Kabanata 15

123K 2.1K 378
                                    

"Wife?" Dinig ko ang bahid ng pagkamangha ng boses ni Cedrick.

Bumitiw din siya sa pagkakahawak sa akin. Napaupo naman ako dahil medyo masakit pa din ang balakang ko.

"Sorry bud. I didn't know.Inaalalayan ko lang siya." Depensa pa nito pero hindi mababakasan ng takot sa mukha.Kinuwelyohan siya ni Drake. Tumiim din ang bagang nito at madilim pa din ang mukha.

"I don't fucking care. Next time, bago mo hawakan, alamin mo muna kung may nag mamay ari na." matigas na tugon ni Drake.Siguro kung sa ibang pagkakataon, kikiligin ako sa narinig. Pero I know better. Natatapakan lang ang ego niya kaya siya ganyan.

"Alright! Alright!Jeez! You are smitten! How possessive! I can't believe you got married without inviting me." Natatawang iling ni Cedie.

I rolled my eyes.Possessive my ass!

"I got to go then." Inayos pa nito ang nalukot na damit. "It's nice meeting you, Yanna. Salamat ulit sa pagkain." at nakita ko pa ang pagkindat nito sa akin. Natawa ako sa kalokohan niya.

"Fvck you, Hutkinson! Leave now!"nanggagalaiting wika ni Drake at tangkang susugudin pa ito.

"Fvck me? No thank you! I'm not into bromance!" rinig ko pang tugon nito habang tumatakbong palayo at sinara ang pinto.Hindi ko napigilan ang pagtawa ko.Sira ulo talaga.

Unti unting nawala ang ngiti sa aking labi ng mapatunghay ako at nakita ang nag-aalab na mga mata ni Drake.

Tinaasan ko siya ng kilay. "What?"

"Umalis lang ako saglit, nakikipag landian ka na agad sa iba." Matitigas na wika nito. Nakita ko ang paglipat ng tingin nito sa mga lalagyan ng pagkain na dala ko na ngayon ay wala nang laman. Lalong bumalasik ang anyo nito at kinuyom ang kamao.
Tumawa ako ng pagak kahit nilulukoban na ng takot ang sistema ko sa hitsura niya ngayon. Palagi na lang may takot sa puso ko kapag nasa paligid siya. Pero hindi ko pa rin mapigilang hanap hanapin siya. Bakit ba ang gulo?

"Sabi mo, ok lang ako makipaglandian sa iba basta walang nakakakita. Sarado naman ang pinto so walang nakakakita." Nang-aasar kong wika kahit nangangatog na ang tuhod ko sa takot.

Halos pangapusan ako ng hininga nang bigla niyang hinaklit ang braso ko at hinila ako patayo.

Masakit bes!

Masakit pa nga ang balakang ko, halos mabali na din ang braso ko sa higpit ng pagkakahawak niya. Agad akong napahawak sa balakang ko. Halos magkapalit na din kami ng mukha sa sobrang pagkakalapit non.

"Don't try me, Alyanna! Hindi mo alam ang kaya kong gawin." Halos magbuga ng apoy ang mabalasik niyang mata. Hindi ko na magawang sumagot. Sumisigid na sa pakiramdam ko ang sakit ng balakang ko at pagkakahawak niya. Nanggilid ang luha ko sa sakit.

Aruy jusko! Eto na naman siya.

Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya sa akin at paglipat ng paningin sa kanan kong kamay na nakahawak sa balakang ko.Walang imik niyang iniangat ang kamay ko at tiningnan ang hinahawakan ko. Wala naman siyang makikita kasi highwaisted ang suot ko.

Pero nanlaki ang mata ko nang tinungo ng kamay niya ang butones ng pantalon ko at ibaba ang zipper nito.Naramdaman ko pa ang kuryenteng dumaloy nang lumapat ang daliri niya sa balat ko.

Agad din niyang ibinaba ang tagilidan ng pantalon at pinakatitigan ang parteng yun. Nataranta ako.

Shit! Bago ba ang nasuot kong panty? Maganda ba yon?
Baka yung pambahay na panty nasuot ko! Wag naman sana!

"A-anong ginagawa mo?" tanong ko. Sinilip ko din kung anong nasuot kong panty at nakahinga ako ng maluwag nang makitang bago iyon.

"Damn it!" mura nito at sinundan.ng paningin ko ang tinitingnan niya. Napaawang ang bibig ko nang makita ang pamumula ng parteng iyon ng balakang ko. Napahagod ang kamay nito sa nakapusod nitong buhok at bigla akong niyakap.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now