ba siya? Si Totoy." Tanong ni Jelly sa akin na itinuturo yung lalaking nakatayo. 

Kumunot ang noo ko para alalahanin kung sino tong lalaking to na may mabahong pangalan. "Totoy?" 

"Psh! Yung kalaro natin nung mga bata pa tayo." Maarteng paliwang ni Jelly bago inirapan ako. Anong magagawa ko kung wala akong maalalang may Totoy ang pangalan. "Duh! Nagkalaman lang ang lalaking to di mo na naalala sabagay kauuwi lang din niya galing Canada." 

Continue Reading

You'll Also Like

5.5K 123 7
R18 | SPG Misteryo para kay Mike ang pagkawala ng mga bata sa isang isla sa Tagbilaran, Bohol. Mula sa Maynila ay tinanggap niya ang trabaho patungo...
178K 5.4K 24
Complete version is available only on Dreame
862K 5K 9
Dunhill Feiro Mondragon... He was the only heir of Mondragon Empire. Isa sa pinakamalaking korporasyon sa Pilipinas. They owned many real estates and...
209K 11.5K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.