Unforgettable Mistake

By Elginpearl02

539 96 21

This is a story about a happy-go-lucky guy and a girl who doesn't know how to smile. That's because of the pa... More

PROLOGUE
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Epilogue
Author's Noteđź’•

Chapter 10

10 3 0
By Elginpearl02

"Hawak- kamayyy, di kita iiwan sa paglakbay!
Dito sa mundong walang katiyakannn!"

"Malayo pa bang bahay nila Natalie?" Bored na tanong ni Cecille. Sabado ngayon at dalawang multicab ang gamit ng section namin papunta sa bahay ni Nathalie.

"Ugok, maglilimang minuto pa lang simula ng umalis tayo!" Sagot ng katabing si Jaiza.

"Hawak- kamaayyy!"

"Eh di ako nag-agahan eh! Nakakagutom!" Si Cecille

"Sabagay, nakakagutom naman kasi talaga marinig ang boses ni Tim" sagot ulit ni Jaiza na may kasamang pagkibit- balikat.

Kahit ako ay kanina pa nagtitimpi sa isang to. Lalo na't nakipagtalo pa siya kanina makatabi lang sa akin. Kanina pa siya tinitingnan ng masama nila Christine dahil sa ingay nito .

"Hawak-kaamaaayyy"

"Tim tumahimik ka nga!" Reklamo ni Christine

"Hawak- arayyy!!! Masakit pres!" Ngiwing saad ni Harrison dahil sa pagpingot ni Christine sa tenga nito.

"Talagang masasaktan ka kung di ka tumahimik! Nakikita mo ba yung naunang jeep ha? Tingnan mo, ang tahimik nila samantalang dito eh sobrang ingay!"

Magkasunod lang ang jeep na aming sinasakyan at mula dito ay nakikita namin ang ilan naming mga kaklase. Ang ilan ay nagcecellphone at kumakain ng junkfoods habang ang ilan naman ay tulog. Kahit dito sa jeep na sinasakyan namin ay tahimik lang din kanina, kahit ako ay may planong matulog dahil mag aalas otso pa lang ng umaga. Not until this Harrison began to shout-- I mean to sing.

"Pres kasalanan ko ba kung ang boring nung mga nakasakay dun sa isang jeep? Si Kent, si Sammy, si Rhaina,  si Daniel, yung banda-- aray ko, tatahimik na nga." Nagpout pa ito pagkatapos batukan ni Hope na kanina'y nagse- cellphone lang.

"Nagpaparinig ka lang kina Kirby at Redge eh." Si Jaiza. Nagkatinginan naman sina Kirby at Redge na kapwa katabi ang mga nililigawan.

"Ano namang kinalaman namin jan?" Si Kirby

"Kunwari pa kayong dalawa eh kanina niyo pa nga gustong hawakan ang kamay nila Liyah at Sarah."

"Guys puyat ako kagabi kakaisip ng paraan para pagbatiin yung magkakaibigan, pwede bang patulugin niyo muna ako?" Kunot noong saad ni Christine.

"Edi matulog ka." Bulong ni Harrison pero rinig naming lahat.

"Hello? Pano ako makakatulog kung ang ingay niyo? Buti sana kung ang dami mong naitulong kagabi sa amin eh kaso puro kalokohan lahat ng nirereply mo."

"Pres, buti nga nagrereply ako sa bagong gc natin, eh yung iba kaya jan?" Tumingin ang lahat sa akin. Tumikhim ako tsaka iniwas ang paningin sa kanila, kunwaring hindi narinig iyon. Ilang araw na rin kasi akong hindi active sa Fb at messenger. Narinig ko kanina na gumawa raw sila ng bagong gc kung saan hindi kasali sila Nathalie, Clyne at Lalaine. Si Rose naman ay napilit nilang sumama ngayon.

"Bingi-bingihan." Parinig ni Harrison. Isinilampak ko ang headset ko kahit wala namang music tsaka yumuko. Mas mabuti sigurong matulog muna ako.

Naririnig ko pa rin ang ingay ni Harrison, ang tawa ng mga babae at ang reklamo ni Christine hanggang sa unti-unting nawala ang mga ito kasabay ng pagbigat ng mga talukap ng mata ko. Marahil sa sobrang pagod ay nakatulog agad ako.

Pagmulat ng mga mata ko'y tulog na ang lahat. Nakahilig ang mga ulo nila sa mga balikat ng katabi nila. Ang sarap talaga matulog pag nasa byahe ka, lalo na kapag may malambot na unan--teka! Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong wala naman akong dalang unan. Napatingin ako sa katabi ko. Shet nakahilig ako kay Harrison! Agad kong kinapa ang bibig ko't napahinga ng maluwag dahil wala namang tumulong laway.

Muli akong napatingin sa katabi ko. Mukhang nahihirapan siya sa pwesto niya dahil walang masandalan ang ulo niya. Kung minsan ay biglang napapayuko ang ulo niya at iaangat niya ito ulit. Ngayon ko lang siya nakitang tulog sa malapitan at kung hindi ko lang siya kilala, masasabi kong isa siyang napakabuting tao dahil sa mala anghel na mukha nito-- teka! May nasabi ba akong anghel? Eww, natatakot na'ko sa sarili ko.

Nagulat ako ng bigla siyang magmulat ng mata at mapatingin diretso sa akin. Ngunit mas nagulat ako sa sunod na nangyari dahil biglang huminto ang sinasakyan namin. Dahil wala akong mahawakang suporta at dahil na rin sa impact ay mas napalapit ang mukha ko sa kanya. Mabilis namang umalalay ang kanyang mga braso sa akin upang hindi ako tuluyang mahulog.

Isa

Dalawa

Tatlo

Apat

Lima

Lima, limang segundo kaming nagtitigan. Ilang beses akong napalunok hanggang siya na mismo ang kusang bumitaw at umiwas ng paningin.

"Pasensya na mga hijo, hija. Ayos lang ba kayo jan?" Sigaw ni manong driver sa harapan dahilan para magising ang mga kaklase namin.

"Ayos lang po manong!" Sagot ni Harrison

"Andito na po tayo?" Tanong ni Cecille

"Huminto ang naunang jeep, malamang ay nandito na nga tayo." Sagot ni manong.

"Driver ka tas di mo alam?" Mahinang bulong ni Cecille dahil tunog sarcastic ang sagot ni manong, buti na lang ay hindi niya ito narinig.

Bumaba na ang lahat. Nakasunod naman ako kay Harrison. Nang makababa siya'y nagtaka ako ng ilahad niya ang kamay niya.

"Kay Christine ko binigay ang pamasahe ko." Sagot ko sa kanya sabay lundag pababa. Bigla naman siyang napatawa.

"Bakit?"

"I was just being a gentleman." Tumatawa pa rin ang mokong.

"Gentleman mo mukha mo." Inirapan ko siya tsaka nagtungo sa mga kaklase ko.

"Uy! To naman nangwa- walk out!"

Lahat kami ay napatitig sa malaking bahay na nasa harap namin. Makikita ang pagkamangha sa mukha ng mga kaklase ko kahit na ang ilan sa kanila ay minsan na rin daw nakapunta dito.

"Langya pasok na tayo! Ang layo layo ng bahay neto nagugutom na ako!" Sigaw ni Ciyoh.

Magdo- doorbell na sana ito ng mapahinto kami sa kararating lang na tricycle. Bumaba rito ang magkakaibigang sina Clyne at Lalaine. Maging ang mga ito'y nagulat ng makita kami.

"Anong ginagawa niyo rito?" Nagtatakang tanong ni Clyne.

"Bawal bumisita? Dali na pasok na tayo! Nakakagutom!" Si Hope.

Nagulat pa ang kanilang kasambahay ng makitang napakarami namin pero pinapasok pa rin naman kami nito.

Mas lalong nakakahanga ang loob ng bahay nila. Wala ng hiya hiya at agad nilang-- I mean naming nilantakan ang mga meriendang nakahanda. Ang mama naman ni Nathalie ay mala anghel dahil bukod sa magandang mukha nito ay napaka bait pa. Napatingin ako kay Rose. Makikitang pinipigilan nito ang kanyang mga luha ng makita niya ito.

Kinwento ni Tita Riz, (mama ni Nathalie... at Rose) na ilang araw na raw nasa kwarto si Nathalie. Pinapadalhan lang ito ng pagkain na kung minsan ay hindi rin nauubos.

"Hindi ko rin alam kung bakit iyak iyon ng iyak. Nakakasama pa naman iyon sa kanya dahil sa asthma niya."

"M- may asthma po siya?" Si Jaiza. Habang tahimik lang naman sina Clyne at Lalaine. Siguro ay may alam na ang dalawang ito. Tumango si tita Riz bago nagsalita ulit.

"Pwede niyo siyang puntahan sa kwarto niya. Wag nga lang kayong sumiksik doon, ang dami niyo pa naman." Sabay ngiti nito ng kaunti. Tumayo ang mga kaklase dahil sa excited na makita ulit si Nathalie habang sumusunod lang ako sa kanila. Napahinto ako ng marinig na tinawag ni tita Riz si Rose. Hinila naman ako ni Harrison papunta sa mahabang hagdan.

"Pabayaan mo muna silang mag- usap." Mahinang bulong nito.

Pagdating sa kwarto ni Nathalie ay wala ng katok katok at diretso ng pumasok sina Jaiza sa kwarto ni Nathalie. Nadatnan namin siyang nakaupo sa kanyang kama habang hawak ang isang photo album. Nagulat siya ng makita kami. Malaki ang kwarto niya kung kaya't nagkasya kaming lahat, kaya nga lang ay medyo uminit.

Nilakasan ni Kirby ang aircon habang si Redge naman ay binuksan ang electric fan.

"Namiss ka namin!" Sigaw ni Cecille at kunwaring may pinapahid na luha pa.

"Arte mo!" Sigaw ni Hope. "Pero oo nga Nathalie namiss ka namin!"

"Op op op! Space naman oh! Kakasabi lang na may asthma eh!" Si Christine

"Hoy Christine wala tayo sa classroom kaya hindi ka muna ngayon president!" Sigaw ni Harrison. Natawa naman si Nathalie sa kanila.

"Namiss ko rin kayo guys, sorry kung umabsent ako. Pa group hug ngaaa!" Didiretso sana ako sa harap ng aircon para magpalamig ng hinila rin ako ni Harrison para makigroup hug sa kanila.

Nang bumitaw kami ay isa -isa niya kaming tiningnan. Malamang ay hinahanap niya si Rose. Nang hindi niya ito nakita ay ilang segundo naghari ang katahimikan.

"S- so, k-kumusta na kayo?" Malungkot na tanong nito.

"Hindi ganun kaingay tulad ng dati."

"Medyo malungkot."

"Ang pangit ng classroom kapag may kulang."

"Marami kang hahabulin na seatworks."

Sunod sunod na sabi ng mga kaklase ko.

"Eh ikaw Nat, kumusta na? Hindi mo man lang sinabi na may asthma ka pala." Si Sarah.

"Ayoko ko kayong pag alalahanin. Tsaka kaya ko naman ang sarili ko. Maayos lang ako kaya nga lang ay nakakasawa na ang pagmumukha ng dalawang to." Sabay akbay niya kina Clyne at Lalaine na nakapout.

"Lagi nila akong binibwiseta." Dagdag pa nito.

"Grabe ka Nats, gusto ka lang namin makita eh! Ganyan ka namin ka lab!" Si Lalaine.

"Lab ko rin kayo, pwe."  Sabay tawa.

"Ahmmm.... k-kayo lang?" Maya maya'y tanong nito.

"Nasa ospital si Terry, nagbabantay sa papa niya." Sagot ni Christine, marahan namang napatango si Nathalie. Alam kong may iba siyang hinahanap.

"Nasa baba siya. Alam niya na ang lahat." Biglang sambit ko.

Napaangat ang tingin niya sa akin habang nanlalaki ang mga mata. Mabilis siyang lumabas ng kwarto at sinundan namin siya. Nasa garden si Tita Riz at Rose. Dahil sa ingay ng mga dumadaang sasakyan at tahol ng aso sa kabilang bahay ay hindi nila namalayang nasa likod lang nila kami ngunit nangunguna si Nathalie. Umiiyak silang dalawa.

"Masakit po para sa akin. K-kasi ang tagal kong gustong magkaroon ng ina. Wala akong kaalam alam na andito lang pala siya malapit sa akin. Ang mas masakit pa dun ay alam niyong dalawa ni Rose pero, h-hindi niyo man lang inamin sa akin." Halatang nahihirapan na itong magsalita dahil sa pag iyak.

"Gusto kong magalit, gusto ko kayong sigawan, gusto ko kayong kamuhian pero hindi ko magawa! Hanggang sa naipon lahat ng galit ko, sumabog. Nailabas ko lahat ng galit ko sa kanya. Akala ko magiging magaan na pero bat mas lalong bumigat? H-hindi ko na alam anong gagawain ko!" Humahagulhol na sabi nito. Sinusubukan naman siyang hawakan ni tita Riz pero umiiwas ito. Napatingin ako kay Nathalie ng makitang marahang gumagalaw ang balikat nito, senyales na umiiyak din siya.

"All this time! Niloko niyo ako! Pinaglaruan niyo yung nararamdaman ko!"

"Rose, anak it's not like that, naghahanap lang kami ng tamang panahon para malaman mong totoo---"

"Tamang panahon? Sa loob ng ilang taon nating magkakasama hindi kayo nakapaghanap ng tamang panahon nun?"

"Rose ayaw ka naming biglain dahil natatakot kaming masaktan ka."

"Kahit anong gawin niyo masasaktan at masasaktan niyo pa rin ako."

"Rose pakinggan mo muna kami please." Nabaling ang paningin nila kay Nathalie

"Matagal ng gustong sabihin ni mama sayo ang totoo, ilang beses niya ng balak umamin pero... a-ako yung may ayaw dahil natatakot akong magalit ka sa akin, natatakot akong mawala yung pagkakaibigan natin, Rose sorry."

"Matagal ka ng binabantayan ni mama Rose, noon pa man kahit di pa tayo magkakilala." Dagdag pa ni Nathalie

"So kaya ka nakipagkaibigan sa akin dahil dun? Pinlano niyo tong dalawa tama? Pinaglaruan niyo kong dalawa!"

"Rose hindi! Ilang linggo matapos nating magkakilala, doon ko pa lamang nalaman na ikaw yung tinutukoy na anak ni mama. Oo inaamin ko, nakokonsensiya ako dahil alam kong kayo ang unang pamilya, kaya ginawa ko ang lahat para mapasaya ka lang. Lahat ng meron ako, gusto kong magkaroon ka rin. Pinapapunta kita dito sa bahay dahil gusto kong magkasama kayo ni mama. Pero Rose kahit kailan hindi ka namin pinaglaruan, totoo lahat ng pinakita namin sayo." Napansin naming medyo kumalma na si Rose. Mariin niyang pinikit ang mga mata tsaka minulat muli, diretso ang tingin kay tita Riz.

"Ngayon... ngayong alam ko na ang totoo, anong plano niyo? Bubuuin niyo na po bang pamilya natin? Babalik na po ba kayo kay papa?" Lahat kami ay nagulat sa tanong na iyon ni Rose. Kung sakaling mabubuo na ang pinapangarap na pamilya ni Rose, masisira naman ang pamilya na meron si Nathalie.

Napahinto si tita Riz at Nathalie sa pag iyak. Nanlaki ang mga mata sa narinig. Ngunit mas nagulat kami sa sunod na isinagot ni tita Riz.

"Hindi pwede."




Continue Reading

You'll Also Like

63.5K 987 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
48.7K 3.6K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
451K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
158K 7.4K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...