Somewhere Down The Road (Publ...

By asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... More

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 16

143K 3.1K 469
By asherinakenza

SDTR: Kabanata 16

"Napatingin natulala sa iyong kagandahan!!!" Panay ang tawa ko ngayon dahil kanta ng kanta sa back seat si Seb habang ginagawang mic yung maliit niyang kamay! Sinasabayan niya yung tugtog sa speaker ng kotse ni Ethan, kahit bubulo bulol pa siya sa pagkanta ganang gana siya.

Bukas rin ang bintana ng kotse kaya naman humahampas saamin ang malakas na hangin, kasabay pa non ang mabilis na pagmamaneho ni Ethan. Pabalik na kami sa Manila dahil may pasok na rin bukas si Seb, ihahatid nalang muna siya mamaya ni Ethan sa Mommy nito.

"Medyo pangit ka pa noon! Hanggang ngayon!!! Yeaaah!!!" Ang kulit kulit niya, nakasuot siya ng white sando at shorts, suot niya rin yung maliit na neck tie na pinabili niya kanina kay Ethan doon sa isang shop sa may beach, pang porma daw niya. Nakapang geek eye glasses pa siya.

"Iba na ang yong ngiti!! Iba ang yong tingin!! Nagbago nang lahat sayo ohhhhh!!" Panay pa rin ang kanta niya.

"Alright young man!!" Nangingiting sigaw ni Ethan, nagmamaneho siya ngayon. Inayos pa niya ang rear mirror para makita ng maayos ang anak, nilakasan niya pa lalo yung tugtog.

"MAMA CLAIRE!! SING!!" Hiyaw niya, bumaling saakin si Ethan at kinindatan ako.

"Iba na ang 'yong ngiti! Iba na ang 'yong tingin nagbago nang lahat sayo ohhh! Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema pagkat kulang ang dala kong pera... pambili, pambili sa mukha mong maganda!!" Sinabayan namin ni Ethan ang pagkanta ni Seb at nangingibabaw ang boses niya!

Panay ang halakhak namin at nang matapos ang tugtog lumipat sa harap ko si Seb, ang ganda ganda ng ngiti niya. Kuhang kuha niya talaga yung magandang mata ni Ethan, yung mahahabang kurba ng pilik mata niya, yung mapupulang labi. Lalo pang naging cute si Seb sa messy hair niya.

"Pawis na pawis ka na." Natatawang sabi ko kay Seb nang mahawakan ko ang likod niya, biglang humila ng tissue si Ethan at inabot saakin. "Thanks." Nakangiting sabi ko sakanya atsaka pinunasan ko na ang likod ni Seb.

"Favorite ko Chicosci!" Hiyaw ni Seb, "Rocker ka ba anak?" Pang aasar ni Ethan sa anak, ngumuso si Seb.

"No Daddy! Diba sila kumanta nung Magasin?" Ang kulit kulit ng boses niya, pilit niyang tinutuwid ang pananalita niya pero hindi niya pa gaanong magawa.

"Original non ang Eraserheads anak, kapanahunan ng Lolo mo!" Humahalakhak na sabi ni Ethan.

"Really Daddy? Rocker ba si Lolo?" Inayos ko ang pawisang buhok ni Seb at hinawakan ko siyang mabuti para hindi siya mahulog.

Ngumiti si Ethan, "Professional photographer." Nangingiting kwento niya.

"Daddy...diba Daddy mo siya? Kailan ko siya makikita?" Hinihingal hingal pa siya sa pagsasalita dahil siguro sa pagkanta kanta, tumingin saakin si Ethan bago muling bumaling sa pagmamaneho.

"Soon anak." Nahihiyang sagot niya kay Seb, ramdam kong nakakaramdam ng hiya si Ethan sa anak niya sa tuwing wala siyang maisagot dito. Umayos nalang ng pagkakatungo si Seb saakin at hindi na nagtanong.

Ilang sandali pa ay nakatulog na si Seb sa bisig ko, hinalikan ko ang ulo niya at niyakap ko siya. Sinara na ni Ethan yung bintana ng kotse at binuksan yung aircon.

"Hindi ka ba nabibigatan?" Pag aalala niya, ngumiti ako at umiling iling.

"Ang kulit ng anak mo." Bulong ko, "Mukhang may pinagmanahan." Panunuya ko sakanya, ngumisi siya at kinuha niya ang kamay ko gamit ang kaliwang kamay ko.

Pinaulanan niya ng maliliit na halik iyon na naghatid ng ngiti saakin. Inayos niya ang kamay ko at inihaplos niya iyon sa pisngi niya, "Sa araw araw na kasama kita mas lalo kitang minamahal." Bulong niya na nagpapula sa pisngi ko.

"Sana kahit papaano natanggal ko yung tinik diyan sa puso mo." Patuloy niya, nanatili akong nakatitig sakanya. Kahit naka-focus ang mga mata niya sa kalsada kita ko doon ang masayang emosyon niya.

"Oo naman, masaya ako. Lalo na at kasama natin si Seb." Nakangiting sagot ko sakanya, ngumiti siya at muling hinalikan ang kamay ko.

___

"No! Daddy!! No!!" Sigaw ng sigaw si Seb ngayon at inaalis niya yung mga damit na nilalagay ni Ethan doon sa maliit niyang bag. Ihahatid na kasi siya ngayon sa Mommy niya, umiiyak nanaman siya at ayaw umalis.

"I want to stay with you!! I want to stay with Mama Claire!!" Humihikbing sigaw niya at pilit niyang hinihila yung damit niya doon sa loob ng bag. Nakaupo lang ako ngayon dito sa kama kung saan inaayos ni Ethan ang gamit niya.

Umupo si Ethan sa tabi ko at binuhat niya si Seb, nangingiti niyang pinahid ang luha ng anak. "Palagi nalang ba tayong mag aaway anak kapag uuwi ka na?" Natatawang tanong niya kay Seb, napapangiti nalang ako dahil sa pula ng mukha ni Seb sa kakaiyak.

"This is my home!!" Humahagulgol na siya na para bang nagmamakaawa siya kay Ethan na h'wag siyang ihatid.

"Pero anak, kailangan ka nang ihatid ni Daddy. May pasok ka na bukas, ako din may school na din ako tomorrow. May office pa si Daddy, wala kang kasama dito. May ghost." Pananakot niya sa anak. Umiling iling si Seb.

"Mama Claire is here!!" Sigaw niya.

"May school din ang Mama Claire mo." Hindi ko alam kung ano yung kumalabit sa puso ko nang marinig ko mismo kay Ethan yon.

"Sa weekends naman nandito ka ulit." Paninigurado niya sa anak, yumakap sakanya si Seb at nag iiyak. Halos kurutin ang puso ko nang makita ko kung paano yakapin ni Ethan ang anak niya, iba. Ibang iba yung pakiramdam na makita siyang napakabuting ama.

"Mag ingat kayo." Paalala ko kay Ethan, buhat buhat niya ngayon si Seb, napapayag niya rin na umuwi muna ito sa Mommy niya.

"I will baby." Sagot niya saakin at binigyan niya ako ng isang halik sa labi. Humalik din sa pisngi ko si Seb.

"Weekends Mama Claire." Paalala ni Seb na nagpangiti saakin, tinanguan ko siya at marahan kong pinat ang ulo niya. "Mag aral mabuti ha? Dapat sa Friday may makita akong stars diyan sa kamay mo." Magiliw na sabi ko sakanya, tumango tango siya na parang nae-excite.

Isinakay na ni Ethan si Seb sa back seat at kinabitan ng seat belt. Kumaway naman saakin si Seb at nag flying kiss pa ito. Itinapat niya pa ang point finger niya sa labi niya at, "Shhhhhh. Secret." Bulong niya na nagpaawang sa labi ko.

Humarap na saakin si Ethan, "I told you, iba si Seb sa ibang bata." Natatawang sabi niya saakin, hinampas ko ang braso niya.

"Sira ka. Parang tinuturuan nating magsinungaling yung bata." Suway ko sakanya, umiling siya at pinisil ang ilong ko.

"Of course not baby, malapit na naman tayong maging malaya." Bulong niya saakin.

Huminga ako ng malalim atsaka tinulak ko na siya para sumakay, "Sige na, mag ingat kayo. Aalis nga pala ako, nagtext saakin yung pinsan kong si Jamille, bukas na kasi ang balik nila sa Lucban, nagyayaya silang mag bar." Sabi ko sakanya na nagpakunot sa noo niya.

"You have class tomorrow, right?" Paalala niya saakin, tumango ako. "Nine o'clock in the morning? Hindi ba pwedeng magpahinga ka nalang?" Suway niya saakin, pinisil ko ang pisngi niya.

"H'wag kang mag alala, maaga naman akong uuwi. Pagbibigyan ko lang yung mga pinsan ko, minsanan lang kasi silang lumuwas." Pakiusap ko sakanya, huminga siya ng malalim at kita ko ang pagtatampo sa mga mata niya.

"Alright, susunduin kita. Mag ingat ka, itext mo ako kapag nakarating ka na dun. Yung plate number ng taxi na sasakyan mo itext mo rin saakin." Pag aalala niya na nagpabilog sa dalawang mata ko.

"Ethan!!" Natatawang suway ko sakanya, "What? Listen to me baby, hindi mo alam kung gaano katagal kitang hinintay na ganitong kalapit, kaya hindi mo ako masisisi kung iniingatan kita." Paghihimutok niya na nagpangisi saakin, ewan ko mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko.

"H'wag matigas ang ulo, tsk." Pagsusungit niya, kunot na kunot ang noo niya. Yan, yan ang nakilala kong Ethan, masungit, mukhang suplado, iritable. Napapadalas na kasi ang paghalakhak niya sa harap ko at ang pag ngisi niya kaya naman kapag nagsusuplado siya natatawa nalang ako.

Tinakpan ko ang bibig ko dahil hindi ko mapigilan ang pagtawa. "Claire." Pagbabanta niya.

"DADDY!!!" Dumungaw na si Seb sa bintana, "ANG TAGAL MO!" Sigaw niya, mariin na ipinikit ni Ethan ang mata niya bago niya ako tinitigan ng sobrang lalim, "Itext mo ako kung saang bar para alam ko kung saan kita susunduin." Ma-awtoridad na sabi niya.

"Yes Sir!" Pang aasar ko sakanya, hinila niya ang kamay ko mula sa bibig ko at hinalikan niya ang labi ko. "Napaka pilya mo, kaya mas lalo kitang minamahal." Nanggigigil na aniya bago niya ako tinalikuran at sumakay na sa kotse niya.

___

"Come on crazy girl!" Hiyaw ni Grey sa kapatid na ngayon ay sumasayaw sa gitna ng dance floor, lasing na ang mga pinsan ko pero masasabi kong alam pa nila ang ginagawa nila. Si Jamille naman bida nanaman sa dance floor kagaya ng dati.

Sakanila ako humahalubilo dahil iniiwasan ko si Jenica at Jerome mula sa kabilang table.

"Woaah! Namiss ko 'to!" Sigaw nila Katherine saka uminom ng hawak niyang beer, napapangisi nalang ako dahil akala mo nakawala sila hawla.

"Pagod na ako! Upo tayo!" Sigaw ni Jamille saakin at hinila niya ako doon sa kaninang table na inuupuan namin, pawis na pawis na siya sa kakasayaw pero kita pa rin ang ganda niya, mabuti nalang at water proof ang make up niya dahil kung hindi panigurado na kalat kalat na iyon. Mahaba ang buhok niya at tuwid na tuwid iyon na makintab, sobrang puti niya rin, balingkinitan ang katawan kaya naman madalas siyang kasali sa mga beauty pageant sa Lucban at sa school nila.

"May good news ako sayo!" Ngumingising sabi niya, uminom ako ng alak at bumaling ako sakanya. "Pinayagan na ako nila Mama na mag aral sa Baguio!" Excited na hiyaw niya na nagpabilog sa dalawang mata ko, matagal na niyang gustong mag aral sa Baguio dahil nandoon ang boyfriend niya.

"Teka! Alam na ba yan ni Nabin?" Nag aalalang tanong ko sakanya, ngumiti siya at tumango tango. "Pero syempre kasama ko si Auntie Josie, alam mo na bawal pa rin kaming magsama ni Nabin sa isang bahay, bumili kasi sila Mama ng house and lot sa Baguio, gusto niyang patirahan, kaya ayun naisip niya na dun nalang ako mag aral." Kwento niya, si Nabin ang boyfriend niya habang si Auntie Josie naman ang nag alaga sakanila ni Grey magmula nung maliliit palang sila.

"Masaya ako for you!" Pumapalakpak na sabi ko sakanya.

"Kaya kung gusto mong pumunta ng Baguio saakin ka tutuloy ha! Namimiss na kita kakwentuhan, palagi nalang kasing si Jenica." Pagtatampo niya na nagpangisi saakin.

"Pero teka, may tampuhan ba kayo?" Usisa niya patukol saaming dalawa ni Jenica, ngumiti nalang ako at umiling iling.

Ilang sandali pa nang pinalibutan na rin kami ng iba pa naming pinsan, nagpaalam na lang muna ako na mag ccr ako.

Inaayos ko ngayon ang make up ko sa harap ng salamin nang may lumabas na babae mula sa isang cubicle, naka-kulay itim na dress ito na sobrang ikli. Masasabi kong magka-height lang kami pero naka-heels siya kaya nagmukhang mas matangkad siya saakin.

May hinahalungkat siya sa bag niya, napakunot ang noo ko dahil hindi ko maalala kung saan ko siya unang nakita. Nang makuha niya ang lipstick sa bag ay kaagad niyang nilagyan ang labi niya, napahinto siya sa paglalagay ng lipstick nang mapansin niyang nakatingin ako sakanya.

"Yes?" Taas kilay na tanong niya saakin, lumunok ako at umiling iling. Pero natigilan siya.

"Ohh, I think I saw you?" Kunot noong aniya at tinakpan ang lipstick niya, maging ako ay napatango na lamang.

"Saan nga ba?" Pagtataka niya.

"Briana! Matagal ka pa ba diyan?" May narinig akong tumawag sakanya mula sa labas ng cr, boses iyon ng isang lalaki.

"Coming!" Hiyaw niya atsaka sandali akong tinignan bago tuluyang lumabas. Kumalabog ang puso ko.

Si Briana?

Asawa ni Ethan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at dali dali akong lumabas ng cr para sundan siya pero may humila saakin! Si Jamille nanaman na kinukulit akong magsayaw.

Nasisilaw ako sa neon lights ng buong bar at medyo sumasakit na ang tainga ko sa lakas ng tugtog. Nahagip ng mata ko si Briana na sumasayaw doon sa gitna ng dance floor habang umiinom, napatigil siya at nagtagpo ang mata naming dalawa.

"Ayaw mo ba?! Pupunta na ako kela Kuya Grey!" Sigaw ni Jamille sa tainga ko, "S-sige lang!" Sagot ko sakanya at pinagtulakan ko na siya patungo kela Grey.

Paanong nandito siya? Hindi ba ihahatid ni Ethan ngayon si Seb sa bahay nila. Pumunta ako sa bar area at umupo sa bar stool. "Two shots of vodka please?" Pakiusap ko sa bartender na kaagad namang sinunod ang sinabi ko, iinumin ko na sana yung vodka pero natigilan ako dahil may tumabi saakin.

At si Briana iyon, ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. "Tequila for me!" Magiliw na aniya nang makaupo sa bar stool, bumaling siya saakin at nagtama ang mata naming dalawa. Maganda siya at wala akong mapintas sa mukha niya dahil sa ganda nito. Mataray ang mga mata niya.

"If I'm not mistaken, ikaw yung hinahabol ng anak ko sa mall." Matapang na pahayag niya saakin, ewan ko hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ngayon.

Lumunok ako ng sunod sunod dahil para bang nanunuyo ang lalamunan ko.

"I'm not going to ask you kung bakit kilala ka ng anak ko." Nakangiting tanong niya, napapitlag ako ng tapikin niya ang balikat ko.

"Pero hindi ako pinanganak kahapon at hindi rin ako tanga." Mapait na aniya saka tinungga ang Tequila na ibinigay sakanya ng bartender bago tuluyang tumayo.

Hindi ko alam pero pinagpapawisan ako ng malamig ngayon at hindi ko alam kung paano ko ba ipagtatanggol ang sarili ko. Hinawakan niya ang balikat ko at bumulong siya sa tainga ko na nagpataas sa ng balahibo sa katawan ko.

"Gaano kasarap maging pangalawa?"

****

A/N: Thank you guys sa pagbabasa. Hihihi. :">

Love lots.

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 23K 45
Paano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban mo pa ba siya kahit alam mong mali na? O...
1.6M 25.6K 53
Si Ryle Sofia Harris, para sa lahat ay siya ang tipo na nakukuha ang lahat. Mayaman, maganda, maraming kaibigan at matalino pero para sa mga taong na...
12M 167K 57
Published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P199.00 Kaya mo pa bang magmahal kung sobra sobra kang sinaktan ng unang taong pinakamamahal...
12.8M 179K 53
[Completed] One True Love Series #2 P1 Jacky has been in love with Maico since forever. Ang kaso, ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito kahit na...