Kabanata 21

124K 2.3K 488
                                    

"Aly, anak! I'm glad you came!" Agad akong niyakap ni mama Zandi. Nagdesisyon akong puntahan siya para kausapin. Hindi para magsumbong kundi para humingi ng tawad sa paglilihim namin ni mama.

Ang totoo natatakot akong mawala din siya sa akin. Sa amin ni mama. Na pandirihan niya din kami. Pero pagod na akong magsinungaling. Pagod na akong maglihim. Pagod na pagod na ako sa lahat. Sa wakas, napagod din ako. Tatapusin ko na ang lahat lahat. At sisimulan ko sa pagtatapat kay mama Zandi tungkol sa pagkatao ko.

Ang tungkol naman sa amin ni Drake, hindi ko muna masasabi sa ngayon. O hahayaan ko na lang na ang anak nya ang magpaliwanag. Hindi ko rin naman alam kung gugustuhin pa rin niya ako pagkatapos ng pagtatapat ko. Kahit tanggap ko nang wala na talaga, ang sutil kong puso ay hindi pa rin maawat sa pagsakit. Siguro, magigising din ako na isang araw, wala na yung sakit, tuyo na ang luha at naghilom na ang mga sugat. Hangga't hindi pa dumadating ang araw na iyon, wala akong magagawa kundi namnamin ang bawat kirot. That's the thing about pain.It demands to be felt. And everyone has its own timeline when moving on.

"Mama." niyakap ko siya pabalik. Napakahigpit. Pakiramdam ko ay si mama Emilia ang niyayakap ko. Siya ang tumayong pangalawa kong ina simula nung bata pa ako. Sadyang napakabuti niya sa akin.

"Bakit naman ngayon ka lang dumalaw. Miss na miss na kita. Saan ang anak ko? Kayo talagang mag-asawa, kinalimutan na ako." may himig tampo nitong sabi.

"Ma, hindi po. Medyo busy lang po."

"Busy? Lagi na lang kayong busy pero hanggang ngayon wala pa akong apo." at mahinhin itong tumawa habang hinihila ang kamay ko papasok. Napakaglamorosa pa din kahit may edad na. Hindi mo aakalaing ang ganitong kaganda at halos perpektong babae ay magagawa pa ding pagtaksilan at ipagpalit. Totoong wala talagang pinipili ang mga manloloko.

Ngiti lang ang sinagot ko sa kanya.

"Wala pa ba, anak?" tukoy nito sa magiging apo niya.

"Wala pa po eh. Yaan n'yo po, mag- o-overtime kami para mabigyan na kayo ng apo." biro ko na lang at humagalpak ito ng tawa.

"Kaw talagang bata ka. Halika na nga." at hinila na niya ako papasok ng bahay.

"Bakit mukha pong wala kayong kasama dito?" Napansin ko kasing wala siya kahit isang kasambahay.

"Ah, kakaalis lang nila nang dumating ka. Pinag day off ko muna sila. Pupunta naman daw si Drake dito mamaya kaya okay lang. Akala ko nga magkasabay kayo." Siguro ay sasabahin na sa kanya ni Drake ang tungkol sa annulment. Sumikdo ang puso ko sa kaisipang iyon.

Nagkuwentuhan muna kami na tila wala nang bukas. Sinusulit ang hindi namin pagkikita. Kahit hapon na ay hindi pa din ubos ang kwento namin.

"Dapat isinama mo si Emilia. Yung mama mo talaga, hindi man lang ako madalaw. Ano kayang pinagkakaabalahan ng babaeng yun. "

"Ahmm, nasa America po si mama." Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha.

"Talaga? Aba, asensado na pala ang babaeng iyon kaya kinalimutan na ako." biro nito. "Ano bang ginagawa niya don? Hindi man lang nagsabi."

"B-binibisita po si papa. " Lalong bumalatay ang gulat sa kanyang mukha.

"Paanong? Papa mo? What do you mean hija? Hindi ba matagal na siyang wala." kinagat ko ang ibaba kong labi.

Napabuga ako ng hangin. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat lahat. Mula sa unang pagkikita namin ni kuya Cedie hanggang sa pag alis nila patungong America. Pero hindi ko sinabi sa kanya ang naging pag-aaway namin ni Drake.

Nanlalamig ang aking pakiramdam habang hinihintay ang reaksyon niya. Nakatulala lang siya habang nakatingin sa akin.

"I'm sorry mama. Maiintindihan ko po kung magagalit kayo sa amin." Wala man kaming direktang ginawa sa kanya ay pakiramdam ko ay malaki ang pagkakasala namin sa kanya. I can't imagine what she's been through. O kung nakalimot na ba ito at nakapagpatawad.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now