MSB 35

6.4K 146 0
                                    

Chapter 35

DALAWANG ARAW ding nag kulong sa kuwarto niya si Devee habang hindi parin nawawala ang pamamaga ng kanyang paa. Wala siyang ibang ginawa kundi ang kumain, mag cellphone at matulog kung kailan niya gusto. Ang totoo niyan ay bagot na bagot na rin siya. Gusto na niyang tumayo para naman gumalaw-galaw siya. Nananakit na ang likuran niya kakahiga at kakaupo mag hapon.
Kahit kaya niya naman mag lakad pababa sa kusina para doon na kumain, hindi naman pumapayag si Ericjan. Lagi nitong hinahatid sa kuwarto niya ang kanyang pagkain.

"Haist! Gusto ko ng maligo. Nababanasan na ako." Pag rereklamo nito sa sarili habang nakatingin sa pinto ng kanyang banyo. Mayamaya ay naagaw ang kanyang atensyon sa katok na nag mumula sa labas ng kanyang kuwarto. Bumukas iyon at iniluwa roon ang maliit na babae na kasambahay ni Ericjan.

"Ma'am Devee, tumawag po si sir Eric. Mag bihis daw po kayo at aalis kayo mamaya pagkadating niya." Anito. Agad na gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ni Devee pag kuwa'y nag mamadali itong tinungo ang kanyang banyo.
"Ma'am, saan po kayo pupunta?" Tanong sa kanya nang kasambahay.

"Maliligo."

"Bilin po ni sir Eric na huwag daw po muna kayo paliliguin. Mag aakyat po ako ng maligamgam na tubig at bimpo para po pamunas niyo." Mabilis na saad ng babae. Agad na nalaglag ang balikat ng dalaga at kumunot ang noo nito habang nakatayo parin sa hamba ng pinto.

"Gusto ko ng maligo. Naiinitan na po talaga ako. Hindi naman na masakit ang paa ko eh." Reklamo nito.

"Pasensya na po ma'am Devee. Sumusunod lang po kami sa utos ni sir."

"Tss. Don't worry po. Hindi niya naman malalaman eh. Saglit lang ako. Ang baho ko na talaga. Ayoko ng mag punas ng mag punas lang." Aniya at muling humakbang papasok ng banyo.

"Pero--- ma'am Devee."

"Huwag ho kayong mag alala. Ako na kakausap sa sir mo mamaya." Sigaw nito at mabilis na inilock ang pinto.

Ang balak niyang kinse minutos na pag bababad sa ilalim ng shower ay umabot na halos isang oras. Mantakin mo naman na dalawang araw siyang hindi nakaligo. Ang baho na ng kanyang buhok kung kaya't sinulit niya ang mabangong shampoo at sabon na naroon sa loob ng kanyang banyo. Kinuskos niyang maigi ang katawan niya dahil pakiramdam ni Devee, sobrang kapal na rin ng kanyang libag.
Pakanta-kanta pa ito habang nasa ilalim ng shower. Hanggang sa matapos ito at isinuot na niya ang kanyang Robe. Ipinusod niya ang basang buhok gamit ang isang tuwalya na naroon.

Pagkalabas niya ng banyo ay halos atakihin pa ito sa puso ng mabungaran niyang nakatayo sa gilid ng kanyang kama ang binata.
Salubong na naman ang mga kilay nito habang matalim ang tingin sa kanya.

"Jusko naman. Papatayin mo talaga ako sa kaba eh!" Aning dalaga habang nakahawak pa ito sa tapat ng dibdib niya. Sa halip na mag salita ang lalaki, sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Mabilis na napayakap si Devee sa kanyang sarili at sinipat ang kanyang katawan. Ang buong akala niya ay nakalimutan niya na naman gumamit ng pangtabing sa pribado niyang katawan. Mabilis na nag-init ang kanyang mukha ng maalala ang nangyari sa kanya noong nakaraan.

"Tss." Asik nito sa kanya pag kuwa'y nag bawi ng tingin. "I told you na huwag ka na munang maliligo para hindi mabasa ang paa mo." Ito na naman ang panenermon ng binata sa kanya. Lihim na lamang na napabuntong hininga si Devee.

"Aalis daw tayo?" Sa halip ay pag-iiba niya ng tanong rito.

"Yeah. Since okay naman na kamo ang paa mo." Anito. "Get dress at hihintayin kita sa ibaba. Don't take too long, wifey." Anang Ericjan bago nilisan ang kanyang kuwarto.

"Don't take too long, wifey. Tss. Pa fall." naiinis na bulong ni Devee sa kanyang sarili.

Nag madali naman siyang nag bihis pag kuwa'y sumunod na rin sa binata sa ibaba ng bahay nito. Nasa sala ito, nakaupo sa sofa habang kausap si sir Joseph. Ang kanang kamay ng binata.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon