Somewhere Down The Road (Publ...

By asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... More

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 12

188K 3.9K 419
By asherinakenza

SDTR: Kabanata 12

"Hindi naman, pero minsan talaga makulit si Sebastian. Ganun naman ang mga bata." Nangingiting kwento saakin ni Ethan, nakahilig ako ngayon sa braso niya habang nakaupo kami dito sa mahabang sofa ng unit niya, hawak hawak niya rin ang kamay ko at marahan na pinag lalaruan iyon.

Kinukwentuhan niya ako ngayon ng mga kapilyuhan na ginagawa ni Sebastian sakanya tuwing nasa kanya ito. Matapos ang pagtatalo namin kanina napag pasiyahan naming dalawa na maging masaya nalang muna sa kung anong mayroon kami.

Oo nga, hindi kami sigurado sa mga mangyayari pero kung hindi namin susubukang pareho paano namin malalaman kung anong magiging resulta?

Alam naming mali at alam naming darating yung panahon na kailangan naming pagbayaran kung ano mang kasalanan ang ginagawa namin ngayon, pero bandang huli alam kong masasabi kong naging masaya kaming pareho sa desisyon na pinili naming panindigan.

"But you're really a good father." Bulong ko, "You think so?" Tanong niya saakin.

Tumango tango ako bilang sagot, "Alam mo kasi hindi ka hahabulin niyan kung hindi ka naging mabuting ama sakanya." Paliwanag ko sakanya, naramdaman kong huminga siya ng malalim.

"Sana nga, pakiramdam ko kasi kulang pa rin lahat ng binibigay ko para sakanya." Malungkot na sagot niya saakin, tumingala ako para matitigan ko ang mukha niya.

Bakit ngayon ko lang nakita na puno ng lungkot yung mga mata niya, puno ng takot at pangamba. Bumaling siya saakin at marahan akong nginitian.

Sa likod ng mga ngiti niya alam kong nasasaktan siya at gusto niyang kumawala sa kung ano mang sakit na nararamdaman niya ngayon. Tumaas ako ng kaunti at inabot ko ang labi niya ng labi ko ng isang marahan na halik, sandaling halik na nagpaliwanag sa mukha niya.

"Kahit hindi mo sabihin saakin, alam kong nasasaktan ka ngayon." Bulong ko sakanya, ngumiti siya ng mapakla.

"Unti unti namang napapawi yung sakit na nararamdaman ko tuwing kasama kita." Sagot niya saakin na nagpapula sa mukha ko at nagpawala ng malakas sa puso ko.

"Edi hindi ako aalis sa tabi mo." Bulong ko sakanya, napangiti siya at niyakap ako ng sobrang higpit. Napapikit ako nang halikan niya ang noo ko.

"Claire Lataza, why are you doing this to me? Unang beses palang kitang nakita pero ang lakas na ng epekto mo saakin." Naiiling na sabi niya, wala na akong ibang nagawa pa kundi ang ngumiti sa sinabi niya.

Tama rin naman siya, hindi ko dapat sinarili yung sakit na nararamdaman ko sa tuwing magkakaproblema kaming dalawa.

____

"Good morning young man!" Hiyaw ni Ethan sa anak nang makita niyang gising na ito, nanatili akong nakatayo sa gilid ng pintuan habang pinapanood silang dalawa.

Hindi kami nakatulog dahil sa pagbabantay kay Sebastian, mag aalasais na rin ng umaga nang bumaba ang lagnat niya.

Panay ang hagikhik ngayon ni Sebastian dahil sa pangingiliti sakanya ni Ethan, napapangiti nalang ako dahil maging ang halakhak ni Ethan ngayon ay totoong totoo.

"Pinuyat mo si Daddy!" Sigaw ni Ethan atsaka pinugpog ng halik ang mukha ni Sebastian, "Acckkk! D-Daddy! Stop!" Humahalakhak na sigaw niya sa ama.

Napatigil sa paghalakhak si Sebastian nang bumaling ang titig niya saakin, umupo siya at ngumiti saakin. "Tita Claire!" Hiyaw niya, hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng galit sa sarili ko dahil alam kong may kasalanan ako sa batang ito.

"Hindi tayo bati!" Sigaw niya atsaka sumama ang tingin saakin, nalaglag ang panga ko at maging si Ethan ay natigilan.

Pero halos mabunutan ako ng tinik sa dibdib nang ngumiti ng pilyo si Sebastian, "You have to buy me a lot of toys! Para bati na tayo!" Masiglang hiyaw niya at nagtatalon sa kama, tumingin saakin si Ethan at ngumiti, napatawa ako nang kindatan niya ako bago pa siya muling bumaling kay Sebastian, talaga nga namang may pagmamanahan siya.

"Daddy I wanna go to the beach." Hiling ni Sebastian sakanya, "Now?" Kunot noong tanong niya sa anak.

Tumango tango si Seb, "Yes! You! Me! And Tita Claire! Let's go to the beach!" Hiyaw niya, nakakatuwang makita na ang sigla sigla na ulit ni siya kagaya nung unang pagkikita namin.

Tumingin saakin si Ethan at parang nagtatanong ang mga mata niya, nagkibit balikat ako sakanya bilang sagot. Alam naming pareho na may klase kami ngayon.

"Tita Claire, please?" Nanlalambot ang puso ko sa tuwing tinititigan ako ni Sebastian, para bang nawawala ang lahat ng problema ko sa tuwing nginingitian niya ako.

Huminga ako ng malalim, "Sige. But in one condition." Pilyang biro ko kay Seb, tumakbo siya pababa sa kama at lumapit saakin.

"What is it?!" Excited na tanong niya habang nakatingala saakin, napaka talino nitong batang ito, anak talaga siya ni Ethan.

Umupo ako para magkapantay kaming dalawa, "Kiss mo muna ako." Paglalambing ko sakanya, ngumisi siya at halos mapangiti ako ng malapad dahil nakikita ko talaga ang mga mata ni Ethan sakanya.

Hinawakan ni Sebastian ang magkabilang pisngi ko at tinitigan niya ako sa mata, nakakatuwa sa pakiramdam yung mainit at maliit niyang kamay na kumukulong sa magkabilang pisngi ko. "I will kiss my Tita Claire.." Bulong niya at napapikit ako nang halikan niya ang noo ko, tungki ng ilong ko at pisngi ko.

"Yehey!!" Sigaw niya at nagtatalon siya na para bang nakuha niya ang gusto niyang regalo. "Paano naman si Daddy?! Wala bang kiss?!" Kunyaring pagtatampo ni Ethan sa anak, kumaripas ng takbo si Sebastian pabalik sa ama at pinaghahalikan ito.

Ang sarap marinig sa tainga ang halakhak nilang dalawa, para bang sila na yung pinaka masayang tao sa buong mundo sa tuwing magkasama sila.

"Pero may problem tayo anak." Biglang bawi ni Ethan, nakita kong lumungkot ang mukha ni Sebastian na para bang alam na niya ang sasabihin ng Daddy niya.

"What is it?" Malungkot na bulong ni Seb.

Hinila ni Ethan ang anak at niyakap ito mula sa likod at nilaro laro niya ang kamay nito. "Hindi tayo pwedeng pumunta ng beach ngayon, why? Baka magkasakit ka ulit. Saka may pasok kami ng Tita Claire mo, ako hindi ako papasok kasi aalagaan kita. Pero ang Tita Claire mo hindi pwedeng hindi." Paliwanag niya sa anak, napaawang ang bibig ko nang makita kong tumulo ang luha ni Seb at unti unting humikbi, hinaplos haplos ni Ethan ang likod nito.

Naglakad ako palapit sakanila at pinunasan ko ang luha ni Seb, "But Daddy.." Humihikbing pakiusap niya.

"Big boy ka na diba? Diba sabi ni Daddy dapat naiintindihan mo kapag hindi kita pinapayagan kasi bawal pa." Napapangiti ako sa pakikipag usap ni Ethan sa anak niya, para bang gustong gusto niya na mapabuti ang anak.

Mas lalong umiyak si Sebastian at napapitlag ako nang tinalon niya ako ng yakap at umiyak ng umiyak sa balikat ko, parang pinipiga ng kung ano ang dibdib ko sa bawat hikbi niya. "T-tita Claire, I w-wanna go to the beach." Humihikbing pakiusap niya saakin.

Hinaplos ko ang likod niya at nagkatitigan kami ni Ethan, pinanlakihan ko siya ng mata pero inilingan niya ako. "No." Bulong niya, napapikit ako dahil sa desisyon niya.

"Sebastian, magpagaling ka muna. Kapag magaling na magaling ka na, promise namin ng Daddy mo pupunta tayo sa beach." Pangako ko sakanya, pero mas lalo lang siyang umiyak ng umiyak, ramdam ko na rin ang luha niya sa balikat ko at ang sunod sunod na paghikbi niya, may kung ano akong nararamdaman sa tuwing mararamdaman ko ang maliit na kamay niya na yumayakap saakin, para bang naging importante na rin siya saakin.

Panay lang ang iyak niya, mariin na ipinikit ni Ethan ang mata at umiling iling.

"Seb, anak. Papasyal ka nalang ni Daddy, bibili tayo ng toys." Pag aalo niya sa anak, "No! Daddy! No!" Hiyaw niya at mas humigpit ang yakap saakin, mas lalo ring lumakas ang iyak niya.

Marahan kong hiniwalay sa pagkakayakap saakin si Sebastian at pinunasan ko ang luha niya, naniningkit na ang mata niya dahil sa kakaiyak at dahil maputi siya kagaya ni Ethan, namumula na ang mukha niya at dibdib niya sa pag iyak.

"Stop crying baby, kung gusto mo bibili tayo ng mini pool sa mall. Lalagyan natin yun ng maraming water tapos doon pwede kang mag swim!" Na-eexcite na suhestiyon ko sakanya, napatigil siya sa pag iyak na nagpagaan sa kalooban ko pero patuloy pa rin ang paghikbi niya.

"M-mini pool?" Nahihirapan na aniya, tinanguan ko siya at nginitian. "Bibili din tayo ng maliliit na duck, yung plastic duck baby? Tapos lalagay natin sa pool, malaki naman ang cr ni Daddy mo kaya pwede nating ipwesto doon ang pool." Nangingiting paliwanag ko sakanya, nagliwanag ang mukha niya at unti unting gumuhit ang ngiti sa labi niya.

"Now?" Namamangha tanong niya saakin, tumango ako sakanya. "Pero itanong mo muna sa Daddy mo kung ibibili ka niya." Natatawang sabi ko, humalukipkip siya at ngumuso na para bang ayaw kausapin ang Daddy niya. Halatang nagtatampo siya dito.

Napatingin ako kay Ethan at hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon dahil sa ibinibigay niyang pagtitig saakin. "What?" Bulong ko, pero isang pagngisi lang ang isinagot niya saakin na talaga namang kumalabit sa puso ko.

"Of course, ibibili ko si Sebastian. Yun ay kung makikipag bati siya saakin." Natatawang sabi ni Ethan, tinitigan ako ni Seb na para bang nagtatanong siya pero nagkibit balikat lang ako.

Unti unti siyang humarap kay Ethan, "D-Daddy..sorry." Bulong niya na nagpahalakhak saakin ng mahina, yumakap siya kay Ethan at hinalikan ito. "Bad na ni Sebastian." Bulong ni Seb sa ama, "Dapat big boy na ako." Napapangiti nalang ako.

"Bili mo na ako." Hiling niya, ngumisi si Ethan atsaka hiniga si Seb, nanlaki ang mata ni Seb nang itaas ni Ethan ang kamay niya sa parang isang gagamba at unti unti iyon na ginalaw galaw at wala pang dalawang segundo kaagad kiniliti ni Ethan ang tiyan ni Seb!

"Waaa! D-Daddy! Daddy! Stop!" Humahagikhik na hiyaw ni Seb, panay naman ang halakhak ni Ethan.

"T-Tita Claire!!" Sigaw niya at nagsisisipa siya, hinampas ko sa likod si Ethan. "Tigilan mo na hinihingal na yung anak mo." Natatawang suway ko sakanya, ngumisi si Ethan at umayos ng upo nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong bigyan ng isang sandaling halik sa labi!

Napatingin ako kay Sebastian pero nakatungo ito ngayon at tumatawa, "Makita ka ng bata!" Suway ko sakanya at hinampas ko ang dibdib niya.

Ngumiti siya at hinaplos ang kamay ko, "Thank you.." Bulong niya at hinalikan muli ang labi ko pero itinulak ko siya! Tumawa lang siya at muli nang binuhat si Seb, "Bibili na tayo ng mini pool!" Sigaw ni Ethan.

"Yehey!!"

___

"I want blue one! With a lot of sharks!" Ganadong ganadong hiyaw ni Sebastian dito sa mall, namimili na siya ng mini pool.

"This one?" Usisa ni Ethan sa anak, tumango tango si Seb sakanya habang tumatalon.

Kaagad niyang itinuro iyon sa sales lady, naka black polo shirt ngayon si Ethan na tinernuhan ng dark blue jeans. Magkapareho nga sila ni Seb ng damit eh, para bang kambal silang dalawa, yun nga lang maliit si Seb.

Lumingon saakin si Ethan, "What do you want for clothes baby?" Tanong niya na nagpaawang sa bibig ko, nasabi ko na bang hindi pa ako naliligo? Umalis kami ng unit niya na hindi pa ako naliligo dahil wala akong dalang damit.

"Ihatid mo nalang muna ako sa bahay." Suhestiyon ko sakanya na nagpakunot ng noo niya. Sandali niyang sinulyapan si Seb na ngayon ay naglalaro doon sa mga maliliit na bola sa isang mini pool, naglakad siya palapit saakin. Itinaas ko ang dalawang kamay ko at umiling iling ako.

"Hindi pa ako naliligo!" Suway ko sakanya, ngumisi siya. "I don't care. Hindi ka naman mabaho and besides, maganda ka pa rin." Aniya na nagpaawang sa bibig ko, isang Ethan Luke Cando kasi ngayon ang naririnig kong nagpapaka sweet ang dila o bibig.

Dinukot niya ang cellphone niya sa bulsa at nag dial doon, itanapat niya iyon sa tainga niya habang titig na titig saakin. Napalunok ako nang kagatin niya ang ibabang labi niya.

"Good morning France, kailangan ko ulit ng damit. Yes." Napataas ang kilay ko habang titig na titig sakanya dahil sa kausap niya, "Same size. Of course, underwear and bra." Seryosong aniya na nagpapula sa mukha ko, seriously? Hindi ba siya nahihiya na nanggagaling iyon mula sa bibig niya?

"Beige shirt, dark jeans size..." Napatigil si Ethan at napaatras ako nang bigla niya akong hapitin sa baywang ko pababa, nakarinig ako nang pag singhap sa paligid namin, yung mga sales lady iyon na nagpapantasya kay Ethan.

Narinig kong ngumisi si Ethan, "Size 24 for the jeans." Napakunot ang noo ko dahil size ko iyon sa jeans.

"Yes, thank you France. Kailangan ko yan 12 o'clock in the afternoon, sa unit ko." Pagtatapos niya at mabilis na pinatay ang cellphone.

"Daddy!!" Napaatras ako nang marinig ko ang hiyaw ni Seb mula sa mga laruan, lumingon si Ethan sakanya at nakapamulsang lumapit doon.

"Daddy, look oh! Hot wheels cars!" Manghang manghang hiyaw niya habang tinuturo ang mga maliliit na kotse na may ramp stage.

Lumapit ako sakanila at nakita ko ang nangingiting labi ni Ethan, "And?" Kunyaring clueless na tanong niya sa anak.

"Buy me." Kumikinang kinang pa ang mata ni Seb na para bang nanalo siya sa isang pa-games ng teacher niya. "Please!" Pinagtagpo niya ang dalawang palad niya at mas ginandahan pa ang ngiti kay Ethan.

Humalukipkip si Ethan, "You have to chose, mini pool or hot wheels?" Seryosong tanong ni Ethan sa anak.

"Both!" Masayang hiyaw niya.

"No, isa lang anak." Nakakatawa si Ethan dahil kitang kita mo ang pagiging istrikto niya dito pagdating sa ilang bagay. Ngumyso si Seb at mukhang nalungkot.

"Mini pool." Bulong niya at nilayuan yung mga kotse, narinig kong ngumisi si Ethan kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran niya.

"Tuwang tuwa ka sa itsura ng anak mo." Natatawang suway ko sakanya, bumaling siya saakin at mas lalong lumapad ang ngiti niya.

"Ayokong masanay siya na basta nalang ibibigay lahat ng gusto niya, kaya naman natutuwa ako kapag nakikinig siya saakin." Aniya na mas lalong nagpahanga saakin sakanya.

___

Panay ang takbo ni Seb sa buong unit niya habang nakasuot ng trunks, nakakatuwa siyang panoorin dahil parang nag iilusyon siya na lumilipad iyong eroplanong hawak hawak niya.

Napahinto siya sa pagtakbo nang may nag door bell. "Daddy!!" Sigaw niya, kaagad lumabas ng kwarto si Ethan na naka-top less lang at naka maong pants, nag iwas ako ng tingin sakanya dahil medyo nakababa pa iyong pants niya at medyo nakikita ko na ang brand ng underwear sa suot niya. Inaayos niya kasi sa loob yung mini pool na binili namin kanina para kay Seb.

Nginisian niya ako bago tumungo sa pinto, kaagad niyang binuksan iyon at narinig ko kaagad ang boses ng isang bakla.

"Oh! Kagaya ng hiling mo eto yung mga damit, dinagdagan ko na yan ng underwear at bra!" Humahalakhak na sabi nito.

Dumiretso ito sa loob ng unit at nanlaki ang mata ko nang sumigaw si Seb, "Uncle Francis!" Tumakbo siya dito at pinugpog ng halik ang tinatawag niyang uncle.

"Big boy na ah!" Natatawang sambit nito, sa pananamit niya hindi siya mapagkakamalang bakla dahil mukha pa rin siyang lalaki. Naka-dark green na polo shirt siya at dark blue jeans, clean cut lang din ang buhok nito.

Tumingin saakin si Ethan bago ipinatong ang dalawang malaking box sa center table niya. "France, siya si Claire." Biglang basag ni Ethan sa pagkukulitan nila Seb at France.

Humarap siya saakin habang buhat buhat si Seb, lumapit siya at inilahad ang kamay na kaagad ko namang tinanggap.

"Finally, nakilala rin kita. Alam mo bang saakin kumukuha ng mga damit mo yang si Ethan, nakakatuwa lang dahil alam niya ang sukat ng katawan mo." Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa kahihiyan, napansin ko ang pamumula ng mukha ni Ethan at mabilis siyang nag iwas ng tingin saakin.

"Uh, thank you." Nahihiyang sagot ko, ngumiti siya at umiling. "Naku, wala yon, trabaho ko naman na sumunod sakanya. Designer kasi ako ng M Clothe's Line." Aniya na nagpatango saakin, ang M Clothe's Line ang isa sa pagmamay ari ng pamilya nila Ethan, kilala ang brand ng damit na ito dito sa Pinas. Maging mga artista ay sakanila kumukuha ng designs.

"Ako nga rin ang nag-gagawa ng damit para dito sa inaanak kong gwapo eh!" Hiyaw ni France at kiniliti ng kiniliti si Seb.

"Seb, si Tita Claire muna ang maliligo ha? May school kasi siya." Pakiusap ni Ethan sa anak, nginitian ako ni Seb at tumango.

"Sa mini pool kayo maliligo ni Tita Claire, Daddy?" Usisa ni Seb na nagpalaglag sa panga ko, humalakhak naman si France at hinilamos niya ang palad sa mukha ni Seb.

Umiling lang si Ethan at kinuha ang dalawang box na nakalagay sa center table, pumasok kaming dalawa sa kwarto niya at nilagapag niya sa kama yung box saka binuksan. Nandoon ang pagkarami raming tshirt at jeans, may bra at underwear din doon na nagpapula sa mukha ko.

Ngumisi si Ethan, "Sira ulong Francis." Aniya bago humarap saakin.

"Here. Pumili ka nalang kung anong gusto mong suotin. Ihahatid kita sa school." Aniya.

Umiling ako, "H'wag na, samahan mo nalang si Seb dito. Magta-taxi nalang ako." Sambit ko.

Kumunot ang noo niya, "Nandiyan naman si France, sandali lang naman ang biyahe papunta sa school, ihahatid na kita, tapos susunduin kita." Sabi niya.

Bumuntong hininga ako dahil napaka bossy nitong lalaking ito, "Claire." Mariin na tawag niya saakin.

Umupo ako sa kama niya at itinutok ko ang mga mata ko doon sa paa ko, "Ethan, hindi ka ba kinakabahan? Sa mata ni Seb palagi tayong magkasama, paano nalang kung magsumbong siya sa Mommy niya?" Bulong ko, iyan ang kanina pang bumabagabag saakin, alam kong hindi pa ako handa ulit na makaharap ang Mama ni Seb kung saka sakali.

Tumingala ako para magtagpo ang mata naming dalawa, "Hindi gagawin ni Seb yun." Bulong niya.

"Paano ka nakakasigurado? Bata si Seb, sasabihin niya ang magustuhan niyang sabihin." Pag aalala ko.

Lumuhod siya sa harapan ko at marahan na pinisil ang kamay ko, "I know Seb, hindi siya katulad ng ibang bata." Bulong niya, tinignan ko nalang siya ng buong pangamba, hinawakan niya ang baba ko at ngumiti.

"Come on baby, wala kang dapat ipag alala hangga't kasama mo ako. Maligo ka na, pagluluto kita ng lunch bago pumasok." Bulong niya at binigyan niya ako ng sandaling halik sa labi.

Tumungo na ako sa cr at napangiti nalang ako nang makita kong naka-set up na doon ang mini pool ni Seb, mabuti nalang at malaki itong cr niya. Pumunta na ako sa bath tub at tumapat sa shower para maligo.

Matapos kong maligo isinuot ko na ang v-neck na t-shirt at dark blue jeans na pinadala ni Ethan kay France kanina.

"Tita Claire! Are you done?!" Excited na sigaw ni Seb at kumaripas ng takbo patungo sa cr, napatawa nalang ako dahil sumunod sakanya si France.

Pumunta ako sa kitchen at halos mapaubo ako nang makita ko si Ethan na nakatalikod habang nagluluto, kitang kita ko ang pag galaw ng muscles niya sa likod sa bawat pagkilos niya.

Napalingon siya saakin, "Matatapos na 'to." Aniya at binitawan yung sandok, lumapit siya saakin at hinila niya ako patungo sa lamesa. Napapikit ako nang halikan niya ang ulo ko, "Uhm, bango ah." Panunuya niya saakin na naging dahilan para hampasin ko ang dibdib niya.

"Amoy ulam ka!" Bawi ko sakanya, pinaupo niya ako at ngumisi siya. "Ulam na masarap?" Napanganga ako sa sinabi niya, may pagka pilyo rin pala itong lalaking ito.

Narinig kong ngumisi nanaman siya bago bumaling ulit doon sa niluluto niya, ilang sandali pa ay pinaghain na niya ako. Chicken afritada yung niluto niya, nakaupo na siya ngayon sa harapan ko habang pinapanood akong kumain. Nasabi ko na bang ang sarap niyang magluto?

"Stop staring!" Suway ko sakanya, pero ngumisi lang siya at sumubo ng ulam.

Pinanood niya pa rin ako at alam kong namumula na ang mukha ko ngayon. Para akong high school student na tinititigan ng crush niya kung mamula.

"Alam ni France na may anak ka? Hindi ba kilala siya ng parents mo?" Usisa ko sakanya para matigil siya sa pagtitig saakin.

Marahan siyang tumango, "Si Francis yung tumayong magulang ko nung kasal." Matabang na sabi niya atsaka sumubo ng pagkain. Napaawang ang bibig ko.

"Ilang taon na ba si France?" Usisa ko sakanya. "45?" Patanong na sagot niya, pero kung titignan si France mukha siyang nasa 30's lang.

"Basta alam ko nasa 40's na siya."

"Bakit hindi ka nalang humingi ng tulong noon sa parents mo?" Tanong ko sakanya, mayaman sila at alam kong kayang gawan ng paraan iyon.

Tumikhim siya at uminom ng tubig, napatingin ako sa pag galaw ng adams apple niya sa tuwing lulunok siya. "Huli na, gulong gulo ako non Claire, at isa pa, takot ako noon kay Dad, hindi mo kilalang magalit yon. Ayoko rin na makita ni Monique yung nangyari saakin." Paliwanag niya, si Monique ang kaisa isang babaeng kapatid niya. Sa mga naririnig ko sobrang higpit nila kay Monique pagdating sa mga kaibigan lalo na kapag lalaki.

"Pero dadating yung oras na malalaman nila ang lahat." Sabi ko.

"I'm ready. Nagawa ko na lahat ng dapat." Kampanteng sagot niya, si Ethan yung tipo ng lalaki na may gustong patunayan sa lahat ng bagay na ginagawa niya.

Napatahimik nalang ako habang inuubos yung pagkain ko, "Dito ka nalang matulog ulit mamaya, ikukwento ko sayo lahat." Bulong niya, nag angat ako ng tingin sakanya pero iniwasan niya ang mga mata ko.

"I'm sorry baby." Bulong niya.

"For what?" Matigas na tanong ko sakanya.

"Naging ganito ako." Dagdag niya. Lumunok ako ng sunod sunod, alam kong nadi-disappoint siya sa sarili niya.

"Hindi mo kailangang humingi ng tawad, dahil mahal kita sa kung ano at sino ka ngayon."

___

Kagaya ng plano niya kanina hinatid niya ako sa school. Pinagtitinginan nanaman ako ng mga kababaihan dahil alam nilang may namamagitan saaming dalawa ni Ethan, pero taas noo kong hinarap ang lahat ng titig nila.

Pagkapasok ko sa unang klase ko kaagad nagtama ang paningin namin ni Jerome, nanuyo ang lalamunan ko at para bang may kung anong nakabara doon dahil sa makahulugang titig niya saakin. Kaagad akong nag iwas ng tingin sakanya at doon ako naupo sa may bintana.

Buong klase ang tangi tumatak lang sa isip ko ay yung katotohanan na alam ni Jerome na kasal si Ethan at hindi ko alam kung paano niya nalaman iyon.

Nagmadali akong lumabas ng class room nang matapos ang klase, pero naramdaman kong may humila saakin at nang lingunin ko siya ay kaagad akong nagpumiglas.

"Jerome ano ba?!" Hiyaw ko sakanya, pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkapit saakin na para bang ayaw niya akong pakawalan!

Pinagtitinginan na rin kami ng mga estudyante dahil sa paghila saakin ni Jerome.

Marahas niya akong itinulak sa harap ng sasakyan niya at nakipag sukatan siya ng tingin saakin. "Nagpunta ako sa bahay niyo kagabi, saan ka natulog?" Bulyaw niya saakin.

"Wala kang pakialam Jerome, buhay ko 'to." Sagot ko sakanya at akmang aalis na ako, pero hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at mariin na tinitigan ang mga mata ko.

"Come on Claire, you don't deserve that bastard." Bulong niya na nagpabalot ng galit sa puso ko, hindi ko alam, pero nasasaktan ako sa tuwing may maririnig akong masama tungkol kay Ethan.

"Hindi mo siya kilala." Pagmamatigas ko na nagpangisi sakanya ng mapait.

"Kilala ko yang Cando na yan, simula't sapul." Pagbabanta niya, nararamdaman kong may nalalaman siya pero may nagpipigil saakin na h'wag malaman ang mga yon.

"Paano? Sabihin mo saakin kung paano mo siya nakilala?!" Pabulong na sigaw ko sakanya.

Pumakla ang timpla ng mukha niya at parang may kung anong bumalot na emosyon sa mga mata niya, "No..hindi ko sasabihin." Nauutal na bulong niya na nagpakunot sa noo ko.

"Masasaktan ka lang." Dagdag pa niya, humigpit ang kapit niya sa balikat ko. "But please, nakikiusap ako. Itigil mo na 'to Claire, itigil mo na." Pakiusap niya, umiling ako sakanya bilang sagot.

"Mahal ko si Ethan, at handa akong masaktan." Sagot ko na nagpaluwang sa pagkakapit niya sa magkabilang balikat ko. Nagbitiw rin siya ng titig saakin at nang umalis siya sa harapan ko kaagad kong nakita si Ethan mula sa malayo, na nakapamulsa at nakasandal sa gilid ng motor niya. Naka fatigue na polo shirt siya at bagay na bagay iyon sa maputing balat niya, tinernuhan niya iyon ng black jeans. Natural lang din ang pagkakagulo ng buhok niya na mas lalong bumagay sa hugis ng mukha niya.

Titig na titig saakin ang malalim niyang mata at hindi ko mabasa ang emosyon doon. Humigpit ang kapit ko sa librong hawak ko at nanginginig ang dalawang binti ko nang maglakad ako palapit sakanya.

Umayos siya ng tayo nang magkaharap na kaming dalawa at humalukipkip siya nang hindi inaalis ang titig saakin, lumunok ako ng sunod sunod at halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang yumuko siya at binasa niya ang labi ko gamit ang labi niya, doon rin siya nagsalita sa labi ko na naging dahilan ng pagtayo ng balahibo sa batok ko.

"Pakalmahin mo nga yung lintik na puso ko, binabalot nanaman ng selos dahil sayo."

***

A/N: Pasensya na kayo. Huhu. Sorry lagi, matagal mag update. :( Alam niyo na busy ang Lola niyo. Hehe. Basta salamat sa patuloy na nagbabasa ng mga stories ko. Kakatuwa. :) <3 Lalo na sa mga nagcocomments! salamat po! Tuwang tuwa ako sa mga comments niyo, lahat po yan binabasa ko :) hindi nga lang ako makasagot kasi madalas nasa work ako. Basta thank you! ♡♡Nakakawala ng homesick! :">

Love lots.

Ate Ash. ♡♡

Continue Reading

You'll Also Like

12.8M 179K 53
[Completed] One True Love Series #2 P1 Jacky has been in love with Maico since forever. Ang kaso, ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito kahit na...
472K 9.8K 52
UNEDITED What if yesterday started to belong in the past... In a blurry memory... A dream? What if all you've gained, all you've fought for have bee...
560K 17.2K 60
[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagk...
854K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...