Sharap (Baka Girls #1)-Comple...

By gorgeouskitty

34.8K 1K 1.2K

Completed. Jasmin Samuel - isa sa mga member ng Baka Girls. Proud siyang sabihin na sa edad niyang lagpas be... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Special Chapter 1

22

666 20 16
By gorgeouskitty

Imbes na lumawag ang hawak sa akin ni  Sir Montello ay hinigpitan nito sa paraan na nasasaktan na ako. “You don’t have the rights to touch my Fiancee!” Galit na sabi ni Al bago hinigit ako papunta sa likod niya.

Alam ko kanina pang umaga may ibang tensyon na ang namamagitan sa kanilang dalawa at dapat ko nang awatin ang isa bago pa mauwi sa gulo pero hindi ko magawa dahil naestatwa ako sa kinatatayuan ko at inaamoy ang matapang pabangong nakadikit sa damit niya.  “Al.” mahinang tawag ko sa pangalan niya. Nakakainis! Kailangang magfunction ang utak ko dahil kundi may gulo nang mangyayari dahil sa tinginan nilang parehas ng madilim.

“Wait lang, Jasmin. Kailangan malaman ng lalaking ‘to na wala na siyang karapatang hawakan ka o kahit saan na may kinalaman sayo.” Galit ang boses ni Al habang sinasabing mariin ang mga yon. Akmang lalapit na to sa kanya ng higitin ko ang braso niyang nanggagalit ang mga litid.

“Al! Nag-uusap lang kami at wala lang yon. Okay. Tayo na. Ayoko ng gulo.” Pinagtitinginan na kasi kami dito ng mga tao. Hinawakan ko ang kamay niyang nakakuyom bago tumapat sa kanya sa harapan at tumingala. “Let’s go. BABY.” Mariing yaya ko sa kanya. Kumurba ang gilid ng labi niya ng marinig ang malambing kong tawag bago ko kinintalan ng halik ang labi niya.

Hinila niya ako papasok sa kanyang SUV bago umikot ito para sumakay sa Driver seat at pinaharurot ang sasakyan niya sa kung saan man kami pupunta ng nakangisi. “Dapat pala lagi akong naghahanap ng away para lagi akong may kiss mo.” Sabay nguso nito. Umirap ako. Kung hindi lang dahil kay Sir Montello hindi ko siya hahalikan.


“Saan nga pala tayo pupunta?” pag-iiba ko ng usapan. Naiilang ako sa kanya sabayan pa ng mga alaga ko sa tiyan na nagwawala kanina pa.

“Kakain lang tayo, pag nakikita kasi kita di ako makapag-isip ng matino at nakakalimutan ko ang lahat sa paligid.” Ayan na naman siya bumabanat. Kainis! Unti-unti ko nang nakakasanayan na tuwing nasa tabi ko siya mabilis ang tibok ng puso ko na may kasama pang pagrarambulan sa mga tiyan ko na kakaibang insekto ata o bulate na hanggang ngayon hindi ko pa rin malaman kung alin man sa dalawa.

Tumigil kami sa isang malawak na Restaurant at parang Familiar ang pangalan non sa akin. “We’re here.” Nauna itong bumaba at naghintay sa akin sa labas akala ko pagbubuksan ng pinto yun pala hindi. Bumaba ako ng nakasimangot dahil sa pagiging Bipolar niya habang siya ay nakapramaso at nakangisi lang. “Hindi kita pinagbubuksan ng pinto kasi gusto kong malaman ang feeling ng mga groom pag nakita nilang bumababa ng sasakyan ang magiging Bride niya.” Patay na ata ang mga alaga ko sa tiyan dahil sa sobrang pagod nila sa pagrarambulan. Namumula ang mga pisnge ko sa mga banat niya. Hindi pa ako nakakaget over sa unang banat niya ngayon may bago na naman lumulutang na talaga ako sa ulap.

Sana lang talaga forever na kaming ganito masaya, nagbibiruan at paminsan-minsan ay nag-aaway pero hindi mauuwi sa hiwalayan pero natatakot pa rin ako sa magiging bawi nito sa akin. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong feeling, feeling ng nagmamahal na hindi ko naramdaman sa mga Ex ko na pawang Infatuation lang pero yung sa kanya iba talaga at alam kong matagal akong makakamove on if ever man na magkahiwalay kami.

Kinuha niya ang kamay ko bago kami naglakad ng magkahawak kamay papasok sa loob ng Restaurant. Bumungad agad sa amin ang mga nakatayong waiters and waitress doon na pawang mga nakauniporme. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang nakatalikod na babae kausap ang isang lalaking pamilyar din sa akin pero hindi nauniporme. Unti-unti tong humarap sa amin ng sundan ng babaeng nakatalikod ang kaninang nakatingin sa kanyang lalaki na ngayon ay nakatitig sa akin.

I froze. “Good Evening Ma’am and Sir.” Nakangisi ito sa akin habang bumabati.

“Alyssa.” Mahinang tawag ko sa pangalan niya. Tanging ako lang ata ang nakarinig non dahil si Al nagpapalinga-linga para humanap ng pwesto nito habang ako ay kinakabahan na sa tingin ni Alyssa. Patay! Gigisahin na naman ako ng mga Baka ngayon. Tinignan ko ang lalaking kaninang kausap niya hanggang sa makilala ko kung sino ‘yon. Kumunot ang noo ko at binalingan si Alyssa na ngayon ay nawala na ang ngiti ng mapagtanto ko kung sino yung lalaki.

“Sir, table for two po ba?” Tanong ng isang waiter. Hindi ko naiintindihan ang pinag-usapan ng dalawa ni Al dahil tinititigan ko pa rin si Alyssa at yung lalaki ngayon. Hinila na ako ni Al bago inupo sa upuan. “Kung hindi mo pa aalisin ang mata mo sa kanya susuntukin ko yung lalaking ‘yon.” Binalingan ko si Al na nakanguso kaya sinimangutan ko siya.

Umorder na si Al ng pagkain namin pero hindi ko pa rin iniintindi ang mga sinasabi niya sa akin dahil kay Alyssa na ngayon ay busy sa pagkuha ng Orders sa kabilang table namin. Sinusulyapan niya din ako at alam niyang kailangan niyang magpaliwanag sa akin pero pag tinanong ko siya ibabalik niya din ang tanong sa akin tungkol sa amin ni Al. “Kanina ka pa tahimik, Baby. May problema ka ba?” Hinawakan ni Al ang kamay ko nag-aalala ang mga mata niyang nakamasid sa akin. Umiling-iling ako sa kanya at ngumiti.

Hindi ko alam kung bakit nawala ako sa masayang mood ko kanina ng bigla at ayoko din namang sagutin ang tanong na ‘yon dahil baka hindi ko magustuhan.

Dumating yung Orders namin kaya nagsimula na kaming kumain ng tahimik at kung mag-uusap man ay dili lang. “Damn, Baby. You frustrate me!” Tumigil ako sa pagsubo ng mga gulay bago tinignan si Al na nakatiim bagang. Hinagod niya ng palad niya ang buhok niya bago nagkamot ng batok. “Magccr lang ako.” Tumayo ito at naglakad papunta sa dulo ng Resturant.

Naiwan akong minumura ko ang sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Alyssa. Talk to ya latur. Tinignan ko siya ng nagtext-ako-sayo-basahin-mo. Nakuha naman niya ang gusto kong iparating, pinanuod ko siya na kinukuha sa bulsa ang cellphone niya ng mabasa siguro ‘yon ay tumingin muli siya sa akin para tumango at ngumiti.

Nawala siya sa paningin ko nang may humarang sa aking makikintab na tela. Tiningala ko kung sino ‘yon. Ngumiti ang babae sa akin at umupo sa upuan kung saan nakaupo si Al kanina. Para siyang milk fish sa suot niya. Itinaas ko ang isang kilay ko para tanungin siya. Sa pagkakatanda ko Hannah ang pangalan niya, siya yung babaeng nagpakilala sa akin ng namamasyal ako sa Dalampasigan sa Batangas non.

“You didn’t know, right?” maarteng tanong niya.

“What?” Kunot ang mga noo kong tanong sa kanya.

“Sabagay, paano mo malalaman e di nagalit ka. Well, I tell you this dahil ayokong magaya ka sa akin na pinaglaruan niya.” Nababaliw na talaga tong babaeng to kung ano-ano ang pinagsasabi. Nung una, kinausap niya ako para ipakilala yung Inday na yon at sabihin na sa kanya lamang si Al ngayon naman concern na concer siya sa akin.

“Hey, Why don’t you tell it straightly and don’t beat around the bush.” Naiiratang sabi ko sa kanya.

“Fine. Pinagpustahan ka lang nilang magkakaibigan.” Natigalgal ako sa huling sinabi niya. Tinakasan ako ng kulay at napako sa kinauupuan ko. Pustahan? Putangina! Ako? Tangina lang! Nahihirapan akong huminga ngayon at hindi ko alam kung paano sasagap ng hangin.

“What’re you talking about?” Maang na tanong ko dahil hindi pa rin nagsisink in sa utak ko ang sinasabi niya sa akin.

Ngumisi siya sa akin habang tinitignan nito ang kanyang mga daliring may kulay pula ang mga kuko.  Inayos ko ang mukha ko at hindi nagpadala sa mga sinabi niya. “Do you think na paniniwalaan kita sa mga sinasabi mo? Itsura mo palang hindi na katiwa-tiwala ugali mo pa kaya? Nababaliw ka na talagang babae ka. Ang mga katulad mo salot sa lipunan.” Pagkasabi ko non ay dali-dali na akong tumayo at kinuha ang bag ko palabas ng restaurant na kinakainan naming dalawa ni Al.

“Baby!’ Sigaw ni Al nang hindi ko siya pinansin ng makasalubong ko galing banyo. Pilit kong tinatatagan ang sarili ko dahil baka mamaya sinisiraan niya lang si Al para mag-away kami at mapunta sa kanya pero may posibilidad din na mangyari ‘yon dahil ang bilis. Ang bilis ng mga pangyayari. Naibigay ko kaagad sa kanya ang lahat sa maikling panahon.

Tumunog ang Cellphone ko na nasa loob ng Bag. Pinipigilan ko ang umiyak dahil ang tanga ko bakit hindi ko muna siya konompronta bago ako mag walk out? Panigurado panalo na naman ang Hannah-ng luka-luka na yon. Kainis! Ang tagal pa ng Taxi.

Mommy Calling…

 

Sinagot ko yon habang nag-aantay ng Taxi. “Hello Mommy.”

“Umuwi ka din ng Cagayan De Oro, ngayon na.” Pinatay nito ang tawag. Lumakas ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Mommy. May nangyari bang masama? Tangina! Kaya ba umuwi sila ngayon don?

Tumigil ang isang puting Taxi sa tapat ko at agad akong pumasok para pumunta sa bahay ni Tita Mildred bago nagbukas sa internet para magpabook ng flight mamaya.

Continue Reading

You'll Also Like

5.5K 123 7
R18 | SPG Misteryo para kay Mike ang pagkawala ng mga bata sa isang isla sa Tagbilaran, Bohol. Mula sa Maynila ay tinanggap niya ang trabaho patungo...
205K 11.3K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.8M 36.4K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
862K 5K 9
Dunhill Feiro Mondragon... He was the only heir of Mondragon Empire. Isa sa pinakamalaking korporasyon sa Pilipinas. They owned many real estates and...