MSB 36

5.9K 144 0
                                    


Chapter 36

"HEY! Are you okay?" Untag na tanong ni Ericjan kay Devee ng lapitan niya ito habang nakatayo sa gilid ng dalampasigan at nakatanaw sa malayo. Mabilis naman na napalingon sa kanya ang dalaga.

"Ah---"

"Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik mo. May problema ba?" Puno ng kuryusidad na tanong nito sa kanya. Mabilis na humugot ng malalim na paghinga ang dalaga saka iyon pinakawalan sa ere.

"Iniisip ko lang kung---kung dapat pa ba tayong mag sinungaling sa mga magulang mo. I mean, mabait sila. Mabait ang mommy mo. Parang kinakain ako ng konsensya ko dahil sa pag sisinungaling ko sa kanya." Malungkot na pag tatapat nito.

"You know what... You don't need to feel that way. Kasi unang-una, hindi naman ikaw ang may pakana nang lahat ng ito. You're just my employee. Kagaya nang usapan natin, ibibigay ko ang bayad ko sa'yo once na matapos na ang kontrata mo sa'kin. I knew my mom... ako na ang bahalang mag paliwanag sa kanya kapag nabuko niya tayo. So, don't feel guilty. It's okay." Anang binata sa kanya.

You're just my employee. Sa mga katagang iyon, pakiramdam ni Devee unti-unting pinipiga ang puso niya hanggang sa maging pino ito at hindi na maipag tagpi-tagpi pa. Sobrang sakit sa kaibuturan niya. Parang gusto niyang umiyak sa mga sandaling iyon.
Hindi malaman kung dapat ba siyang magsisi dahil hinayaan niya ang kanyang sarili at puso na mahulog rito. Hinayaan niyang lihim na lumalim ang pag-ibig para sa binata gayong alam naman niyang may mahal na itong iba.
Mabilis na napakagat-labi si Devee para sana pigilan ang pag tulo ng kanyang mga luha, ngunit huli na. Mabilis na namalisbis sa kanyang pisngi ang butil ng kanyang luha. Gayon din ang sunod-sunod na pag singhot at pigil na mapahagulhol sa harapan ng binata. Agad niyang pinunasan ang kanyang pisngi pag kuwa'y tumungo upang itago sa binata ang kanyang hitsura.

"D-devee? Are you crying?" May pag aalalang tanong ni Ericjan sa kanya at mabilis siyang hinawakan sa balikat, ngunit agad naman siyang pumiksi.

"W-wala. Wala ito. Napuwing lang ako. Sige, mag lilibot-libot muna ako dito." Aniya at hindi na hinintay na sumagot ang binata. Mabilis siyang nag lakad papalayo rito. Sunod-sunod na muling tumulo ang kanyang mga luha ng tuluyan na siyang makalayo sa binata. Naninikip ang kanyang dibdib na tila ay nahihirapan siyang huminga. Malingalingang pumulot siya ng bato at ihampas sa tapat ng kanyang dibdib upang patigilin ito sa pag-tibok.

Kagaya ng hangin na tahimik na dumadampi sa buo niyang katawan. Ganon ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Tahimik siyang umiiyak at nasasaktan dahil sa lalaking mahal niya na hindi naman siya kayang suklian.

"H-hindi ba puwedeng ako nalang? Ako naman 'yung nasa tabi mo eh!" Humihikbing bulong nito sa hangin habang nakaupo sa buhanginan. "Bakit mo pa kasi ipinaramdam sa'kin 'to kung wala ka naman palang entensyon na damayan ako sa kaligayahan ko. Ang unfair mo Ericjan. Ang unfair mo..."

Hindi alam ni Devee kung ilang oras siyang nanatili sa dulo ng beach na pinuntahan nila ni Ericjan. Basta lamang siya nakaupo sa buhangin hanggang sa maubos ang lahat ng luha niya.
Nang makaramdam ng pagkabagot ay tumayo siya mula sa kinauupuan at muling nag pakawala ng malalim na buntong hininga bago nag pasyang bumalik sa kuwarto niya. Mag papahinga na lang siya roon tutal at pagabi na rin.
Ang sabi kasi sa kanya nang binata kanina, naroon sila sa beach na iyon upang mag pahinga dahil nga sa nalalapit nilang kasal. Kasal na kung maaari lang ay totohanin na lamang, ngunit imposibleng mangyari.

Nakatungo at laglag ang balikat ng mag simulang mag lakad si Devee pabalik sa hotel. Ngunit mayamaya ay agad din itong natigilan ng may madinig siyang malakas na tugtugan sa 'di kalayuan. Kunot noo siyang napatitig roon.

"Hi miss." Nabaling ang pagtingin ni Devee sa babaing lumapit sa kanya. Nakatingi pa ito.

"A-ako?" Anang Devee at tumingin pa sa likuran niya para masiguradong siya nga ang tinutukoy ng babae.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon