MSB 54

8.6K 162 5
                                    

Chapter 54

"ARE you tired misis ko?" Malambing na tanong ni Ericjan sa kanyang asawa habang mag katabi silang nakaupo sa harap ng isang lamesa.

Bandang alas syete y medya na rin ng gabi. Kanina pa nag simulang mag siuwian ang iba nilang mga bisita. Pero nahihiya naman ang mag-asawa na umalis sa venue na iyon gayong naroon pa ang iba nilang mga kaibigan at kamag-anak.

"Medyo. Pero okay lang, masaya naman ako." Aning Devee na agad ikinawit sa braso ng asawa ang dalawang kamay pag kuwa'y ipinilig ang ulo sa balikat nito.

"Kawawa naman ang asawa ko." Bulong ni Ericjan sa kanya habang masuyong humahaplos ang palad nito sa buhok ng babae. "Let's go up stairs then." Aniya.

"Dito tayo matutulog?" Takang tanong nito at bahagya pang inalis ang ulo sa balikat ng kanyang asawa.

"Just for tonight. Ayoko na mag biyahe pa tayo pauwi sa bahay eh, I know you're so tired."

"Eh... saglit lang naman ang biyahe 'tsaka---"

"Shhh." Ani Ericjan at mabilis na idinampi ang isang daliri sa tapat ng mga labi ni Devee upang pigilan ito sa iba pang nais sabihin sa kanya. "Gusto ko misis ko. Pag bigyan mo na ako. Mmmm. Minsan na nga lang ako masunod sa gusto kong gawin eh." Aniya.

"So ngayon nag rereklamo ka sa 'kin?"

"No. Of course not. Bakit naman ako mag rereklamo sa 'yo? Eh, you're my commander. What I'm trying to say is, ayoko na mapagod ka pa lalo sa biyahe. And this is our honeymoon misis ko. I rent the whole Imperial Palace just the two of us. Para walang isturbo." Aniya na sinabayan pa ng pag taas baba ng mga kilay nito at nakakalokong ngiti.

"Ang buong hotel na ito?" Nag tataka at hindi makapaniwalang tanong ni Devee sa asawa. Tumango naman ang huli bilang tugon sa kanya. "Bakit?"

"Why bakit? Misis ko, this is our wedding day. Of course ibibigay ko sa 'yo ang lahat para maging perfect lang ang araw ng kasal natin."

"I mean, bakit buong hotel? Eh, isang kuwarto lang naman ang magagamit natin. Sayang 'yung pera mahal ko." Ani Devee.

Mabilis namang kumilos si Ericjan at hinarap siya nito. Kinuha ang kanyang mga palad at ipinag salikop iyon sa mga palad nito.

"Devee, it's just a money. Ang gusto ko lang makita kang masaya. This is our big day wife. Hindi naman ako nanghihinayang sa malaking pera na nawala sa 'kin ngayon dahil sa kasal natin." Pag papaliwanag pa nito. "Makita kang masaya ngayon. Makita ko ang daliri mo na suot ang singsing na sumisimbolo sa pagiging isa natin. It's worth it. Sobra pa sa halaga nang perang nawala sa 'kin. All I want is to see you happy right now, tomorrow and forever. Habang mag kasama tayo." Ani Ericjan pag kuwa'y mabilis na kinintalan ng halik ang nakaawang niyang mga labi.

Hindi mapigilan ni Devee ang kiligin at maging ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi dahil sa mga itinuran ng kanyang asawa sa kanya.

"Salamat mahal ko."

"Don't thank me misis ko. Because I love you."

"I love you too." Anang Devee at mabilis rin itong kumilos para yakapin ang asawa.

"Oh. How so sweet honey."

Naputol ang pag lalambingan nang bagong kasal ng dumating ang mag-asawang Esparagoza. Agad na umalis si Devee sa pag kakayakap kay Ericjan at nakangiting binalingan ng tingin ang mag-asawa.

"I'm sure na mag kakaroon na tayo ng apo after their honeymoon honey." Anang Daddy nila.

"Dapat lang at hindi na ako makapag hintay."

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon