MSB 18

6.9K 153 0
                                    


Chapter 18

"Birthday kasi ni mommy next week. So, I'm planning na ipapakilala na kita sa kanila." Anang Ericjan na siyang naging dahilan upang mapatingin ako ulit sa gawi niya.
Sunod sunod na pag lunok ng laway ang ginawa ko dahil sa kabang unti-unti ko ng nararamdaman na sumisibol sa dibdib ko.

"Ne-next week agad? Agad-agad talaga?" Paniniguradong tanong ko pa sa kanya.
Tumango naman ito sa'kin habang nakaupo pa rin sa gilid ng swimming pool.
"Ang bilis naman ata? Hindi pa nga ako handa. Paano ang gagawin ko? Na'tin? Paano kung mabuko agad tayo? Masungit ba ang mommy mo? Baka mamaya niyan, bigla nalang magalit sa'kin... ipahiya ako sa mga bisita niya. 'Yung tipong pang telenobela talaga, alam mo 'yun?" Sunod sunod na tanong ko kanya.
Sorry naman at akoy biglang na tense lamang. Kinabahan akong bigla. Ngayon ko lalong narealise na, mali pala talaga itong pinasok ko.

"Hey! Chill.." Aniya.

At talagang nakuha pang mag chill eh, no?

"Hindi masungit ang mommy ko. Mabait siya, kaya cool lang okay." Saad nito at tumayo mula sa pagkakaupo at nakapamewang pang tumayo sa harap ko.
"Hindi agad tayo mabubuko, kung makikisama ka lang sa'kin ng maayos. We can make an script, para alam natin pareho kung ano ang mga dapat na sabihin at hindi sabihin oras na tinanong nila tayo." Saad nito sa'kin. Agad naman akong napaisip dahil sa sinabi nito.
Kung sabagay, tama din naman ito.
Kung gusto kong hindi mapahiya sa mga magulang niya, dapat ay maging kampanti ako at makisama sa kanya ng maayos.

Jusko naman, oo.
Parang ang hirap naman gawin nun.
Ngayon pa nga lang na kami lang ang magkaharap, hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
Nahihiya ako. Naiilang ako. Kinakabahan ako. Ano pa kaya kung kaharap na namin ang parents niya? Kailangan naming umakto na parang lovers at in love talaga sa isa't-isa.

"And I don't think we can do that na hindi tayo nag kakasunod. I mean, we can be friends. Para naman, hindi ka na mailang sa'kin." Anang Ericjan na siyang naging dahilan ng muli kong pag lingon sa gawi niya.
Bakit pakiramdam ko may biglang nag iba?
Nakakailang 'yung mga titig niya sa'kin ngayon. Hindi ko maipaliwanag. Basta iisa lang ang sigurado ako sa mga sandaling ito... 'Yung puso ko ang bilis ng kabog ng muling mag lapat ang mga paningin namin.
Pakiramdam ko, gusto niyang lumabas sa dibdib ko at mag tatalon sa labas.

Bakit?
Wala namang ginawa ang mayabang na ito sa'kin ah?
Titig lang Devee, pero nag kakaganyan ka na?
Jusko naman. Bakit lumalandi ka na?
Agad-agad? Ilang oras palang ba mula ng makilala mo ang lalaking iyan?
Pero, kung tumibok naman 'yang puso mo, ang landi landi.
Panenermon ko sa sarili. Manakanakang batukan ko ang sarili ko para magising na ako sa katutuhanan.

"Are you okay?" Nag tatakang tanong sa'kin ni Ericjan mayamaya.

"Hindi." Mabilis na sagot ko rito.

"Why? Any problem?" Tanong nitong muli at nag lakad palapit sa'kin.

"Wa-wala. Huwag ka ng lumapit." Bigla akong naalerto sa isiping ito at malalapit na naman ako sa kanya.
Ayuko. Ayuko kasi nang feelings ko tuwing magkakadaiti ang mga balat namin. Or pag nasa pinakamalapit na siya sa'kin. Pakiramdam ko kasi, sumisikip ang mundo ko. Char.

"Why?" Nag tataka pa ring tanong nito at muling humakbang palapit sa'kin.

"Wag kang lumapit sabi eh." Naiinis na saad ko sa kanya at ako naman ang umtras palayo.

"Come on, para naman mawala na ang pagkailang mo sa'kin. Let's start by holding each other." Aniya at ngumiti pa sa'kin ng sobrang tamis.
Putik!!

"Sir Eric sorry po sa abala. Pero nasa telepono po ang mommy niyo." Bigla kaming natigilan pareho ng sumulpot sa kung saan ang isang kasambahay niya.

Agad naman akong nakampanti dahil doon. Mabuti pa at umalis ito dito para naman makapag isip ako ng maayos kung paano ang gagawin kong diskarte para hindi agad kami mabuko ng parents niya.

"Okay, susunod ako." Aniya at muli ako nitong binalingan. With sweet smile pa.
Kaloka.
"We'll talk later." Aniya at naiwan na nga akong mag isa sa pool area.
Saka lamang ako nakahinga ng maluwag at naging payapa muli ang pag tibok ng aking puso.

Baliw na ata ako.
At kung bakit, bigla bigla na lamang nagiging ganito ang tibok ng puso ko tuwing lalapit ang mayabang na 'yun.
Imposibleng magkakagusto ako sa kanya.
Dahil unang una, he's not my type. Hindi siya 'yung tipo ng lalaki na nag seseryoso sa isang relasyon. 'Yun bang pangmatagalan.

Parang motolite lang Devee, pangmatagalan? Ganon?
Hindi naman sa ganon, siyempre nakikita naman 'yun sa itsura ng isang tao. Sa itsura ni Ericjan at Kevin. Ang mga tipo nilang lalaki ang masasaktan at iiyak ka lang pag pinatos mo.
Ganon 'yun!!

And dami mo ng sinabi Devee. Kung hindi mo crush, eh 'di hindi mo crush. Ganon lang kadali. Period.

"Tumigil ka na Devee, hindi ka maganda kaya 'wag kang mangarap ng gising okay." Sulsol ko sa sarili mayamaya habang nakatayo sa gilid ng swmming pool.

"Who told you na hindi ka maganda?" Ang boses mula sa likuran ko.
Halos mapatalon pa ako sa swimming pool ng madinig ko ang boses na iyon mula sa likuran puno ng tainga ko.
Sobrang bilis ng pag tahip ng dibdib ko.
"Hey! Watch out." Aniya at mabilis ako nitong hinila sa braso ng pag lingon ko sa gawi niya ay biglang nahulog ang isang paa ko kung kaya't nawalan ako ng balanse.
Dahil sa takot ko na mahulog sa pool, agad akong napahawak sa kamay niya at hinila siya.

Pareho pa kaming napasigaw ng biglang pati siya ay nawalan din ng balanse dahil sa pagkakahila ko na siyang naging dahilan upang sabay kaming mahulog sa tubig.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga sandaling iyon, basta ang alam ko lang... hindi ako bumitaw sa kamay niya dahil sa takot na malunod ako.
Aaminin kung, hindi ako marunong lumangoy kaya takot akong maligo sa dagat at swimming pool na mag isa at sa malalim na part.

Nang maiahon ko ang ulo ko sa tubig ay mabilis pa sa alas kuwarto na ipinulupot ko sa baywang niya ang mga binti ko at ganon din ang mga kamay ko sa leeg niya.
Bali ang itsura ko ngayon, ay naka bear hug ako sa kanya ng sobrang higpit.

"Hey! I can't breath." Aniya at pilit na tinatanggal ang mga braso ko sa leeg niya.

"Ayuko! Malulunod ako." Takot na saad ko sa kanya at mas lalo pang hinigpitan ang pag kakayakap sa kanya.

Oh, 'di ba Devee nawala bigla ang pagkailang mo sa kanya?
Nice one.

"Bakit ka naman malulunod eh, ang babaw lang naman nitong pool." Saad nito.

"A-ayuko. Please." Naiiyak pang saad ko sa kanya.

"Wait, takot ka mag swimming?" Imbes at tanong nito sa'kin.
"Huwag kang matakot, hanggang leeg mo lang naman ang tubig eh. Hindi ka malulunod. Try to reach the floor, mababaw lang siya." Aniya at tinangka muling kalasin ang mga braso ko sa leeg niya.

Dahan dahan ko ngang ibinaba ang mga binti ko mula sa baywang niya at inabot ang sahig sa ilalim.
Nang maramdaman ko na abot ko naman pala at hanggang leeg ko lang ang tubig, agad akong humiwalay sa kanya at muli na namang sinalakay ng matinding kaba at hiya.

Saka ko nalang narealise ang kagagahang ginawa ko.
Nakakahiya.
May pag yakap pa talaga akong nalalaman.
Parang gusto ko tuloy lamunin na talaga ng tubig para mawala na ako sa pangin niya at maitago ang kahihiyan ko sa kanya.

"Are you okay?" Tanong nito mayamaya at mabilis na nahawakan ang kamay kong nasa ilalim ng tubig.

Malamig ang tubig alam ko. Pero pakiramdam ko, hindi 'yun sapat para hindi ko maramdaman ang sobrang pag iinit ng mukha ko sa mga sandaling iyon.
Alam kong pulang pula na ang itsura ko dahil sa klase ng titig niya sa'kin.
Mga titig na labis labis ang epekto sa'kin.
Mga titig na hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito!
Mga titig na pakiramdam ko ay nag papatunaw sa mga tuhod ko ngayon na nasa ilalim ng malamig na tubig.
Isama pa ang masuyo nitong pag pisil sa palad ko na hawak niya pa rin sa mga sandaling iyon.

"Hey! Are you okay?" Muling tanong nito sa'kin na siyang nag pabalik sa sarili ko.

"Ahh. Ehh---"

"Let's go. Malamig na." Aniya at agad ako nitong hinila papunta sa may hagda na parte. Tinulungan pa ako nitong makaahon sa pool.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon