Kabanata 20

120K 2.1K 747
                                    

A/N: If you're wondering bakit medyo mabagal ang update, I'm a full time employee po and currently pursuing my degree as well. So medyo mas matatagalan next update kasi finals na.😂

****
Lumipas ang mga araw at napapansin kong may iba talaga kay Drake. Nagiging malamig na muli ang pakikitungo niya sa akin.

Sinabihan niya din akong huwag na munang pumunta sa office niya dahil lagi din siyang wala doon. Maaga itong umaalis at kahit hintayin ko sa gabi para magusap ay hindi ako makakuha ng tiyempo dahil agad itong natutulog. Palagi din siyang may out of town business trip at hindi niya ako sinasama. At nalaman kong si Tracy ang palaging kasama nito.

Kinakain na naman ng selos ang puso. I chose to turn a blind eye at iniisip kong magkasama lang sila dahil sa negosyo. Malapit na din ang birthday ko and I want to spend it with him. Sana wala siyang business trip non.

"Hubby, pwede ba tayong mag-usap?"Hindi ko na matiis. Kailangan kong malaman ang dahilan kung bakit ganito siya sa akin.

Nakadapa ito sa kama at tanging boxer lang ang suot. Hindi ko alam kung tulog na ito.

"Hubby..."

"What do you want?" malamig nitong tanong na hindi tumitingin sa'kin.

"May problema ba tayo? Bakit parang... Parang nanlalamig ka na sa'kin."

Parang bumabalik ka na sa dati.

"Really? Naghahanap na ng init ang asawa ko." patuya niyang sabi.

"Ano?" Hindi ko naintindihan ang sinasabi niya. Bumangon ito at agad akong kinubabawan.

"Wait, ano ba Drake." pigil ko sa dibdib niya.

"'Di ba ito ang gusto mo? Maging mainit ako sa'yo." bakas ang sarkasmo sa boses niya. "I'll give you a great fvck then."

"No. Hindi yun-----"hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kinuyumos na niya ako ng halik.

Hindi ko masabayan ang bilis ng galaw niya. Agad niyang nahubad ang pantulog ko at ilang beses akong tumutol sa ginawa niya. I know that there's something wrong at mas kailangan namin mag-usap.

"Why resisting me now, huh?" nang-aakusa ang tanong nito.

"No. Hindi sa gan--"

"Fvck it!" at pinutol niya ang sinasabi ko sa pamamagitan ng halik.

Nakuha niya ang gusto niya. Nakapatong pa din siya sa ibabaw ko habang parehas kaming hinihingal. Naramdaman ko ang pag-alis niya at ang pagbalik sa dating puwesto niyang nakadapa patalikod sa akin.

"Drake...." tawag ko sa kanya pero ang mahina niyang hilik ang tinugon nito. Bumangon ako at nilinis ang sarili ko. I feel empty.

Ano bang nangyayari? Nalaman na ba niya ang sikreto ko? Realization hit me. Sigurado akong alam na niya ang lahat. Kailangan kong magpaliwanag sa kanya para maayos ito.

Sinuot ko ang pantulog ko at tumabi kay Drake. Lumandas ang mga luha sa aking pisngi at tahimik akong umiyak. Niyakap ko siya nang mahigpit mula sa likod.

Mahal na mahal kita, Drake. Huwag mo akong iiwan,please. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka.

******

"Nakita ng dalawang mata ko, Alyanna." Matigas na wika ni mama.

Kasalukuyan kaming kumakain ni mama sa labas. Hinihintay namin si kuya na kadadating lang kahapon mula America para makibalita kay papa.

"Mama, wala lang iyon. Magkasama lang sila dahil sa negosyo at magkaibigang matalik." giit ko.

"Alyanna. Alam ko ang nakita ko. Sa tanda ko ng ito, hindi ko ba malalaman kung may relasyon ang isang tao o wala. May magkaibigan bang magkasama sa iisang suite?"

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now