Sharap (Baka Girls #1)-Comple...

By gorgeouskitty

34.8K 1K 1.2K

Completed. Jasmin Samuel - isa sa mga member ng Baka Girls. Proud siyang sabihin na sa edad niyang lagpas be... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Special Chapter 1

15

779 24 19
By gorgeouskitty

Nabitin ba kayo sa last update? Hahahaha Bleeeh 

_______________________

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko habang ramdam na ramdam ko ang pamimitik ng kung anong meron sa loob ng ulo ko. Napapikit ako ng mariing muli dahil sa sinag ng araw na pumasok sa loob ng bintana ng kwartong kulay berde. Dahan-dahan ay tumayo para isipin kung bakit ako nandito? Ang pagkakatanda ko kagabi ay nasa 71 Gramercy ako pero bakit nandito na ako ngayon?

Pamilyar ang kwartong ito sa akin ng ginala ko ang mata ko palibot sa loob marami pang magugulong unan at comforter sa ibaba ng kama at alam ko na kung nasaan ako. Nakatshirt na rin ako na kulay green at short short kumpara sa suot kong dress kagabi. Tumayo na ako para lumabas sa nakasaradong pintuan nang marinig ko ang mga boses na animo may pinag-uusapang tao sa likod nila.

Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil sa hina ng boses nila at tanging hagikgik lang ang malakas. Nagtungo ako sa kanila na nakakunot noo at habang umuupo ako ay bigla silang natahimik. Alam na! Ako ang pinag-uusapan nila. Tumaas ang isang kilay ko dahil sa mga itsura ng mukha nila. “Anong meron?” Painosente kong tanong.

“Himala! Nalasing ka ata kagabi.” Tanong ni Ann na nakataas ang kilay na sumeryoso ang mukha. Malamang puro hard yung ininom namin at walang chaser pa.

“Pinaghalo-halo niyo kasi yung alak.” Angal ko sabay subo ng hotdog na nasa pinggan.

“Alam mo bang kamuntik ka ng makidnap ng lalaking hot kagabi?” Si Bianca na itinatago ang ngiti sa kanyang labi. Nginunguya ko ang hotdog na sinubo ko at inaantay na maubos iyon sa loob ng bibig ko para sagutin siya ng bilang may nagsalita ng muli.

“Boyfriend mo ba yun? Kung hindi namin siya pagtutulungan e di nadala ka na niya sa kung saan?” Si Alyssa na kita sa mukha ang takot at pag-aalala.

“Sa kanila ka daw nakatira? Oh my gosh! Naglilive-in na kayo?” Si Leslie na napaka arte at sabay hagikgik ng mahina. Tinignan siya ng masama ng mga BAKA,  kasama ko, sabay peace sign niya sa amin.

“Wala ka talagang balak na ipakilala siya sa amin? Gusto mo bang balatan namin siya ng buhay?” Si Charlyn na may hawak ng kutsilyo habang nagbabalat ng mansanas na hawak-hawak niya. Halata naman na bukod sa AKIN si Alyssa lang ang napakabait sa amin.

“Sino ang gusto niyong unang sagutin ko sa mga walang kwentang tanong niyo?” Sabay nguso ko.  So, hindi nga ako nananaginip kagabi? Sinundan daw niya ako sa Bar at kamuntik ng mapaaway dahil nakita niya akong may kasayaw na ibang lalaki, gusto niya sa kanya lang ako. Nag-init ang pisnge ko ng maalala ko yon.  Malapit na! malapit na talagang mahulog ako sa kanya dahil sa mga mabulaklak niyang mga salita. I wonder kung ilan kaming mga babae na sinasabihan niya ng ganon?

Tinignan nila ako ng masama at pwede nang matunaw konting galaw ko lang. “Fine! Sa kanya ako nakatira. Hindi sa kanila pala dahil ang parents ko ay nasa Cagayan De Oro ngayon sa Mommy niya ako inihabilin kaya yun.” Miski isa sa kanila ay hindi ko tinititigan sa pagkain lang nakatuon ang pansin ko.  Kilala ko sila at alam kong mabilis nilang mababasa ang nasa utak ko pag nakita nila ang mukha ko.

“Magkasama kayo sa iisang bahay? Oh my God!” Si Bianca na nakanganga ng magsink in sa kanya ang sinabi ko.

“Wag ka ngang malisyosa!” Sigaw ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko pag nalaman nila tiyak gigisahin ako. Hindi ako handa! Hinawi ko ang buhok kong magulo na humarang sa mukha ko at kinain ang Bacon na may kasamang Pancake. “Hindi siya magiging malisyosa kung sinabi mo agad.” Mataray na sabi ni Ann.

“Duh! Kaya ayokong sabihin dahil iba ang iisipin niyo pati 1 week lang naman ang ilalagi ko don hindi ko alam na malalaman niyo pa.”

“Sa loob ng Pitong Araw ay maaring pwedeng mangyari na wala sa plano mo.” Malumanay na singit ni Alyssa.  Siya ang pinakamahinhin sa barkadahan namin.  Umiwas ako ng tingin. Tama siya. Tamang-tama! Dahil sa iilang araw palang na pamamalagi ko sa bahay nila naging magulo na ang takbo ng buhay ko, ng utak ko lalong lalo na ng puso ko.

“Ilang araw ka na don? I bet nagkakagusto ka na sa kanya.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Leslie. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa usapan na to ang malaman nila ang nararamdaman ko ang umamin na ako sa kanila hanggat maaga pa dahil, I BET, hindi nila ako patatahimikin hangga’t wala akong sinasabi. “Kung pumayag kayong iuwi ako sa kanila ay nasa 3 araw na ako doon?” Simpleng sagot ko at hindi pinapahalata ang kaba na nararamdaman ko ngayon.

“Well, mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan kaya pwede ka ng umuwi don ngayon at gumawa ng Baby.” Nasamid ako sa juice na iniinom ko sa baso ngayon.

“Tangina, Charlyn bakit sa lahat pa ayan ang naisip mo?” Mura ni Ann.

“Pakyu, Charlyn. Anong paggawa ng baby ang iniisip mo. Mamamatay muna ako bago ako makipagsex sa kanya.”

“Oh talaga Jasmin? Paano mo malalaman na nakikipagsex na siya sayo kung patay ka na?”Sarkastik na tanong ni Ann.  Tumawa  ang apat sa kanya habang ako ay halos maubusan na ng hininga dahil sa pagmumura ko sa isipanko ngayon ng paulit-ulit dahil sa dinami-daming rason na pwedeng sabihin bakit yun pa?

“Nagpapatawa lang naman kasi ako dahil masyado ng seryoso ang usapan at bakit ba galit na galit ka kaagad dyan Jasmin. Kung alam mo lang nung naglalakad ang lalaking yun kasama ka pinagtitinginan kayong dalawa.”

“Malamang maganda ako.” Putol ko sa sinusumbong ni Charlyn ngayon bumibilis ang takbo ng puso ko pag siya ang pinag-uusapan and I hate that!

“Alam naming maganda ka. Ang sinasabi lang naman ni Charlyn sayo ay puro babae ang humahabol ng tingin sa inyo at masama pa kung titigan ka.” Paliwanag ni Alyssa.  

“Bagay naman kayong dalawa kesa dun sa co-teacher mo no.” prangkang amin ni Leslie. Umirap ako sa kawalan dahil sa mga pinagsasasabi nila para lang maiwasan ang saya at inis na nararamdaman ko dahil hindi lalaki ang naghahabol ng tingin kundi mga babae. Shit talagang lalaking yon kahit kailan laging may nakabuntot na babae.

“Take note! Yang kinakain mo ngayon na breakfast ay niluto ni Al para sayo.” Pagkasabi non ni Bianca ay mabilis na tumayo ang lima sa kinauupuan nila at tumakbo sa papasok sa kwarto ni Ann na may-ari ng kanyang condong ito. Wait? What? Itong mga nakahain na to ay niluto niya para sa akin? Nilibot ko ang paningin sa la mesa nang mahagip ng mata ko ang isang maliit na papel na may nakapatong na gamot agad ko yong kinuha at mabilis na binasa.

Take this! Para mawala ang sakit ng ulo mo.

 

-Al <3

 

Tang ina! Ang bakla niya. Ininom ko din ang gamot na ibinigay niya at tama siya nawala nga ang sakit ng ulo ko.

-

Kinagabihan ay umuwi din ako kala Tita Mildred dahil tumawag si Mommy. Nandon na rin naman siya pero yung babaerong-manyak niyang anak ay wala kaya may time akong gumawa ng trabaho ko aat walang mangiistorbo sa akin.

Habang nagtatype ako ng lesson para sa science ay nagvibrate ang cellphone ko sa tabi non. Tinigil ko muna ang ginagawa ko para basahin kung ano yon.

Sir Montello

May utang ka sa akin kahapon kaya dapat mong bayaran bukas. (:

 

Napangiti ako sa text niya at agad na nagtype para sagutin.

 

Sure. Treat ko. Sorry talaga (:

 

Kinabukasan ay maaga akong nagising at wala pa ring Al Nicholas na nagpapakita at nangungupal sa araw ko kaya pumasok ako ng MASAYA? Flag ceremony ngayong lunes kaya may oras ang mga Teacher na magkwentuhan. Nakatayo ako sa likod ng Narra para bantayan ang mga Advisory ko ng lapitan ako ni Ma’am Em-em kasama sila Mrs. Dalisay.

“Ma’am Jasmin, ikaw lang ang hindi nagpunta nung sabado. Alam mo ba yon? Pati ang principal nandoon dapat pumunta ka lalo na’t baguhan ka pa naman.” Nakangiting tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung mapipika ba ako sa sinabi niya o hindi.

“May biglaang lakad po kasi kami. Family trip, tinext ko naman po pati si Sir Montello na hindi ako pupunta at babawi nalang ako sa kanya.” Pagsisinungaling ko sa kanila habang si Ma’am Em-em ay tahimik na nakikinig sa usapan namin.

“So, meaning magdadate kayo mamaya?” Anya nito.

“Hala, hindi po. Babawi lang po baka ilibre ko lang siya ng Lunch. “ paliwanag ko. Nakakalungkot dahil hindi ako nakabili ng regalo para sa Nanay ni Sir Montello dahil maghapon lang kaming nagkulong ng mga BAKA sa Condo ni Ann at gabi na rin ako umuwi kala Tita Mildred.

“Okay.” Pagkasabi ni Ma’am Em-em non ay tumalikod na ito at bumalik sa pwesto kung saan nandon ang Advisory niya. Nagtataka akong sinundan ng tingin ang paglalakad niya, hinawakan ako ni Mrs. Dalisay sa braso ko sabay kibit-balikat nito sa akin at alis na rin nito. Anong meron?

“Ma’am Jasmin!” Tawag na mahina ni Sir Montello. Nakafreestyle lang ito ngayon at hindi nakauniform. Nakablue tee shirt ito at faded jeans habang ang sapatos nito ay may check na maliit sa gilid. Ngumiti siya sa akin na parang wala akong naging kasalanan sa kanya. Itong lalaking to talaga ang hindi mo kasasawaan tignan dahil sa ngiting nakakatunaw kumpara kay Al na puro kamanyakan lang ang alam. “Mamaya huh, after na ng work natin?” Tanong niya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa mga labi. Okay naman ang labi niya pero mas maganda pa rin ang labi ni Al na maninipis at mapupula. Napamangot ako sa iniisip kong pagkukumpara sa kanilang dalawa. Ngumiti ako ng matuwid sa harapan niya bago sinagot ito.

“Oo sige ba. Pili ka na ng restaurant na kakainan natin kahit mahal pa yan sagot ko.” Biro ko sa kanya.

“Excited na ako sa magiging date nating dalawa.” Pagkasabi niya non ay bigla niya akong tinalikuran. Anong meron sa mga tao ngayon at ang hihilig mang talikod? Nanlaki ang mata ko ng magsink-in sa utak ko ang huling sinabi ni Sir Montello. Wait?! What?! DATE?! Oh My God!

Continue Reading

You'll Also Like

207K 11.5K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
37.3K 764 7
Edited na po ito at to be published na, hindi palang po nai-proofread. Enjoy! Balak ko lang talagang mag-holy week sa farm ng lola ko. Since city gir...
55.4K 1.6K 26
Republished: Written by Gazchela Aerienne Lori--- I am not just a vampire. I can be anything I wanted to be. Kaya kong pasukin maski ang katawan mo...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...