Kabanata 8

113K 1.8K 699
                                    

Naging malapit kami ni Tracy sa nakalipas na mga linggo.Napakabait nito sa akin kaya hangga't maari ay hindi ko binibigyan ng kahulugan ang anomang nakikita kong closeness nila ni Drake. Palagi din ako nito binibigyan ng mga branded na gamit. Mula sa sapatos, damit at bags. Bigay umano ng sponsors nya.

Nalaman ko din na close siya kay mama Zandi. Hindi ko minsan maiwasan ang magselos pero hindi ko ipinahahalata. Minsan bumibisita siya sa bahay at inaaya niya akong lumabas. Hinahayaan ako ni Drake na lumabas pagka siya ang kasama ko. Marahil ay sadyang malaki ang tiwala niya dito.

Hindi ko alam kung alam niya ang totoong estado namin ng asawa ko.
Pero hindi na mahalaga yun dahil nakatagpo ako ng panibagong kaibigan sa katauhan sa kanya.

"Try mo 'tong kulay na golden flauxen sa buhok mo! Babagay 'to sayo!" nakangiting wika niya habang nasa salon kami.

Ang balak namin ay magpapatreatment lang siya ng buhok pero pati ako, nahawa na din.
Ang mahaba at tuwid kong buhok na umaabot na sa beywang ay pinaputulan ko ng hanggang balikat lamang.

Mukhang mauubos ang ipon ko sa pagsama-sama ko sa babaeng ito.

"Ahm, 'wag na lang. Okay na ako sa haircut lang."tanggi ko.

"I'll treat you! Bayad ko sa laging pang-a-abala ko  sayo." Nakangiti nitong wika. Pilit akong tumanggi dahil madami na siyang naibigay sa akin pero nagpumilit siya.

Napagpasyahan din naming mag-lunch sa labas. Nagtext na lang ako kay Drake na kasama ko si Tracy.

To Drakekoh<3<3<3

Baby ko, dito kami ni beshy Tracy sa mall. Dito na lang kami magla-lunch. Kakain ka po dyan. I miss you! Love you! :-*

Kahit hindi niya ako nireplyan, at least alam niya kung nasaan ako.

"Hmm, Tracy. Pwede bang magtanong?" Medyo may pagaalinlangan kong tanong sa kanya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Grabe, ang ganda talaga niya. Para akong nakikipag-usap sa manika sa sobrang ganda niya.

"Sure! What is it?"

"Kahit kailan ba, never nagkagusto sayo si Drake?"

Nakita kong medyo natigilan siya at nagbaba ng tingin.

"I'll be honest with you. Because you are my friend."sabi niya.

"We were once a couple." may pag-aalinlangan niyang sabi.

Parang bombang sumabog sa akin ang balitang yun.

"R-really?" yun na lang ang nasabi ko.

"Yeah. I was so young back then. Too young, too dumb to give the love he deserved." at nakita ko ang pagngiti nito ng mapait. "Pero okay lang yun. That's just part of the past. Ikaw na ang mahal niya." anito at ngumiting muli. "I'm so happy tnat he already found the happiness that he deserve."

Tipid ko siyang nginitian."Ahm b-bakit kayo nag-hiwalay?"

Tumingin siya sa akin na parang nagtatanong kung bakit ko tinatanong sa kanya.

"Just out of curiosity. Hehe." depensa ko.

"We started as friends, then became best of friends.We were already dating when an opportunity knocked on my door. I got an offer from this modeling agency which I've been dreaming of for quite so long. So when it came, I took the opportunity."

I was listening attentively. I can see the longing and regret on her eyes. Or am I imagining things?

"We were doing good at the first few months. Hanggang sa hindi ko na kayang pagsabayin ang pag-aaral ko, career at ang relasyon namin. He made me choose and me being me, being so stupid and blinded by fame, I made the wrong choice. I left him." sandali siyang tumigil sa pagsasalita."And that's the worst decision I ever made."

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now