Kabanata 32

123K 2.3K 228
                                    

"Sist! Na-miss kita!" Niyakap ako ni Roxy na tinugonan ko din ng mahigpit na yakap. Kadarating lamang nito mula sa probinsya. Maayos na umano ang lagay ng kanyang ina at napakiusapan ang isang kamag-anak para samahan ito.

Sakto naman na wala akong gaanong taping at photoshoot ng mga nakaraang araw kaya hindi ko gasinong kailangan ng PA. Hindi na rin muling nagpakita sa akin si Drake simula nang ipagtabuyan ko siya. Yun ba namang tinawag ko ang pangalan ng ibang lalaki habang niroromansa niya ako. Napangisi ako at napailing sa pagkakaalala ng pangyayari.

"Drake, kunin mo nga yung sapatos ko." utos ko habang binabasa ang script na hawak ko.

"Drake? Sinong Drake?" naguguluhang tanong ni Roxy. Napamulagat ako. "I mean Roxy, pakikuha ng sapatos ko sa maleta." tiningnan lang ako nito na mukhang nawi-wirduhan sa akin.

Bakit ko naman kasi nabanggit ang kapreng iyon?

Nasa taping pa rin kami ng pelikula na ito at ilang araw na lamang ay matatapos na. Ito na ang huling pelikula ko dahil matatapos na ang kontrata ko na halos tatlong buwan na lamang. Inianunsyo na din ni Rose sa management na hindi na ako mag-renew. Kaya kaunti na lamang ang natatanggap kong proyekto, kalimitan pa ay saglit lamang matapos.

"Okay. In three, two, one action!" sigaw ni direk Bobby. Kung tutuusin ay isa pa lamang siyang baguhang direktor pero marami na din siyang natapos na pelikula. May mga naging natagumpay, meron ding hindi. Kaming dalawa ni Tamara ang magka-eksena ngayon at masasabi kong magaling talaga itong artista.

"Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Na habang katabing mong natutulog ang asawa mo, ako ang iniisip niya. Ako ang gusto nya makasama. Sa palagay mo, bakit? Because you are a pathetic, boring housewife!" pantutuya ko dito.

Ang mga mata nito ay parang magbubuga ng apoy habang may mga luhang nagpapatakan. Nanginginig ang mga labi at kunwa ay magsasalita pero hindi nagawa. Hindi nito kailangang magsalita dahil expresyon pa lang ng mukha nito ay tiyak madadala na ang mga manonood.

"How dare you..." nanginginig pa din ang mga labi nito. At alam ko na ang kasunod. Magkasunod na sampal at sabunot. Umigkas ang mga palad nito sa pisngi ko. Hindi naman ganoon kasakit. Kahit naman di ko kasundo ang babaeng ito ay hindi kami nagpepersonalan sa trabaho.

"Cut!" sigaw ng direktor. "Yanna, huwag mo agad ipaling ang mukha mo. The slap looks so fake on cam!" bulyaw nito sa akin. Napahinga ako nang malalim. Nagsisimula na naman itong puntiryahin ako.

The reality is, directors aren't necessarily supposed to be nice. As long as they're making profitable products for their studio or accomplishing their creative vision, their work is technically complete.

"Yes, direk!" sagot ko na lamang.

"'Wag mo lalakasan ha." wika ko kay Tamara.

"Shut up! Don't tell me what to do." angil nito. Inulit ulit namin ang eksena. Mas naramdaman ko ang sampal niya ngayon kesa kanina subalit hindi naman sobrang lakas.

"Cut! Ayusin mo, Yanna! Paulit-ulit na lang tayo!" napahilamos ako sa mukha ko gamit ang palad ko. Pinipilgilan ko ang sarili kong suntukin ito sa mukha. Sa lagay ay gustung gusto kong sampal sampalin nitong si Tamara?

Nag-break muna kami saglit bago sumabak ulit sa eksena. Nilagyan ni Roxy ng ice pack ang medyo namamaga kong mukha. Yun ba namang pagsasampal sampalin ako nang ilang ulit. Nagpaalam ito saglit para pumuntang banyo.

"So, I heard that you're not gonna renew your contract." anang isang tinig mula sa likod ko. Nang lingunin ko, si Suneo pala. Kaya pala ang pangit ng tinig na iyon.

"Good move, I should say. Siguro dahil nararamdaman mo na kasing wala nang kukuha sa'yo. Laos ka na, hindi ka pa man gaanong sumisikat." anitong ngingisi ngisi.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now