Dear Diary

By iammissblue

6.3K 60 10

( tagalog story ) ang dating ng kwento nito ay parang pagkwekwento lang kasi first person ang gamit ko so... More

Dear Diary
Chapter 1: Mr. Ray-ban
Chapter 2: Fireworks
Chapter 3: Kiss
Chapter 4: Family
Chapter 5: "I Like you"
Chapter 6: Ano nga ba?
Chapter 7: Masquerade
Chapter 8: Numbness
Chapter 9: nakakahilo... nakakalito...
Chapter 10: Birthday Wish
Chapter 11: "Ama"
Chapter 12: about to lose
Chapter 13: "Ina"
Chapter 14: Torn between two lovers
Chapter 15: Jake
Chapter 16: Twilight
Chapter 17: Pagpapatawad
Chapter 18: Somebody that I used to know
Chapter 20: Maling akala
Chapter 21: Unexpected
Chapter 22: Baby Austin
Chapter 23: Sunset
Chapter 24: Ex-girlfriend
Chapter 25: That should be me
Chapter 26: it's my Insecurities...
Chapter 27: I love you... will you...?
Chapter 28: I love you... will you...? [Part 2]
Chapter 29: Mr. Hernandez
Chapter 30: Surprise!

Chapter 19: Someone like you

185 1 0
By iammissblue

Chapter 19: Someone like you

Dear Diary,

Ang tagal ko na ring hindi nakasulat sa’yo. Sorry ah. Naisip ko kasi na kung gusto kong makamit ang katahimikan eh, kailangan ko munang umiwas sa mga bagay na magpapaalala sa’kin sa mga masasakit na araw. Pero okay na, ito na ko, handa na ulit balikan ang lahat. Ang dami kong ikwekwento sayo...

“Lumipas ang mga Segundo, minuto, oras...

Lumipas ang mga araw, lingo at mga buwan...

Lumipas ang panahon nang napakabilis...

Lumipas ang lahat nang hindi ko namamalayan...

Kailangan ko harapin ang nakalipas, para makalakad muli...

Ang nakalipas na humulma sa kung ano ako ngayon...

Ang nakalipas na parang aninong nakasunod...

Ang nakalipas na nagpasakit sa’kin...

Ngayong lumipas na ang lahat, ito ako handa ng muling harapin ang lumipas...

Ang nakalipas...”

~

Dumating ang araw ng graduation, si Mama at Papa, pati si Kuya Kurt ay sobrang proud sa’kin. Rinig ko talaga ang hiyawan nila hanggang sa pagakyat ko sa stage. Sinubukan kong ngumiti, ipakita na napakasaya ko dahil alam ko, isa sa 300 na tao sa theater, nandun si Christian at si Jake.

Nakakasilaw ang mga flash ng camera ng bawat pamilya, kala mo tuloy may mga paparazzi. Nagpakuha kami sa school photographer after ng ceremony, una kami lang ni Kuya then kami ng mga magulang ko. Yup, magulang ko, bati na kami. Naayos na namin ang mga dapat ayusin. Well, sila lang kasi natakbuhan ko after ng nung party eh, iniyak ko problema ko sakanila, gumaan ang loob ko at dun ko naisip, I miss them, I miss my papa and mama so now, I have my family back and complete.

Pumunta kami sa mall para magcelebrate.

“Tara Jollibee o Mcdo?” sabi ni Kuya

“Ba’t naman tayo dun?” tanong ko

“Wala lang, matagal na tayong hindi nakakain dun eh...”

“Sabagay miss ko na din ang French fries...”

“Gusto mo dun anak?” tanong ni Mama

Tumango ako sabay ngiti.

“Sige, dun tayo.” Sabi ni Papa

After eating kasama nang family, nagpasundo ako kela Beth at Pete na nandu din sa mall. Pinaalam nila ko kela Mama at Papa para magparty kami.

“Sige na Mrs. Mercado, dapat matutong makipagartihan tong si Chloe.” Sabi ni Beth

Natawa sila mama, papa at Kuya, “Basta wag niyong lalasingin, ayoko maglinis ng suka niyan.”

“Kuya!”

“Sige-sige, hanggang anong oras ba yan?” tanong ni Papa

“Iuuwi ko po si Beth, depending on how much we enjoy. Pag medyo nagenjoy kami, baka mga 10pm o 11pm pero... pag uber saya nang party kela Rosie, baka bukas ko na siya iuwi.” Napatitig sila papa kay Beth, “Well, wasted kami so sa’min muna kami...” paliwanag niya

Nakakatawa si Beth, halata kasing aligaga sa party na ‘to kasi andun din si Jojo.

“Okay.” sabi ni papa, then nagbbye na kami at sabay hila na lang sa’kin ni Beth palabas ng Mcdo.

“Atat lang? Ang aga pa oh...” sabi ko

“Gaga, syempre magpapaganda pa tayo...”

Dumaan muna kami sa bahay nila Beth, syempre si Pete, ang dakilang taga antay namin sa baba habang kami ni Beth ay namomoblema sa isusuot. After ni Beth magshower at makapagayos, ako naman ang pinagshower niya habang siya ang nagready ng isusuot ko. Wala daw siya tiwala sa pipiliin ko eh.

Then pagkalabas ko sa banyo ng kwarto niya, nakita kong nakalatag na yung damit at sapatos ko. Pinagmadali niya kong kumilos dahil 5pm na daw. So nagbihis na ko at dun niya ko nilagyan ng make-up.

“Bagay pala sa’yo party people eh! Lalo pa’t bob cut na yang hair mo, you look wild girl!”

“Wild ka diyan! Ikaw nga halos wala ka nang suot diyan sa dress na yan... teka dress nga ba yan?”

“Adik... maiksi lang siya tignan pero hindi naman.”

Pagbaba namin nakita namin si Pete na may kausap sa phone at wagas kung makangiti. Hula namin ni Beth, pupunta din sa Sarah sa party. Si Sarah yung babaeng nameet ni Pete sa birthday ni Jake nun. Simula nun lagi na silang magkatext, tawagan at pag may time sila pareho, nagmemeet sila para magdate. Ang swerte ni Pete, kasi maganda na si Sarah at mukhang walang drama ang relasyon nila.

~

Dumating kami sa Bar na pagmamay-ari ng pamilya ni Rosie ng mga bandang magaalasyete na rin dahil sa sobran traffic. Si Rosie ay naging classmate namin noon, naging classmate ko siya nung third year ako, nagkahiwalay kami nung nagfourth year na pero si Beth and Pete naman yung naging classmates niya so parang may connection pa rin kami kahit papaano.

Ang bongga ng bar, talagang maingay and ang daming tao, halos taga school, sabi ni Rosie nung winelcome niya kami, yung mga kaclose niya lang ang ininvite niya na pumunta dun. Nagkatinginan pa nga kami ni Beth kasi kung kaclose niya lahat ‘to, kawawa naman kami dahil ni Sampu ata wala ako.

Then maya-maya, tumayo si Pete sa kinauupuan namin at sinalubong si Sarah na kakapasok lang sa may entrance at agad kiniss sa pisngi at inaya umupo sa’min. Pinakilala ni Pete si Sarah sa’min bilang formal girlfriend na niya. Nagkahiyaan pa nga yung dalawa eh.

“Guys, lipat lang ako ng table, I need to meet her friends.” Sabay alis nila Pete

Pagkakaway ko sa dalawa, napansin kong hindi mapakali si Beth. “Ano problema mo?” then nakita kong umilaw ang cell phone niya. “Ah... si Jojo?”

“Nakakaasar, wala pa siya, usapan namin 7:30pm eh...”

“Malay mo natraffic, parang tayo.”

“Sobra naman yun, eh mas malapit pa nga siya sa’tin dito.”

“Antabay ka lang kasi...”

Habang nagtetext si Beth, inabot ko yung drink na nakalagay sa mesa namin at tinikman ko. Mango juice with a twist nga lang, humahagod eh. Then naisip ko, dapat hinay-hinay lang muna ako kaya binaba ko ang baso ko. May meetig pa naman kami kasama ang papa ni Beth bukas para sa project na itatayo namin. Ang bait nga ng papa ni Beth para bigyan kami ng capital para sa itatayo naming agency. Gusto kasi magmanage ni Beth ng mga aspiring model, make-up artist, designer and photographer, ang I’m willing to be a part of it.

“Shit!” malakas na sinabi ni Beth, “Look at him!”

Tumingin naman kagad ako, “Oh my God!”

Walang hiya talaga si Jojo, kanina pa pala siya nasa bar, nakikipaglampungan lang sa mga babae sa may sulok.

“Dapat hindi ko na lang siya inimbitahan dito!”

“Pwede mo siya palayasin, hindi naman siya friend ni Rosie o graduate di ba?”

Tumayo si Beth, nilapitan si Rosie at Binulungan niya ito, Sabay pa silang natingin kay jojo na nanlalandi pa rin. Then maya-maya nakita kong tumango si Rosie at hinimas ang likod ni Beth. “Ako bahala...” ang basa ko sa labi niya.

Bumalik si Beth at sinabing samahan ko daw siya sa may girl room so agad-agad naman akong tumayo. Pero bago pa man kami makalayo, nilingon ko si Jojo at nakita kong inassist siya ng dalawang security palabas ng bar.

“Napalayas na siya...” sabi ko

“Bwisit naman!” sigaw ni Beth sabay pasok ng cubicle at dun nagsimulang umiyak ng umiyak. “Sorry Chloe! First time mong pumarty sa bar tapos ganito pa... sorry...talaga...”

“Okay lang, hindi pa naman extinct ang bar noh...”

“Oo, pero iba talaga pag inuman sa bar eh... hindi gaya nung birthday ni Jake tame pa yun...” sabi niya sa bawat hikbi. “Ay sorry... nabanggit ko na naman...”

“Okay lang, matagal na yun...”

“Chloe...” sabay iyak na malakas

“Hinay-hinay lang sa pag-iyak... hindi ka dapat magwala diyan ng sobra dahil nun pa man, alam mo na ugali ni Jojo.”

“Thank you ha... sabi mo kasi nun... hindi kita pwede iyakan pag nagloko na naman jojo pero... andiyan ka pa rin...”

“Eh kaibigan kita eh... kahit lokaret ka...”

Binuksan ni Beth ang pinto at sabay yakap sa’kin ng mahigpit habang umiiyak. “Tahan na, tara ang pangit na ng make-up mo.”

“Di nga?” sabay tingin sa salamin. “Oh em!”

~

Pagbalik namin sa kasiyahan, napansin namin na parang may nagkukumpulan sa may gilid ng bar. Yung tipong kala mo may artistang dumating. Gusto sanang silipin ni Beth kung sino yung mga dumating pero sinabi ko na siya na lang, dahil mukhang kilala ko na kung sino ang mga yun.

“Ichecheck ko...” sabay alis niya.

Umupo na lang ulit ako sa table namin at inistraight ko nang ininum yung mangi juice with a twist. I even ended up ordering two more. Pagbalik ni Beth, medyo may tama na ko. Hindi naman sa hilong-hilo pero parang tumatapang ako na ewan. Paginom ko nung pangatlo, narinig ko si Beth na nagsasalita pero dahil sa music parang nabingi ako, hindi ko nagets ang sinasabi niya. Naramdaman ko na lang na may kumuha nang basong hawak ko.

“Chloe, ano ba...” si Pete pala

“Oh, asan kadate mo?”

“Andun, sabi ko kasi kailangan mo ko dito...”

“Kailangan? Bakit?”

“Chloe,” tumingin ako kay Beth “Yung Hernandez brothers...”

“So?”

“Anong so? Kala ko ba ayaw mo makita yung dalawa?” tanong ni Beth

“Hayaan mo sila, okay na ko...” sabay tayo ko

“Lasing ba ‘to Beth?” tanong ni Pete

“Ewan ko, saglit lang naman ako umalis eh...”

“Hindi ako lasing, don’t worry... 3 pa lang naminom ko.” Hindi naman talaga ako may lasing, nagiba lang naman asta ko dahil sa mga unexpected guest.

Pinapaupo ako nila Pete at Beth nang biglang umakyat ng stage si Rosie at nagmic test na tumawag sa atensyon nang lahat. “Hi guys...” bungad niya “Well, nakakain na tayo, nakapagsayaw at inom...” then biglang may nagcheer at mga sumipol. “So, ngayon, gagawin natin ang tradition ng mga pinoy kapag may party.”

“KARAOKE!!!” sigaw ng mga lalaking nasa bandang gilid

“Bingo! Karaoke, so kung sino man ang interesadong kumanta, pumili lang at umakyat ng stage. Don’t worry, ititigil ng DJ ang music pag may maglakas ng loob na kumanta...” naghiyawan ang lahat. “So, sino una? Kahit ano, rap, ballad, rock kahit ano...” tumingin si Rosie sa crown, scanning everyone kung sino ang gusto.

May unang nagtaas nang kamay mula sa grupo sa harap, lalaki at mukhang manghaharana siya ng girlfriend niya na sinama niya pati sa pagakyat ng stage. Nagsigawan ang lahat sa kilig, yung iba naman nahihiya para sa guy, dahil kilala nila yung lalaki. What makes you beautiful ang pinili niyang kantahin.

“Ang swerte nung girl...” sabi ni Beth

“Korni kaya...”

“Ano ka ba Chloe, ang korni pa ang sweet noh... kasi ang korni means effort.”

Then lumakas ang sigawan nang biglang nagkiss yung dalawa sa stage, smack lang naman, hindi namin kakayanin kung mas malala pa dun ginawa nila.

“Tara kanta tayo?” aya ni Beth, bago pa man ako makapagsalita, hinila na kagad ako ni Beth papunta sa may harapan.

Naghiyawan na naman yung iba dahil may naglakas loob na naman. Nilingon ko yung tao at lahat sila eager marinig kumanta si Beth, napatingin din ako sakanila. Si Jake nakatingin kay Beth, nakangiti habang si Christian, nakatingin sa’kin pero agad binaling yung tingin niya sa babaeng umupo sa tabi nila ni Jake.

Sino kaya yung babae?

“I love you Beth!” sigaw ng isang lalaki from the audience, dun ko narealize tapos na palang kumanta si Beth. Pagbaba niya, tili siya ng tili sa sobrang saya.

“Grabeh! Liberating palang magwala sa stage!” sigaw niya sa’kin, “Ikaw? Hindi ka ba kakanta?”

Nagalinlangan ako, hindi ko alam ang kakantahin ko and for no reason, hindi ko alam ba’t ako napalignon ulit kay Christian, then nakita ko na nakapalipot yung babae sa braso niya. Sumikip ang dibdib ko. Parang gusto ko maiyak. Kahit pala sabihin mo buwan na ang lumipas, ganun pa rin ang feelings ko sakanya.

“Chloe...” mukhang worried si Beth

“Sige, kakanta ako...”

Nagulat siya, “Oh, anong kanta?”

After ko ibulong kay Beth ang kanta, agad akong umakyat ako ng stage. Nagpalakpakan ang lahat, “Kung may mga in love dito, ahm... may mga broken hearted din...” sabay tingi ako kay Beth and then sa kanya. “So, sorry na lang kung I don’t give justice to the song pero... here it goes...”

Dear Diary,

Ayun, kinanta ko ang someone like you by Adele...lahat tumahimik, lahat nakinig, lahat nakatingala sa’kin. Si Beth nga naiyak pa sa gilid eh. Niyakap ako pagbaba ko.hay alam mo, gusto ko din maiyak, dahil parang message ko na din kay Christian yun... akala ko, kung magkita kami ulit... babalik sa normal ang lahat pero... ayun, nakita ko siya, kasama ang isang babae... ako na lang pala ang hindi nakakapagmove on.

Ako pa tong nagsasabi na okay ako... hindi pala...

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
555 96 10
Ang spoiled bratt CEO NG PRINCE CAFFE makakahanap ng Katapat na empleyado.. Sarawat VS Tine Meet them soon! Sa IT MIGHT BE YOU SYA SI SARAWAT, ( BRIG...
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
20.9K 1.2K 20
Dahil sa naudlot na plano ni Meleena. Binigyan niya ng kakaibang sumpa ang isa sa mga tatlong anak ni Winston Miranda. Ang batang isinumpa ni Meleena...