PROLOGUE

29.4K 325 4
                                    

PROLOGUE

"I can't wait. Naiinip na ako." Bulong sa'kin ni Ericjan habang pareho na kaming nakatayo sa harap ng altar.

Napabungisngis na lamang ako dahil sa itinuran nito sa'kin.

"Hindi pa nga nag sisimula si Father, pero naiinip ka na dyan." Sagot ko dito.

"Of course.." Aniya at kumindat pa ito sa'kin, pag kuwa'y ginagap ng marahan ang palad ko na hawak hawak nito kanina pa. Pakiramdam ko nga din ay tumatagaktak na ang pawis ko roon dahil sa tensyong nararamdaman ko mula pa kanina.

Agad naman kaming umayos sa pag kakatayo ng tumayo na si Father sa harapan namin upang simulan na ang kasal.
Kagaya kanina, ganon parin ang bilis at pag tibok ng puso ko.
Pakiwari ko nga'y unti na lang ay lalabas na sa dibdib ko ang puso ko.

Mayamaya ay muli kong naramdaman ang masuyong pag pisil nito sa palad ko.
Naramdaman nya siguro ang sunod sunod na pag papakawala ko ng malalim na buntong hininga.

"Bago ko simulan ang seremonyas na ito.. Nais ko lang malaman kung may tumututol ba sa pag mamahalan at pag iisang dibdib nina Devee Oliveros at Ericjan Esparagoza? Kung meron man, mag salita na." Anang Father.

Awtamatikong mas bumilis ang pag tibok ng puso ko dahil sa naging tanong ni Father..
Meron pa palang ganito pag ikinakasal?

Katahimikan naman ang bumalot sa loob ng malaking simbahan kung saan dinadaos ang kasal namin.

Mayamaya lamang ay biglang nag tayuan ang mga balahibo ko sa katawan, pakiramdam ko ay bigla akong binuhusan ng malamig na tubig at biglang nagising sa katotohanan, ng may biglang sumigaw.

"Itigil ang kasal..." Tinig ng babae.

Gulat ang lahat dahil sa pag dating ng hindi inaasahang bisita.
Agad na umugong ang bulungan ng mga tao sa paligid.

"You must stop this wedding." Ani nito at nag simulang mag lakad papalapit sa harap namin.
"Ako ang totoong Fiancee ni Ericjan at hindi ang babaing to. She's just Ericjan substitute bride. Ako dapat ang ikinakasal ngayon sa kanya at hindi ang babaing 'yan." Pag aanunsyo nito sa madla.

Mas lalong lumakas ang bulung-bulongan sa loob ng simbahan dahil sa pag sisiwalat ng babae sa katotohanan.

Oo nga pala.. sa tindi ng kaba ko. Sa sobrang excitement ko na ikakasal na ako ngayong araw na ito. Muntikan ko ng makalimutan na HINDI pala AKO ang totoong FIANCEE ni Ericjan.

I'm just his SUBSTITUTE BRIDE.

"Ingrid..." Sambit nitong lalaking katabi ko habang hindi rin makapaniwala sa taong dumating.
Bumaling ito sa'kin pag kuwa'y... ng hilahin ko mula sa kanya ang kamay ko na hawak hawak nito.

"Ericjan, stop this nonsense wedding babe. Nandito na ako. Bumalik na ako para sa'yo." Anang babae na syang kumuha muli sa atensyon ng lalaking katabi ko.
"Come to me babe." Maarteng utos nito kay Ericjan.

Napa ngiti na lamang ako ng mapait ng muli ako nitong tinapunan ng tingin.

"Sige na. Nandyan na sya." Saad ko dito pero pilit na pinapatatag ang boses na alam kong mayamaya lamang ay mababasag din dahil sa iyak na nais kumawala sa lalamunan ko.

Ang sakit pala masampal ng katotohanan.
'Yong lalaking lihim mong minamahal, akala mo may posibilidad na maging sa'yo na'ng tuluyan. Pero imposible pala, dahil may totoong nag mamay-ari rito. At 'yon ay hindi ako.. kundi ang babaing nakatayo ngayon sa harapan namin.

"Please, stay Devee." Pakiusap nito sa'kin habang malamlam ang mga matang nakatunghay sa'kin.
Pinilit pa nitong abutin muli ang kamay ko, ngunit pumiksi ako at tuluyan na tumalikod sa kanya.

Nag mamadaling umalis sa harap ng altar para umalis sa lugar na 'yon.

"Devee.. Devee.." Dinig kong sigaw ni Ericjan na sumunod din pala sa'kin.

"Babe, come back here. Wag mong susundan ang babaing 'yan." Pigil ng babae kay Ericjan ngunit hindi naman sya nito pinakinggan.

"Devee, stop. Where are you going?" Nag tatakang tanong nito sa'kin ng maabutan ako nito sa labas ng simbahan.
"Saan ka pupunta?" Tanong nitong muli ng pilit ako nitong iniharap sa kanya.

"Ericjan.. nandon na sya. Ano pa ang gagawin ko dito?"

"What?" Kunot noong tanong nito.

"Tapos na ang kontrata ko sa'yo. Total at bumalik naman na ang totoong BRIDE mo. Ang babaing mahal mo. Bumalik ka na don sa loob at nag aantay ang mga bisita mo, pati...pati na rin ang ma-mahal mo." Kahit masakit sa loob ko na sabihin 'yon..
"Paalam---"

"No. Hindi ka pa tapos sa kontrata mo sa'kin." Pigil nito sa braso ko ng akma na akong tatalikod para umalis.
"We're not done yet Ms. Devee Oliveros." Aniya at walang paalam na sinunggaban ako ng halik sa mga labi.

Agad ko naman itong itinulak sa dibdib para lumayo sa'kin.

"Ericjan..." Nag tataka at hindi makapaniwala dahil sa ginawa nito sa'kin.

"Hindi ka pa tapos sa'kin Ms. Oliveros." Anito. "You think na basta nalang kita pakakawalan?" Tanong nito habang nakatitig sa'kin ng malamlam kung kaya't kita ko ulit ang mga mata nitong biglang nalungkot at nawala ang kislap at saya na kanina lamang ay naroon habang nasa harap pa kami ng altar.

Awtomatiko namang kumunot ang noo ko dahil sa huling itinuran nito.

"Paanong---"

"I love you Devee. At hindi matatapos ang kontrata mo sa'kin hanggat hindi mo inaamin sa'kin na mahal mo na rin ako.."

Mahal ako ni Ericjan?
Mahal din ako ng mahal ko?

Hindi ko tuloy mapigilan ang mga luha na kanina pang nag pupumilit na kumawala sa mga mata ko.

•••••to be Continued

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon