Kabanata 31

138K 2.1K 685
                                    

"Oh, labahan mo 'to." utos ko kay Drake habang pabalang na inabot sa kanya ang laundry basket. Malimit ay si Roxy ang nagdadala non sa laundry shop kapag wala talaga akong oras. Kaunti lamang kung tutuusin ang marumi kong damit dahil mga pambahay lang iyon pero dinagdagan ko ng malinis at makakapal na labahin para pahirapan ang lalaking ito. Ilang araw ko na din siyang inaalila sa pamamahay ko.

Walang imik nitong kinuha ang laundry basket.Normal na itsura lang niya ang nasa harapan ko at wala yung mga prostethics n'ya sa mukha. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya. Ni hindi ko alam kung marunong ba itong maglaba.

"Where's the laundry area, wifey?" Medyo nagpanting ang tenga ko sa tinawag niya sa akin pero di ko na lang pinansin. Sawa na akong sawayin siya dahil hindi naman ito nakikinig. Itinuro ko sa kanya ang laundry area.

"Where is it?" he asked again.

"Andyan di ba. " sagot ko sa kanya na hindi siya tinitingnan habang nagtitipa sa cellphone ko. Ka-chat ko si Lucas at pinapagmalaki niya sa akin ang pinagkakakain niya sa Malaysia.

"I don't see it."

"Andyan nga kasi di ba." sagot ko pa rin sa kanya at hindi pa rin siya nililingon habang napapangiti sa mga kalokohan ni Lucas .

"Sino ba kasing ka-text mo?" tunog asar na ang boses nito. Napatunghay ako sa kanya at ang sumalubong sa akin ay ang magkasalubong na malalagong kilay nito.

"Ano bang pake mo kung sino ang ka-text ko, ha?" pinandilatan ko siya. Napakapakialamero ng lalaking ito. Aga aga binubwisit ako.

"Nagseselos ako." buo at matigas nitong wika habang ang bughaw na mata ay matiim na nakatingin sa akin. Nahigit ko ang hininga sa narinig. Hindi ako naging handa sa sinagot niya. Pero agad din akong nakabawi.

"Bulag ka ba? 'Di ba, ito ang laundry area." mataray kong sabi sa kanya. "Kung ahas to, kanina ka pa natuklaw nito!"

"Here? But where is the washer?" naguguluhan nitong tanong dahil palanggana lang, washboard at timba nakikita nito. Sadya kong tinago ang washing machine na madalang ko rin namang gamitin para maisakatuparan ko ang plano kong ito.

"No. You're not going to use washing machine. You will handwash my clothes." nakangisi kong wika. Ngising pang-kontra bida sa mga pelikula. Tiningnan lang ako nito na para bang alien ang nagsasalita sa harap niya. Kinuha ko ang detergent powder at iniabot dito.

"Hanapin mo na lang sa youtube kung paano maglaba, okay? Ayusin mo." at tinalikuran ko na ito.

Tinawagan ko si Rose para sa isang upcoming short film na gagampanan ko. Matapos non ay naisipan kong tingnan ang ginagawa ng damuhong iyon.

Napataas ang kilay ko nang makitang nagkukusot ito. Hindi niya yata alam na pinanonood ko siya dahil mukha itong tutok na tutok sa ginagawa. Mukang nanood nga sa internet dahil kahit paano ay nakakapagkusot ito.

Napansin ko din na mamula mula na ang kamay nito. Tiyak na magsusugat iyon. Sinadya ko siyang hindi binigyan ng gloves. Dapat lang sa kanya yun. Pero napakunot ang noo ko nang makitang direkta niyang pinapatakan ng bleach ang damit ko.

"Hoy, teka, anong ginagawa mo? Bakit may bleach ka?" wala naman kasi ako inihandang bleach pero meron akong nakatago.

"I looked for it. And the video stated to bleach the stain." proud na proud pang sabi nito. Na tila ba nakapag-unlock ng bagong achievement.

"Pero walang mantsa ang damit ko." giit ko.

"It has. Look, oh." anito na pinapakita sa akin ang sinasabi nitong mantsa. Nagtataka ko itong nilapitan at tiningnan iyon. Nanghilakbot ako. Panty ko pala ang nilalabhan niya! Pero napapikit ako nang makita ang tinutukoy niyang mantsa.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now