MSB 37

6K 226 7
                                    

Chapter 37

BIG BOSS is in LOVE

"DEVEE---hey! Huwag kang malikot kundi mabibitawan kita." Anang Ericjan ng biglang kumawag ang dalaga. Muntikan niya pa itong mabitawan pagkapasok niya pa lamang sa lobby nang hotel.

"Ibaba mo ako." Anito at muling nag kakawag sa ere. Walang nagawa ang binata kundi ibaba ito at alalayan na lamang sa braso upang mag lakad.

"Let's go. You need to take a rest, Devee." Anito.

"Gusto ko pa ng alak. Please. Isa na lang." Hirit pa nito sa kanya na parang bata.

"You're drunk, wifey. Matutulog na tayo." Aniya habang nakayakap sa baywang ng dalaga ang braso niya at hawak niya naman ang isang kamay nito. Mayamaya ay agad na napaatras ng lakad ang binata ng biglang lumihis ng lakad si Devee. Lumapit ito sa front desk at kinausap ang dalawang lalaki na nakatayo roon.

"Hi..." Nakangiting bati ni Devee sa mga ito.

"Good evening, ma'am... sir."

"May alak ba kayo rito? Puwede ako pahingi?" Anang Devee. Agad na nagkatingin ang dalawang lalaki pag kuwa'y tinapunan ng tingin si Ericjan na masama ang tingin sa dalawa.

"WIFE, let's go. Walang alak rito. Come on." Aniya na ipinag diinan pa ang salitang 'Wife' dahil sa pagkakangiti nong dalawang lalaki kay Devee. "Tss. Come on." Anang Ericjan na naiinis na rin dahil sa kakulitan ng dalaga. Mabilis niya itong muling pinangko at tinungo na ang elevator. Kahit nag poprotesta ang huli ay hindi niya na ito pinansin. Hanggang sa ito na ang kusang tumigil kakahampas sa dibdib niya at kakakawag ng mga paa.

Masuyo niyang inihiga sa kama ang dalaga pagkapasok nila sa kuwarto nito. Hahayaan niya na lang sana ito para makapag pahinga na, ngunit mabilis naman nitong hinawakan ang kanyang kamay para pigilan siya.

"M-mainit---" Antok na saad nito pag kuwa'y mabilis na itinaas ang laylayan ng kanyang blouse. Parang pakiramdam ni Ericjan bigla siyang natuod sa kinatatayuan niya. Biglang bumilis ang pag kabog ng kanyang puso habang natatanaw niya ang pag angat ng damit ni Devee at unti-unti niya na namang nasisilayan ang hubog ng katawan nito. Wala sa sariling napalunok laway na lamang ang binata at mabilis na pinigilan ang kamay ni Devee.

"Okay. Just wait. Papalakasan ko lang ang air con." Aniya at nag kukumahog na hinagilap ang remote control ng air con at nilakasan ang temperatura niyon. Parang pakiramdam ni Ericjan, siya din ang nakainom dahil sa init na unti-unti ng nabubuhay sa katawan niya habang mataman na pinag mamasdan ang nakapikit na dalaga. Napapabuntong hininga na lamang ito na umupo sa gilid ng kama.

"Devee---" nahihirapang sambit nito sa pangalan ng dalaga. Umangat ang kamay niya papunta sa mukha nito. Masuyo niyang hinaplos ang bawat parte niyon na animo ay kinakabisado niyang muli ang bawat anggulo ng dalaga. Hanggang sa matapat ang kanyang mga mata sa mapula nitong mga labi. Muli itong napapalunok ng kanyang laway. May kung anong tinig na bumubulong sa kanyang utak na halikan niya ito. Na muli niyang tikman ang mga labi nito. Dahan-dahan siyang kumilos palapit kay Devee. Hanggang sa mag pantay na ang kanilang mga mukha. Masuyo niyang inilapat ang mga labi sa labi ng dalaga. Nong una ay nagulat pa siya nang biglang kumilos ang mga labi nito, at biglang nag mulat ng mga mata. Malingalingang biglang humiwalay ang binata at tumayo mula sa kinauupuan niya. Ngunit agad din nitong napansin ang muling pag pikit ng mariin ni Devee na tila ay ninanamnam din ang halik na ibinigay niya rito. Masuyo siyang gumalaw at inangkin pang muli ang mainit at malambot nitong mga labi. Nalalasahan niya ang alak na ininom nito kanina. Parang nadadarang siya. Nalalasing sa bawat pag galaw ng labi ni Devee na halatang pinipilit na tumugon at sundan ang paghalik niya kahit hindi naman nito alam kung papaano nga ba. Humiwalay siya saglit sa dalaga para kumuha ng hangin at umayos sa kanyang puwesto bago muling sinakop ang mga labi nito. Mayamaya ay naramdaman niya ang pag-angat ng mga braso nito at ipinulupot sa kanyang leeg. Hudyat upang laliman niya pa ang halik na ibinibigay sa dalaga. Rinig niya ang mahinang pag-ungol nito. Ramdam niya din ang masuyong pag haplos ng palad nito sa tapat ng kanyang dibdib.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon