MSB 8

7.5K 159 2
                                    

Chpater 8

"Mare... Mare..." Ang boses ni Awra ang nadinig ko mula sa labas ng apartment na tinitirhan ko.
Kinuha ko ang bag kong nakapatong sa sofa bago tinungo ang pintuan at lumabas.

"Bakit ba bakla? Umagang umaga makahiyaw ka diyan." Kunwari ay inis na saad ko dito ng makalabas na ako.

"Sorry. Hoy! Kaloka ang ganda ganda mo talaga. May mamang pogi na nag aantay sa'yo kanina pa." Anang Awra na hinampas pa ako sa balikat ng makalapit na ako sa kanya.

"Ha? Ano bang pinag sasasabi mo diyan?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Lokaret ka. May Keiedrian ka na lumalandi ka pa haha. Ayon oh. Sundo mo." aniya na ngumuso pa kaya napasunod ang tingin ko roon.
Halos mapamulagat pa ako ng makita ko ang mayabang na pulis na 'yon habang naka sandal sa gilid ng mamahaling sasakyan niya. Nakapaloob sa bulsa ng pantalon niya ang dalawang kamay nito habang may suot ding shades.

Oo na. Dahil sa suot nitong white long slevee na nakatupi pa ang dulo nito hanggang sa siko niya... naka bukas ang dalawang butones sa bandang dibdib niya na tinirnuhan pa ng itim na pantalon. Mas pinatunayan niyang gwapo talaga siya kaysa kay Andrew Garfield.

Hindi maitatangging maraming kababaihan ang luluha at masasaktan pag ito ang naging boyfriend.
Halata naman sa itsura nito na ito ang tipo ng lalaki na mapaglaro sa damdamin ng kapwa ko.

"Good morning sungit." bati nito na hindi ko na namalayan, naka lapit na pala ito sa'kin.

"Hi... Awra pala. Kumare ni Devee. Hihi ang gwapo mo naman." malanding pakilala nitong kasama ko.

"Hi bro." bati sa kanya nitong mayabang.
Napa ngiti na lang ako ng makita ko ang pagkunot ng noo ni Awra dahil sa pag tawag sa kanya ng bro.

"Maka bro naman. Sis ako... Pogi." Aniya.

"Ah sorry. Hi sis."

"Anong ginagawa mo dito?" mayamaya ay tanong ko dito.

"Ah. May dinaanan kasi ako kanina malapit dito. Naisipan ko lang na daanan ka na din." saad nito na naka ngiti pa sa'kin.
Tss. Kung nagkakilala lang kami nito sa maayos na paraan, baka nag tititili na ngayon ang puso ko dahil sa kilig.

"Papasok ka na sa school mo? Hatid na kita." aniya.

"Salamat na lang pero madaming jeep ang dumadaan diyan sa labasan." Pormal na saad ko dito 'tsaka isinukbit ko ng maayos ang bag ko bago nag lakad na paalis.

Pero hindi pa man ako nakakailang hakbang ay nadinig ko naman ang boses nito sa tabi ko.

"On the way ka naman sa uuwian ko eh. Kaya no problem with me."

"Sa'yo walang problema, pero sa'kin meron."

"Come on Devee..."

Agad akong tumigil sa pag lalakad at hinarap siya.

"Ano bang problema mo sa'kin?" Diretsong tanong ko sa kanya.

"Nothing." Mabilis na sagot nito.
"Okay. I just want us to be friends. Hindi naman siguro masama kung makikipag kaibigan ako sa'yo 'di ba?" seryosong saad nito sa'kin.

"Masama. Kasi hindi naman kita kilala."

"Kaya nga mag papakilala ako sa'yo."

"Alam mo... wala akong time para makipag kilala sa mga taong mayayabang. Kung ako sa'yo umalis ka na dito at wag ka na mag pakita sa'kin baka mag sisi ka lang sa huli. Nakikita mo ang mga siga na 'yan?" tanong ko dito na itinuro pa ang tatlong mamalaking lalaki na nakatambay sa labas ng tindahan ni aling Barbara.
"Kilala ako ng mga 'yan. Isang sabi ko lang sa kanila na ginugulo mo ako dito paniguradong bugbog sarado ka pag lumabas ka dito sa lugar namin." Pananakot ko sa kanya.

"Sila? Eh... mababait naman ang mga 'yan eh. Nakakuwentuhan ko na nga sila kanina habang nag aantay ako sa'yo."

"Sarhento... Salamat po sa paalak. Devee ang galante naman pala nitong bisita mo." anang isang siga na kapit bahay ko.

Tss. Nasuhulan na pala ng alak.

Isang masamang tingin naman ang ibinigay ko sa kanya bago padabog na nag lakad muli palayo sa kanya.

"Ang taray naman nito. Halika na at ihahatid na kita."

"Umalis ka na Kevin."
Naiinis na saad ko dito at nag dirediretso na sa pag lalakad.

"Oy! Natatandaan mo pa pala ang pangalan ko. So, ibig sabihin non friends na tayo?"
Pangungulit nito habang naka sunod pa rin sa'kin.

"In your dreams kaya umalis ka na lang. Wala kang mapapala sa'kin kung ano man ang binabalak mo."

Agad akong pumara ng jeep at sumakay na para hindi na ako masunda ng makulit na lalaking iyon.
Hindi ko alam kung ano ang problema non at ako ang ginigulo.

Hanggang sa makarating ako sa school...Sira na ang araw ko dahil sa mayabang na 'yon.

"Naka busangot ka na naman diyan bess." Bungad sa'kin ni Kelly ng umupo ito sa tabi ko.

"Haist. May buwesit kasing sumira sa umaga ko."

"Tss hayaan mo na bess. Mahaba pa ang araw para masira ang mood mo ngayon." Aniya. "Ay! Sasama pala ako sa'yo mamaya sa boutique ni tita Yhanie. Nag paalam ako kay mommy tutal at linggo naman bukas." saad nito.

"Sige. Maganda 'yan para may kasama ako don. Aalis daw kasi si tita Yhanie mo. Parang may date daw sila ng anak niya."

"Yun nga ang sabi sa'kin ni tita."

Pag tapos nga ng last subject namin bandang 1pm ay nag diretso na kami sa mall.
Kagaya ng sabi ni Kelly, siya ang nakatulong ko sa boutique para mag assist ng mga customer. At dahil sabado ngayon, medyo madami ang tao at customer na dumayo roon. Lalo na ang mga amiga at suki ni tita Yhanie. Kung hindi pa ako tinulungan ni Kelly, malamang na kanda ugaga na ako sa pag entertain sa mga customer.

Bandang alas kuwatro na rin kami nakapag pahinga ng bumalik si Tita Yhanie.
Pinag break kami nito at siya naman ang tumao sa counter tutal at unti na lang ang tao roon.

Kagaya ng nakasanayan ni Kelly, sa foodcourt uli kami pumisto.
And usuall libre niya na naman. Since ito palang naman ang pangatlong araw ko sa trabaho kaya wala pa akong sahud.

"Salamat bess."

"Welcome."

Pag tapos namin kumain ay bumalik din agad kami sa boutique para doon na rin mag pahinga.
Pero papasok pa lang ako sa entrance ng boutique ay agad akong natigilan ng makita ko kung sino ang kausap ni tita Yhanie sa may counter.

"Oh! Ito na pala sila. Devee, Kelly come here." anang tita Yhanie.
"This is Kevin. Anak ng amiga ko. Hijo Kevin, this is Devee and I know you already know Kelly."

"Yeah tita. And actually kilala ko na din po si Devee. What a small world. Dito ka pala nag tatrabaho."

"Mag kakilala na pala kayo. Mabuti kung ganon. Paano hijo ikamusta mo nalang ako sa mommy mo."

"No problem tita Yhanie. I'll go ahead." Saad nito na humalik pa sa pisngi ng tita Yhanie pag kuwa'y binalingan kami ni Kelly.
"Bye Kelly."

"Bye Kev. Ingat." anang Kelly.

"Bye miss Sungit." bulong pa nito sa'kin bago ito tuluyang nag lakad palabas ng boutique.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon