Kabanata 16

126K 2K 684
                                    

"Anak, maayos naman ba ang pagsasama n'yo ni Drake?" Tanong ni mama habang kumakain kami ng pananghalian.Pinayagan na din ako ni Drake na bisitahin si Mama. Siya pa ang naghatid sa akin.

Nagluto siya ng paborito kong ginataang saging na may kamote at bilu-bilo.Isinubo ko ang ginataan at agad sumambulat sa aking dila kung gaano ito kasarap.

Wala talagang tatalo sa luto ng mga nanay!

"Oo naman mama. Maayos na maayos." masigla kong sagot. Iyon naman ang totoo. Medyo nagiging maayos na ang pagsasama namin. Kung nuon niya ako tinanong, malamang hindi ko alam ang sasabihin.At sigurado akong nalalaman niya agad kung nagsisinungaling ako sa kanya.

"Wala namang rason para hindi maging maayos ang pagsasama namin. Alam niyo naman na patay na patay sa kagandahan ko yun." Dagdag ko pa na umani ng masamang tingin mula kay mama.

"Nakita ko siya nung isang araw. Kasama niya si Loraine."

Nanlamig ang pakiramdam ko at kumabog nang malakas ang dibdib ko. Kasabay nito ay parang dinakot ang puso ko.

"San nyo sila nakita? Kelan?" pinilit kong ikubli ang sakit. Parang sinaksak ang puso ko at nabalutan pa ito ng pagaalala.

Bakit sila magkasama? Ano yun, catching up? Pinaguusapan ba nila ang namatay nilang baby? Pinaguusapan na naman ba nila kung gaano ako kasamang tao sa pagkitil sa buhay ng isang nilalang?Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko.

"Nung Sabado.Nakita ko sila don sa malapit sa Don Armando's. Mukhang masinsinan ang paguusap nila kaya hindi na ako lumapit. Hinahanap nga kita."

Sabado? Yun yung araw na umalis siya na ka-video call ko sina Sam. So dun pala siya nagpunta.

"Ah! Yun po ba! Hehe. " I laughed awkwardly. "Nagpaalam sa akin si Drake non. Interested daw mag invest sina Loraine sa hotel nina Drake. Isinasama nga niya ako dun pero tumanggi ako. Wala naman kasi akong alam sa paguusapan nila." Paliwanag ko. Totoong nagpaalam sa akin si Drake pero hindi ko alam na si Lorainne ang kakatagpuin niya.

Sa isiping yun, ang masarap na pagkain na nilalasap ko ay biglang nawalan ng lasa.

"Ganon ba." narinig ko lang na sinabi ni mama. Hindi ko alam kung naniniwala siya.Dala dala ko ang isiping iyon kahit hanggang sa pag-uwi.Kumuha ako ng tubig sa ref at umupo sa highchair.

So matapos kay Tracy, balik na naman kay Lorraine?Kumuyom ang kamao kong nakapatong sa island counter.

Kailan ba magiging ako naman? Na ako lang.

Halos mapatalon ako sa inuupuan ko nang maramdaman ko ang brasong humapit sa baywang ko kasunod noon ay ang pagyakap mula sa likuran ko.

"Drake!" nagulantang kong wika.

Hindi ko inaasahan ang maaga niyang paguwi at mas lalong hindi ako makapaniwala sa ginagawa niya. Ipinatong pa niya ang mukha sa balikat ko at inamoy ang leeg ko. Halos magtayuan ang balahibo ko sa ginawa niya.

"How was your visit with mama?" He asked. "Dinaanan kita para sunduin pero wala ka na doon." Ang ano mang pag-aalala ay biglang nalusaw.

"O-okay lang. Naisip ko k-kasing kailangan ko pang magluto ng dinner natin kaya umuwi na ako." nauutal kong sabi.

"I've been calling you but you were out of reach." dagdag pa nito.

"Ha? Tinatawagan mo ako? Deadbat na ako at nakalimutan kong magcharge." paliwanag ko.

Ano na naman bang himala ang nangyayari?Bakit bigla na siyang ganito sa akin?? Mukhang epektibo ang pagdadasal ko gamit ang kandilang itim.

"Let's dine out." he said while planting kisses on my shoulder.Napasinghap ako sa ginagawa niya at sa sinabi niya.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now