MSB 34

5.9K 145 1
                                    

Chapter 34

  PAIKA-IKANG nag lalakad si Devee sa hallway ng kanilang eskuwelahan dahil sa paa niyang medyo namamaga na naman. Wala kasi si Kelly at absent ito dahil may pinuntahan daw na importante kung kaya't mag-isa lamang siya ngayon. Kung alam niya lang sana na hindi pala ito papasok, sana hindi na rin siya pumasok kanina tutal at wala naman maayos na klase dahil busy na rin ang lahat para sa nalalapit nilang graduation.  Gusto niya ng umupo at mag pahinga dahil ramdam niya talaga ang pag kirot ng paa niya. Pero wala naman siyang magagawa kundi ang mag lakad para makauwi na. Pinilit niyang mag lakad hanggang sa makarating na siya sa first floor ng building nila. Muntikan pa siyang mabangga nang mga kababaihan na nag titilian sa may hagdan na akala mo naman nakakita ng artista kung makatili ang mga ito.  Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at saglit na tumayo sa gilid ng hagdan para ipahinga ang paa niya.  "Ahhhh. God! Bes, ang guwapo niya." Tili nong isang babae habang nakikipag siksikan ito sa mga nag kukumpolan sa ibaba ng hagdan.  "Saang school ba siya galing bes? I don't think na schoolmate natin siya. Kasi ngayon ko lang din siya nakita dito." Sagot pa nong isang babae na mukha na ring naiihi dahil sa kilig nito.   Napairap na lamang si Devee dahil sa mga OA na babaing ito. Buti sana kung kasing guwapo ni Ericjan 'yan. Kahit masakit ang paa ko makikipag siksikan talaga ako. Bulong pa ni Devee sa sarili.  "Waaaa. Bes, papunta siya sa'tin. Oh my god. Oh my god. Do I look pretty, bes?" Maarting tanong naman nong isang babae na nasa unahan niya.  "Ang iingay naman ng mga 'to." Naiinis na saad niya at muling nag lakad para makaalis na sa lugar na 'yun. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ng madinig niya ang pamilyar na boses na tumawag sa kanyang pangalan.  "Devee." Anito. Agad namang natigilan ang dalaga kasabay ng malakas na pag tahip ng kanyang dibdib dahil sa kabang nararamdaman niya. Dahan-dahan siyang lumingon sa gawi nong mga kababaihang nag tititili kanina pa.  "E-ericjan?" sambit niya sa pangalan ng binata habang nasa gitna ito nang nag kukumpulang mga kababaihan. Mabilis naman itong nag lakad palapit sa kanya. Ang mga mata nong mga babaing nag hihiyaw kanina sa binata ay sa kanila lahat nakatuon. May ibang nainis dahil siya ang nilapitan nang lalaki. May iba ding nag tataka ang itsura kung bakit siya ang nilapitan ng binata.  "Wifey..." Malakas na tawag nito sa kanya.  "What?" Halos sabay-sabay pang tanong nong mga nakarinig sa sinabi ng binata.  "A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal at nahihiyang tanong niya kay Ericjan habang inililibot ang paningin sa buong paligid nila.  "Sinusundo ka." Nakangiti pang saad nito sa kanya. "Are you okay? 'Yung paa mo?" Tanong nito at mabilis ding yumuko para tignan ang kanyang paa. "Jesus." Bulalas pa nito ng makita ang pamamaga ng kanyang paa. "I told na huwag ka na munang pumasok eh! Look at your foot. Tss. Let's go." Naiinis na saad nito at walang paalam na kinuha ang isang braso niya at inilagay iyon sa kanyang leeg at binuhat siya na parang bagong kasal.  "W-wag na. Nakakahiya." Bulong niya sa binata. Sa halip na pakinggan siya nito. Mabilis na nag lakad si Ericjan pabalik sa kanyang sasakyan.  "Ahhh. What?" Gulat na muling saad nong mga babaing nakikiusyoso sa kanila.  "Oh My God. Is that Devee? From other Dept.?"  "Oo ata, bes. Aw. Ang swerte niya naman."  "I heard from her besty, fiancee niya daw 'yan." Bulongbulungan ng mga tao sa paligid.  Tahimik lang na nakaupo si Devee sa passenger seat ng kotse ni Ericjan habang nasa tabi niya naman ito at nakatuon ang pansin sa pagmamaneho. Hanggang sa makarating sila sa bahay nito ay wala silang imikan. Muli siyang binuhat ng binata at inihatid sa kanyang silid.  "Change your clothes. Kukuha lang ako ng ice bag sa ibaba." utos sa kanya ng binata bago ito nag lakad palabas ng kanyang kuwarto.  Agad namang tumayo si Devee sa kanyang kama at dahan-dahan na nag lakad palapit sa closet niya para kumuha ng pamalit niya. Inilock niya muna ang pinto bago hinubad ang kanyang damit at nag bihis.  Mayamaya ay bumalik nga si Ericjan na may dalang ice bag, gayon din ang pagkain.  "Next time, matoto ka naman makinig kapag sinasabihan ka. Look, mas lalong namaga ang paa mo dahil sa katigasan ng ulo mo." panenermon pa nito sa kanya. Tahimik na lamang na yumuko ang dalaga. Mayamaya ay nadinig niya ang pagpapakawala nito ng malalim na buntong hininga. "I'm sorry. Pinag alala mo kasi ako." Aniya. Mabilis na umangat ang mukha ni Devee at kunot noo na pinakatitigan ang lalaki na nakatuon ang pansin sa paa niya at abala ito sa pag lagay ng yelo roon.  'Pinag alala mo kasi ako.' Ang paulit-ulit na nag e-echo sa utak ni Devee. Hindi maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin no'n ni Ericjan.  "Here. Eat this. Hindi mo na kailangan na bumaba sa kusina." Anang binata na iniabot sa kanya ang isang tray.  "B-busog pa naman ako."   "Just eat, Devee. I know hindi ka pa kumakain mula kanina." Anito. "Gusto mo subuan kita?" Tanong nito ng mag angat din ito ng tingin sa kanya. Ito na naman ang malakas na pag kabog ng kanyang puso. Haist Devee. Tigilan mo na nga 'yan. Baka nakakalimutan mo? May fiancee ang taong 'yan. Hindi pa ba sapat ang picture na nakita mo kanina sa cellphone niya para patuloy ka parin na umasa? Anang kanyang isipan.  Napipilitan naman siya na kinain ang pagkain na dala nito para sa kanya kahit wala naman siyang gana.  "Huwag ka na muna pumasok bukas sa school mo. Ako na ang bahalang mag sabi sa professor niyo." Aniya.  "S-salamat." Anang Devee pagkatapos.  "Are you sure you're okay now?" Sa halip ay tanong nitong muli sa kanya.  "O-okay na ako. Salamat ulit."  "Get some sleep. Gigisingin na lang kita mamaya para sa haponan. Go." Aning Ericjan na inalalayan din siyang makahiga ng maayos sa kama niya. Itinaas nito ang kumot hanggang sa kalahati ng katawan niya. Ang akala ni Devee ay aalis agad ito pagkatapos na maayos ang kanyang kumot. Ngunit nagulat na lamang siya ng bigla itong yumuko sa kanya at ginawaran ng masuyong halik ang noo niya. "Sleep tight, wifey." Anito.  Ilang minuto na mula ng mawala sa paningin niya ang binata, pero hindi parin magawa ni Devee ang kumilos at maigalaw ang katawan niya dahil sa mabilis na pangyayari kanina. Pakiramdam niya pulang-pula parin ang mukha niya ngayon. Hindi parin siya maka get-over sa ginawa ni Ericjan sa kanya.  Haist. Ano bang gusto mong manyari sa'kin Ericjan? Bakit mo ba ako pinapahirapan? Bakit kailangan mong gawin ang lahat ng ito sa'kin kung wala ka namang gusto sa'kin?  Huwag mo na sana akong pahirapan pa. Dahil panigurado ako, na ako lang din ang mahihirapan lalo sa bandang dulo. Anang isipan ni Devee.  Ano ba ang gagawin niya para lang mawala itong nararamdaman niya para sa binata?

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon