Kabanata 11

117K 2.1K 452
                                    

Nagising ako kinabukasan ng bandang alas otso ng umaga. Bahagya ko pang iminumulat ang aking mata at tumihaya ng higa. Nakatingin lang ako sa kisame at pilit inaalala ang nangyari kahapon. Nasunog ko nga pala ang damit niya habang namamalantsa.

Patay na naman ako nito.

Matapos ang makabagbag damdamin kong pagtatapat sa kanya, iniwan na lang ako basta at hindi ko na alam kung dito siya natulog o hindi. Pero for sure, wala na yun ngayon.

Bumangon ako at nagtungo sa banyo para magtoothbrush at maligo. Tinuyo ko lang ang buhok ko ng blower at nagpahid ng lotion sa aking katawan.

Nagsuot ako ng aking itim na bootleg panty at pink tanktop. Naguumpisa nang uminit ang panahon kaya I opt to wear skimpy clothes.I'm not wearing any bra but the hell I care. Wala namang ibang tao kaya confident ako na walang makakakita sa akin.

Dalawin ko kaya si mama ngayon. Matagal tagal na din kaming hindi nagkakabonding kahit madalas kami magkatext at magtawagan.Magtetext na lang siguro ako kay Drake para alam niya.

Katatapos ko lang magprito ng bacon at eggs. Madami ang niluto ko as always dahil madami akong kumain kapag breakfast. Sinumulan ko nang lutuin ang fried rice.

Binuksan ko ang aking media player at naghanap ng kanta. Napili ko ang boomboom ng paborito kong korean singers na Momoland.

Medyo hawig naman kami ni Nancy eh, sabi ni mama. Naaalala ko pa ang sinabi ni Nadine. Kung magiging myembro daw ako ng girl group na yun, tiyak papalitan ang pangalan ng kanilang grupo. Mula sa Momoland, magiging Dedeland.

Bwisit talaga!

Pero namimiss ko na silang dalawa ni Sam. Kumusta na kaya sila? Napabuntong hininga ako at hinalo ang fried rice na niluluto ko

Sinasabayan ko ng sayaw ang kanta ng Momoland. Memorized namin nina Nadine ang lyrics at steps ng sayaw.

Bigay todo akong umiindayog at gumigiling. Feel na feel ko talaga at pakiramdam ko ay isa ako sa mga miyembro nila.

Sinasabayan ko din ang kanta nila kahit hindi ko naiintindihan. I was really engrossed on what I'm doing.

Eksaktong natapos ang kanta ay naluto ang fried rice. Handa na akong kumuha ng platong lagayan nang may mahagip ang paningin ko.

"Ay palakang pink!"napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.

Sino bang hindi magugulat? Nakaupo si Drake sa isa sa mga upuan habang nakapatong ang dalawang kamay sa mesa at mukhang naghihintay na pagsilbihan. Nakatiim ang mga mata niyang titig na titig sa akin.

"D-drake, anong ginagawa mo dito?"

"Bakit? Bawal ba akong kumain dito? Are you waiting for someone else?" Hindi pa rin niya inaalis ang mga mata sa akin.

"Wala akong hinihintay. Hindi ko lang ineexpect na andito ka pa." wika ko nang makabawi ako sa pagkagulat.

Nakita kong basa pa ang mahabang buhok nitong nakalugay. Mukhang ang fresh nito. Nakasando lang ito kaya naaaninag ko ang mga namumutok nitong muscles at ang tattoo sa braso at sa may dibdib.

Diyos ko! Kanin na lang, kasi may ulam na sa aking harapan!

Ipinilig ko ang aking ulo dahil sa agiw na pumapasok sa aking kukote. Kinuha ko na ang mga pagkain at nagsimulang maghain.

Tahimik lang kami habang kumakain. Sinusulyap sulyapan ko siya paminsan minsan dahil hindi ko inakalang makakasama ko siyang mag-breakfast.Magana akong kumain.

"Uhm, Drake. Pupuntahan ko si mama mamaya. " Basag ko sa katahimikan namin.

"Wala pa si Mang Pilo. Walang magdadrive sa'yo." wika nito nang hindi ako nililingon.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang