MSB 10

7.4K 162 0
                                    

Chapter 10

"Kuya--kuya ano pong ginagawa niyo sa mga gamit ko? Teka lang. Saan niyo dadalhin ang mga gamit ko?" Nag tatakang tanong ko sa dalawang lalake na nag bubuhat ng mga gamit ko para ilabas ito sa bahay na tinitirhan ko.

"Buti naman at nandito kana Devee." Agad akong napalingon sa pintuan ng aking apartment ng marinig ko ang boses ng aking landlady.

Kinakabahan pa akong nag lakad palapit sa pandak at matabang babae na ito.

"Aling Barbara! Ehh ano po---"

"Nasaan na ang bayad mo sa bahay ko? kanina pa kita inaantay. Tinatakasan mo na naman ba ako Devee?" Masungit na tanong nito sa'kin.

"Eh aling Barbara wala pa po akong pera ngayon. Puwede po bang bukas--"

"Bukas uli ulit Devee? Aba! Anim na buwan ka ng hindi nag babayad sa'kin. Paano naman ako kikita dito sa negosyo ko? Kung tutuusin nga sana kinakaladkad na kita palabas ng apartment ko. Aba! Mahiya ka naman sa'kin Devee, marami ang nag hahanap nga'yon ng mauupahan. Mamumulubi na ako dahil sa'yo." Anang pandak at matabang babae. Talent nya talaga ang mag fliptap.

Ang lakas pa ng boses nito kung kaya't dinig na dinig ito ng mga kapit bahay kong nakikiusyoso sa mga kaganapan.

Napapahiyang yumuko na lamang ako para itago ang pagkapahiya ko.

"Pasensya na po talaga kayo Aling Barbara. Bukas ko pa po kasi makukuha 'yong hiniram ko na pera para pambayad sa'yo. 'Wag po kayong mag alala, mag babayad na po talaga ako bukas."

Nadinig ko pa ang pag papakawala nito ng malalim na buntong hininga.

"Hindi kita paaalisin ngayon, pero siguraduhin mo lang na makakabayad ka sa'kin bukas, kundi mapipilitan akong palayasin ka dito at mag hanap ka ng ibang matitirhan mo. Sagad na ang pasensya ko sa'yo Devee." Anang landlady ko 'tsaka ito nag martsa paalis.

Wala sa sariling napahugot na lamang ako ng malalim na buntong hininga 'tsaka sinimulang hakutin pabalik sa loob ng apartment ko ang mga gamit na kinuha ng dalawang lalake kanina.

Tagaktak pa ang pawis ko na umupo sa sofa matapos hakutin ang mga gamit ko.

KUNG sana hindi pa pumanaw ang itay at inay, edi sana hindi ako nahihirapan ngayon.
Pero sadyang mailap nga ata ang tadhana at masiyado akong pinapahirapan nito.

Mula kasi nong masama sa aksedente ang inay at itay, sunod sunod na problema na ang kinaharap ko.
Hanggang pati ang sariling bahay na ipinundar nila noon ay narimata ng bangko dahil sa na lubog pala ng utang ang itay noon.
Wala akong ibang magawa kundi ang umalis sa bahay at mangupahan.

"Jusko... hanggang kailan po ba ako mag hihirap? Hindi po ba ako puwede maging masaya at walang problemang iniisip kahit saglit lang. Saglit lang po." Bulong ko habang nakatuon ang dalawang palad ko sa mukha ko.

Mayamaya ay agad din akong napa mulat ng mga mata ng madinig ko ang mahinang katok mula sa pintuan ng apartment ko.
Kinakabahan naman akong agad na napatayo mula sa sofa.
Hala! Baka si aling Barbara ito, bumalik siya kasi nag bago na ang isipan niya at paaalisin na talaga ako ng tuluyan.

Nag cross sign pa ako bago lumapit sa pinto para pag buksan ang pandak at matabang landlady.

"Miss Devee Oliveros?" Bumungad sa'kin ang tatlong kalalakihan na naka suot ng itim na amerikana habang naka shades pa ang mga ito at may kung anong aparatos na naka suksok sa tenga.

Ano 'to? Men in black?
Kunot noo naman akong napatitig sa mga itsura ng kalalakihan.

"Po? Ano pong kailangan nila?" Takang tanong ko sa isang lalaki na nasa tapat ko.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon