Taming My Ruthless Husband (R...

By catleidy

6M 103K 25.4K

Synopsis Matagal nang minamahal ni Alyanna si Drake subalit kabaligataran ang nararamdaman ng binata.Pilit si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Wakas
Epilogo
Special Chapter

Kabanata 38

118K 2K 481
By catleidy

"Wow ang ganda naman ng flowers na yan, ma'am Roxy." narinig kong sabi ni Stella pagkapasok ko sa resto habang hawak ni Roxy ang isang bungkos ng magagandang bulaklak. Kabubukas pa lamang ng resto kaya wala pang customers. Kiming ngiti lamang ang sinagot ni Roxy dito at nagpatuloy na sa paga-ayos ng mesa.

"Hi Yanna. Good morning." malapad ang ngiti ni Roxy nang bumati sa akin.

"Good morning. Saya mo yata." puna ko na hindi ko alam kung may pagkasarkasmo ang pagkakasabi ko.Gusto ko sanang itanong kung kay Drake ba iyon galing. At kung bakit sila magkasama kagabi. At kung ano ang ginawa nila. At kung kailan pa sila naging close. At kung anong... teka lang, ano bang pakealam ko.

"Whoa! Red days?" nang-aasar na tanong nito. Maybe she's right. My period is approaching that's why I have this emotional changes.

"Yeah." sagot ko na lamang. "My bad."

"Bili ako ng ice cream?" she asked na nagpangiti sa akin. Iyon ang comfort food ko. She really knows me.

"Nah. Don't worry. I can manage." at sinuklian ko na din siya ng ngiti. Pinilit kong alisin ang mga agiw na ke aga aga ay namamahay sa aking isipan.

Naging abala ngunit maayos ang takbo ng araw na iyon. Marami akong  kinatagpo na mga bagong supplier ganoon din ang pag-re-review ng feedback ng restaurant. Nakahilig ako sa mesa habang nakapatong ang baba sa mga braso. Kailangan ko pa palang magpunta sa set para mag-guesting sa isang show.

Balak ko sana ay magpaalam at magbilin kay Roxy pero sabi ng isa kong empleyado ay nasa storage room daw. Madahan kong binuksan ang pintuan ng hindi kalakihang storage room. May pagka-dim ang liwanag ng ilaw at balak ko sanang buhayin ang iba pang switch nang nahagip ng pandinig ko ang tila ba may nag-uusap. Nangunot ang noo ko nang makita ang anino ng dalawang tao at dahil sa kuryosidad, dahan dahan akong lumapit. Pero nabigla ako nang mapagsino ito.

Si Roxy at si... Drake? Anong ginagawa niya dito? Binundol ng kaba ang dibdib ko.

"Why didn't you call me?" narinig kong tanong ni Drake na nagpasalubong ng kilay ko. Mukhang masinsinan silang nag-uusap. 

"I tried but your secretary told me that you're gone for the day."

"You could have gone to my condo." at napaawang ang labi ko nang masuyo nitong hinawakan ang pisngi ni Roxy. "I miss you." he said.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa narinig. Ano bang nangyayari?

"I miss you more." she purrs like a kitten.

Pero napatulala ako sa sunod na nasaksihan. Unti unting lumapit ang mga labi ni Drake sa mga labi ni Roxy. At sa paglapat niyon ay kasabay din ang paglaglag ng mga luha sa aking mata. Muli akong napahawak sa aking dibdib at sa pagkakataong ito ay tila ba may punyal na umuukit sa aking puso.

Napaatras ako sa nasaksihan subalit sa pag-atras ko ay may nahagip ang binti ko na naging dahilan para maglikha ng ingay at maputol ang halikan nila.

"Sist." anas ni Roxy.

Ang tawagan naming iyon ay tila ba pasakit na ang hatid sa akin. Pakiramdam ko ay tinraydor niya ako.

"Why?" katanungang halos hindi na mamutawi sa aking labi.

"What do you mean why?" tila ba naguguluhan nitong tanong.

Napapikit ako. Tama. Wala siyang nalalaman sa kung anong relasyon namin ni Drake. Sa pagmulat ng mata ko ay si Drake ang tiningnan ko ng nang-aakusang mga mata. Humihingi ng kasagutan.

"What?" balewala nitong tanong. "You made it clear that we're over. You pushed me away. Do you expect that I'll still chase after you?" he said full of sarcasm.

Para akong sinampal ng katotohanan. Hindi ba ito naman ang gusto ko. Pero bakit ang sakit? Bakit nasasaktan pa rin ako? Hindi ba dapat, masaya na akong wala na siya sa buhay ko? Pero bakit hirap akong tanggapin na masaya na siya sa iba?

Tunog ng telepono ang nakatawag ng pansin sa akin. Sa sobrang lakas ay napabalikwas ako. Tiningnan ko ang paligid at napagtantong nasa loob pa rin pala ako ng opisina ko. At wala sa storage room.

Nakaramdam ako ng relief. Mukhang nakatulog lang ako at panaginip ang lahat. Letseng panaginip. Kung anu ano kasing iniisip ko. Pinunasan ko ang mga luhang umaagos na pala sa pisngi ko bago sagutin ang tawag.

"Yanna, saan ka na?" si Rose na nasa kabilang linya.

"Papunta na, Rose. Nakatulog ako. I'll be there in twenty mins." sabi ko at nagmamadaling inayos na ang sarili ko bago lumabas ng opisina

"Ken, where's Roxy?" tanong ko sa kitchen manager ko para magpaalam kay Roxy.

"Hi Yanna. Nasa storage room." napataas ang kilay ko sa narinig. Storage room? Hindi naman siguro magkakakatotoo ang panaginip ko. 'Di ko maiwasang matawa sa naisip. Imposible.

Dahan dahan akong naglakad tungo sa storage room na tila deja vu ang pakiramdam. Tanging yabag ko lamang ang maririnig at sumalubong sa akin ang may kadilimang lugar.

Kakapain ko sana ang switch ng ilaw nang marinig ko ang boses ni Roxy. Napatigil ako dahil ganito rin iyong nangyari sa panaginip ko.Pero parang bigla akong nawalan ng lakas ng loob na silipin siya at kung sino man ang kasama niya.

"Sabi ng secretary mo, wala ka daw. Di ko alam kung saang lupalop ng mundo kita hahanapin." wala akong narinig na tugon mula sa kausap nito. Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtantong may katawagan lang ito at humakbang na palapit pero muli napatda ako sa binaggit niyang pangalan.

"Alam mo Draku, busy din ako ano? Napapagod din ang katawang lupa ko." pagtataray nito.

Si Drake ang kausap niya sa phone at hindi ko alam ang dapat kong mararamdaman. No. Again. Wala na dapat akong pakealam sa lalaking iyon at kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya. Hindi na ako dapat magpa-apekto nang ganito.

"Sige na. Mag-file na ako ng leave. Demanding, sobra!" naging duwag ako sa narinig at nilisan na ang lugar na iyon.

***
"Yanna, you sure you don't want to extend your contract again for  at least another six months?" tanong sa akin ni Rose habang magkausap kami.

"Rose, in the first place, hindi ko talaga gusto mag-extend." sagot ko. "I think I've had enough in this industry. Sinubukan ko lang naman, naging masaya at the same time challenging ang buhay artista but I'm done. I'm really grateful with the roller coaster journey but I just want my private life back. Hope you understand." malumanay kong paliwanag.

"I do. Nanghihinayang lang talaga ako sa' yo. Ang daming offer na naka-linya sa'yo. Ikaw ang napipisil nila na bumida sa bida kontrabidang remake ng isang Mexican teleserye."

"Really?" natawa ako sa narinig. "Ako magiging bida?"

"Yeah. You have established a strong, courageous and tough character in the eyes of our viewers as well as the producers. You might want to reconsider. Ngayon pang abot kamay mo na ang tagumpay."

"The offer is tempting but still a no." I smiled at her.

"Alright. I respect your decision. I really hope you all the best. Make the best out of your one week remaining. Don't do something stupid. If you wish to go back, I'll accept you with my open arms." napangiti ako at nag-init ang sulok ng mata. Agad ko siyang niyakap na alam kong ikinabigla nito.

"Thank you so much, Rose. You're one of the best person I've ever known." madamdamin kong sabi. "Mawawala na ang pinaka-pasaway mong alaga." biro ko.

"Yes, finally. Mababawasan na rin ang stress ko." biro din nito. "Pwede mo nang balahurain ang mga kolumnistang paboritong paborito ka. Wala nang pipigil sa'yo. " at nagkatawanan kami.

Matapos ay inempake ko na ang ilan kong gamit. Sa loob naman ng isang linggong natitira ay halos wala na akong shows non kaya di ko na kakailanganin pa ang mga ito.

"Uhm, Ms. Y-yanna." narinig kong tawag sa akin at nang lingunin ko iyon ay PA ito ni Ayesha, ang isa sa mga babaeng sinampal ko nong nakaraan.

"Yes?"

"P-pinapatawag po kayo ni Ms. Liz." Anito na tila ba takut na takot sa akin. Nakarating na siguro sa kanya ang ginawa ko sa amo niya.

"Bakit daw?"

"M-may pag-uusapan daw po kayo." anito na di makatingin nang diretso. Napataas ang kilay ko.

Si Liz ang manager ni Ayesha na siya manager din ni Vanessa na kaibigan ko. Dahil ba iyon sa nangyaring insidente? Parang masyado nang late kung ngayon niya ako kakausapin tungkol don. At saka dapat si Rose ang una niyang kinausap dahil iyon ang protocol. Pero naisip ko na mas okay na ito kesa bigyan ko pa ng sakit ng ulo si Rose sa huling pagkakataon.

"Susunod ako. Thanks." sagot ko at nginitian siya.

Papalabas na ako ng dressing room nang bigla kong makasalubong si Tamara na mukhang ako ang pakay.

"Yes?" nakataas ang kilay kong tanong. Nakatingin lang din ito sa akin at mataray din ang hilatsa ng mukha. Nagtagisan kami ng titig at parehas palaban suot ang mataas maming stiletto.

"Mabuti naman at mawawala na ang isang kagaya mo dito." anito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Ayoko na kasing makita pagmumukha mo. Nakakasuka." sagot ko. Ang ibang napapadaan ay napapatingin sa amin. Matapang pa rin naming tinitingnan ang isa't isa nang sabay na natawa at napailing. Mukhang parehas naalala ang walang kwenta naming iringan dati na nagsimula lang dahil sa maling chismis.

"So you're leaving."

"Yeah. Baka kasi maagaw ko pa boyfriend mo." sabi ko.

"Asa ka. Patay na patay sa akin yun noh."

"Weh!"

"Oo kaya. Siya kaya nagbabayad ng pang silicon ko." sabay na naman kaming nagtawanan sa sinabi niya.

Ang totoo ay hindi ko inaasahan na magiging ganito kami ng babaeng ito. Iyon pala ay di lang namin kilala ang isa't isa. Napagtanto kong magka-ugali  kami ng babaeng ito na sadyang palaban. We may started on the wrong foot yet here we are, laughing at our own foolishness.

Nagpaalaman kaming may mga ngiti sa labi. Nakatingin ako sa cellphone ko pero nang makitang papasara na ang elevator ay matulin na akong naglalakad para mahabol ito.

"Wait!!!" Tinakbo ko na ito para mapindot agad ang button pero hindi sinasadyang natalisod ako ng mataas kong takong at nawalan ng kontrol sa pag-takbo.

Oh my god! Sasadsad ang mukha ko sa pinto ng elevator!

Nakikinikinita ko na ang sasapitin ko. Tila ba isang pelikulang naging slow motion ang lahat. Pero nanlaki ang mata ko nang unti unting magbukas muli ang pinto niyon. Pero di napigil ang pagsadsad ng mukha ko sa kung ano pero may nakapitan naman ako kaya di ako tuluyang nakipaghalikan sa sahig. At ang kasunod kong narinig ay tila ba pagkapunit ng kung ano at malalakas na singhapan.

Nakapikit lamang ako at mahigpit ang kapit sa kung ano habang nakaupo na parang sirena. Ang kalahati ng katawan ko ay nasa loob ng elevator habang ang may paa ay nasa labas. Nang magmulat ako ng mata ay tumambad sa akin ang tila isang itim na tela at bukol sa harapan nito. Pinakatitigan ko iyon at kiniling pa ang ulo ko dahil di ko mawari iyon kung ano ba yun at dahil medyo lutang pa rin ako sa nangyari.

Ano ba 'to? Bakit may bukol? Wait. Bukol?

"Ahhhhhhhhh!!!"

Halos lumabas na sa kinalalagyan ang mata ko at tila napaso akong itinulak ang bagay na nasa harapan ko. At saka ko lamang napagtanto na slacks pants pala ang nakapitan ko. At nahubo iyon!

Huwag kang titingin sa taas! Huwag kang titingin sa taas! Saway ng isip ko pero sadya akong sutil at unti unti kong itinaas ang paningin ko para tumambad sa akin ang taong kahuli hulihan kong gustong makita ako sa ganitong sitwasyon.

Si Drake!

At hindi siya nag-iisa. Kasama na naman niya ang mga alipores niya. Napatulala ako.

Sana kainin na lamang ako ng lupa! Ngayon na mismo! Please Lord! Sana panaginip lang din ito. Kahit ito lang, pagbigyan n'yo na ako. Nanghihina kong dasal. Pero hindi, totoong nangyayari talaga ito.

Nakita ko nang parang balewala nitong itinaas ang nahubong itim na slacks nito at kinapitan ang may bandang butones niyon para hindi siguro lumaglag dahil natanggal na ang butones. Hindi ito tumitingin sa akin pero pansin ko ang pamumula ng tenga at leeg nito at tumikhim pa ito.

"Yanna, okay ka lang?" at nang tingnan ko kung sino ang nagsalita ay si Anton pala. Na naka-poker face at pigil ang tawa. P*tang ina! Bakit naman ganito Lord? Tiyak na kahit nasa hukay na ako ay aasarin ako ng bruhang ito.

At inalalayan ako nitong tumayo na hindi nagawa ng hudyong si Drake! Ang ibang nasa elevator na ang iba ay nakilala kong glam team pala ni  Anton ay patay malisya lamang dahil siguro kasama ang CEO pero hindi makakaligtas sa  akin ang pagkagat ng labi ng mga ito at malikot na mga mata para siguro pigilin ang tawa. Ganoon din si Anton na kita kong kinukurot ang sarili.

Bakit naman kasi nakikigamit sila ng elevator nang may elevator! Kaya nga may designated na CEO at executives' elevator eh! At mayroong pang normal citizen!

Nang makalabas sina Drake at may bagong grupo na pumasok ay bigla silang napalingon sa amin dahil doon na inilabas nina Anton ang pigil pigil nilang tawa. Hagalpakan ng mga hinayupak ang namayani sa loob ng elevator na iyon.

"Ahahhahahaha." napaupo pa si Anton sa sahig habang hawak ang tiyan. Ganon din ang dalawang kasama nito na hinahampas na ang dingding ng elevator  dahil sa di mapigil na tawa habang ako ay pulang pula sa inis. Ang mga bagong sakay naman ay tiningnan sila ng naguguluhang mukha.

"Shut up!" gigil kong sita sa kanila.

"Ya...nna." ani Anton na halos di makapagsalita sa kakatawa. "Ang wild mo pa...la. Ahahhaha!" at lalong nagtawanan pa ang tatlo na lalong kinangitngit ng kalooban ko. Nagpapadyak na lang ako sa inis sa kanila.

************************************

Continue Reading

You'll Also Like

6.7K 171 35
Growing up as a child, Cyrez Ninina Jazemo was slapped by the reality of abusive life, poverty, and miserable family. But as the one who always think...
1M 32.2K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
5.6M 91.8K 30
The most painful feeling is being unwanted by the person you wanted the most. For me, he's my everything but for him, I'm the one who ruined his ever...