MSB 25

6.6K 156 0
                                    

Chapter 25

"KUYA..." Anang Kelly kay Ericjan habang nakaupo ito sa hood ng sasakyan niya at nasa tabi naman nito si Devee na kalmadong masiyado dahil sa nakikitang itsura ni Kelly. Para na itong mangangain ng buhay dahil sa talim ng titig sa kanya.

"Mmmm?" Tugon ng binata.

Muling nag pakawala ng malalim na buntong hininga si Kelly at nakapamaywang pa na nag lakad palapit sa harap nila.

"Is she your girlfriend?" Seryosong tanong nito sa pinsan pag kuwa'y binalingan din siya ng tingin. Mabilis namang nag iwas ng tingin si Devee sa kaibigan at wala sa oras na napapalunok ng laway.
"Kailan pa?"

"Bess---"

"Hindi pa ako nag tatanong sa'yo, Devee." Anang dalaga na halata ngang nagalit sa kanya dahil sa pag lilihim niya rito tungkol sa bagay na iyon. "Is she your girlfriend?" Ulit na tanong nito. Mabilis namang lumingon si Devee sa katabi niya. Nag hihintay sa maaaring isagot nito sa tanong ng kaibigan niya.

"She's... she's not my girlfriend." Anang binata.

Bakit may kung anong lungkot na naramdaman si Devee sa puso niya dahil sa naging sagot nito sa kanyang kaibigan? Ano naman ang inaasahan niya? Totoo namang hindi siya nito girlfriend.
Umaasa ba siyang sasabihin nito na, oo... Sila nga.
Wake up, Devee. You've been dreaming.

"She's my fiancee." Pag kuwa'y dagdag din nito na siyang ikinalingon niya ulit sa gawi ng binata. Kagaya niya, gulat ding nakatitig si Kelly sa pinsan niya. Hindi makapaniwala na iyon ang maririnig mula sa bibig ng kuya niya.

She's my fiancee. Ang paulit-ulit na umi-echo sa utak ni Devee na parang sirang plaka.
Dumadagundong na naman ang puso niya. Rumaragasa na naman ang kakaibang kaba roon. Hindi niya alam kung ano ang dapat na maging reaksyon sa mga sandaling iyon. Lalo pa nong kumilos ang binata at akbayan siya.

"Devee is my fiancee." Pakilala nitong muli sa kanya. Mayamaya ay bumitaw ito sa balikat niya at kinuha ang kamay niya. Ipinag salikop ang mga palad nila.

"W-what? She's your... your what? Your fiancee?" Nauutal at hindi makapaniwalang tanong nito.
Blanko ang emosyon nito sa mukha na bumaling ang titig sa gawi niya. Dahan-dahan itong nag lakad muli papalapit sa kanya.

Mayamaya ay nagulat na lamang si Devee ng biglang lumundag papunta sa kanya si Kelly at nag sisigaw itong tumatalon habang yakap-yakap siya.

"Ahhhhh. You're his fiancee... You're his fiancee... Ahhhh." Anang Kelly na hindi mag kanda mayaw ang tuwa at galak dahil sa mga nalaman nito.
Hindi tuloy malaman ni Devee kung matatawa ba siya o mahihiya sa kaibigan dahil sa naging reaksyon nito.
"Why you didn't tell me, bess? God! I'm so happy for you." Aniya. "Kuya... Gosh! I think I'm going crazy. Alam na ba nina Tita at Tito?" Tanong pa nito.

"Not yet. Mamaya sa party ni mommy." Sagot naman ng binata.

"Oh! I'm so excited. Bess, mag pinsan na din tayo..." Nakangiti pang turan nito sa kanya bago siya muling niyakap ng mahigpit.
Pilit na napangiti na rin si Devee na tumingin sa binata na nasa tabi nila ni Kelly.

"So, enough na muna 'yan Kelly. I need your help." Putol ni Ericjan sa moment nilang dalawa. Agad naman itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"Yeah. What is it?"

"Samahan mo na si Devee na mag bihis. Ako na ang susundo sa inyo mamaya."

"Sure. No problem." Mabilis na sagot nito pag kuwa'y agad siyang hinila sa kamay papunta sa kinaroroonan ng sasakyan nito.

"Hey... careful. Basta ka nalang nanghihila." Napapangiti na lamang si Devee na lumingon sa binata dahil sa narinig na sinabi nito sa pinsan.
He looks like a concern boyfriend to her.

"Ang OA ng fiancee mo, bess. Ngayon ko lang nalaman." Natatawa pang saad ni Kelly nang tuluyan na silang makalulan sa sasakyan. Kumaway pa ito sa binata.
"Okay ka lang, bess?" Pag kuwa'y tanong nito sa kanya.
Muling napabuga ng malalim na buntong hininga si Devee bago lumingon sa gawi ng kaibigan.

"May sasabihin sana ako sa'yo, bess..." Aniya.

"Ano 'yun?"

"Kasi ano..."

"Ay! Teka lang... 'yung phone ko." Aniya at nag mamadali pang dinukot ang cellphone nito sa bulsa ng bag.
"Yes po tita? Opo. Nag kita po kami ni kuya Eric kanikanina lang po. Yeah. Pauwi na po ako sa bahay para mag ready. Happy birthday po ulit." Anang Kelly habang tahimik lang na nakikinig sa kanya si Devee.
Muling nag baling ng tingin sa kanya si Kelly pagkatapos.
"Ano 'yung sasabihin mo, bess?"

"Ahh... Ano eh---" Kinakabahang usal nito.

"Kung hindi naman importante, bess. Hayaan mo na muna 'yang sasabihin mo. Basta ako... Masaya at excited para sa surprise na gagawin ni kuya Eric mamaya. I can't actually wait to see their reactions kapag ipinakilala ka na ni Kuya. Ang totoo niyan kasi, matagal ng gusto ni tita na ipakilala ni kuya sa kanila ang girlfriend niya. Nong una, ayaw kung pumayag na mangyari 'yun kasi 'di ko gusto si Ingrid para sa kanya. And I was surprised kanina nang malaman ko na ikaw ang bagong girlfriend ni kuya." Mahabang turan nito na hindi pa rin mawala wala ang galak sa boses at itsura nito. "God! Hindi ko talaga 'to inaasahan bess." Aniya. "Teka nga pala..." Anito at muling humarap sa kanya. "Paano pala kayo nagkakilala ni kuya? 'Di ba nong nakaraang araw ipinakilala ko kayo sa isa't-isa?"

"Ahh... Ehh..."

"Alam ko na. Kaya ka siguro nag madaling umalis no'n kasi ayaw mong malaman ko na kayo na. Tama ako 'di ba, bess?" Tanong pa nito. Napangiti na lamang ng pilit si Devee at agad na nag iwas ng tingin sa kaibigan. Paano niya bang sasabihin rito ang totoo? Malamang na madisappoint ito sa kanya pati sa kuya nito.
"Tonight after the party, mag sleep over ka sa bahay bess. Gusto kong malaman ang love story niyo ni kuya. Kung paano kayo nagkakilala. At kung paano siya nangligaw sa'yo. Paano mo siya sinagot. Paano siya nag propose sa'yo. My goodness... Masaya talaga ako para sa'yo bess." Anang Kelly na puno pa ng sinseridad ang mga mata nito.
"Why?" Tanong nito at biglang kumunot ang noo nang makitang nakatitig sa kanya ng seryoso si Devee.

"W-wala."

"I know kinakabahan ka para mamaya. But, you don't need to, bess. Alam kong magugustohan ka ng parents ni kuya. Mababait sila. I swear."

"T-talaga? Natatakot kasi ako eh.!" Anang Devee na kabado na naman.

"Huwag kang matakot. Ako na nag sasabi sa'yo, bess. 100 percent magugustohan ka nila."

"Salamat, bess." Ang tanging nasabi ni Devee at lihim na napapabuntong hininga na lamang.

Pagkarating nila sa bahay nina Kelly, ay naroon na din ang make up stylist na mag aayos sa kanilang dalawa. Agad namang tumalima ang tatlong bading para umpisahan ang pag papaganda sa kanila ni Kelly.

"Bess, wala naman pala akong damit na susuotin eh!" Bulong ni Devee sa kaibigan habang magkatabi silang nakaupo sa harap ng salamin.

"Don't worry po miss Devee... May pinadala pong damit si sir Eric para daw po sa inyo." Anang isang bading at agad na tumalima para kunin ang damit na sinasabi nito.

Kunot noo namang napatitig si Devee mula sa repleksyon ng salamin nang makita niya ang damit na hawak nang bading.
'Yun ang damit na binili ni Ericjan dun sa boutique ni tita Yhanie niya. Natatandaan niya ang damit na iyon. Kasi isa 'yun sa mga damit na gustong-gusto niyang bilhin kung may pera na siya. Ang akala niya, binili 'yun ng binata para kay Kelly... Pero hindi niya naman inaasahan na sa kanya pala nito balak ibigay.

"Wow. Beautiful. Bagay sa'yo bess. Tss. Alam niya talaga ang taste mo... Kinikikig ako." Anang Kelly na pinalo pa siya sa balikat niya.

It was black bardot bodycon dress na talaga namang expose na expose ang itaas ng dibdib niya hanggang sa mga balikat niya. May haba na hanggang sa kalahati ng kanyang mga hita na siyang naging dahilan para maibunyag niya ang natatagong angking ganda ng bilogan niyang mga hita. Paired with silver heart shape necklace. It's all so perfect.
Hindi tuloy makapag hintay si Devee na makita ang reaction ng binata kapag magkaharap na sila mamaya.

******
Ang pangit/lame po ba?
✌✌

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon