Kabanata 45

42K 850 629
                                    

Ang mga antok ko pang mga mata ay nagmulat at ang una kong nasilayan ay ang kulay bughaw na mga matang iyon.

"Good morning, wifey." anito sa paos na boses habang masuyong nakatingin sa akin.

"Good morning, hubby ko." mahinang sagot ko at napangiti. Ang sarap gumising kapag ang taong mahal mo ang agad na mabubungaran mo.

"Did my very beautiful wife sleep well?"

Tengeneng lalaking 'to. Agang aga, pinapakilig ako.

Napasiksik ako sa mga dibdib niya habang nakangiti. Ni sa hinagap ay hindi ko ma-imagine na maririnig sa kanya iyon.

"Opo." pabebe kong sagot. Kahit halos maya't maya akong ginigising ng mga haplos at halik niya, naging maganda ang tulog ko. "Ikaw po?"

"Nah. I just stared at your lovely face all night. I just can't believe that you're mine again."

Mas lalo akong napasiksik sa dibdib niya habang nakangiti.

"Maybe I did something great in the past to have you. Mahal na mahal kita, Alyanna." anito at niyakap ako nang mahigpit.

"Mahal na mahal din kita, hubby ko." Ang pakiramdam ko ay tila nasa alapaap ako. Nakakainis. Patay na patay na naman ako sa lalaking ito.

"Bangon ka na wifey ko. I prepared our breakfast." masuyo nitong sabi at inalalayan akong bumangon.

Malawak ang ngiti ko nang makita ang inihain niyang masasarap na pagkain. At ito pa mismo ang nagsubo ng pagkain sa akin. Tila ba isang reyna akong pinagsisilbihan nito. Ingat na ingat ito sa akin at matamang nakatitig habang ngumunguya ako.

"Say ahhh." utos ko sa kanya at sinubuan din siya. Ibinuka nito ang bibig at marahang ngumuya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Pakiramdam ko'y nag-iinit ang mukha ko kaya napatungo ako habang pigil ang ngiti.

Ang mga mata ko ay napatingin sa kumikinang na dyamante sa palasingsingan ko. Habang nasa ilalim nito ang luma kong wedding ring na ibinalik ko sa kanya noon. Isinuot niya sa akin ang mga singsing na ito habang binibigyan ako ng malalakas na ulos sa sasakyan niya at ako'y hibang na hibang sa pinalalasap niya. Nag-propose muli ang loko habang nasa rurok ako kaya sunod sunod na yes ang naisagot ko dito. Napaka-tuso talaga.

Naging masaya ang mga sumunod na araw sa amin. Tila ba nasa unang yugto kami ng pagiging magkasintahan. Iba't ibang lugar ang pinuntahan namin, mapalabas o loob ng bansa. Bumalik lamang kami para ayusin ang nalalapit na muling pagpapakasal namin. Masaya rin sina mama nang ipaalam namin na muli kaming magpapakasal.

"Lapit na 'to hubby. Wait lang ha." sabi ko dito habang hinahalo ang niluluto ko.

Magkasama na muli kami sa aming bahay at kakauwi lamang nito mula sa trabaho. Ang mga braso nito ay mahigpit na nakapulupot sa akin habang nakapatong ang baba sa balikat ko. Kahit nang hinahain ko ang pagkain ay ayaw pa rin ako nitong bitawan. Napairap ako habang nakangiti. Parang sira kasi ito.

Matapos kumain ay magkatulong naming iniligpit ang pinagkainan namin. Pero hindi na natapos iyon nang bigla ako nitong hapitin at sunggaban ang mga labi ko. Hanggang sa natuloy iyon sa maiinit na tagpo. Pakiramdam ko ay walang hanggan ang aming kaligayahan.

Kinabukasan, nagising akong wala siya sa aking tabi. Bumangon ako na suot lamang ang malaking tshirt n'ya at yapak na naglakad para hanapin siya. Ramdam ko ang pangangalay ng mga hita ko kaya medyo iika ika pa ako.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now