Relationship Status: It's For...

By chamchamwatty

1.1M 12.8K 3.5K

I just changed the title to avoid confusion with other stories having the same title. This is "I LOVE YOU, KU... More

I love you, Kuya?
Chapter 1- My Kuya
Chapter 2- Monggy's Revenge >.<
Chapter 3- He really did?? >///<
Chapter 4- Chenelyn Eklavu+Keme=Monggay
Chapter 5- Coffee Crumble
Chapter 6-The Dream
Chapter 7-The Gift
Chapter 8- He is Sick, I'm Jealous!
Chapter 9- First LQ?
Chapter 10-My new found friend
Chapter 11-Nicolai and Kevin
Chapter 12- Our Night
Chapter 13- She's a bitch!
Chapter 14- 2 months.
Chapter 15-He's Back. Signs. Past
Chapter 16-Possibility
Chapter 17- Me, Him and THEM
Chapter 18- Lost Angel
Chapter 19- Moving On
Chapter 20-Engagement Party?
Chapter 22-Under the Tree
Chapter 23- Monthsary
Chapter 24- Truth
Chapter 24.5
Chapter 25- He's not my brother.
Chapter 26- Breathless :">
Chapter 27- Addicted
Chapter 28-Andrei VS Martin (part 1)
Chapter 29-I love him, too
Chapter 30- Changes
Chapter 31- It's a YES
Chapter 32- Our Baby and my UNlucky day >.<
Chapter 33- I'm her Fiancé (part 1)
Chapter 34-I'm her Fiancé (Part 2); The Monggy is back!
Chapter 35-Save the date
Chapter 36-Flashback
Chapter 37-The Accident
Chapter 38-Wide Awake
Chapter 39- Wedding Day.
Chapter 40- Fake Fiancé
Chapter 41-Dream and ... hurt again
Chapter 42- The guy who can't be moved
Chapter 43-Love is sweeter the second time around
Chapter 44-The Other Woman-Sheena Raphaela.
Chapter 45-Secret to Tell
Chapter 46-The EX and Secret Lovers
Chapter 47- Leave
Chapter 48-In sickness and in health?
Chapter 49-On This Day
Epilogue- Farewell.
HEP HEP HOORAY!

Chapter 21-New Beginning

21.2K 261 102
By chamchamwatty

Clarence’s POV

 

“WHAT?!!”

“Ano ba wag ka ngang maingay!” tinakpan niya yung bibig niya. Grabe naman kasi kung makareact!

“Eh sino bang hindi mapapasigaw sa sinabi mo saken ha?! And hell! Bat hindi ko alam yang kasal kasal thing na yan?”-Marga.

“Pano mo malalaman eh nasan ka ba? Ngayon lang tayo ulit nagkita eh” bigla siyang nag-iwas ng tingin sa akin.

“A-ano .. I’m busy. Tsk. Buti na lang at hindi natuloy yung engagement! My God!”-Marga.

Napabuntong hininga na lang ako.

“Hey pretty girls, what are you talking about ha?” lumapit siya saka ako kiniss sa noo.

“About your engagement thing” sabi ni Marga habang ginalaw yung daliri na parang naglalagay ng quotation mark.

“Oh. What about that? Tsk. Dapat ang kinwento niya sayo eh yung- hmmm hmmm” tinakpan ko yung bibig niya! Amp talaga tong lalaking to!! Tumingin siya sa akin saka ngumiti at nag peace sign!

“Hey hey ano yan ha? Bakit naglilihim saken aber?” she said habang naka cross yung arms niya.

“Ha-ha? Wa-wala lang yun” tapos tumingin ako kay Mahal “Alam mo ang adik mo eh noh? Super” saka ko siya inirapan.

“Mahal, bakit ayaw mo pang ipasabi kay Marga tutal alam naman niya yung sitwasyon natin”-Andrei.

“Ka-kahit na” nahihiya talaga ako!

“Nahiya ka pa saken? Sabunutan kaya kita gusto mo ng matanggal yang hiya mo?”-Marga.

“Aish! Oo na! tsk. Ka-kasi ano .. “

Magtatanan na kami”-Andrei.

“O.O”-mukha ni Marga.

“Aray!” hinampas ko nga siya sa braso! Ang adik talaga eh!!

“Hindi! Tsk, umayos ka na nga! Kasi ganito yun Marga, he asked me kung .. kung kaniya lang daw ako” eto na naman yung mukha ko! Namumula!

“And then?!” nakanganga pa din siya. Swear! Ngayon ko lang nakitang ganiyan si Marga!! Hahaha!

“Then I .. I said yes”naramdaman kong hinawakan ni Mahal yung kamay ko na nasa bibig niya. Oo nga pala! Sorry naman nakalimutan kong natatakpan ko pa yung bibig niya.

Biglang nagring yung phone ni Marga at pagkakita niya kung sino yung tumatawag bigla siyang namula! Yung totoo, anong nangyari sa kaniya sa mga panahong hindi kami nagkikita?!

“E-excuse” then lumabas na siya ng resto.

Naiwan kaming dalawa ng kolokoy na to! Lumipat siya ng upuan sa harapan ko.

“Mahal” sabay ngiti ng malapad.

“Saya mo ha?” pero napangiti din ako, nakakadala kasi yung ngiti niya eh ^//////^

“Oo naman, super saya.” Edi ako na nga kasi kinikilig ng bongga!

I said yes to him that night when he asked me if kaniya lang ako. Para saan pa at tatanggihan ko siya? Sobrang dami na ng nangyari pero hindi sapat yun para bitiwan ko siya. Maybe at first ayoko na talaga pero ang makita ko siyang nakaluhod sa harap ko at umiiyak, naramdaman kong hindi lang ako ang nasasaktan. Tama na yung MINSANG PAGPAPADALA KO SA GALIT, tsaka sobrang sakit pareho ng naramdaman namin, susuko ba kami kagad? Unang problema pa lang to, kaya dapat magkasama kaming haharap dun.

 

“Hey” nagulat ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

“Bakit?” lumilipad na pala yung utak ko! Maygolays

“Sabi ko po hindi ka ba papasok? Diba sabi mo may exam kayo?”-Andrei.

“Shocks! Oo nga pala!! Thank you for reminding me mahal” agad kong kinuha yung bag ko. Si Marga kasi eh!

“Always welcome my love. Tara na hatid na kita then diretso na ako sa office” after nun eh hinatid na nga niya ako sa school. That feeling habang nasa byahe kami eh super saya? Walang dull moments at patuloy lang kami sa pakikipagkwentuhan na kala mo sobrang tagal naming hindi nagkita. Pag traffic eh he hold my hand and gently kiss it.

“Just text me if tapos na yung klase mo okay? Susunduin kita” nasa tapat na kami ng school.

“Yep. Ingat ka mahal ha” he leaned closer saka ako kiniss sa lips. Short but sweet.

“Opo. Sige na pasok ka na, mahal kita”-Andrei.

“Mahal din kita”-ako. Pagkababa ko ng sasakyan nag wave muna ako saka tuluyang pumasok. Kinakabahan ako, ilang days akong hindi pumasok at andun pa din yung takot ko sa ibang tao. Nalaman ko lang na may exam kami ng minsan kong makasalubong si Jenny, which is classmate ko.

“Ms. Valdez” nakasalubong ko yung prof ko. Waaaaaah!!

“Ma’am” hindi ko alam sasabihin ko eh, na speechless.

“Follow me at the faculty room, we need to talk” so gaya ng sinabi niya sumunod ako sa kaniya sa faculty room.

“Have a sit” tinuro niya yung upuan sa harap ng table niya.

“Thank you po”-ako.

“So I’ll get straight to the point iha, ilang days kang absent sa mga klase mo and ang worst eh sa mga majors mo pa. I said worst kasi you know the policies here in our university diba.”-Mrs. Mendoza.

“Dropped na po ba ako?”-ako.

“Sa subject ko iha hindi, so I’m giving you the chance para makasunod sa mga namissed mong mga klase, I’m giving you a project para sa ganun hindi ka bumagsak”-Mrs. Mendoza,

“Wah! Thank you po Ma’am, ano pong project yan?” biglang bumukas yung pintuan and nakita ko si Martin!

Nginitian ko siya. Inirapan niya ako.

“So Ms. Valdez kapartner mo si Mr. De Jesus sa project mo”-Mrs. Mendoza.

“A-ano po bang project?” –ako.

“You must conduct a research about sa early pregnancy ng teenagers nowadays”-Mrs. Mendoza. Napatingin ako bigla kay Martin pero nakayuko lang siya!

“Yu-yun po talaga ang project Ma’am?”-ako.

“Yes, so I have to go cause may klase pa ako. Bye” then she left us. Pagkalabas ni Ma’am eh tumayo na din si Martin.

“Martin” tumigil siya sa paglalakad pero hindi siya tumitingin saken.

“Oh?” ramdam ko yung coldness sa boses niya. And I know the reason why.

“A-ano .. ke-kelan natin, kelan natin sisimulan yung project?”-ako.

“ASAP” then lumabas na siya ng faculty room. Ayoko ng ganito eh, sinundan ko siya saka inakbayan! Ang hirap pala -_________-

“Dapat mag-usap na tayo kung anong gagawin natin. Hmmm, eh kung mamaya umpisahan na natin? I mean kahit draft gumawa na –“ napatigil ako sa pagsasalita ng alisin niya yung kamay ko sa balikat niya.

“Don’t act as if nothing happened. Don’t talk to me unless I talk to you” tapos iniwan niya ako. Ang laki ng galit niya sa akin, kung sa bagay lagi niyang sinasabi na wag na akong bumalik kay Kuya and dahil sa mahal niya ako.

Pero bakit ganun, ayoko ng ganito kami? Feeling ko sumisikip yung dibdib ko eh.

Andrei’s POV

 

“The meeting is adjourned” isa isa na naming inayos yung mga gamit namin. Ang daming trabaho, nakakainis.

“Mr. Valdez, maiwan ka” ha? Ano kayang ipapagawa saken?

“Aalis ako mamayang 3:00 pm kaya ikaw na lang ang makipag meeting kay Mr. Samonte and ako na nagsasabi sayo, mahirap siyang kausap at i please kaya hangga't maaari, gawin mo yung best mo.”-Mr. Luan.

“Ok po sir” after that lumabas na ako ng conference room at pumunta sa office ko. Nakakapagod, namiss ko siya bigla ha. Sobrang saya ko kasi nagtiwala pa din siya sa akin and I promised to her na gagawin ko ang lahat mapatunayan ko lang sa kaniya na sincere ako sa lahat ng sinabi ko.

Teka nga, anong oras kaya siya uuwi?

To: Mahal ko

Mahal, anong oras uwian mo?

 

Sent.

Habang naghihintay sa reply niya, tinignan ko muna yung mga folders sa table ko. Shet, ang daming gagawin! Ilang araw ba akong nawala? Tsk,

Bzzzt Bzzzt

 

Yan nagreply na siya.

From: Mahal ko

4:00 pm =)

 

Kahit smiley sa text lang napapangiti na ako, naiimagine ko kasi yung ngiti niya eh. Baliw na talaga ako.

To: Mahal ko

Ok. Just wait me sa may cafeteria sa tapat ng school niyo ha? I love you

 

Sent.

Lumipas ang ilang oras at hindi pa ako tapos sa ginagawa ko. Hindi ko na nga napansin na hindi na nakapagreply si Mahal, busy din siguro yun, kung sa bagay ilang araw ba siyang hindi pumasok?

2:45 pm.

Nag-ayos na ako ng sarili saka lumabas ng office ko. I have to meet Mr. Samonte. Pagkalabas ko ng office ko may nakita akong isang lalaki na nakatalikod sa akin at nakatingin sa labas ng building.

“Excuse Me?” then humarap siya sa akin. He look familiar.

“Andrei” sabi niya.

“Yes sir? May kelangan po ba kayo?”-ako.

“I’m Mr. Samonte, we met at your engagement party remember?” he offered his hand.

“Ah! Yes, kaya po pala pamilyar kayo.” Then nag shake hands kami.

“So sabi saken ni Mr. Luan ikaw daw ang makikipag meet sa akin”-Mr. Samonte.

“Yes Sir, actually pababa na sana ako para salubungin kayo pero kabaligtaran ang nangyari, sorry for waiting let’s go?” maglalakad na sana ako papunta sa office ko para pagbuksan siya ng pintuan ng magsalita siya.

“Let’s go outside, ayoko dito” tapos nauna na siyang maglakad. Okay, ano bang magagawa ko eh siya masusunod. Habang naglalakad kami palabas ng building pinagtitinginan kami ng mga tao, no, si Mr. Samonte lang pala coz the way he walks full or authority and power. Para sa akin, nakakatakot siyang kalabanin, kaya pala ganun na lang ang gusto ni Mr. Luan na imeet ko si Mr. Samonte dahil halatang bigatin siyang tao.

Sumakay kami sa sasakyan niya at may driver siya.

Tahimik lang kami sa buong byahe, I didn’t dare to talk. Di nagtagal eh nakarating kami sa ..

Bahay niya?

Naunang bumaba yung driver niya saka siya pinagbuksan ng pintuan. Ako naman bumaba na din. Base sa nakikita ko, he’s rich, very rich.

“May I have those papers?” agad kong inabot sa kaniya yung folder na naglalaman ng agreement na mag-iinvest siya sa company namin, kinuha niya yung sign pen niya at agad agad na pinirmahan yung papel! The hell! Hindi man lang niya binasa? Eh bakit sabi ni Mr. Luan eh mahirap daw kausapin tong si Mr. Samonte?

“Here” nanginginig pa akong kinuha sa kaniya yung folder! Teka nga, namamalikmata ba ako? Hindi eh, may pirma niya talaga!

“Business matter is over. So can we have a drink?” alok sa akin ni Mr. Samonte,

“O-ok po” pag ganiyang inaalok dapat hindi tumatanggi kasi baka mamaya biglang punitin tong papel eh!

“Follow me” tumayo na ako at sumunod sa kaniya hanggang sa makarating kami sa isang room na puno ng wine, brandy and even beers. Kumuha siya ng isang bote at dalawang baso saka pinatong sa isang table. Grabe, collection niya to?!

“Mr. Samonte, may itatanong lang po ako. Business partner po ba kayo ni Daddy?” magkaharap na kami ngayon sa table.

“Yes, before. He’s my old friend kaya nagpunta ako sa engagement party mo. He invited me”-Mr. Samonte.

“I see,”-ako.

“So, si Felix lang pala ang may gusto nun?”-Mr. Samonte.

“Actually hindi po, yung ex-fiancé ko ang nagpumilit nun”-ako.

“Ellaine? Is that her name tama ba?” tanong niya.

“Opo. Marami po kasing nangyari before that so ayun, she talked to my Dad na as soon as possible daw po eh dapat makasal kami”-ako.

“She’s brave ha? Nagawa niyang utusan ng ganun si Felix?” nakangisi niyang tanong.

“Bakit po?” uminom muna siya bago nagsalita.

“Knowing Felix eh hindi siya basta basta susunod sa isang tao and to think na ibang tao pa unlike family or relatives.”-Mr. Samonte, habang nagsasalita siya nakatingin siya straight to my eyes.

“So matagal na po talaga kayong magkakilala? You’re right, ganun nga po si Daddy”-ako.

“As I’ve said matagal ko na siyang naging kaibigan, it’s just nagpunta ako ng America para magtrabaho dun”-Mr. Samonte.

“Kaya po pala kayo yumaman ng ganito?” panunukso ko sa kaniya. tumawa naman siya.

“You can say na ganun na nga haha”-Mr. Samonte.

Sagilt kaming natahimik pareho.

“By the way, is Clarence your sister?”-Mr. Samonte, nagulat ako sa tanong niya.

“Yes Sir, bakit po?”-ako.

“Na meet ko siya dun sa party, diba celebration din yun ng debut niya? Ilang taon ba ang age gap niyo?”-Mr. Samonte.

“6 years po” tumango tango siya.

“6 years, wala na ako dito nun.” Sabay inom sa wine.

“Nasa America na po kayo nun?”-ako.

“Yeah, 24 years akong nasa America”-Mr. Samonte.

“Tanong lang po, nagpunta po ba kayo sa America dahil sa business niyo?” biglang nagseryoso yung mukha niya.

“Actually, pumunta ako sa America ng walang wala. You can say na wala in a way na, walang family or pera. Sa America ako nagsikap na magtayo ng sarili kong business which is napakahirap dahil sa wala nga kong perang pangtayo ng negosyo nun. Lahat yun kinaya ko, to the point na lahat ng trabaho dun pinasukan ko just to earn income. But, sa lahat ng pagsisikap kong yun hindi pa din mawala sa isip ko kung ano yung dahilan kung bakit ako nagpunta sa America”-Mr. Samonte, napatigil siya saglit and nakikita kong bigla siyang nagalit.

“The reason kung bakit ako nagpunta dun ay dahil sa kapatid ko. And alam yun ni Felix” galit pa din yung nakikita ko sa mga mata niya. He drink straight the wine saka nagsalin ulit.

“Sorry for asking Mr. Samonte”-ako.

“That’s okay, well that’s life kahit kadugo mo tatraydurin ka just to get what they want.”-Mr. Samonte. “Wait, ikaw naman ang iinterviewhin ko. Anong nakain mo at bigla kang umtras sa engament niyo ni Ellaine?”-Mr. Samonte.

“Coz I don’t love her, napilitan lang ako. At may malaking kasalan saken ang babaeng yun kaya nagawa kong maglakas loob na iwan siya sa gabing yun mismo”-ako.

“May I know kung anong kasalanan yun?” okay lang naman sigurong sabihin tutal nag-open siya saken eh.

“Siya ang may kasalanan kung bakit nawala yung anak ko” shit!! Pag naaalal ko yun gusto ko siyang patayin!

“Baby? Baby niyong dalawa?” umiling ako bilang sagot.

“Baby namin ng babaeng mahal ko.” At yun ay si Clarence, ayoko namang sabihin sa kaniya kasi baka may kung ano na namang mangyari.

“Wow. Wala na akong masabi sa kaniya. Let me guess, nagawa niya yun para makuha ka?” hindi po.

“Yes” I said to him. Nagtanong pa siya about sa akin, about nung bata ako at mga interest ko, nakakatuwa nga dahil pareho kaming mahilig mag bowling. Good yun para pag may time kami eh makakapaglaro kami pareho.

May kumatok then bumukas yung pintuan.

“Sir, nakahanda na po ang dinner” what?! Dinner?! Shet! 7:30 pm na pala! Si Clarence naghihintay!!

“Oh san ka pupunta iho?” kinuha ko yung folder.

“I have to go Sir, nakalimutan ko na susunduin ko pala yung kapatid ko. Sorry sir and thank you po”-ako.

“Wait! Ipapahatid na kita sa driver ko para mas makarating ka kaagad sa pupuntahan mo”-Mr. Samonte.

“Thank you po”-ako. Shet naman! Napasarap kasi yung kwentuhan namin eh!!  Sana hindi magalit saken si Mahal, kainis. -_______-

Clarence’s POV

 

=__________________________________=

8:00 PM NA!!!! ASAN NA BA ANG LALAKING YUN?!! NAKAKAINIS NAMAN! SABI NIYA SAKEN 4 PM SUSUNDUIN NIYA AKO!!!!

Inuugat na ako dito, bakit ba ang tagal niya.

Bahala siya! Uuwi na nga ako! Tumayo na ako saka naglakad palabas ng cafeteria!

“hey!” nakita kong tumatakbo papalapit sa akin ang lalaking nagpahintay sa akin ng sobrang tagal!!

“Bakit ngayon ka lang ha? Marunong ka bang tumingin ng oras?!” nakakainis kasi!

“Sorry, galing akong meeting and napasarap yung usapan, sorry na”-Andrei.

“Sana man lang tinext mo ko! Kaya ka nga may cellphone diba?”-ako.

“Sorry na. bawi na lang ako sayo” ngumiti na naman siya! Naku Clarence, tumanggi ka!! Tumanggi ka!! >3<

“DAPAT LANG!!” sabi ko bang tatanggi ako?! Waaaaah!!!

“Asan pala yung kotse mo?” kanina kasi dala niya yun eh.

“Nasa office, sa labas kami nag meeting eh. Ayun, pinahatid na lang ako ni Mr. Samonte sa driver niya”-Andrei.

“Mr. Samonte? Parang pamilyar?”-ako.

“Yeah, na meet mo daw siya nung engagement something” haha! Engagement something talaga.

“Ah! Oo si Tito Paolo! Pero ang galing ha? What a small world at akalain mong makikilala mo siya. Wala lang”-ako.

“Oo nga eh, teka nagugutom na ako, kain tayo sa Jollibee”-Andrei.

“And alam mo kung anong pampawala ng badtrip ko ha?”-ako.

“Oo naman, mamaya may gagawin ako para mawala na ng tuluyan yang inis mo”-Andrei, so sabi nga niya kumain kami sa Jollibee, waaaaaaah! Ang tagal kong hindi nakakakain dito ha. After naming kumain eh naglakad lakad ulit kami.

“Sakay na baby” umupo siya sa harap ko.

“And what do you think you’re doing KUYA?” nilingon niya ako.

“Ano pa nga ba? Giving you a free ride. Dali na, para mawala na yang pagkainis mo saken” ano pa nga bang magagawa ko? Nagpumilit eh, pumasan na ako sa kaniya saka siya naglakad. Nakayakap ako sa leeg niya.

“Natatandaan mo ba dati nung bata ka, pag inaaway kita tas umiiyak ka, pinapasan kita then after nun bati na ulit tayo. Cute mo nga nun eh”-Andrei.

“Cute ba yun eh umiiyak nga? Eh kasi bakit ba ang hilig mong mang-inis ha?”-ako.

“Kasi nga nacucutan ako sayo dati. Pero pag umiiyak ka natataranta na ako, buti nga umepekto yung ginawa ko eh.”-Andrei. Ang sarap palang alalahanin nung ganun,

“Mahal” tapos niyakap ko pa siya.

“Hm? May problema ba?”-Andrei. Sasabihin ko ba?

“Wala naman, namimiss ko lang nung mga bata tayo. Ikaw kasi pinaalala mo eh” siguro hindi ito yung tamang oras para magbanggit ako ng tungkol kay Martin and besides ako na lang ang mamomroblema dun.

“Haha. Don’t worry pag may time tayong dalawa pupunta tayo kina Lola”-Andrei.

“Eh!! Ayoko!!”-ako. Takot kasi ako kay Lola, ewan ko ba pero ang higpit higpit niya sa akin T^T

“Bakit naman? Hahaha! Eh mabait naman si Lola ha?-Andrei, nakuha pang tumawa?!

“Sayo,oo. Saken, hindi!”-ako.

“Eh siyempre binasag mo yung favorite base niya kaya siya nagalit sayo pero trust me, nakalimutan na niya yun”-Andrei.

“Sana nga. Waaaaaah!! Sa iba na lang tayo pumuntaaaaaaaaaaaaa~” ginagalaw ko yung paa ko. Nakakainis ayoko dun!

“Wag kang magulo, baka mahulog ka!”-Andrei. Hindi ko siya pinansin! Nakakainis, sa dinami dami ng lugar na pupuntahan namin bakit dun pa kay lola? Waaaaaaah!! Bigla siyang napahinto sa paglalakad.

“Oh bakit?” straight lang yung ulo niya. Waaah! Nagalit kaya to saken? Kaso pagkatingin ko sa tinitignan niya, sa tapat pala kami ng isang resto pero medyo malayo kami dun and nakita ko si Ellaine!!

“Si Bruha yun ha?” may kasama siyang lalaki!

“Shit, so siya ang dahilan?”-Andrei.

“ha? Anong siya ang dahilan? Hindi kita gets.

“Si Ellaine ang dahilan …

Kaya nagbreak si Marga at Larry”-Andrei

****************************************************************************************

HELLO! AYAN PO AT AKO’Y NAKAPAG UDPATE NA.

ACTUALLY, DAPAT QUIT MUNA AKO SA WATTY DAHIL SA SOBRANG BUSY KO SA SCHOOL. PERO DAHIL SA MAHAL KO KAYO AYAN PO. PERO PAKIUSAP KO LANG PO NA SANA MAINTINDIHAN NIYO AKO PAG MATAGAL HINDI MAKAPAG UPDATE.

SABI NILA PAG GUSTO MO TALAGA ANG ISANG BAGAY MAGAGAWAN MO NG PARAAN, PERO SA AKIN KASI KAHIT ANONG GUSTO KONG UPDATE EH HINDI KO MAGAWA DAHIL SA DALAWANG BAGAY NA KULANG SAKEN, UNA NA DIYAN AY ANG ORAS AT PANGALAWA EH YUNG IDEAS. KAHIT ANONG PILIT KO HINDI TALAGA KAYA YAN, PROMISE.

KAYA SA MGA NAGBABASA NETO, SANA TALAGA MAINTINDIHAN NIYO. ALAM KONG BUSY DIN KAYONG TAO AT BIBIGYAN NIYO NG TIME ANG PAGTINGIN KUNG MAY UPDATE NA BA AKO O WALA. NAAAPPRECIATE KO YUN PERO SANA MAINTINDIHAN  NIYO NA IT TAKES HOURS PARA MAGTYPE. AT ETO NASINGIT KO SIYA DAHIL WALA AKONG “MASYADONG” GINAGAWA.

YUNG FEELING NA GUSTO KO NG MAGPAKAMATAY DAHIL PO TAMBAY SI STRESS SAKEN^_^

YUN LANG PO. SALAMAT SA INYONG LAHAT!!

#MMDB <3

Continue Reading