MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETE...

Od IsabellaSamantha15

437K 9.6K 180

"I can't wait. Naiinip na ako." Bulong sa'kin ni Ericjan habang pareho na kaming nakatayo sa harap ng altar. ... Více

PROLOGUE
MSB 1
MSB 2
MSB 3
MSB 4
MSB 5
MSB 6
MSB 7
MSB 8
MSB 9
MSB 10
MSB 11
MSB 12
MSB 13
MSB 14
MSB 15
MSB 16
MSB 17
MSB 18
MSB 19
MSB 20
MSB 21
MSB 22
MSB 23
MSB 24
MSB 25
MSB 26
MSB 27
MSB 28
MSB 30
MSB 31
MSB 32
A/N
MSB 33
MSB 34
MSB 35
MSB 36
MSB 37
MSB 38
MSB 39
MSB 40
MSB 41
MSB 42
MSB 43
MSB 44
MSB 45
MSB 46
MSB 47
MSB 48
MSB 49
MSB 50
MSB 51
MSB 52
MSB 53
MSB 54
MSB 55 FINAL CHAPTER😊

MSB 29

6.6K 153 1
Od IsabellaSamantha15

Chapter 29

AGAD na napabalikwas ng bangon si Devee kinabukasan nang tumama sa mukha niya ang sinag ng araw na nag mumula sa labas ng bintana nang kuwarto niya. Napadaing pa ito ng biglang makaramdam ng pag kirot sa sentido niya.

"Good morning po ma'am Devee." Bati sa kanya ng isang kasambahay ni Ericjan. Agad naman siyang napalingon rito.

"Nasa bahay na po ako?" Nag tatakang tanong niya sa babae.

"Opo ma'am. Dumating po kayo kagabi ni sir Eric bandang alas dose y medya na po. Tulog po kayo habang karga ni sir. Siguro po nag enjoy kayo sa birthday ni madam kaya napadami ang inom niyo." Anang madaldal na kasambahay pag kuwa'y ngumiti pa sa kanya ng makahulugan. Agad na lumalim ang guhit sa pagitan ng mga kilay ni Devee.

"Lasing? Ako, lasing kagabi?" Nag tatakang tanong ng dalaga.

"Hindi ko po sigurado ma'am. O baka naman po nag lasing lasingan lang po kayo..." Aniya at humagikhik pa. Isang mabilis at matalim na tingin naman ang ibinigay niya sa kasambahay kung kaya't napatahimik rin ito. "Biro lang po ma'am." Anito at nag mamadali pang lumabas sa kanyang silid.

Muling napahiga sa kama ang dalaga at pilit na inalala ang mga nangyari sa nag daang gabi. Mula nong ipakilala siya ni Ericjan sa mga magulang nito bilang fiancee niya. Nong bigyan siya ni Kelly ng lady's drink daw... na hindi nakakalasing. Hanggang sa makita niya si Ericjan na nakikipag landian sa ibang babae samantalang iniwan siya nitong mag-isa. Maging ang ilang high ball glass na nainom niyang lady's drink.

"Naku! Devee... Nakakahiya sa magulang niya. Bakit kasi pinairal mo dun ang pagiging tanga mo." Naiinis na saad nito sa sarili pag kuwa'y ibinaon ang mukha sa unan niya.

'Masarap ka bang humalik?'

'Do-Do you want me to kiss you? R-right now?'

Muling napangiwi ang dalaga nang biglang lumitaw sa isipan niya ang mga sandaling iyon. Muli niyang tinanggal ang unan sa mukha niya. Wala sa sariling umangat ang kamay niya at dumapo iyon sa kanyang mga labi.

"What? Hinalikan ko siya kagabi? Nag k-kiss kami?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa sarili.

'De-devee... Stop.'

'Please, kiss me. Huwag mo naman ako ibitin lagi.' Aniya.

Agad na napasabunot ang mga kamay niya sa sariling buhok dahil sa kagagahang ginawa niya kagabi. My god! Hindi niya akalain na ginawa niya 'yun kay Ericjan. Ano na lamang ang mukhang ihaharap niya sa binata mamaya? Nakakahiya talaga.
Panigurado siyang pulang-pula na ang mukha niya ngayon dahil ramdam niya ang pag iinit no'n.

"Devee... nakakahiya ka." Sermon nito sa sarili.

'Masarap ka bang humalik?' Ang paulit-ulit na nadidinig ni Devee sa utak niya. Parang mababaliw ata siya kakaisip sa mga nangyari kagabi. Muling umangat ang kamay niya papunta sa kanyang mga labi. Totoo nga... nag kiss sila ni Ericjan, hanggang ngayon kasi ramdam niya parin ang mainit at malambot na mga labi nitong nakalapat sa mga labi niya. Ang magaang pag galaw nito habang tumutugon sa mga halik niya.

"Ahhhhh... Bakit? Ang tanga ko. Ang tanga ko." Anito na parang nababaliw na at pinapagalitan ang sarili. Pero mayamaya ay mapapangiti ring bigla at mapapakagat labi. "Nag k-kiss na kami? Oh My god!! Oh my God!! Devee, malandi ka na." Anito at tumili ng malakas pagkatapos na ibaon ang mukha sa unan niya.

"GOOD MORNING..." Agad na natigilan ang dalaga sa pag labas sa pinto ng kuwarto niya nang marinig ang boses ni Ericjan. Malingalingang buksan niyang muli ang pinto at tumakbo papasok para lang hindi niya makita ang binata. Pero huli na siya. Mas nakakahiya kung hindi niya ito haharapin gayong nakita na siya nito. Kasabay ng pag pikit niya ng mariin ay nag pakawala siya ng malalim na buntong hininga bago pumihit paharap sa binata.

"Go-good m-orning din." Nauutal na sagot niya.

"Hang over?" Tanong pa nito.

"H-ha? Ah. M-medyo. Sumasakit pa ang ulo ko. Sa-salamat pala sa pag hatid sa'kin sa kuwarto ko kagabi." Aniya. "Si-si ano... Ang kasambahay mo ang nag sabi sa'kin na ikaw ang nag buhat sa'kin kagabi." Mabilis na pag papaliwanag nito nang makita ang pag kunot ng noo ni Ericjan. Napatango naman ang huli pag kuwa'y nag lakad ito papalapit sa kanya. "A-ah... B-bakit?" Nauutal na tanong ni Devee nang bigla siyang kabahan ng malakas dahil sa kakaibang titig nito sa kanya. Isama pa ang papaliit na espasyo sa pagitan nilang dalawa. Gusto niya na talagang tumakbo papalayo sa binata para tuluyan na siyang mag laho. Nahihiya siya. Alam niya kung ano ang nasa isip ngayon ni Ericjan. Malamang na pinag tatawanan na siya nito dahil sa kabaliwang ginawa niya.

"Are you okay?" Tanong nito. Mabilis naman siyang tumango ng sunod-sunod bilang pag sangayon rito. "Do you remember any thing what had happen last night?" Seryoso at mag kasalubong ang mga kilay na tanong nito sa kanya. Agad na nanlaki ang mga mata ni Devee at hindi malaman kung ano ang isasagot sa tanong nito. Napalunok pa ito ng laway nang maramdaman ang panunuyo ng lalamunan nito.

"W-wala. H-hindi ko maalala. Ba-bakit? Anong nangyari kagabi?" Sa halip ay pag sisinungaling niya sa binata. Ilang segundo pa siya nitong tinitigan ng mataman bago tumayo ng tuwid at lumayo sa kanya.

"Nothing. Nothing is happened last night. You just got drunk." Anito.

'Sinungaling' Anang isipan ni Devee.
"G-ganon ba? Mabuti naman." Aniya.

"Why? May ginawa ka ba kagabi na hindi ko alam?" Tanong nitong muli. Ito na naman ang pag iinit ng pisngi ni Devee dahil sa mabilis na pag litaw sa isipan niya ang eksenang mag kahinang ang mga labi nilang dalawa. "Y-you're blushing. Why?"

"Ha? W-wala. Ano kasi---ma-mainit. Diyan ka na nga." Anang Devee at nag kukumahog na umalis sa harapan ng binata. Halos liparin pa nito ang hagdan pababa para lamang makaiwas sa binata.

Napapailing na lamang na ngumiti si Ericjan dahil sa naging reaksyon ng dalaga. Halatang tensyonado ito. Wala ba talaga itong maalala sa nangyari sa kanila kagabi? Napapaisip na kumunot ang noo nito at nakapamulsang nag lakad na rin para bumaba sa kusina.

"Where's Devee?" Tanong niya sa kanyang kasambahay nang pag dating niya sa kusina ay wala roon ang dalaga.

"Nasa swimming pool area po sir Eric. Dun daw po siya kakain ng almusal niya." Sagot nang may edad na babae.

"Okay. Dalhin mo na rin dun ang pagkain ko. Salamat." Utos nito saka nag lakad na rin papalabas ng bahay niya at umikot sa kinaroroonan ni Devee. Tahimik itong nakaupo sa bakal na silya habang malayo ang tinatanaw. Kahit nong makalapit na siya sa tabi nito ay hindi manlang nito napansin, kung kaya't nagkaroon na naman siya ng pag kakataon na matitigan ito ng mabuti.

'Damn that kissable lips.' Napapamura pa ito sa kanyang isipan habang tahimik na pinag mamasdan ang dalaga.

"Sir Eric..."

Mabilis na napabaling si Devee sa gawing kanan niya at doon ay nakitang nakatayo na pala ang binata.

'Tss. Isturbo.' Bulong ni Ericjan.

"Sorry po sa isturbo, sir...ma'am. Nandito na po ang almusal niyo." Anang kasambahay.

"Salamat. Let's eat, Devee." Aya pa niya sa dalaga at mabilis na umupo sa kaibayong silya. Tahimik naman na tumalima ang dalaga para sabayan na kumain ang lalaki. Umalis na nga siya sa kusina para hindi ito makasabay sa pagkain, pero sumunod naman sa kanya sa labas.
"Why? May dumi sa mukha ko?" Pukaw ni Ericjan sa kanya mayamaya. Nakatitig na pala siya sa binata.

"H-ha?" Anito at muling umiling.

"After mong kumain, maligo ka na rin para mawala ang hang over mo. Sa susunod kasi don't drink too much kung hindi mo naman pala kaya." Aniya. Napatungo na lang si Devee at muling itinuloy ang pagkain niya.

Pagkatapos niyang kumain ay agad din siyang nag paalam sa binata at muling pumanhik sa kanyang kuwarto para maligo. Baka nga matanggal ang pagkahilo niya oras na naibabad niya ang sarili sa malamig na tubig. Agad siyang pumasok sa banyo at doon ay nag babad sa bath tub. First time niyang gumamit no'n kung kaya't ang sarap sa kanyang pakiramdam. Isama pa ang amoy lavender na sabon na nakahalo sa tubig, pakiramdam niya gumaan nga ang pakiramdam niya. Halos mapaidlip pa siya sa bath tub dahil sa pag i-enjoy niyang mag babad.
Matapos mag babad ay nag pasiya na rin siyang mag banlaw sa ilalim ng shower. Pagkalabas niya mula sa banyo ay agad niyang isinuot ang pang ilalim niya saka tinanggal ang tuwalya na nakatabing sa katawan niya at iyon ang ipinusod sa buhok niya. Nakagawian niya na kasi iyon mula pa man noon sa dating tinitirhan niya. Palibhasa ay siya lang naman mag-isa sa bahay niya kung kaya't okay lang.

"Jesus!" bulalas ni Ericjan.

Agad na natigilan si Devee sa pag lalakad palapit sa drawer niya ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at iniluwa roon ang binata. Kagaya niya ay gulat rin ito sa nadatnan na itsura niya. Hindi malaman ng dalaga kung ano ang gagawin. Napayakap ito sa sarili pag kuwa'y tinakpan rin ang ibabang bahagi ng kanyang katawan gamit ang isang kamay niya.

"Ahhhhhh... Bastos." Sigaw nito ng mahimasmasan at mapag tanto kung ano ang itsura niya ngayon. "Ahhhhh... Labas. Labas. Bastos. Ahhhhh." Matinis na sigaw nito. Mabilis namang napalabas ng pinto ang binata. Pero mayamaya ay sumilip itong muli.

"Are you okay?" Tanong nito sa kanya.

"Pervert. Huwag kang tumingin. Ahhhh."

"Sorry." Anito at tuluyan ng isinara ang pinto. Nag kukumahog pang tumakbo palapit sa pinto si Devee para i lock iyon.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

48K 1.1K 27
STATUS Series BOOK 1 Ano na lang ang gagawin mo pagnagpakasal ulit ang mama mo sa ibang lalaki pagkatapos mamatay ang iyong ama? At may nalaman mong...
7.5M 210K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
57.3K 1.1K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
599K 13.6K 24
She married a stranger. Harika woke up being married for three years to a stranger. The man she married was the man every woman dream of. Can Harika...