MSB 51

6.9K 151 7
                                    

Chapter 51

"I'M HOME WIFE..." anang Ericjan ng makapasok ito sa kanilang sala. Agad din naman itong natigilan ng makita si Ingrid na nakupo sa sofa at matamang nakatingin sa direksyon niya.

Kunot noong nag mamadaling lumapit rito ang binata.

"What are you doing here?" Nag tatakang tanong nito pag kuwa'y mabilis na inilibot ang paningin sa paligid at pilit na hinagilap si Devee. "Ingrid... I told you tapos na tayo. You can leave, now." Aniya at kinuha ang kamay nito para hilahin palabas ng bahay niya.

"Saan mo siya dadalhin?" Tanong ni Devee ng lumabas ito mula sa kusina at may bitbit na baso ng tubig.

"Wife... I didn't knew she's here. I'm sorry---" Anang binata na bakas pa ang pag aalala sa hitsura nito na baka magalit na naman ang nobya sa kanya. Muli nitong binalingan si Ingrid. "Go on. Umalis ka na."

"Huwag mo siyang paalisin. Ako ang nag dala sa kanya dito." Anang Devee. "Umupo ka Ingrid."

"Ha?" Kunot noo at nag tatakang tanong ni Ericjan ng muli niyang balingan ang dalaga na nakaupo na rin sa sofa. "Why? I thought galit ka sa kanya, wife?"

"Nag-usap na kami."

"O-okay na kayo?"

"We're not okay. Pero dito na muna siya tutuloy sa 'tin."

"Thank you Devee." Anang Ingrid pag kuwa'y binawi nito sa binata ang kanyang kamay at nag lakad palapit sa puwesto ng dalaga.

Naguguluhan at hindi makapaniwala si Ericjan habang seryoso pa ring nakatitig kay Devee. Mayamaya ay nag lakad ito palapit sa dalaga at mabilis na hinuli ang kamay at hinila papasok sa kusina.

"What did you say?"

"Dito na muna titira sa 'tin si Ingrid."

"What? Why?"

"Boss, kawawa naman siya. Ingrid is 3 months pregnant. Pinalayas siya ng Papa niya sa Italy kaya umuwi siya rito. Wala naman ibang mapuntahan ang babae kasi hindi rin siya pinapatuloy ng mga kamag-anak nila rito dahil 'yun ang kabilinbilinan ng Papa niya. Saan naman siya pupunta kung hindi natin tutulungan? Kawawa din naman ang baby sa tiyan niya." Pag papaliwanag ni Devee sa lalaki.

Wala sa sariling napapabuntong hininga na lamang si Ericjan dahil sa mga nalaman mula sa dalaga.

It's been seven months since nakilala niya si Ingrid. Hindi naman seryoso ang relasyon niya sa dalaga, pero umabot pa rin ng apat na buwan ang In a Relationship status nila. He never used to loved her but still he proposed to her, dahil nga sa kakulitan ng magulang niya na mag-asawa na siya. Then after the night he proposed, Ingrid flew to Italy ng hindi manlang nag paalam sa kanya. It's okay. It doesn't matter for him any way.

Tapos ngayun umuwi ito ng Pilipinas kasi buntis raw.

"She's three months pregnant? H-hindi naman sa 'kin 'yun hindi ba?" Nauutal at kinakabahang tanong nito.

"Paano kung sa 'yo nga?" Sa halip ay balik na tanong ni Devee sa lalaki.

"Oh! Jesus. Please kill me right now, wife." Aniya.

Natawa na lamang ng pagak ang dalaga dahil sa mga itinuran nito sa kanya. Okay. Ericjan loves her so much.

"Why? I'm being serious right now, Devee."

"OA. Sa tingin mo ba patutuluyin ko 'yan dito kung ikaw ang tatay ng anak niya? Baka pati ikaw kanina ko pa ginilitan kung nataon." Anang Devee na bigla ring naging seryoso ang hitsura.

Mabilis namang nag pakawala ng sobrang lalim na buntong hininga si Ericjan ng malamang wala pala siyang dapat na ipag-alala. Ang akala niya pati siya ay kailangan na ring mag tago sa commander niya.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon