MSB 39

5.9K 138 1
                                    

Chapter 39

"BES, BAKIT ka ba umiiyak diyan?" Nag aalalang tanong ni Kelly sa kanyang kaibigan habang nasa labas ito ng pinto nang banyo. Mayamaya ay bumukas iyon at iniluwa roon si Devee na namamaga ang mga mata at humihikbi pa. Mabilis siyang nilapitan ni Kelly at inalalayan sa braso upang dalhin sa kama. "Ano bang problema? Nag away ba kayo ni Kuya?" Tanong pa nitong muli.

"H-hindi." Aniya.

"Hindi? Eh! Bakit ka umiiyak? Tapos nakasalubong ko pa si kuya kanina, parang mananapak ng tao. Galit ang hitsura niya." Anang Kelly pag kuwa'y tumabi sa kanya sa pag-upo sa gilid ng kama. "You can tell me. Nag away ba kayo?"

Wala sa sariling muling nag pakawala ng malalim na buntong hininga niya si Devee pag kuwa'y niyakap ang mga tuhod nitong nakaangat sa kama.

"Magagalit ka ba sa'kin kapag sinabi kong...hindi kami totoong mag Fiancee?" Sa halip ay balik tanong nito sa kaibigan. Mabilis namang nag salubong ang mga kilay ni Kelly. Kunot noong tumitig sa kanya na tila ay tinatantya siya nito.

"What do you mean? Hindi kayo totoong---" Tumango ng mabilis si Devee bilang pag tugon rito. Nanlalaki ang mga mata naman nang huli at napapasinghap dahil sa mga nalaman nito.

"B-but..."

"Naalala mo nong sinabi ko sa'yo na may nag alok sa'kin na maging Substitute Bride niya? Na babayaran niya ako ng 200k para sa serbisyo ko sa kanya?" Tanong nitong muli. Halos pigil hininga pa ang huli at hindi magawang kumurap at inaabangan ang mga susunod na sasabihin ni Devee sa kanya. "Ang kuya Ericjan mo 'yon. I'm sorry kung---kung nag sinungaling ako sa'yo."

Ilang saglit pang nanahimik si Kelly pag kuwa'y mabilis ding nag pakawala ng malalim na buntong hininga. Mayamaya ay napaangat muli ng mukha si Devee ng maramdaman ang pag hawak ni Kelly sa kanyang kamay.

"Naiintindihan ko, bes." Anito. "Ito ba 'yong dahilan kung bakit ka umiiyak?"

"Mmmm." Anang Devee at mabilis na pinunasan ang kanyang mga luha.

"Bakit?"

"Kels, gusto ko na siya. Pero hindi naman puwede, dahil may Fiancee siyang totoo. Nasasaktan ako, kasi feeling ko pinapaasa ako ni Ericjan sa mga galaw at kilos niya. Feeling ko, gusto niya ako...na hindi niya ako gusto." Pag tatapat pa nito sa huli.

"Gusto ka niya na hindi ka niya gusto?" Ani Kelly na napapaisip rin sa mga sinabi niya. "Why don't you ask him?" Saad pa nito. Mabilis na napabaling ng tingin niya si Devee sa katabi, pag kuwa'y inirapan niya ito. "Ay! Mali pala. Babae ka, kaya dapat si kuya ang mag first move. Teka---sabi sa'kin ni Tita Yhanie pumili ka na raw ng Gown mo. So ibig sabihin tuloy ang kasal?"

"Siya naman ang pumili ng susuotin ko. Pero hindi ko alam kung itutuloy niya ba 'yon o hindi." Malungkot at nanghihinayang na saad nito.

"You know what, ako na ang bahalang kumausap sa kanya. Don't worry, everything will be okay."

"Paano magiging okay, bes? Eh! Kinakabahan nga ako na baka bumalik ang totoong girlfriend niya." Aniya.

"The who? Ingrid? Tss. Ako na nag sasabi sa'yo bes, hindi pa man 'yon nakikita nina Tita at Tito, malaking X na siya. Reject na 'yon sa parents ni kuya. I know them. Ayaw nila sa maarte at pabebeng babae."Anang Kelly na kahit papaano ay nag pagaan sa pakiramdam ni Devee. "And knowing Kuya, ngayon ko lang siya nakita na ganyan. Totoong ngiti ang ginagawa niya lalo pa kapag kasama ka."

"Kelly... huwag mo na dagdagan pa. Aasa na naman ako dahil sa'yo eh! Masakit na nga ang puso ko ngayon. Tapos bibigyan mo pa ako ng dahilan na ganyan. Kung gusto niya ako, bakit hindi niya sabihin sa'kin?" Anang Devee.

"Oo na. Tumigil ka na kakaiyak diyan. Mas lalo kang pumapanget. Saka, hindi lang ikaw ang broken ngayon." Anito na siyang naging dahilan ng muling pag baling ni Devee sa gawi nito.

"Broken ka din?"

"Paasa din ang Jim na 'yon. Ang akala ko totoong may gusto sa'kin. 'Yon pala... kaya niya ako nilapitan at palaging inaaya na lumabas, kasi nalaman niyang gusto ko siya. Ayon, nakipag pustahan sa mga ka-team mate niya na mapapasagot niya daw ako agad. Nako! Ang sarap batohin ng bola eh! Nanggigigil ako. Akala niya guwapo siya? Tss. Kung 'di lang siya magaling mag 3 points... haist." Lintaya nito habang nanggigigil na pinipiga ang kubre kamang inuupo nilang dalawa.

"Hayaan mo na, bes. Hindi mo deserve 'yon. Madami pa namang iba diyan eh!" Pag-aalo pa nito sa kaibigan. Alam niya, kahit hindi sabihin ni Kelly sa kanya ang totoo. Nalulungkot rin ito ngayon. Matagal na kasing may gusto si Kelly sa Jim na 'yon. Criminology Student tapos Varsity pa ng basketball sa campus nila. Kaya ganon na lang kung pag tilian ng mga kababaihang schoolmate nila. At isa na roon si Kelly.

"Salamat bes. Ikaw din... hayaan mo na si---"

"Huwag. Huwag mong sabihin na hindi ko deserve si Ericjan. My god bes. Baka pati ikaw hindi ko na rin kausapin." Mabilis na putol nito sa iba pang sasabihin ni Kelly. Agad namang umangat ang kamay nito at binatukan siya sa ulo.

"Baliw. Gusto kong sabihin, hayaan mo na si Ingrid. Wala naman 'yon panama sa'yo. Saka, hindi ako papayag na hindi tayo magiging mag pinsan no! Totoo man o hindi totoo na mag Fiancee kayo ni Kuya. Ikaw parin ang gusto ko para sa kanya." Anito na ngumiti pa sa kanya ng malapad pag kuwa'y yumakap sa kanyang braso at sumandal sa balikat niya. "Huwag ka na mag alala. In just two days, magiging Mrs. Ericjan Esparagoza ka na din. Don't think negative okay. Kung kinakailangan na bantayan ko ang pinto ng simbahan para abangan ang kung sino man mang gugulo sa kasal niyo ni Prince Charming mo... I'll do it. For you my besty."

"Ano ba 'yan. Ang OA na natin dito." Natatawang saad na lamang ni Devee. Pero ang totoo ay na ta-touch siya sa mga sinabi nito sa kanya. Kelly is such a true friend. Laging nandiyan para sa kanya. Lagi siyang dinadamayan sa lahat.

"Let's eat. Nagugutom na ako kanina pa." Pag aaya ni Kelly sa kanya mayamaya.

"Sige. Nagugutom na rin ako eh!" Aniya at humiwalay sa kaibigan para ayosin ang kanyang sarili.

"WHERE IS SHE?" Tanong ni Ericjan sa kanyang pinsan nang lapitan niya ito sa lamesa.

"Sa cr pa." Anito na nakasimangot sa binata. "Ba't mo pinaiyak ang best friend ko?" Tanong nito. Mabilis naman na nag salubong ang mga kilay nang huli at mataman na tumitig sa babae.

"Why me? I didn't do anything."

"Hindi iiyak si Devee if you didn't do anything nga. Tss."

"Tss. Siya pa may ganang umiyak at mag sumbong. Eh! Siya naman itong nakikipag-usap sa ibabang lalaki samantalang kasama niya ang Fiancee niya. Haist! I don't understand you girls. Nandiyan na nga sa tabi ang tao, mag hahanap pa ng iba." Pag rereklamo ng binata pag kuwa'y nilantakan ang pagkain nito.

"Ikaw ang hindi ko maintindihan kuya. May pakiramdam ka ba? Manhid ka ba?" naiinis na tanong pa nito.

"What? Of course I'm not."

"Kung hindi ka manhid, dapat alam mo kung ano ang nararamdaman ng Fiancee mo ngayon. Look, umiiyak siya ng dahil sa'yo... Pero hindi mo alam."

"Okay." Mabilis na pag suko agad nito. "That's why I'm asking her kung ano ang problema niya. Pero ayaw niya naman sabihin sa'kin. Paano ko malalaman?" saad pa nito sa pinsan niya. Mayamaya ay sabay pang tigil sa pag sasalita ang dalawa ng biglang lumapit sa puwesto nila si Devee. Mabilis na tumayo sa kinauupuan niya si Ericjan. Matalim na tingin ang ipinukol sa dalaga pag kuwa'y inirapan ito at tumalikod.

"Mang irap ba sa'kin? Tss. Kung hindi ka lang guwapo eh!" Anang Devee at kunwari ay naiinis na umupo sa tabi ng kanyang kaibigan. Napapahagikhik na lamang ang huli.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon