Unforgettable Mistake

By Elginpearl02

539 96 21

This is a story about a happy-go-lucky guy and a girl who doesn't know how to smile. That's because of the pa... More

PROLOGUE
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Epilogue
Author's Noteđź’•

Chapter 3

36 5 0
By Elginpearl02


"Good Morning everyone! I'm Mrs. Sharlene, I think everyone of you already knew me dahil halos lahat naman sa inyo ay dito dati nag school and  magkakakilala na. But let me introduce you your new classmate. I want you guys to treat her well just like how you treat each other." Nakangiting bati niya sa mga estudyante niya. Nung una ko siyang makita akala ko ay estudyante lang siya. Ang ganda niya kasi at batang bata pa ang itsura. May suot siyang bilog na eyeglass. Kung di ko nakita iyong family picture na wallpaper sa phone niya ay di ko malalaman na may asawa't mga anak na pala siya.

"Pasok ka." nakangiting baling niya sa akin. Sabi niya sa akin kanina huwag daw ako mahiya at maging komportable lang daw ako. Friendly at  makakapal naman daw ang mga mukha ng mga magiging kaklase ko. Based on what she told me earlier ay mukhang matagal na niyang kilala ang mga estudyante niya. Mukhang matagal na rin nilang kilala ang bawat isa dahil nakikita kong komportable na sila kahit first day pa lang ngayon ng klase.

Dahan dahan akong pumasok at nararamdaman ko ang mga titig ng bawat isa sa akin. Nang tuluyan na akong nakapasok ay isa isa kong tinignan ang mga magiging kaklase ko. Hindi nakaligtas sa akin ang mga bulung-bulongan nila. May iba na pinupuri ang itsura ko, ang iba naman sinasabing mukhang suplada daw ako.

Ang dating pinutol ko na buhok ay pina trim at pinawave ko dahil di naman pantay ang pagpapagupit ko, pinakulay ko rin ang dulo nito ng blonde. Dahilan kung bakit lumitaw ang pagkaputi ko. Mas lalo akong pumuti dahil lagi lang naman ako nakakulong sa bahay. Ang dating dry lips ko ay pinatungan ko lang ng lip balm. Mas pumayat din ako dahilan kung ba't umangat at lumitaw ang cheeks ko, nakasuot naman na din ako ng uniform katulad nila dahil nang mapa enroll na ako ni tita ay agad agad siyang nagpasukat at nagpatahi ng uniform ko.

"Ang ganda niya noh?"

"Oo mukha ring rk" I mentally rolled my eyes. Dahil na naman dito ay maraming makikipag friends sa akin.

"Kutis mayaman at ang cute cute din ng cheeks niya."

"Oo kaso mukhang suplada" Gusto mong sample?

"Wag ka ngang judgemental, di pa nga natin nakikilala eh."

"Mukha naman siyang mabait eh." Medyo nahiya naman ako sa mga huling narinig ko.

"Ahmm" panimula ko at sinubukang kunin ang atensiyon nila. Naririndi na rin kasi ako sa mga bulung-bulungan nila.

"Good morning, I'm Lhouiza Fhaye Wilson." pilit ko pang hinahagilap ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanila kaso ay wala na talaga akong masabi. Hindi talaga ako magaling dito. Binaling ko na lang ang tingin ko kay maam.

"Maam pwede na pong maupo?" Napatingin naman siya sa akin at mukhang napansin niyang hindi na ako komportable.

"Ah sige, maupo ka na Ms. Wilson." Dumiretso ako sa pinaka likod na upuan, malayo sa kanila. Wala akong balak makipagkaibigan sa kahit na kanino, kaya nga ako lumipat ay para makalayo sa mga gustong makipagkaibigan sa akin doon at para na rin makapagsimula ng bago. Nang umupo ako ay nagwave sa akin ang magiging seatmate ko. Nakapatong sa kanyang mga balikat ang kanyang dalawang braided na buhok. Nakalugay rin ang kanyang medyo manipis na bangs. She has an eyeglasses. She looks so simple yet beutiful.

"Ehem! Mr. Harrison!" Napatingin ang lahat kay Mrs. Sharlene, sunod ay sa taong nakaupo sa pinakagitna. Umagang umaga pa lang ay tulog na ito. Nagising naman siya dahil pasimple siyang kinurot ng mga nasa likod niya. Inis na inis niyang tiningnan ang mga nasa likod niya pero sinenyasan lang siya ng mga ito na nakatingin sa kanya si Mrs. Sharlene. Dahan dahan din siyang napatingin sa harapan at ang nabwibwiset niyang ekspresyon ay napalitan na ng ngiti.

"Hi maam! Sorry po naka idlip lang hehe..."

"Hindi ka pa rin nagbabago Mr. Harrison, kung gusto mong matulog ay doon ka sa clinic, makakahiga ka ng maayos doon dahil may kutson at may aircon pa. Nakakahiya naman kasi sa'yo diba?"

"Sorry na Maam, Di na po talaga mauulit. Hehe... " Nakangiti lang siyang nag eexplain kay maam na para bang di siya pinapagalitan nito.

"O sige sige na, basta ba ay linisin mo ang buong classroom mamamayang uwian."

"Maam naman!" nagpapacute naman siya ngayon. Rinig ko ring napapatawa na ang ilang mga kaklase namin ngayon habang seryoso lang akong nakatingin sa kanila. Pinanlakihan lang naman siya ng mata ni maam. Napakamot lang siya ng ulo at akmang may kukunin sa bag niya nang madako ang paningin niya sa akin. Napalaki ang mata niya sa gulat. Ngayong nakaharap siya sa akin ay mas napagmasdan ko siyang mabuti. He has a tanned skin, thick brows and brown eyes. Nakaayos ang kanyang itim na itim na buhok na para bang pinaghandaan talaga ang first day ng klase.

"Tulog pa ba ako?" Saad niya at napadako ang tingin ng lahat sa akin. Hindi na rin nila napigilan na mapatawa, maging si maam.

"Ayan kasi first day na first day ng klase tutulog-tulog." sabat ng nasa likod niya.

"Kung ganon gising na talaga ako? Akala ko kasi nananaginip pa rin ako o may nakikita akong di niyo nakikita. Sino po siya maam?" Tanong niya sa aming guro ngunit nasa akin pa rin ang atensiyon. Ayoko nito, di ako komportable na ako ang pinag-uusapan nila. Lahat ng mata sakin nakatutok. Yumuko ako para iwasan ang mga iyon.

"She is Ms. Lhouiza Fhaye Wilson, and ayoko makarinig na may nang-aaway sa kanya, lalo ka na Mr. Harrison. I already knew all of you,  especially you Mr. Harrison. I've heard a lot of you kay Sir Dennis pati na rin sa previous teachers mo. Kung hindi ka laging tulog ay nangunguna ka sa mga kalokohan ng mga classmates mo." Sagot ni maam.

Nang mapatingin ako sa kanya ay diretso pa rin ang tingin niya sa akin. "Hi!" Sabay wave sa akin. "Don't worry maam, di naman po ako nang aaway, ako pa nga po poprotekta sa kanya--ay este sa kanilang lahat. Tsaka wag ka rin po maniwala kay Sir Dennis, scammer po yun." Ughh, seriously? First day na first day may maririnig na akong mga nakakadiring bagay. Poprotektahan? Ako? No need, I got myself and I don't need anyone's help. As in never!

"Iw ang corny mo Tim. "

"Poprotekta? Mukha mo oy parang pwet!"

"Susumbong ka namin kay Sir Dennis!"

"Di raw nang-aaway?!"

"Math pa rin natin siya hanggang ngayon oyy!"

"Ikaw ang scammer! Itulog mo lang yan."

Komento ng ilan sa kanya, napatawa lang naman ang iba.  "Wala kayong ka support support! Friend friend ko Sir Dennis kaya wag kayo mangongopya sakin sa Math ha!" Inis na sabi niya dahilan kung ba't napalakas ang tawa nila.

"Opps, enough na! Baka nakakaisturbo  na kayo sa ibang klase, ang kokonti lang ninyo yet super ingay niyo."  Tumahimik na sila at bumalik na ang lahat sa kanya kanyang ginagawa. Si Maam Sharlene ay nakatutok na sa kanyang laptop, maya maya ay tumayo ito at nagmamadaling lumabas ng classroom. Napatingin ako sa mga kaklase ko. May ilang nag ce-cellphone, nag do-drawing, nag se-selfie, kumakanta at palihim na kumakain ng snacks. Ang katabi ko naman ay tahimik lang na nagbabasa ng libro.

Well, mukhang wala pa namang pinapagawa si maam sa amin. Kukunin ko na sana ang headset ko sa bag nang makaramdam ako na parang may tumitingin sa akin. Nilibot ko ulit ang paningin ko and I found that "Mr. Harrison" still looking at me with a smile plastered on his face, He waved again his hand. Iniwas ko agad ang paningin ko. Okay, ngayon pa lang ayoko na sa kanya.

...

Second day ko sa school and while walking to the hallway papunta ng school library ay may mga maiingay na tumatakbo papunta sa akin. Napahinto ako sa gulat, tatlo silang mga mukhang kikay. Oookayyy, medyo may masamang alaala ako sa mga ganito.

"Heeeyy! You're Lhouiza right? We're your new classmate, I'm Jaiza by the way."

Tiningan ko ang babaeng nagngangalang Jaiza, she has a cute light make up na binagayan niya ng cute rin na headband, kumpleto rin siya sa accessories like earrings, bracelets, necklace at maging cute na singsing. Napatingin din ako sa dalawa niya pang kasama at ganoon din ang mga suot nila. Ganoon ang suot nila pero di naman sila mukhang jeje, di rin sila mukhang mga mean girls. They look cute for me. Okay, ilang beses ko na bang inulit ang salitang cute?

Binabawi ko na rin, di nila kamukha yung masamang alaalaang sinasabi ko kanina kasi nga cute sila...

"Ahm by the way, sila nga pala si Cecille, and Hope. Classmates mo kami, we just want to be friends with you."

Napabuntong-hininga ako. I don't like having friends.

"Nice meeting you, may pupuntahan pa kasi ako eh, mauna na ako." Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang magsalita ulit siya.

"Ah wait, pwede ka naming samahan, kung gusto mo?" Jaiza ask while twinkling her eyes.

"Sorry pero di ako sanay na may kasama habang nagbabasa." I wanted to be nice since baguhan lang naman ako dito pero mukhang lumalabas ata ang pagtataray sa boses ko.

"Tahimik lang kami doon pramis!" Si Hope na ang sumagot habang nakasmile. She raised her right hand and draw a cross pattern where her heart is.

"Ah kung ayaw mo talaga, gusto mong sabay na lang tayo magrecess mamaya?" Si Cecille habang nakasmile rin. Ang gaganda ng mga ngiti nila, pero di na ako ulit papa uto sa mga ngiting yan. Malay ko bang pina plastik rin nila ako tulad nung mga nasa dati kong school.

"Oo nga, sumabay ka na rin maglunch, alam mo sabay sabay kaming lahat kumain sa classroom, pamilya tayo doon okay? Nagtaka lang kasi kami sa'yo kahapon kasi di ka sa room naglunch." Si Jaiza. Napatikhim ako bago nagsalita.

"Ahm, kasi gusto kong makita yung cafeteria niyo?" I lied, di naman talaga ako pumunta sa cafeteria, gusto ko lang ilayo ang sarili ko sa kanila and I found the rooftop the perfect spot for me. Doon ko sinayang ang oras ko habang hinihintay magbell.

"So, mauna na ako?" Nangangati na akong makaalis.

"Sige, basta sabay tayo mamaya ha" si Cecille. Hindi ako sumagot.

"Bye, Lhouiza!" Sabay nilang paalam at mukhang tuwang tuwa pa dahil nakausap nila ako.

...

*Bell Rings*

"Wait Lhouiza!" Oras na ng recess at balak ko na sanang umalis ng classroom ng may tumawag na naman sa akin. Napatingin ako kina Jaiza, Haaayyysss.

"Saan ka pupunta?" Nakangiting tanong niya.

"Ah sa cafeteria, bibili sana ako ng makakain." Malamang iiwas na naman sa inyo kaso nga lang ay naabutan niyo ako.

"Share na lang tayo." nakangiting sabi ni Hope.

"Oo nga! Marami kaming foods dito, halika." Tsaka nila ako hinila sa upuan nila, sa pangalawang row. Binigyan ako ni Jaiza ng chocolate drink, tapos binigyan naman ako ng mga chichirya, biscuits, at kung ano ano pang snacks nila Hope at Cecille. Ngiting ngiti sila habang binibigay sa aking ang mga iyon.

"Ahm di niyo kailangang gawin to." napahinto sila sa kanilang ginagawa.

"Pero gusto namin, kumain ka na." si Cecille tsaka sila nagsimulang magbukas ng chichirya.

"I mean, pagkain niyo yan, ba't niyo ibibigay sa akin?" Baka naman mas malaki pala ang hinihinging kapalit nitong mga to.

Napatawa sila ng mahina. "We're your friends okay? Tsaka don't worry, marami kaming dalang foods." Nakangiting saad ni Jaiza. Friends?

"Di kami nauubusan ng foods pero kung ayaw mo nito, pwede tayong manghingi sa iba pa nating friends." Hope said while wiggling her brows.

"Who told you na we're already friends?" Taas kilay kong sagot. Napahinto sila sa pagkain ng snacks at nawala ang kanilang mga ngiti. Gusto ko pa sanang sumagot kaya lang ay may nagtutulak sa akin na tanggapin na lang ang mga bigay nila. Isa-isa ko silang tiningnan at halatang nasaktan sila sa sinabi ko. Ughhh! I really hate this side of me. Napakadali kong maawa. Kaya ako napapahamak eh.

"Kung ayaw mo akin na lang." Mabilis na kinuha ni Harrison ang mga bigay na snacks nila sa akin at ewan ko ba, bigla akong nainis at agad na inagaw sa kanya ang mga iyon. Nawala naman ang ngiti ni Harrison. Sa tuwing nakikita ko siya parang kumukulo ang dugo ko kahit dalawang araw ko pa lang siyang nakikita.

"Sa iyo ba binigay? Sa akin diba?" Sabay irap sa kanya.

"Oh eh akala ko ba ayaw mo?" Parang na dissapoint pa na sabi niya dahil di niya iyon makakain.

"May sinabi ba ko? Wala akong natatandaan." Tsaka ko binuksan ang mga iyon at sinimulang kainin. Pagtingin ko sa tatlong kikay ay nakangiti na sila ulit. Wa-wait? Ano bang ginagawa ko?

"Pahingi na lang." Sabay kuha ni Harrison sa kinakain ko, tinapik ko ngang kamay niya.

Ewan ko sa sarili ko, ayaw ko sa ginagawa nilang pag fefeeling close sa akin pero mas ayaw ko ngayon sa sarili ko dahil hinahayaan ko na lang silang gawin iyon. Di ko inaasahang magagawa ko ulit ang mga bagay na iniiwasan kong magawa. Gusto ko silang tarayan at sigawan dahil sa mga pangungulit nila, pero sa tuwing nakikita kong may malungkot at nasasaktan sa ginagawa ko ay mas umiiral ang pagiging soft- hearted ko. Ayoko nito. Ito ang pinaka ayaw ko sa sarili ko. Dahil natatakot akong baka pag binuksan ko ulit ang sarili ko para sa iba ay ako na naman ang masasaktan.

"Damot, akala mo naman sa kanya yan." Mahinang bulong ni Harrison pero rinig ko, inirapan ko nga.

...

Continue Reading

You'll Also Like

21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
451K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...