Kabanata 46

43K 1K 274
                                    

Magi-isang linggo na sa ospital si Lucas. May tumawag lamang sa amin ng daddy niya kaya namin nalaman. He has severe internal organ damage na sabi ng doctor ay galing sa sobrang pagpapahirap dito. Ilang araw din siya sa ICU pero mas mabuti na ang lagay niya ngayon. Hindi talaga namin alam ang pinagaggawa ng batang ito sa buhay niya.

Napakuyom ang kamao ko sa nabasang text message mula kay tita Nanette na stepmother ni Lucas. Ang akala ko, kaya hindi man lang ito nagpaparamdam sa nakalipas na linggo ay dahil gusto na nga niyang lumayo sa akin. Napakademonyo talaga ni Drake!

"My queen." napapitlag ako ng biglang may mahigpit na yumakap mula sa likuran ko at hinalikan ang balikat ko.

Umuwi na rin walanghiya! At late siya ng dalawang oras. Ano pa bang aasahan ko eh magkasama sila ng babaeng iyon.

"Sorry, baby. I'm late. I needed to eliminate nuisance." anito na tila ba sinusuyo ako. Napakahusay talaga nitong umarte. "Finally, it's over."

Ang mga nakapulupot nitong kamay ay inalis ko, dahil naaalala ko kung paano niya hinawakan ang babaeng iyon.

At saka bakit ba ang baho ng lalaking ito ngayon? Kumapit siguro ang amoy ng babaeng iyon!

"Hey." protesta nito at agad sumunod sa akin.

"Hindi ako nagluto ng hapunan." imporma ko dito. Sinadya ko iyon dahil hindi niya deserve ang lahat ng pagsisilbi ko. Taliwas sa inaasahan ko, ngumisi ito.

"That's not a problem. Ikaw na lang ang kakainin ko." at lumapit ito sa akin.

Mukhang gusto pa nitong umiskor. Hindi ba ito nakuntento sa babaeng iyon? Sabagay, napakahilig ng lalaking ito.

"Don't come near me. You stink." bulyaw ko dito. Mas lalo akong nagagalit dahil napakaperpekto ng mukha ng lalaking ito lalo na at mukhang kalokohan na naman ang nasa isip.

Pero gusto ko mang magtapang tapangan sa harap niya, napakahirap. Mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko. Gusto ko na lamang muling paniwalain ang sarili ko na wala akong alam. Na magtanga-tangahan na naman. Para kagaya pa rin kami ng dati na masaya. Parang mas gusto ko na lang muling mamuhay sa kasinungalingan.

"What? Naligo ako sa opisina bago umuwi." anito at inamoy ang sarili. "Huwag na magalit ang wifey ko. Sorry na. Di na mauulit." at hindi na ako nakatakas pa nang bigla niya akong hapitin at yakapin.

Napapikit ako at pigil ang sariling magpatakan ang luha. Bakit ang galing galing niyang magpanggap na mahal niya ako?

Biglang kumalam ang sikmura nito na nagpabitaw sa yakapan namin.

"Bummer." anitong tila nahiya. "Luto muna ako dinner natin wifey ko ha para may lakas tayo mamaya. This will be quick. "

Nagtanggal ito ng coat na suot at isinunod na rin ang polo. Matapos ay nagsuot ito ng apron na hubad baro at kahit namumuhi ako sa kanya, bigla akong nakaramdam ng pagkatakam. Pagkamuhi, pananabik, sakit, at pagnanasa. Posible bang maramdaman ko ang lahat ng iyon nang sabay sabay? Nababaliw na siguro ako.

Nakaupo ako sa highchair habang pinagmamasdan ang mabilis at eksperto niyang mga kamay na hiwain ang sangkap sa lulutuing hapunan.

"May sinaing na ba?" he asked.

"Wala."

"Wait lang wifey ha. You must be hungry." anito at iniwan saglit ang hinihiwa at maliksing naghugas ng bigas. Tila ba ito ay isang ulirang asawa na pinagsisilbihan ang maybahay niya. Sino ba ang hindi mahuhulog sa patibong niya?

That's the plan. I'll make sure that the b*tch will fall on my trap.

So this is his trap.

"Do you want to eat anything while waiting?"

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now