Kabanata 25

161K 2.5K 1.1K
                                    

Aly's POV

"Nag-enjoy ka ba?" tanong ko kay Anton, habang humihithit ng sigarilyo at nakatakip ang puting kumot sa aking katawan. Magkatabi kami sa puting kama. Binugahan ko pa ito ng usok sa mukha. Pilyo itong ngumiti sa akin.

"Oo. Sobra. Thank you for always being here for me when no one else can." anito. "Nakakalimutan ko ang mga problema ko." At hinawakan nya ang pisngi ko.

"Nag-e-enjoy din naman ako eh." at hinalikan ko siya sa pisngi. "I'll always be here for you."

"Sa uulitin ha."

"Sure. Basta ba hindi ka magpapahuli sa asawa mo eh." ani ko at malanding tumawa.

"Oo naman. Magaling yata akong tumakas." proud na proud pa nitong sabi na tinawanan ko. Hahalikan ko na sana ang labi nito nang biglang malakas na bumukas ang pinto at iluwa nito ang isang babae, ang kanyang asawa.

"A-athena." gulat at nanginginig na wika ng katabi kong lalaki.

"Mga hayop kayo." madiin at punung puno ng luhang sabi ng babae."Mga animal!" at tumakbo ito pasugod sa amin. Agad akong nakatikim ng mag-asawang sampal mula dito. Napabaling pa ang mukha ko.

"Walang hiya ka! Mga walang hiya kayo!" at pinagsasampal din nito ang asawa. "Paano niyo nagawa sa akin ito!"

"Ibinigay ko sa'yo ang lahat lahat. Lahat lahat ng meron ako. Saan ako nagkulang? Saan? Sabihin mo?" puno ng pagtangis nitong tanong sa asawa. Ang lalaki'y pinipilit itong yakapin.

"Ikaw!" baling nito sa akin. "Kaibigan kita, pinagkatiwalaan at itinuring na parang kapatid. Bakit mo nagawa sa akin ito?" nakangisi lamang ako.

"Masakit ba? " nang-uuyam ko pang tanong. "Tinikman ko lang naman ang asawa mo. Huwag mo naman akong pagdamutan. Ganoon naman talaga ang magkaibigan, naghihiraman,'di ba?"

"Malandi ka talaga!" at tangkang susugudin akong muli ito ngunit  napigilan ito ng lalaki.

"Tandaan mo, nauna siyang naging akin." puno ng damdamin kong sabi.

"Walang sa' yo Nathaly! Akin lang ang asawa ko!" anito at nakawala sa hawak ng asawa. Agad nitong nahagip ang buhok ko at kinubabawan ako. Agad kong sinangga ang mga atake nito.

"That's enough!" sigaw ni Anton.

"Cut!" sigaw ng direktor sa amin. "Good take!"

Gulu gulo ang buhok namin at habol ang hininga. Nagkatinginan kami at biglang nagkatawanan.

"Shuta, Vanessa! Ang sakit ng sampal mo ha." aniko habang inaayos ang buhok na tumabing sa mukha ko.

"Ang O.A mo Yanna. Nasabayan mo naman agad ng paling eh. Ni hindi nga lumapat ang palad ko sa pisngi mo." anito habang pinupunasan ng P.A nito ang mga pekeng luhang kumawala dito.

Agad ding inayos ng P. A ko ang buhok ko at nilapatan ng make-up ng make-up artist para sa susunod na shoot na magsisimula ilang minuto na lang. Inalis din nito ang nakatakip na kumot sa akin, na napapailaliman ng  nude color na tube para pagmukhain akong hubad kanina sa camera.

Matapos maayusan ay nagchismisan pa kami ni Vanessa Montes, na si Athena ang karakter na ginagampanan sa kasalukuyang teleserye. Ilang buwan na itong umeere sa telebisyon at bentang benta ito sa takilya. Siya ang mabait at mabuting bida na kinakampihan at kinaaawaan ng lahat.

Sinong mag-aakalang mapupunta ako sa mundo ng showbusiness. Ito ang kauna unahan kong teleserye na nagbigay sa akin ng big break. Dati ay pa extra-extra lang ako at halos walang papel na ginagampanang tumatak sa mga tao. Pero maswerte kong nasungkit ang karakter ni 'Nathaly' nang nagpa-audition at ako ang napili. Ito ang nagpayabong ng karera ko.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now