MSB 32

6.3K 137 1
                                    

Chapter 32

"DEVEE---Jesus. Hey! Are you okay?" Nag aalala at mabilis na lumapit si Ericjan sa nakaupong si Devee. Nasa likod ito ng pinto ng banyo. Nakaupo sa sahig na marmol habang hinihilot nito ang paa. "What happened?"

"Aray! Ang sakit ng paa ko." Daing pa nito.

"Bakit kasi hindi ka nag iingat? Tss. Come here." Anang lalaki na pinagalitan pa siya. Dahan-dahan siya nitong binuhat na parang bagong kasal at inilabas sa banyo. Inilapag siya nito sa ibabaw ng kanyang kama. "Let me see." Ani Ericjan at agad na hinawakan ang paa niyang namamaga. Kung bakit kasi puro nalang kamalasan ang napapala niya ngayon? Hinalikan niya si Ericjan. Nakita siya nitong halos hubo't hubad na. Magkatabi silang natulog buong magdamag... Tapos ngayon ito, natapilok pa siya kakamadaling pagtaguan ang binata. Kawawang Devee. "Wait lang at kukuha ako ng ice bag para hindi na mamaga 'yan lalo." saad nito at agad namang tumalima palabas ng kanyang kuwarto at bumaba sa kusina.

"Ahhhh. Aray ko po. Ano pa ba ang kamalasan ang magagawa ko ngayon lord? Baka naman po puwedeng time out muna ako. Ang sakit, huhu." Daing nito habang manakanakang hinihimas ang paa niyang medyo namamaga na. Dahil sa pag mamadali niya kaninang tumabok papasok sa banyo, bigla siyang nawalan ng balance kung kaya't agad na tumupi ang kanang paa niya.

Mayamaya ay bumalik nga ang binata na may dalang ice bag. Muli itong umupo sa tabi niya at iniangat ang namamaga niyang paa.

"A-ako nalang. Kaya ko naman eh!" Aniya sa binata ng makaramdam na naman siya ng pagkailang rito.

"I can do it. Just relax, okay." Anito at sinamaan pa siya ng tingin. "You're so clumsy. Hindi ka manlang marunong mag ingat. Paano pala kung natumba ka dun at tumama ang ulo mo sa tiles? Or sa bathtub? Or sa bowl?" Muling panenermon nito sa dalaga.

"Kasalanan mo naman kasi 'to lahat eh." Wala sa sariling singhal niya sa kaharap ng mapuno na dahil sa panenermon nito. Siya na nga itong napahamak, siya pa itong pinapagalitan.

"Why me? I didn't do anything." Aniya.

"Yun nga eh! Wala kang ginagawa, pero kasalanan mo parin lahat." Singhal nito muli. "Akin na nga 'yan. Ako na ang gagawa." Saad ni Devee at pilit na inabot ang hawak nitong ice bag. Sa halip na ibigay 'yun sa kanya ng binata... hinuli nito ang kamay niyang nag lilikot at ipinag salikop sa palad nito.

Dug... Dug... Dug...
Ito na naman ang baliw niyang puso. Kusa na lang talaga itong tumitibok ng malakas kung kailan nito gusto. At kapag nasa harap niya ang binatang ito.

"Next time, don't drink too much. Lock your door. And don't be clumsy. Okay." Anang Ericjan na muling nag pabalik sa katinuan ni Devee. Ramdam niya bigla ang pag-iinit ng kanyang mukha ng muli nitong ipaalala sa kanya ang lahat ng mga nangyari. Malingalingang hampasin niya ito ng unan niya. "I almost saw you naked--- aray." Sigaw nito ng biglang dumapo sa pisngi niya ang matulis na kuko ng daliri ni Devee. Pakiramdam ni Ericjan, bumaon ng sobra ang mga iyon doon. "Aw. Hey! Stop it you little witch."

"Ang bastos mo. Manyak. Manyak." Anang Devee na hindi parin binibitawan ang pisngi ng binata.

"I said stop it. Or else---re-rape-in kita." Mabilis namang nabitawan ni Devee ang binata pag kuwa'y matalim na titig ang ibinigay niya rito. Naiinis na talaga siya sa lalaking ito. Ang sarap ipatapon sa ilog pasig.
"Tss. Don't worry. Kahit mag hubad ka pa sa harapan ko, wala din akong makikita sa'yo." Anito at dumapo sa tapat ng dibdib niya ang paningin nito pag kuwa'y napabunghalit ng tawa. "Flat." Bulong nito ngunit hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig ni Devee. Lalong nag init ang ulo at dugo niya sa lokong lalaki na ito.

"Hoy! A-ang kapal naman ng mukha mo. Sino? Ako? Ako flat? Ha.Ha. Kapal ng mukha nito."

"Why? Totoo naman ah. I saw it with my own two eyes." Saad pa nito habang hindi parin nawawala ang nakakainis at nakakairitang ngiti nito sa mga labi. Kung hindi nga lang masakit at namamaga ang paa ni Devee, malamang na kanina niya pa ito natadyakan gamit ang paa niyang nasa kandungan nito.

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon