Sharap (Baka Girls #1)-Comple...

By gorgeouskitty

34.8K 1K 1.2K

Completed. Jasmin Samuel - isa sa mga member ng Baka Girls. Proud siyang sabihin na sa edad niyang lagpas be... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Special Chapter 1

17

731 22 13
By gorgeouskitty

Last POV na talaga to ni Al. Haha

-

Arrieh Lyde Nicholas

“You’re Leslie right?” Tumingala ang babaeng may kung anong ginagawa sa kanyang cellphone at napakunot ang noo niya ng makita ako. Hindi na ako naghintay pang alukin niyang maupo. “ I know, you knew me.” Seryoso kong sabi sa kanya. inilibot ang mga mata sa loob ng coffee shop na ito. Marami-rami ng tao dahil malapit ng mag-uwian at medyo hapon na.

“Yeah? Ikaw yung future boyfriend ni Jasmin?” napangisi ako sa magandang sinabi niya bago nagpangdelwatro. Maganda siya pero walang wala pa rin sa ganda ni Jasmin kahit na akala mo tigre kung magsalita.

“Yes!” Matipid kong sagot. Hindi ko naman siya kakausapin kung hindi lang para kay Jasmin pero masaya siyang kausap lalong-lalo na sa huling sinabi niya.

“What do you want?” nakataas ang kilay niya habang  nakatingin sa akin.

“Stalker ka ba?” aniya.

“Hindi ako stalker. Gusto ko lang protektahan ang babaeng pinakamamahal ko at ayokong mahawakan siya ng kung sino mang lalaki.” Seryoso kong pag-amin. Nakakabakla man na sabihin yon pero para malaman kung nasan si Jasmin ngayon at kung anong gagawin niya ay sasabihin ko ‘yon.

“What the fuck! Baliw ka ba sa kaibigan ko?” Nanlalaki ang mga mata niya pero di maganda, mas maganda pag yung kay Jasming mga mata ang lumalaki lalo na pag iniinis ko.

“What if, I say yes?” Ngumisi ito sa akin na nakapagpataas ng kilay ko.

“Sure! Well, kakatext niya lang sa akin na magdadate sila ni Sir Montello na crush niya. Don’t tell her na sinabi ko sayo yon? Bias kita e but if ever na saktan mo ang kaibigan ko mata lang ang walang latay sayo.”

“Wooaaah!” I raised my two hands. “I will never do that. I promise. Thank you.” Tumayo ako para sa susunod na plano ko. Ang sirain ang date ng dalawang yon.

Lumabas ako ng Starbucks at tumungo sa SUV ko habang inilalabas ang Smartphone sa loob ng bulsa ng pantalo ko. “Hello Gardo. May ipapagawa ako sayo.”

Hindi ako makakapayag na mapunta ka lang sa iba. Para ka lang sa akin Jasmin. Matagal kitang hinanap para lang makita kang muli.

Nakikita ko siyang bumaba sa sasakyan ng panget na Montello na yon. Inilalayan pa ng gago. Mapapatay ko talaga ang gagong ito pag may hinawakan pa siyang parte ng katawan ng Jasmin ko. Ako lang ang may karapatan sa kanya.

Napapangisi ako habang pinapanuod ang ginagawa ni Mang Gardo. Nilalapitan mo si Jasmin ha? Sige magdurusa ang pinakamamahal mong Jeep wrangler.

Ilang oras na ako dito sa loob ng sasakyan niya hanggang ngayon hindi pa rin niya inilalabas ng buhay si Jasmin. Mapapatay ko talaga ang gagong yon!

-

Jasmin Samuel

Habang nasa byahe kami ay hindi ko talaga maisip kung bakit ganon ang nangyari sa gulong ni Sir Montello. Hindi yon napagtripan parang sinadya at ang isa pang nakakapagtataka si Al biglang sumulpot sa tapat ng bahay nila?

“Sinong pinuntahan mo don?”

Kitang-kita sa gilid ng mata ko ang pangangalit ng ugat ng braso niya dahil sa pagmamaneho ng manibela ng sasakyan niya and I  find it sexy.  Napalunok ako sa isiping iyon kailangan kong malaman kung anong ginagawa niya doon at kung siya ang salarin sa pagsabog ng gulong ni Sir hindi tignan ang braso niyang nakahawak sa manibela.

“Kaibigan ko.” Aniya.

“Sinong kaibigan mo?” Si Inday? Si Hannah? Sino?  Naiinis na ako sa isiping kung sinong kaibigan mo ang pinuntahan mo at kung sino ang may gawa dun sa gulong.

“Hindi mo kilala. Bakit mo tinatanong nagseselos ka no?” Tumingin ito sa akin ng nakangisi habang ako ay hindi makahagilap ng salitang isasagot sa kanya.

“Gago! Ang sabihin mo ikaw ang may gawa dun sa gulong ni Sir Montello!” Nagtiim-bagang ito habang nakatingin sa daan. Napalunok ako ng wala sa oras sa itsura niya. Nakakatakot siya pag nagtitiim bagang siya animo may gagawin siyang masama sayo.

“Paano kung ginawa ko nga yon? “ Aniya.

Nagdilim ang paningin ko kaya agad ko siyang binatukan.”Ano bang problema mong lalaki ka? Alam mo ba kung gaano kamahal yon? Hayup ka talaga!” naiinis ako sa kanya imbes na ihahatid na ako ni Sir Montello at hindi ko na siya naaalala pa ay nagpakita na naman ang gwapo niyang mukha. Nakakainis!“Hindi ito ang daan pauwi sa atin ahh?” Luminga-linga ako sa likod at sa harapan dahil lumagpas na kami sa baranggay namin kung san nandon ang mga tirahan namin.  “Tang-ina rarapin mo ba ako? Kahit kailan ang manyak-manyak mong kupal ka!” bakit imbes na matakot ako sa isiping yun parang naeexcite ako?

“Sa condo ko tayo dederetso wala ang Mommy kaya dun ka muna makikitulog sa akin dahil wala kang makakasama.” Natahimik ako sa seryoso niyang pagkakasabi parang kanina lang pangisi-ngisi pa siya ngayon naman napakacold na niya. Itong lalaking to hindi ko talaga maintidihan ang takbo ng utak. “Wag kang mag-alala. Kung gusto kong makuha yang katawan mo e di sana sa bahay palang ginawa ko na.”

Natahimik ako. Tama siya kung noon palang gusto na niya ako e di niyaya na niya akong makipagsex pati duh! Mahilig siya sa matatangkad hindi katulad ko na pag kasama siya nagiging mistulang pandak sa paningin. Naalala kong bigla yung gabing pumasok siya sa loob ng kwarto ko ng lasing na lasing. “Pero- Wala akong damit na gagamitin.”

“Pinagdala na kita at gagamiting uniform mo wala kang poproblemahin pa. Hindi ako makakauwi sa atin kaya mas maigi pang sa Condo ko ikaw tumuloy ngayon.”

Tumigil kami sa parking lot ng isang napakataas na building sa Makati at don nagpark bago naunang lumabas sa sasakyan si Al na malamig pa rin ang pakikitungo sa akin. Napikon ata siya sa akin? What to do?! Hindi ako mapakali! Makikipag bati ba ako sa kanya o hindi? Pero paano yung pride ko? Napakataas non at ni minsan hindi bumababa.

Sinundan ko siya na pumasok sa loob ng building habang nasa likuran ko ay sumaludo ang nakaunipormeng gwardiya puti at itim sa gilid ng bewang ang isang baril bago ngumiti sa akin ito. “Good Evening, Sir Nicholas.” Bati nito. Hindi nakita ang naging tugon ni Al. Dumeretso kami sa elevator at tahimik na pumasok sa loob bago pinindot nito ang 23 na Floor.

Hindi talaga ako sanay na tahimik ang lalaking to. Naiilang ako. Gusto ko yung pagiging matabil at pagiging manyak niya atleast alam kong okay kaming dalawa hindi ganito! Nakakainis talaga siya!  Nilingon ko siya at nahuli kong nakatitig ito sa akin bago kitang-kita ang paglunok nito. Kumunot ang noo ko sa itsura niya. Weird!

Tumigil ang Elevator , nauna na siyang lumabas sa akin ng nakapamulsa habang ako nakakagat labi. Kainis! Bakit ba ako nakokonsensya sa sinabi kong pagiging manyak niya? Totoo naman ah, na manyak siya. Bwiset na lalaking ito.

Pinindot na niya ang password ng Unit niya. Ang tahimik dito sa lugar niya kaya konting salita mo palang parang makakabasag ka na ng kung anong bagay. Pumasok na siya sa loob habang ako ay nakasunod lang sa likuran niya na parang aso. Umupo ito sa blue leather sofa niya na mahaba bago sumandal at pumikit kapit-kapit ang sentido. Nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan ang kabuuan nito.

Hindi ko aakalain na ganito kalinis ang Condo niya. Usually ang mga lalaki kasi basta nalang makagamit at makatapon ng mga damit at kung ano-ano pang bagay pero siya? Super linis dagdagan pa ang malamig na kulay asul na pintura ng pader niya. Ang laki pa talaga nitong Unit niya kahit isa lang siyang nakatira. Ang tanong mag-isa nga ba?

“Yung kwarto mo yung pangalawang pinto. Nandun na rin ang mga damit mong ginayak ni Mommy at maligo ka na.” Napapitlag ako sa malamig niyang boses. Binalingan ko siya. Nakapikit pa rin pero nakatingala na siya habang nakasandal.

“Okay.” Sabay simangot ko at padabog na dinaanan siya para pumunta sa sinasabi niyang kwarto ko kuno.

Continue Reading

You'll Also Like

211K 3.9K 21
Dice and Madisson
159K 2.5K 38
WARNING: SPG/R-18 She's a strong girl. That's what she thought. But deep inside she's weak. She have a fragile heart that can easily be broken. Kaya...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
32K 1.7K 59
[STATUS: COMPLETED]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF NAGATO 'ATONG', THE 3RD BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. IMPRESSIVE RANK: #1 IN MOB BOOK IN ORDER: BOOK 1: G...