MSB 53

7.9K 187 1
                                    

Chapter 53

"WHAT IS SHE doing here?" Nag tatakang tanong ni Kelly kay Devee nang isang umaga ay dumalaw ito sa bahay ng kanyang kuya Ericjan at nadatnan roon ang isang bisita na hindi nito inaasahan na makita.. "Hey! What are you doing here?" mataray na tanong nito kay Ingrid.

"Bes---"

"Devee, may ahas dito sa bahay mo." Anang Kelly.

"Kelly. Ako ang nag patira sa kanya dito."

"What?" Natitigilan na tanong nito dahil sa sinabi ng kaibigan. "Dito nakatira ang babaing 'to?"

"Oo."

"Are you out of your mind Devee?"

"Tss. Kumalma ka nga bes." Anang Devee at nag lakad na rin palapit sa kinaroroonan ni Ingrid. Umupo ito sa kaibayong sofa. "Halika. Umupo ka rito." Aniya.

Masamang tingin naman ang ipinukol ni Kelly kay Ingrid habang nakangiti naman itong nakatingin sa gawi niya. Nanggigil ang dalaga... kung hindi lang magagalit sa kanya si Devee, susugurin niya ito at sasabunutan. Ang kapal naman kasi ng mukha para doon tumira kasama ang kaibigan at kuya niya gayong ito ang may kasalanan kung bakit hindi natuloy ang kasal nang dalawa.

"Wala ang kuya mo at nasa Cebu. Isang linggo raw siya doon dahil sa out of town meeting."

"Dito ako matutulog kung gano'n. Baka mamaya niyan gumawa ng krimin ang babaing 'to para masolo niya ang kuya Eric. Tch." Anang Kelly pag kuwa'y mabilis na inismiran si Ingrid.

"Mag kaibigan nga talaga kayo. Pareho ang pag uugali niyong dalawa." Natatawa at baliwalang turan ni Ingrid at muling itinuloy ang pagkain nito sa manggang hilaw na may bagoong.

"Bakit ka pala napunta dito bes?" Pag iiba ni Devee sa tanong sa kanyang kaibigan.

"S'yempre I missed you so much kaya binibisita ka. Hindi ko alam na may bago ka na palang best friend dito." May pag tatampo pang saad nito sa kaibigan.

"We're not best friend. Kung hindi lang ako naaawa sa anak niya, matagal ko na siyang pinalayas rito sa bahay. Isturbo masiyado eh!" Anang Devee.

"What? She's pregnant? Don't tell me---"

"You're wrong." Mabilis na agaw ni Devee sa iba pa nitong nais sabihin sa kanya. "Baka una palang na nalaman kung si Ericjan ang naka buntis sa bruhalditang 'yan... pinag sabay ko na silang gilatan sa leeg."

"Excuse me? Nandito lang ang pinag uusapan niyo. Baka naman puwedeng lumipat kayo ng puwesto para pag chismisan ako." Anang Ingrid na ikinasimangot naman ni Kelly.

"This is not your house kaya ikaw ang lumipat. Bruhang 'to."

"Hay! Nakaka stress palang tumira dito." Aniya at agad na tumayo mula sa kinauupuan at bitbit ang dalawang mangkok na lumabas ng bahay at nag tungo sa garden.

"Bakit ka pumayag na dito tumira ang babaing 'yon?" Baling na tanong sa kanya ni Kelly mayamaya.

"Kelly, nasabi ko na kanina. Dahil sa baby niya kaya pumayag akong dumito na muna siya."

"Bakit? Wala ba siyang bahay o hindi ba siya puwedeng mag rent ng hotel? Devee... alam mo naman ang ugali ng Ingrid na 'yun. Paano kung may gawin 'yan sa 'yo? Paano kung plano talaga niyan---"

"Kilala mo ako bes. Hindi ako basta nag papatalo. Lalo pa na ako ang may karapatan sa kuya mo. Huwag kang mag alala, walang laban sa 'kin si Ingrid. At isa pa, ramdam ko naman na sincere siya sa pag hingi sa 'kin ng sorry about sa nangyari sa kasal namin ni Ericjan." Pag papaliwanag ni Devee sa kaibigan.

It's been two weeks since pinatuloy niya sa bahay nila si Ingrid. Kahit madalas silang mag sagutan sa kahit anong bagay lang, sigurado naman si Devee na walang balak na gumawa ng masama si Ingrid. Sadyang pranka lang din ito pag dating sa kanya... maging siya man din dito. Wala din naman siya ipinag aalala sa nobyo niya tungkol sa sitwasyon nilang tatlo ngayon. Dahil gaya ng sinabi ni Ericjan sa kanya, hindi ito gagawa ng bagay na ikagagalit niya rito o hindi nito papayagan na masira sila dahil lang kay Ingrid.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon