MSB 50

6.9K 137 0
                                    

Chapter 50

"DAMN IT." malutong na pag mura ni Ericjan ng biglang tumunog ang cellphone nitong nakapatong sa ibabaw ng side table kung kaya't naitulak siya ng malakas ni Devee. Naiinis pa itong tumayo sa kama at dinampot ang isturbong aparato nito. "Tsk. Kevin..." Anito.

"B-bakit?" Tanong ni Devee na nakasandal na ring nakaupo sa uluhan ng kama.

"It's Kevin. I need to take this call first, wife. Hintayin mo ako. Babalik ako, saglit lang." Aniya at nag lakad ito papalabas ng kuwarto habang kausap ang kaibigan sa kabilang linya.

Wala sa sariling napapabuga na lamang ng malalim na buntong hininga ang dalaga. Ang buong akala niya ay magagawa na iyon ni Ericjan. Kinakabahan pa naman siya. Hindi niya maawat ang binata pero sa kabilang banda ayaw rin pumayag ng isip niya na mangyari ang gusto nito. Hindi ba't maaga pa para sa bagay na iyon? Kahit pa sabihing engage na sila. At isa pa, Ericjan made a promise na hindi pa nila iyon gagawin hanggat hindi pa sila naikakasal. Pero bakit biglang nag bago na naman ang isip nito at atat na naman sa bagay na iyon? Napapailing na lamang si Devee na umayos sa pagkakahiga niya sa kama.

"Just tell Yvette na huwag ng ituloy ang plano para sa venue. It's all messed. Hindi na nasunod ang plano ko. Devee cried earlier. Muntikan na rin akong iwan kanina." saad nito sa kausap sa kabilang linya. "Yeah. Ano pa ang gagawin ng venue na 'yun eh, nag propose na ako kanina. Dito mismo sa bahay. It"s not romantic---but, it's okay though. Ang mahala naman ay sinagot niya ang tanong ko. Yeah. Of course she said yes. Ang plano na lang para sa kasal. Just make sure na makuha ang gusto ko. Yeah. Thank you. Tsk. Isturbo ka eh. May ginagawa kami." Anito.

"Sorry. Naka isturbo pala ako." Natatawang saad ni Kevin mula sa kabilang linya. "Galingan mo para may pamangkin agad ako bago ang kasal."

"Damn you Kevin. Ginagalingan ko na sana kung hindi ka lang isturbo. Wrong timing naman ang tawag mo." Aniya. Dinig pa nito ang nakakalokong tawa ng binata mula sa kabilang linya bago niya pinatay ang tawag nito. Napapabuntong hininga na lamang ito bago muling bumalik sa kuwarto nila at sa babaing nag hihintay sa kanya. Muling sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi nito bago tuluyang pihitin ang seradura ng pinto at pumasok.

"Wife... sorry ha. Si Kevin kasi eh!" Anang binata. "Let's do--- Wife? Devee?" Tawag nito sa pangalan ng dalaga nang makitang nakapikit ito habang yakap-yakap ang isang unan. Mabilis namang sumampa sa kama ang binata at tinapik sa balikat ang dalaga. "Devee... Wife." Anang Ericjan. "Hay! Tinulugan mo na ako. Tsk." Tila ay nahahapo ito at walang nagawa kundi ang pabagsak na humiga sa tabi nito. "Okay fine. Mag hihintay sa tamang panahon. I'm sorry little buddy. But your commander is already fall asleep." Anito sa sarili pag kuwa'y hinila ang natutulog na dalaga para dalhin ito sa kanyang dibdib at kayapin habang nahihimbing. Ginawaran niya rin ito ng halik sa tuktok ng buhok, bago pumikit na rin.

"DEVEE, hija." Masayang tawag sa kanya nang ina ni Ericjan.

"Good morning po." Aniya sa ginang.

"Bakit kailangan mo pang pumasok sa trabaho mo rito? Hindi ba't ang sabi ko ay mag lagi ka nalang sa bahay niyo ni Eric. Asikasuhin mo nalang ang asawa mo. You don't need to do this job." Saad ni Mrs. Esparagoza sa dalaga habang akay akay siya nito papasok sa opisina.

"Eh, hindi naman po kasi ako sanay na walang ginagawa. 'Tsaka... nakakahiya naman po kay Eric na wala po akong tra---"

"Don't say such words, hija. Bakit ka pa mahihiya sa asawa mo? Alam mo, tayong mga asawang babae, dapat lang na nasa loob ng bahay at obligasyon natin na alagaan at asikasuhin ang mga asawa natin. Lalo na ang mga anak natin." Aniya.

Mabilis na napatingin si Devee sa direksyon ng ginang nang marinig ang huling mga sinabi nito sa kanya. Mga anak? Aniya sa isipan. Bigla namang pumasok sa isip niya ang muntikan ng mangyari kahapon sa kanila ni Ericjan. Alam ni Devee na namumula ang kanyang pisngi ngayon dahil ramdam niya ang pag-iinit roon.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon