Kabanata 24

148K 2.7K 901
                                    

Drake's POV

"Anak.." rinig kong tawag ni mommy habang hinahaplos ang ulo ko.

Agad akong nagmulat ng mata at tumunghay mula sa pagkakatulog. Nailipat na ito ng kwarto at maayos na pero ngayon pa lang nakapagsalita.

"Mom, how do you feel? May masakit ba sa'yo? Tatawagin ko ba ang doctor?"

"I'm fine anak." At ngumiti ito. "Laki na ng anak ko ah. Binatang binata na talaga." anito at bahagya pang ginulo ang buhok ko. "I'm sorry anak. Walang nagawa si mommy." napakunot noo ako.

"I know everything anak. I know what Roger did." she said and her warm hands held my face. "Sorry anak, late ko na nalaman. The damage has been done to you. Pero iginanti ka naman ni mommy. " nagtatanong ang mga matang tumingin ako sa mga mata nya. And realization hits me.

"Mom, you didn't, did you?"

"I did anak. Ako ang nagplano para maaksidente si Roger at kabit nya. That is the least that I can do for you son. Yun lang ang kaya ko. Dahil mahina si mommy mo." ang nakahawak niyang kamay sa pisngi ko ay ipinaloob ko sa mga kamay ko. Her hands were stained of blood because of me. I know it's wrong but I felt relief. Na kahit paano, nakaganti kami sa lahat ng ginawa niya.

"No. You're not weak. You're the most courageous woman in the world mom."

"I hope you find it in your heart to forgive, anak. To heal. You need to forgive not because they deserve it but because you deserve peace. " napapikit ako at tumango. I know it will take time but I'll try.

"Nasaan pala si Alyanna?"

"Nasa bahay, nagpapahinga po siya. Maya ko po siya sunduin." sagot ko. "What happened mom?" I asked. Handa kung sasabihin man niyang nagsumbong na sa kanya si Alyanna. I know how much she loves Alyanna. Aayusin ko ang lahat sa'min.

"Tumawag si tito Manuel mo. Naaksidente daw sila ni Marcia at masama ang lagay nito. Nabigla ako sa narinig. Tawagan mo nga sila at kumustahin." At parang bombang bumagsak sa akin ang narinig ko.

"Why is it so easy for you to assume the worst from me?"

Parang sirang plakang umuukit sa isip ko iyon. Naaalala ko pa ang mukha ng asawa ko habang umiiyak.

Alyanna baby.

"Mabuti na lang nga at naisipan akong dalawin ni Aly. Kung hindi, baka pinaglalamayan n'yo na ako." At nagawa pa nitong tumawa.

"Mom!"

"Ano ka ba naman, Drake. Lahat tayo, pupunta doon. Depende na lang kung sino mauuna." anito.
"By the way, bakit hindi mo man lang nabanggit sa akin iyong tungkol kay Aly at Cedrick?"

What the hell??Sinabi ni Alyanna ang relasyon nila ni Cedrick???

"Mom..."

"Tingnan mo nga naman kung gaano kaliit mundo. Magkapatid pala ang bestfriend mo at asawa mo. Patay talaga sa akin iyang si Emilia paguwi niya. " Anito at natatawang napapailing habang ako ay nakatulala at natulos sa kinatatayuan.

"What did you say? What do you mean mom?" Wala sa huwisyo kong tanong.

"Akala ko ba alam mo? Sabi ni Aly alam mo ang lahat na ang ama ni Cedrick ay ang tunay niyang ama. Humihingi nga siya ng tawad sa atin. Naikuwento siguro ni Emilia ang pinagdaanan natin sa ama mo at sa mga babae niya at pakiramdam nila ay tinraydor nila tayo. Ang mag-ina talagang iyon, kung anu ano ang iniisip." napapalatak ito. " Sabi ko, wala naman sa atin iyon, di ba?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Wala sa sarili akong tumango.

"Hiyang hiya daw sila sa atin kaya hindi agad niya nasabi." she continued.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now