Kabanata 3

137K 2.4K 436
                                    

Niyakap ako ni mama nang mahigpit. Naluluha itong tiningnan ang mukha ko at hinaplos pa ang buhok ko.

"Parang kelan lang, karga karga pa kita. Ngayon, may asawa ka na."sabi niya.

Hindi ko napigilang magpatakan ang luha ko at niyakap siya nang nahigpit. Napakasuwerte ko kay mama. Napakabait nya. Para ko lang siyang kapatid at sobrang close kami.

Kung gugustohin nya, pwede pa siyang mag-asawa pero mas pinili nyang hindi. She's selfless pagdating sa akin.

"I'm sorry mama. I'm sorry." umiiyak kong sabi. Naguguilty ako na iwan siya. Twenty one pa lang ako pero nag-asawa na agad.

"Shh. You don't have to apologize."at hinalikan nya ako sa ulo. Parang gaya nang dati kapag pinapatahan nya ako sa pag-iyak.

"Ma, paenglish english ka ngayon ah. Lumelevel kay tita Zandria?"asar ko sa kanya habang may luha pa din.

Kinurot nya ako sa aking tagiliran. Kung wala sigurong tao, sa singit nya ako nakurot.

"Drake, alagaan mo ang anak ko. Napakabata pa nyan at sana intindihin mo siya at pagpasensyahan. At sana, mahalin mo sya at alagaan. Huwag mo sana siyang sasaktan." habilin ni mama. Madami pang sinabi si mama kay Drake at puro tango lang sagot neto.

Nakita ko si Sam at Nadine at sabay nila akong niyakap.

"Congrats memshie!Dyos ko, tumalab din ang gayuma mo! Ang pogi naman pala talaga ni sir!" turan ni Nadine..

"Bes, ninang kami sa magiging anak mo ha." si Sam.

"Malaki ba? Mahaba? Masarap?"tanong ni Nadine.

Nanlaki ang mata ko at namula sa tanong niya.

"Ang bibig mo talaga!"saway ni Sam.

"Malaki ang bulsa, mahaba ang pasensya at masarap magmahal. Ang dumi dumi ng isip nyo!"sabi ni Nadine habang umiirap.

Mamimiss ko sila. For sure, hindi na ako makakasama sa mga lakad nila lalo na yung mga out of town.

Pero okay lang. Natupad na ang matagal kong pangarap kaya wala na akong hihilingin pa.

Pagkatapos ng reception, dumeretso kami sa isang malaking puting mansyon. Masaya akong pumasok sa loob habang nakahawak sa braso nya. I'm not excited about its ameneties. Excited ako dahil dito kami buhuo ng sarili naming pamilya!

Bukas din ay tutulak kaming Coron , Palawan para sa honeymoon. Regalo yun ni tita Zandria sa'min. Sa Greece sana at dalawang linggo  iyo pero tinanggihan ni Drake. Marami daw itong aasikasuhin sa negosyo at hindi pwedeng sa malayo at mawala ng matagal.

Kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Sa honeymoon namin.

Inalis nito ang nakahawak kong kamay sa braso nya at nag dire diretso paakyat ng hagdan. Excited din siguro sya kaya nagmamadali.

Sumunod ako sa kanya. Pumasok sa isang kwarto na hinuha ko na master's bedroom. Kumuha siya ng damit sa closet at walang babalang tinanggal ang pang-itaas.

Napatda at nagbaba ako ng tingin dahil nahihiya pa din ako kahit may nangyari na sa amin.

"Shower lang ako." paalam ko at agad nagtungo na sa banyo.

Nagtagal ako ng tatlumpong minuto sa panliligo. Kinuskos ko ang dapat kuskosin at sinugurado kong mabango akong lalabas ng pinto. Buti na lang may roba kasi nakalimutan ko magdala ng pamalitsa pagmamadali.

Dahan dahan akong lumabas at nakita ko syang nakaupo sa couch na walang pangitaas habang may hawak na kopita at umiinom ng alak. 

I can see his abs. Napalunok ako. He's just wearing a pyjama. I can see the tattoos on his arm and chest.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now