Kabanata 17

121K 2.4K 427
                                    

SPG

Tanghali na ako nagising kinabukasan dahil hindi agad ako nakatulog.
Wala na si Drake pero nanatili pa rin ang amoy niya sa higaan. Siningot singot ko pa ito.

Grabe! Sana hindi panaginip ang lahat!

Wala man siyang sinasabi tungkol sa nararamdaman niya ay sapat na sa akin ang mga ginagawa niya. Alam kong may nararamdaman na din siya sa akin.Lumipas ang mga araw at patuloy pa din ang magandang pakikitungo niya sa akin. Palagi ko na din siyang dinadalhan ng pananghalian.Para kaming bagong kasal na nagsisimula pa lang.

Dala dala ko ang nilagay kong pagkain sa tupperware. Patungo ulit ako ngayon sa opisina ni Drake. Palagi kasing sabay na kaming nanananghalian.

Suot ko lang ay bulaklaking palda na tinernuhan lang ng puting t-shirt at doll shoes. Mag-isa ako sa elevator paakyat sa opisina ni Drake nang tumigil ito, indikasyon na may papasok. Nagulat ako nang ang nasilayan ko ay si Cedie.

"Hi Yanna! It's good to see you!" masiglang bati nito.

"Hi Cedie!" I smiled at him. Natuwa din akong makita siya.Napakagaan talaga ng pakiramdam ko sa taong ito and that really makes me wonder .

"Lunch for Drake?" turo nito sa bag na may lamang pagkain.

"Yeah. Sabay kasi kaming kumakain eh." I cheerfully responded.

"Wala ba akong parte dyan?" Natawa naman ako. "Ang sarap mo kasing magluto."

"Naku. Exclusively for hubby lang 'to eh. Yaan mo next time. "

"Eh bakit last time, pinakain mo sa akin? Panis na ba yun kaya pinamigay mo na?"

"Oi grabe ka! Hindi ah. Magkaaway lang kami ni Drake 'non."

"Ouch!" Eksaherada nitong sabi habang hawak ang dibdib. "Rebound lang pala ako. Sakit naman."

Puro talaga kalokohan.

Nagkukuwentuhan kami habang papunta sa opisina ni Drake. Parehas pala kaming pupunta doon. Isa din pala siya sa mga investor nito. Nalaman ko din na kaya siya bumalik sa bansa ay dahil may hinahanap itong tao pero hindi ko na masyadong inalam ang detalye dahil masyado na iyong personal.

"Hi Beth!" I greeted her.

"Hey Aly! May kausap pa si boss." She responded.

"Hi Betty boop!" Cedie said while blowing a kiss. Kinindatan pa niya ito pero sinimangutan lang siya ni Beth.

"Sinong bisita niya?"

"Mga kaibigan daw niya from U.S."

"Oh! Sina Raegan at Dimitri?" Cedie asked.

"Yes, Mr. Hutkinson." Beth responded formally.

"Ngayon nga pla ang dating ng dalawang kumag na 'yon."

"You know them?" I asked.

"Yeah. Mga brothers namin. You know, para kaming mga Greek Gods ng mga kaibigan ko sa kaguwapohan pero syempre, ako ang pinakaguwapo. " at hinagod pa nito ang buhok nito at pinasadahan ng dila ang labi. Pinasingkit din nito ang mga mata na pareho naming ikinangiwi ni Beth.

"Jusko po!Para kang ulaga!" Beth exclaimed with her batangueña accent na ikinatawa ko. Ang cute!

"Damn! That was hot!" Cedie said with amusement on his eyes.

"Alam mo ba ang sinabi niya?" I asked.

"Naguguwapuhan siya sa akin." He confidently said. My God! Ang kahanginan ng taong 'to.

"Para ka daw tanga." I said na natatawa na nagpasimangot kay Cedie.

"Huwag nga ako! Alam kong guwapong guwapo kayong dalawa sa akin." At nagsimula itong sumayaw ng budots na ginagaya pa ang facial expression ng isang pulitiko. Humagalpak kami ng tawa ni Beth habang pinapanood siya. Malaking tao pero kung maga-asta ay parang bata.Hawak namin parehas ang tiyan namin dahil sumasakit na ito sa kakatawa.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora