Kabanata 2

158K 2.2K 439
                                    

Simple lang ang reception ng kasal. Piling kapamilya lang ang inimbitahan namin. Tahimik pa rin siya habang ako ay hindi mapuknat ang ngiti sa labi.

Imagine? Aayaw ayaw pa eh sa akin din naman ang bagsak. Ano ka ngayon? Di talaga umubra sa aking karisma.

Natatawa na lang ako kapag naaalala ko ang mga kalokohan kong ginawa para lang mapansin n'ya.

Flashback

"Mga mamshie, may jowa na si Drake! Anong gagawin ko?"

Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko habang nagkakape sa isang coffee shop.

"Eh di agawin mo! Ano pa ba?"sagot ng kaibigan kong becky na si Nardo aka Nadine habang maarteng naglalagay ng powder sa mukha.

"Ano ka ba naman! Don't stoop that low! Ang dami mong manliligaw. May nursing, si Lance na taga engineering department, meron pa ngang nagkakagusto sayong prof natin. At si Hanz na captain ng basketball team. Bakit ka maghahabol? Let go." Sabi naman ni Samantha.

Parehas ko silang kaklase na naging matalik na kaibigan at nasa huling taon na kami sa kolehiyo.

"Siya lang talaga ang gusto ko eh. Naghintay ako sa kanya nang matagal tapos magtataksil lang pala siya! Ang unfair nya!" nagngingitngit kong sabi sabay higop sa iced coffee ko.

"Alam ba n'ya na gusto mo siya?"Sam asked.

"Oo. Hindi ko na nga nagawa ung ilang linggo kong pinractice na pagtatapat sa kanya. Nasupalpal agad ako at nabasted. Hindi daw siya pumapatol sa bata. "

"Bata ka daw? Pakitaan mo sya ng D cup na dede mo at saka mo itanong kung bata ka pa din sa paningin nya." sabi ni Nadine sabay tawa.

Humagalpak ng tawa si Sam at halos napatingin ang lahat ng naroroon sa amin.

"Anong D cup?! Size B lang ako noh! Ikaw talagang bakla ka! Napakabastos mo!" namumula ang mukha kong sabi.

"Tologo boh?" pang-aasar pa neto. "You should be grateful na gifted ka.?May dede na, may unan pa. Hindi kagaya ng iba dyan na dalawa ang likod at pede ng pagtadtadan ng gulay. " Sabi pa ni Nadine at bumaling kay Sam.

"Hayop kang bakla ka! Ako ba ang pinapatamaan mo? Kung hilahin ko yang bay*g mo nang magpakalalaki ka!" Sam exclaimed.

At nagsimula na namang magbangayan ang dalawa. Palagi na lang silang ganito.

Hindi ko na din napigilang hindi tumawa. Palagi kaming nag-aasaran at nagkukutyaan pero alam kong tunay silang mga kaibigan. Buti na lang may mga kaibigan akong nagpapasaya sa akin at nalilimutan ko sandali ang sugatan kong puso.

Nakakatawagan ko minsan si tita Zandria at kinukumusta ko si Drake. Hindi pa rin niya ako nirereplyan o sinasagot mga tawag ko.

Alam kong mali kasi may girlfriend na siya. Pero hindi ko mapigilan. Tila ba nakatatak na sa isip ko na siya ang nakatadhana para sa akin.

Gusto ko lang naman siyang makausap at kumustahin. Kahit yun lang.

Nakiusap ako kay tita kung pwedeng itanong kay Drake if pwede ba ako mag OJT sa hotel nya.

May mga offer sa'kin sa ibang bansa na mag OJT pero tinanggihan ko. Sam and Nadine took the offer. And I took the chance to be with the love of my life.

Biglang tumunog ang cellphone ko habang nagluluto ako.

Hilig ko na talaga ang pagluluto. Gusto ko sana mag-culinary arts pagka graduate ko sa kursong HRM pero masyadong mahal. Hindi afford ni mama. Lalo na at mag-isa lang siyang tinataguyod ako. Hindi ko na nakagisnan si Papa. Ang sabi ni mama, namatay daw ito nang maliit pa ako. Pero hindi ko naramdaman may kulang sa akin.sm Si mama lang, sapat na sapat na.

Tiningnan ko ang cellphone ko at nagulat ako sa caller ko.

Drakekoh<3<3<3 calling.....

OMG! Hindi ako makapaniwala. Gusto kong magtatalon!

Tumatawag siya sa akin!

Tumikhim muna ako bago nanginginig na sinagot ang tawag.

"H-hello..." kinakabahan ako.

"I want you to be here tomorrow as early as 7am. I don't tolerate tardiness. You'll also do the graveyard shift like the usual employee. Don't do anything stupid." sabi ni Drake sabay baba ng tawag.

Ha? Ano daw? Hindi man lang ako pinagsalita.

Pero teka. So ibig sabihin, magtatrabaho na ako sa kanya! At lagi ko na siyang makikita! Dininig din ng Dyos ang panalangin ko!

Nagtatalon ako sa tuwa at hinablot ang suot na apron! Sumasayaw pa ako habang iniikot sa ere ang apron ko.

Pag harap ko sa may pinto ng kusina, nakatayo pala si mama habang nakakunot ang kilay at marahil nagtataka sa kabaliwan ko.

Ang masaklap , nasa likod niya si tita Zandria na nakangiti sa akin.

"Mama... H-hi tita."

"Sunog na yang niluluto mo oh." sabi ni mama with a poker face.At namilog ang mata ko nang makitang mausok at kulay itim na ang piniprito ko. Dali dali kong pinatay ang lutuan. Mahinang tumawa si tita.

"Ang galing mo palang sumayaw hija. Talented talaga. " turan pa nitong alam kong nang-aasar.

Kinabukasan, nagpaganda ako ng husto. Matagal ko din siyang hindi nakita. Siguro miss na miss na niya ako.

Kinausap ako ni mama at alam kong hindi siya pabor sa ginagawa ko.Pero hinayaan na lang din ako. Alam naman niya kung gaano ako patay na patay kay Drake dahil sinasabi ko sa kanya ang lahat.

Nagluto pa ako ng pagkain at nilagay sa tupperware. Para alam nya kung gaano kasarap magluto ang fiancee nya.

Excited akong bumaba ng taxi at binati ng masigla ang guard.
Agad akong dumiretso sa opisina ni Drake. Nakita ko pa ang petite nyang sekretarya at inirapan ito.

"Sandali" habol pa nito at tangkang pipigilan ako pagpasok pero di ako nagpapigil.

Nag-warning knock ako at agad na binuksan ang pinto. Nakita ko si Drake na abala sa papeles na binabasa nya.

Sipag talaga ng future hubby ko.

"Good morning baby! Nag-breakfast ka na ba? May dala akong pagkain." sabi ko habang nagpapapungay ng mata.

Nangunot ang makapal nyang kilay sa akin.

"What are you doing here? Didn't my secretary tell you to speak with the HR and to submit your requirements? And you still look sleepy."

Sleepy daw? Haler! Mapungay na mata ang tawag dito noh!hmp.

"Drake naman. Parang hindi tayo close. Sa'yo ko na lang ibibigay."

"Talk to my secretary and she'll tell you what to do." supaldong sabi nito. At inabala na ulit ang sarili sa papeles.

Nanghahaba ang nguso ko na ibinaba ang pagkain sa mesa nya at tumalikod na lang.

"Pasalamat ka't love kitang antipatiko ka." bubulong bulong ko pang sabi.

Kinausap ko ang sekretarya nya. Sinabi nitong sa reception area ako maaasign. Kelangan ko din tumulong pag mga events. Maasign din ako sa food and beverages.

Expected ko na ang graveyard shift pero nashookt ako nang malaman ko na magchachamber maid din ako at room attendant.

All around pala ako. Inisip ko na lang na training to para maging housewife.
Ano ba 'tong pinasok ko. Pero okay lang. Makikita ko naman siya araw-araw.

That's what I thought. Dahil palagi pala itong wala. Lagi itong umaalis para sa business trip.

At ang masakit pa, kapag pumupunta siya dito, palagi siyang may bitbit na iba't ibang babae. At deadma ang beauty ko.

Saklap naman mga bes!

End of flasback

********************************

Taming My Ruthless Husband (Revised) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon