MSB 14

6.8K 162 2
                                    

Chapter 14

"So, ano na? Are you gonna tell me?" Nagulat pa ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Kelly. Abala kasi ako sa pag kukuwenta sa buong araw na kita sa boutique ni Tita Yhanie, kung kaya't hindi ko siya napansin na lumapit sa'kin.
Kunwari ay napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa pagkagulat sa kanya.

"Ano ba naman 'yan bess. Aatakihin ako nito sa puso dahil sa'yo eh!" Saad ko dito.

"Sige na kasi. Alam kong may---"

"Oo na. Ito na po." Putol ko sa iba pa niyang nais sabihin sa'kin. Aandar na naman kasi ang bunganga ni Kelly De Asis... Iniligpit ko muna ang perang natapos ko na e compute at para e finalize na lang ni Tita Yhanie mamaya.
"Ganito kasi siya bess..." Panimula ko sa kanya na medyo kinakabahan pa. Nag aalala kasi ako sa maaaring maging reaction nito sa'kin eh.
"May nag offer sa'kin ng trabaho. Kagabi. Tapos---ano, malaki ang sahod. Kaya... kaya pumayag na ako. Kaysa naman mabaon ako ng utang sa'yo at sa pamilya mo... lalo na kay Aling Barbara." Pag papaliwanag ko sa kanya.

Kunot noo lang naman itong mataman na nakatingin sa'kin. Nag hihintay sa mga susunod ko pang sasabihin.
Wala sa oras na napapalunok nalang ako ng laway.

"Anong trabaho?" Pag kuwa'y kalmadong tanong nito.

"Ano---ahh..."

"Oh my God! Don't tell me---" Agaw ulit nito sa iba ko pang sasabihin. Nanlalaki pa ang mga nito na napa atras palayo sa'kin.
"Kaya ba late ka pumasok kanina kasi napuyat ka? Kasi napagod ka? Devee? Oh my God! Don't tell me... naging prostitute ka? Pumatol ka kasi malaki ang bayad sa'yo? God! Devee, why? Sino? Matanda ba? Bess, okay lang naman sa'min ni mommy na mabaon ka ng utang sa'min basta 'wag mo lang ibinta ang katawan at kaluluwa mo." Sunod sunod na saad nito na sinasabayan pa ng pag iling. Sari-saring emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya.

Halos pumalatak tuloy ako sa pag tawa dahil sa reaskyon ng mukha niya.
Nakakatawa na parang ewa.

"Ha? Ano bang pinag sasasabi mo diyan bess?"

"Wag ka na mag kaila Devee, kilala na kita. Bakit?" Nahihirapan at hindi makapaniwalang tanong nito sa'kin.
Hindi ko na napigilan ang mapabunghalit ng tawa dahil sa mga sinasabi nito.

"Ang dumi mo naman mag isip bess." Natatawang saad ko dito. "FYI lang ha! Kahit wala na akong kainin at wala na ako ni sinkong duling, hinding hindi ko gagawin ang nasa isip mo ngayon. Yuck!!" Nandidiring dagdag ko pa sa kanya.

"What do you mean? Eh! 'Yun naman ang ibig mong--- ano ba kasi 'yun?" Pag kuwa'y tanong nito sa'kin.

Nag pakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago muling nag salita.

"May nag offer sa'kin kagabi na, maging Substitute Bride niya---"

"Oh---"

"Hep! Wait lang. Bago ka mag react ulit, patapusin mo muna ako ha." Awat ko sa kanya. "200k ang bayad niya sa'kin. Mag papanggap lang naman ako na fiancee slash soon-to-be-bride niya. 'Yun lang. Alam mo naman na gipit ako, kaya ayun..." Pag papaliwanag ko sa kanya ng maigi.

Parang nanghihina naman itong napaupo sa isang stall sa harap ng counter.

"Substitute Bride? For 200k pesos?" Tanong nito. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya.
"Are you out of your mind, Devee? Alam mo bang dilikado 'yang ginawa mo? Paano kung magalit ang totoong fiancee niya? Paano kung sa'yo gumanti ang fiancee niya? Eh! Di ikaw naman ang nakawawa niya." Medyo pagalit na saad nito sa'kin.

"Alam ko naman 'yun bess. Nag kausap na kami kagabi tungkol sa kontrata namin, tapos... mag uusap ulit kami mamaya para sa mga dapat at hindi dapat na gawin namin. 'Tsaka... mukhang mabait naman siya eh." Pag sisinungaling ko sa kanya.
Mukha non? Mabait? Tss. Pag pumuti ang uwak!!

"Mukhang mabait? Paano mong nasabi? Kilala mo ba?" Umaling naman ako sa tanong niya. "See? Hindi mo kilala. Paano kung mapahamak ka dahil sa ginawa mong 'yan? Paano kung--- baka isang umaga malaman ko nalang na isa ka ng bangkay at---"

"My God! Bess, grabe ha. Advance masiyado ang utak mo. Wag naman sana. Tinatakot mo naman ako." Saad ko dito. Paano, ang layo kaagad nang lipad ng utak at imahinasyon niya.

"Aba! Dapat lang talaga na matakot ka dahil diyan sa ginagawa mo. At talagang wala ka pa atang balak ipaalam sa'kin ano?" Pag susungit na ni madam Kelly.

"Sasabihin ko naman pero---"

"Pero ano? Nag aalala ka na baka magagalit ako sa'yo? Aba! Talagang magagalit ako sa'yo bess."

"Oo na. Alam ko. Galit ka nga. Halata naman."
Idinaan ko pa sa biro ang huling mga sinabi ko, baka kako kumalma ito hehe.
Pero inirapan lang ako nito pag kuwa'y.

"Girls, are you two okay?" Tanong ni Tita Yhanie na biglang lumabas sa opisina nito. Nadinig niya siguro ang pag uusap namin ni Kelly.
"Kelly, are you okay?" Nang ito naman ang binalingan niya. Paano, nakabusangot ang itsura nito.

"Opo Tita." Tipid na sagot nito at pinag ikes pa ang dalawang braso aa tapat ng dibdib niya.

"Ang akala ko ay nag aaway na kayo!" Aniya. "Oh! Siya sige at mauuna na ako sa inyo ha. Kailangan kong umuwi ng maaga."

"Paano po 'yung pera Tita?" Habol na tanong ko rito ng akma itong babalik sa loob ng opisina niya.

"Ewan mo nalang sa drawer ko, at ako na ang mag deposit niyan bukas." Aniya na naka ngiti pa.
Tumango naman ako dito bilang tugon.

Agad akong lumapit kay Kelly at muli itong kinausap.
"Sorry na bess." Saad ko dito na sinundot ko pa ang baywang niya.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko sa tingin mo?" Pag susungit pa rin na saad nito sa'kin.
Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya.

"Salamat. Don't worry, hindi na ako mag lilihim sa'yo. Simula ngayon, sasabihin ko sa'yo lahat ng gagawin ko sa trabaho kong 'yun. Promise." Itinaas ko pa sa ere ang isang kamay, para mangako sa kanya.

"Promise ha? 'Tsaka, paano 'yung trabaho mo dito kay Tita Yhanie?"

"Wag kang mag alala bess, papasok pa naman ako dito eh." Saad ko.

"Sige. Pero, gusto kong makilala 'yang AMO mo. Baka mamaya niyan, tss... Basta, gusto ko siyang makita." Aniya.

"Okay. Pero 'wag muna ngayon, kasi may pag uusapan pa kaming importante. Deal?"

"Deal."

"Puwede ba ako makisali sa deal na 'yan?" Ang boses na biglang pumasok sa boutique ni Tita Yhanie.
Si Kevin pala.
"Pauwi na kayo? Tara na."

"Alam mo bess, bagay kayo ni Kevin." Bulong ko sa kanya ng makita ko ang kakaibang titig ni Kelly kay Kevin.
Agad naman itong napatingin sa'kin at mabilis akong tinampal sa balikat ko. Namumula ang mukha niya.

"Zzzttt. Hindi ah." Aniya at mabilis na tumalikod sa'kin.

"Hindi pala ha. Bakit namumula ka?" panunudyo ko pa sa kanya ng sundan ko siya.

"Che! Tigilan mo nga ako bess." Saad nito na pigil pa ang ngiti.

Naku naman! Kunwari pa ang isang 'to. Kaya pala nag papabebe ito kanina, kasi kasama pala namin ang Crush niya.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon