Kabanata 35

108K 1.8K 486
                                    

Ang balak kong paghabol sana kay Lucas ay napigil nang bigla akong hilahin ni Roxy. Nasa tabi nito ang isang payat na lalaking tantya ko ang edad ay naglalaro sa kwarenta. Lumang pang-itaas ang suot nito, ang balat ay halatang bilad sa araw at naka-tsinelas na goma sa pampaa.

"Siya si Mr. Castillo, you know, yung nagsimula ng mapanirang post." bulong sa akin ni Roxy na nagpakunot sa noo ko. Hindi ganito ang inaasahan kong hitsura ng taong ito. At ano ang ginagawa niya dito? May balak na naman ba itong mamerwisyo?

"I'll deal with him some other time. I have some important things to do." at tangkang aalis pero pinigilan akong muli ni Roxy.

"No sist. You need to listen to him. Like now na." giit ni Roxy sa akin at mukhang wala akong balak pakawalan.

"Look." Anito at pinakita sa akin ang post ni Mr. Castillo na binabawi ang lahat ng sinabi at humihingi ng tawad sa ginawa niya. Nakalagay rin doon ang paliwanag kung bakit nagawa niya ito.Pinagkakaguluhan ito ngayon sa social media. Kaya pala panay ang message sa akin ng isang kolumnista. Marahil ay gustong hingin ang reaksyon ko. Mukhang nakumbinsi ito ni Roxy na bawiin ang sinabi.

"Magandang tanghali po, Ms. Ignacio" bati nito sa akin. Nakayuko lamang ito at may pag-aatubili sa mukha nito. "M-maari ko ho ba kayong makausap?" anito na pansin ko ang pangingilag sa pagsasalita.

Ilang beses kong inanyayahan ito noon na mag-usap kami ng personal pero hindi nito ako pinaunlakan. Sinenyasan ko ito na sumunod sa akin sa loob ng opisina ko.

"Talk." malamig kong utos dito nang makaupo ito habang mataman ko itong pinagmamasdan. Wala akong balak ikubli ang aking nararamdaman.

"Humihingi po ako ng kapatawaran sa nagawa kong paninira. Kinailangan ko lamang po ng pera at walang wala na po ako. May sakit po kasi ang anak ko at wala akong mahingan ng tulong." anito na hirap akong paniwalaan. Dahil gasgas na ang mga ganitong palusot.

"Una sa lahat. Sino ang nag-utos sa iyo para siraan ako? " tanong ko kahit may ideya na ako na si Mr. Simpson ang may kagagawan ng lahat.

"Hindi ko po alam."

"Anong hindi n'yo alam?!" napataas ang boses ko sa sagot niya. Mukhang natakot ito sa akin dahil napamulagat ito at namutla. Wala na akong pakealam kung ipagkalat niya sa publiko na masama ang ugali ko.

"N-nanghihingi po kasi ako ma'am ng tulong sa social media para sa anak kong ilang buwan nang nasa ospital. May mga tumutulong naman po kaya lamang ay di pa rin sapat. N-nakatanggap po ako ng message mula sa isang dummy account na siya na daw po bahala magpagamot sa anak ko kung susundin ko ang ipapagawa niya.  Siya daw po ang bahala sa akin basta siguraduhin kong masisira ang imahe ng restaurant ninyo. Binigyan din po niya ako ng paunang tulong kaya naniwala at natukso po ako." at nanginginig ang kamay na inabot nito sa akin ang cellphone nitong luma at basag na screen at ipinakita ang nasabing conversation nila.

Ang nakalagay lamang doon ay ang unang tatlong palitan nila ng mensahe, kasunod ay mga call logs at screenshot ng Gcash na ipinadala nito na nagkakahalaga ng tatlong libo mula sa nagngangalang Kurdapya D.

Napabuga ako ng hangin. Tiyak na ang matandang hukluban ang may pakana nito pero hindi ito sapat na ebidensya na magpapatunay ng hinala ko. Gusto kong siyang intindihin sa sitwasyon niya ngunit mas nangingibabaw ang galit ko. Wala siyang alam sa stress at pagod na dinanas ko nitong nakaraan.

"Pwede ko kayong ipakulong sa ginawa ninyong paninira." wika ko pero wala talaga akong balak gawin iyon.

Gusto ko lamang maglabas ng hinanakit. Dahil ang totoo, nasa sa mga tao naman kung agad nilang paniniwalaan ang mga nakikita nila sa internet. Social media is so powerful it can bend the truth.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now